logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Matapos ang insidente sa hallway ay pinili kong 'wag nalang muna pumasok sa lahat ng klase ko sa araw na ito. Medyo nabagabag ako sa mga nangyari at sa reaksiyon ni Ethan. Imbes na bumalik sa aking kuwarto ay pinili kong maglibot-libot na lamang.
Nakarating ako sa medyo madilim at mala-kagubatan na parte ng unibersidad. Kakaiba ito sa una kong napuntahan noong unang araw ko dito sa university. Mas marami at mas matataas ang mga puno na naririto na naging dahilan para magdilim ang paligid. Sobrang tahimik ng paligid na parang walang nabubuhay na kahit na anuman sa parte na ito. Nakaramdam ako ng kaunting takot pero pinilit ko paring pumasok sa masukal na parte ng unibersidad. Nakakita ako ng isang magandang puwesto at piniling humiga doon. Masyadong mabigat ang nangyari sa akin sa araw na ito at sa tingin ko nakatulong ang katahimikan ng paligid para maging kalmado ulit ako.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang balutin ng katahimikan ang aking sistema. Di kalaunan ay nakatulog ako sa lugar na iyon.
"Balik na lang tayo parang wala naman talagang pumasok dito eh!"
-sabi ng isang lalaki
"Siguraduhin muna natin. Malalagot tayo nito kay professor eh!"
-sagot naman nong isa
Kaagad akong naalimpungatan nang may marinig akong nag-uusap di kalayuan sa aking kinaroroonan. Mabuti na lamang at marami ang damo sa paligid at nakahiga ako ng mga oras na iyon kaya hindi ako nakita ng mga ito. Sino kaya ang mga ito?
"Wala ngang tao diba ? Kanina pa tayo naghahanap dito eh!"
Wala na akong narinig na sagot. Marahil ay sumang-ayon na ito sa sinabi ng kasama. Maingat akong sumilip sa pinanggagalingan ng boses at nakita ang dalawang lalaking tinatahak ang daan pabalik sa university.
Nagtaka ako ng makita na hindi sila naka-uniporme. Nakasuot lamang sila ng kulay itim na jacket at pantalon. Masyadong mahigpit ang unibersidad kaya nakakapagtaka kung bakit nakakapagsuot sila ng ibang damit na hindi nahuhuli ng Manderstein. Malayo-layo na sila ng inayos ng isang lalaki ang jacket niya sa may bandang batok nito dahilan upang makita ko ang tattoo nito. Para itong isang mata na may maliit na capsule sa gilid.
Ipinagsawalang-bahala ko nalang ito at inalala ang pinag-usapan nila. Ako ba ang hinahanap nila? Nakita ba nila akong pumasok dito? Sino si Professor? At bakit parang bawal ang pumasok dito? Nadagdagan tuloy ang mga tanong ko sa isip.
Ilang minuto ang lumipas nang mapag desisyunan kong bumalik na ulit sa university. Imbes na maging kalmado at mapayapa ang kalooban ay mas nabagabag ako. Marami ang mga tanong na nasa aking isipan.
Mabilis akong nakarating sa pasukan ng gubat nang hindi ko namamalayan. Marahil nga ay nabalot ng mga katanungan ang aking isipan. Imbes na lumabas sa mismong tarangkahan ay naghanap ako ng iba pang malalabasan. Hindi ako puwedeng lumabas doon at baka naghihintay rin doon ang dalawang lalaki kanina.
Malayo-layo narin ang aking nalalakad nang makita ko ang sirang parte ng tarangkahan. Pero kung titignan, parang sinadya ito dahil maganda ang pagkakatabas nito. Hindi pa ata alam ng mga nakatataas ng unibersidad ang sira sa parteng ito.
Agad akong lumabas mula doon. Hindi ko alam kung saang parte na ito ng unibersidad o kung sakop parin ba ito dahil wala parin itong masyadong pinagkaiba sa lugar na pinanggalingan ko. Ilang minuto rin akong naglalakad nang biglang may humatak sa akin.
Agad nabalot ng takot ang aking sistema at mas lalong bumilis ang naging pagtibok ng aking puso. Pero agad rin naman iyong nabawasan nang biglang magsalita ang taong humila sa akin.
"WHAT ARE YOU DOING HERE?"
-galit na saad sa akin ni Ethan
"Ah,eh,namamasyal lang!"
-pagpapalusot ko
Pilit kong ikinakalma ang aking sarili. Ibang-iba ang Ethan na kilala ko sa kaharap ko ngayon, punong-puno ito ng galit.
"DON'T YOU KNOW THAT IT IS F*CKING DANGEROUS TO GO HERE ASTRID?"
-sigaw niya
Medyo nagulat ako sa biglaang pagsigaw nito sa akin.
"Namamasyal nga lang ako pero bigla akong naligaw kaya napunta ako dito. Babe it was never my intention to go here!"
-sagot ko as a matter of fact
Namasyal lang naman talaga ako at hindi ko ginustong pumunta dito. Iyon nga lang hindi ako naligaw, pero parang naligaw narin iyon! Tapos!
Frustrated niya akong tiningnan. Tila ay nababaliw na siya sa mga nangyayari.
"Follow that road, that's the way to go back to your dormitory"
-kalaunan ay saad nito
"okay"
-tanging nasagot ko
Agad akong tumalikod at magsisimula na sanang maglakad nang muli itong magsalita.
"And please avoid being in danger"
-mahina nitong sabi
Ipagpapatuloy ko na ulit sana ang paglalakad nang maalala kong dapat ko pala siyang paalalahanan na maging maingat sa tuwing pupunta sa aming dormitoryo. Agad ko itong nilingon pero sa kasamaang-palad ay naka-alis na ito.
Wala na akong nagawa pa kundi ipagpatuloy ang paglalakad. Sa susunod ay sisiguraduhin kong masasabi ko na iyon sa kanya.   

หนังสือแสดงความคิดเห็น (45)

  • avatar
    Joan Sison

    ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot

    04/07

      0
  • avatar
    Sainodin Batua

    pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai

    19/04

      0
  • avatar
    Marvin Ayun

    so good 💯

    07/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด