logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Sacrifice or selfishness

Sacrifice or selfishness
Rence' POV
"Rence!" rinig kong sigaw ni papa mula sa labas ng kwarto ko.
Lumabas naman ako para pakinggan kung anong sasabihin niya. Pero niyakap lang niya ako. Syempre hindi ako nagresponse sa ginawa niya.
"Buti naman at naisipan mong bumalik anak," hindi ko sinagot ang sinabi niya. "Anak, gagawin kitang CEO ng kompanya natin," dun na ako natigilan.
"A-anong CEO pa-"
"Dad," pagcocorrect niya.
"Dad ayokong maging CEO na sinasabi niyo, bumalik lang naman ako rito dahil yun ang sinabi ni mama at wala ng iba dad," sagot ko
"Anak kapag magiging CEO ka magiging mayaman ka na rin gaya ko. Lahat ng sweldo ko mabibigay sa 'yo anak," sabi niya.
"Pero dad, hindi ko pinangarap maging CEO, kung ikaw gusto mo iba ako dad," sabi ko at bumalik na ulit sa loob ng kwarto ko.
"Anak! Rence," pagkatok ni papa sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko siya sinagot at hindi ko na rin siya inintindi.
Humiga nalang ako at tinakpan ang mukha ko ng unan. Napatingin ako sa cellphone na nasa side table nang magpop ang pangalan ni Cess.
Cess
Sabihin mo na pero ito na ang huling sasabihin mo
Bakit ba ganito na si Cess? Ang alam ko siya ang taong hindi ako iiwan hanggang huli pero mali pala ako pero kahit na ganun eh hindi ko siya susukuan.
Hance
Bakit ka ba nagkakaganyan Cess? Anong dahilan ha? Nung hindi ba kita sinipot?
Cess
Hindi yun 'yon kuya. Basta ayaw lang kitang makachat, ayaw na kitang makausap
Hance
Sabihin mo naman ng diretso Cess hindi yung nanghuhula ako kung bakit ayaw mo na akong kausapin
Cess
Itigil na natin 'to kuya
Hance
Ayoko Cess, ayaw kong pati ikaw ipagtabuyan ako, ayokong mawala ka pa sa 'kin. Hindi ko kakayanin Cess
May nakita akong luhang tumulo sa screen ng cellphone na hawak ko. Naluha na pala ako hindi ko man lang namalayan.
Hance
Ayoko Cess, ayaw kong pati ikaw ipagtabuyan ako, ayokong mawala ka pa sa 'kin hindi ko kakayanin Cess
***
Francess' POV
Napatitig na muli ako sa nireply niya. Pilit ko siyang tinataboy sa 'kin pero pano? Eh pati nga ako hindi ko kaya nang wala siya pero ito ang nakakabuti para sa 'ming dalawa.
Hance
Cess please huwag mo akong ipagtabuyan. Mahal na kita eh. So please bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para ipakita sa 'yo kung gaano kita kamahal, huwag mo akong ipagtabuyan
Cess
Ito ang nakakabuti sa 'tin kuya. At hindi ito ang pagmamahal na matatawag. Hinding-hindi mo kailanman lolokohin ang taong minamahal mo
Hance
Hindi kita niloloko Cess. Mahal talaga kita. Please bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon.
Cess
Kaya pala pinagkaisahan niyo ako ng pinsan ko Rence?
Hance
Alam mo na ang totoong pangalan ko?
Hindi pa nga kami nagpapansinan ni Dani hanggang ngayon eh.
Cess
Mas mabuting iwasan nalang natin ang isa't-isa kuya para hindi na tayo magkasakitan pa
Hance
Mas masasaktan ako kapag nawala ka pa sa 'kin Cess. Please naman
Hindi ko na mapigilan ang mga hikbi ko at napatakip nalang ako ng kamay ko sa bunganga ko para hindi mapalakas ang paghikbi ko. Nagblu-blurred na rin ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo rito.
Sunod-sunod na nga ang chat niya pero hindi ko pa maopen dahil sa hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. Ayoko naman talaga siyang lumayo sa 'kin. Kung ako nga lang masusunod gusto ko patuloy ko lang siyang kachat pero masasaktan lang namin ang isa't-isa. Kaya ayoko ng ipagpatuloy pa ito.
Hance
Cess hindi ko kayang mawala ka
Hance
Prinsesa ko please huwag mong gawin sa 'kin 'to
Hance
Cess, mahal na kita kaya huwag kang mawala please
Cess
Kuya kailangan mong tanggapin na hindi talaga tayo sa isa't-isa
"Cess kain na," sabi ni mama at kumatok pa sa pinto ko para yayain na akong kumain.
Nang hindi na ako nakapagresponse ay pumasok na siya sa kwarto ko at nagulat siya nang madatnan niya akong umiiyak.
"'Nak bakit?" tanong niya at umupo na sa tabi ko sa bed.
"Ma, ganito ba talaga kasakit magsakripisyo?" tanong ko kay mama na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Oo 'nak. Kung mahal mo at siya ang nagpapaligaya sa 'yo talagang masakit," sagot ni mama.
"Mama!" pag-iyak ko sa kanya sabay yakap dito.
"Ang anak ko," sabi niya at niyakap na rin ako pabalik. "Tungkol ba 'yan sa lalaki?" Hindi ako nakasagot sa tinanong ni mama.
Nanatili lang kaming ganun ni mama ng ilang minuto hanggang sa nagsalita muli siya. "Okay lang kung tungkol sa lalaki 'yan 'nak hindi ako magagalit, saka dalaga ka naman na," sabi pa ni mama dahilan ng pagkapanatag ko.
Kumalas na ako ng yakap and I think this is the right time para mag-open up kay mama.
"Ma may kachat kasi ako tapos matagal-tagal ko rin siyang kachat kaya napalapit ako sa kanya ng husto. Tapos nung magmeet na sana kami nung sabado eh hindi siya sumipot, at dahil dun hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nasaktan ng sobra dahil lang dun. Tapos ayoko man siyang mapalayo sa 'kin pero pinagtatabuyan ko siya palayo para hindi na ako masaktan kasi alam kong masasaktan pa ako kapag mapalapit pa ako sa kanya," mahabang paliwanag ko kay mama.
"Gusto ka ba niyang lubayan?" tanong naman ni mama.
"Yun na nga ma eh, kasi kahit anong sabihin ko ayaw niyang tumigil tapos sabi pa niya na mahal na niya ako kaya hindi niya ako kayang mawala sa kanya," paliwanag ko muli.
"Hindi pagsasakripisyo ang tawag diyan anak," napatingin ako ng seryoso kay mama dahil sa sinabi niya. "Pagiging selfish ang tawag diyan 'nak," sabi pa niya.
"Bakit naman ma?" curious na tanong ko.
"Kasi pinapalayo mo lang siya dahil ayaw mong masaktan, kung mahal ka rin naman niya bakit hindi mo bigyan ng chance ang sa inyong dalawa?" sabi ni mama na naging palaisipan yun sa 'kin. "Kung mahal mo rin ang lalaking yun ipaglaban mo anak. Halika na kain na tayo," sabi pa ni mama at tumayo na mula sa kanyang pagkakaupo kaya tumayo na rin ako para sundan si mama sa hapag kainan.
Sa hapag ay tahimik lang naman kaming kumakain. Hindi ko pa rin pinapansin si Dani nang tawagin ni mama ang atensyon ko.
"Anak hanggang ngayon pa rin ba hindi niyo pa naaayos ang tampuhan niyo ni Dani?" Tahimik lang ako. Hindi ko sinagot ang sabi ni mama.
"May tampuhan sila ni Dani?" tanong naman ni papa.
"Ah konting tampuhan lang naman tito, tita, maayos din namin 'to," sagot ni Dani sa kanila. "'Di ba ate?" Bumaling siya sa 'kin pero hindi ko man lang siya tinignan.
"Tapos na 'ko," sabi ko at tumayo na at papunta na sa kwarto ko pero hindi ko alam na sumunod pala si Dani sa 'kin.
And this time ay dahil hindi ko namalayan na nakasunod siya sa 'kin ay hindi ko naisara ang pinto bago pa siya makapasok.
"Ate naman bakit ka ba ganyan?" panimula ni Dani habang nakatayo sa harapan ko at ako naman ay nakaupo sa gilid ng higaan.
Hindi muli ako sumagot at hindi ko siya hinarap.
"Ate kausapin mo naman ako!" sabi niya kaya tinignan ko na siya.
"Bakit mo yun nagawa?" cold na tanong ko sa kanya.
"Kaya ko lang naman yun nagawa ate kasi gusto kong tulungan si kuya sa 'yo," sagot niya.
"Tulungan? Nagsinungaling kayo sa 'kin Dani," sabi ko sa kanya.
"H-hindi kami nagsinungaling ate, hindi lang namin sinabi sa 'yo ang totoo," sabi naman niya.
"Alam mo namang ayaw na ayaw kong nagsisinungaling sa 'kin 'di ba? Ayaw na ayaw kong pinagloloko ako ng isang tao," sabi ko.
"A-ate please sorry na," niyakap na ako ni Dani pero hindi ako gumanti ng yakap sa kanya. "Ate hindi ko na kasi makaya 'to eh. Gusto kong bumalik na tayo sa dati," sabi pa niya pero hindi ko ulit siya sinagot.
"Alam na ba ni Rence kung sino ako?"
"Hindi ate," sagot niya.
***
Mabilis lumipas ang araw at bukas na ang graduation namin. Ganun pa rin ang sitwasyon. Pinagtatabuyan ko pa rin si Rence kahit na ayaw niya akong tigilan. Alam kong inadvice-an na ako ni mama about dun pero alam ko rin kasi na kahit anong gawin namin ay may masasaktan at masasaktan pa rin sa 'ming dalawa kung ipagpipilitin namin ang mga gusto namin. Na hindi naman talaga kami pwedeng magsama, o ako lang talaga nag-iisip ng ganito?
Si Kris naman ay mas naging caring siya at sweet syempre manliligaw ko eh. Siya rin ang isang taong ayaw kong mawala sa buhay ko. Kaya balak ko siyang sagutin sa graduation. Um-oo naman sila mama about dun.
Oo inaamin kong namiss ko na talaga ang dati naming pagsasama ni Rence at inaamin ko rin sa sarili kong mahal ko na rin siya pero kasi may masasaktan talaga sa 'ming dalawa eh. At saka hindi naman kasi mahirap mahalin si Kris.
"Tikman mo 'to Cess oh masarap," sinubuan ako ni Kris ng kung ano mang binili niya.
"Masarap nga," sabi ko.
"Binili ko talaga 'to para sa 'yo, kainin mo lang," sabi niya kaya kinain ko naman yun.
Karamihan sa mga binibigay ni Kris sa 'kin ay puro pagkain pero yung iba ay syempre gamit gaya nalang ng plastic na bulaklak o kaya mga teddy bear. Ang sweet nga niya eh.
"Anong pangarap mo Cess?" tanong ni Kris sa 'kin.
"Pangarap kong maging artista," sagot ko kay Kris.
Bata palang kasi ako ay gusto ko ng maging artista.
"Pwede naman, itsura pa nga lang talbog na ang mga ibang artista sa 'yo," sabi ni Kris sa 'kin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (119)

  • avatar
    mahneym_98

    Interesting and exciting novel! Many people will surely love and relate to this novel. It's definitely a highly recommended and a must read novel!😍💙

    05/07/2022

      0
  • avatar
    NAHPHINTAS

    Parang nabalik ako sa high school days ko dito. Love it.❤️

    04/07/2022

      0
  • avatar
    Igcasmyra

    i love it

    28/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด