logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Bago pa man ako makapagtanong ay nauna nang magsalita ang driver.
"Miss Vanderweele, we are here!"
"MANDERSTEIN UNVERSITY."
Binasa ko ang nakasulat sa gate. Kung gayon ay ito nga ang unibersidad na papasukan ko.
Naguguluhan man ay pilit parin akong bumaba sa kotse. Pagtapak palang namin sa lugar ay agad na bumukas ang mataas na gate na para bang hinihintay at inaasahan na ang aming pagdating.
Pagpasok ay agad tumambad sa aking mga mata ang mga nagtataasang puno. Walang masyadong pinagkaiba sa tanawin sa labas ng gate.
Agad na sumunod ako sa driver nang magsimula na itong maglakad. Kinuha naman ng dalawang nag-aabang na guwardiya ang mga gamit ko.
Mahigit limang minuto rin kaming naglalakad sa madilim na kagubatan nang huminto ang driver sa paglalakad.
Huminto kami sa parang isang guarhouse. Para itong isang bahay na puro salamin kung kaya't nakikita ang loob nito. Agad na bumukas ang salaming pinto nang lumapit kami dito. Sa tingin ko, lahat sa unibersidad na ito ay automatic.
"Please put your right hand to the machine to confirm your entrance to the university".
Isang boses ng babae galing sa isang speaker ang narinig ko. Agad kong ginawa ang iniuutos nito.
"Astrid Artemesia Vanderweele
from the Vanderweele Clan
of Magical Demonic Vampire Division
from the Auchinleck Paradox Group
has entered. Welcome to Manderstein University!"
"Please get you I.D. and your room key".
Agad na niluwa ng isang machine ang aking magiging I.D. at room key.
Sobrang excitement ang aking naramdaman nang mahawakan ko na ito. Sa wakas ay mararanasan ko nang mag-aral sa isang totoong unibersidad.
Agad na bumukas ang likod ng guardhouse. Ito lang ang tanging daan para makapasok sa mismong unibersidad dahil ang guardhouse ay nasa gitna mismo at ang kada gilid nito ay ang pangalawa at panghuling gate bago makapasok sa mismong unibersidad.
Iginaya ako ng driver palapit dito. Naghihintay na ang isang sasakyan na siyang maghahatid sa akin papunta sa aking tutuluyan.
"It will take ten minutes to arrive at your dormitory Miss Vanderweele".
Sa pagpasok ko sa mismong university ay nakaramdam ako ng kakaibang saya. Pinangarap ko lang ito dati pero ngayon ay heto ako at nakapasok na.
Pagkatapos nga ng sampung minuto ay narating namin ang isang malaking dormitoryo o mas tamang sabihin ay mansion.
"TROISIEME"
Ito ang pangalan ng aking dormitoryong titirhan.
Agad akong iginaya ng driver papasok. Pagkapasok ay halos puti lamang ang aking nakikita. Mula sa carpet, mga muwebles, at mga dekorasyon, kalimitan ay puti ang kulay. Maaliwalas, malinis at maliwanag ang buong paligid.
"Miss Vanderweele your room will be on the third floor".
Agad kaming naglakad pataas papunta sa aking kuwarto. Pagkarating ko roon ay binigyan ako ng isang rule book ng driver at sinabihang nandoon na sa loob ang lahat ng aking mga gamit.
"The breakfast is 6am sharp. Don't be late!"
Paalala ng driver bago ako umalis at pumasok sa aking silid.
Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok ng silid ay naramdaman kong may nakatingin sa akin.
Agad kong tiningnan ang direksiyon na iyon at nakita ang isang babaeng sumisilip sa pintuan ng kanyang silid. Agad rin naman niya itong sinara ng makita ko siya.
Pagpasok ko ay totoo ngang maayos nang nalagay ang aking mga gamit. Sobra akong napagod sa biyahe kung kaya't pinili ko na lamang matulog pagkarating.
......
Alas-kuwatro palang ng umaga ay nagising na ako. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi ko na ito magawa. Siguro nga ay naninibago ako sa lugar. Ito ang unang beses na hindi ako natulog sa kuwarto ko. Although this place is foreign to me, I'm still happy.
Napagdesisyunan kong lumabas na muna ng dormitoryo at mamasyal sa labas. Napadpad ako sa mala gubat na parte ng unibersidad. Humiga ako sa damuhan habang tinitingnan ang kalangitan. Konti nalang ang mga tala na aking nakikita. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang ingay ng kagubatan. Malamig ang simoy ng hangin at maagang humuhuni ang mga ibon.
Ilang sandali pa ay naisip ko bigla si Ethan. Inaasahan ko na siya ang una kong makikita sa pagpasok ko sa Manderstein pero kahit anino man lang niya ay hindi ko nakita. Imposible naman yata na hindi niya alam kasi nasabi ko naman nung huli naming pagkikita na dito ako mag-aaral. O baka nakalimutan lang niya?
Nadistorbo ang aking pagmumuni-muni ng makarinig ako na parang may nasusuka. Agad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang isang aso na pilit na iniluluwa ang kung anuman na nakabara sa lalamunan nito. Agad ko itong nilapitan at sinubukang paluin ng mahina sa bandang batok nito baka sakaling makatulong. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang singsing. Pinulot ko ito at hinugasan ko ng makita kong may tubig di kalayuan sa lugar na kinatatayuan ko.
Babalikan ko na sana ang aso ngunit sa paglingon ko sa direksiyon kung saan ko siya huling nakita ay nawala na ito.
Tiningnan ko ulit ang singsing na hawak-hawak ko. Simple lang ito kung tutuusin pero di ko alam kung bakit nakuha nito ang aking interes.
"সঙ্গী"
Sinubukan kong basahin nang mapansin kong may naka-ukit na kung ano sa singsing. Ngunit bigo akong maintindihan ang nakasulat dahil inukit ito sa ibang lengguwahe.
Pinagmasdan ko ang paligid. Wala pang katao-tao, dahil narin siguro ay di pa oras para mag-agahan.
Napagdesisyunan kong itago na muna ang singsing at isasauli nalang kapag nahanap ko na ulit ang aso. Baka sakaling yong may-ari ng aso ay ang may-ari rin nito.
Agad kong ibinulsa ang singsing at bumalik na sa aking dormitoryo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (45)

  • avatar
    Joan Sison

    ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot

    04/07

      0
  • avatar
    Sainodin Batua

    pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai

    19/04

      0
  • avatar
    Marvin Ayun

    so good 💯

    07/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด