logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Pursuing Series #01: Retrouvailles

Pursuing Series #01: Retrouvailles

witchymeela


Chapter 01

Zanaira Kayne’s P.O.V
They said, when you work hard you’ll get what you want.
So, if I work hard I’ll become successful?
It’s really hard, but I will never give up. Nagsisimula pa nga lang ako susuko na agad ako? O, no, I'm not going to do that. . .
Pero hindi lahat ng nagpupursigi maging successful ay nagiging successful. It’s still based on your fate.
“Girl, sa’n punta mo?” Sidney asked.
“Uuwi na, wala naman akong pupuntahan ngayon,”
Tumango siya at hinintay akong matapos mag-ayos ng mga gamit ko.
“Hoy, si Dylan, o!” pabulong niyang wika sabay siko sa akin.
Napatingin naman ako sa grupo ng fourth year highschool na nasa labas ng classroom namin, kasama r’on sila Dylan at ang mga kaibigan niya at masayang nagtatawanan.
Ngumuso naman ako at napaiwas ng tingin ng mapabaling silang lahat sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya tinapos ko na agad ang pag-aayos ng mga gamit ko bago inaya umuwi ang kaibigan ko.
“Uwi na tayo!” agad kong sambit at nilampasan ang grupo ng ibang year level.
“Kung hindi ko lang talaga alam na crush mo si Leon, iisipin kong may gusto ka kay Dylan,” sambit ng aking kaibigan ng nakalayo kami sa grupo nila Dylan.
“Ano ba! Kung ano-ano ang iniisip mo!” medyo naiilang kong sambit sa kaniya. She just laugh because of the awkwardness I feel.
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad bago pumara ng tricycle. “Sasabay ka sa akin o andiyan na ang sundo mo?” tanong ko ng mapansing hindi sumakay kasunod ko si Sidney.
Hindi kami kasing-yaman ni Sidney. Our already father left us. If he didn’t left us hindi sana kami maghihirap ngayon.
Nasa third year highschool pa lang kami at puro pag-aaral ang iniisip ko ngayon kahit na gustong-gusto kong tulungan sa pagta-trabaho si Mama pero alam ko namang hindi siya papayag.
“Oo, e. May family dinner kami ngayon,” aniya at malungkot na ngumiti. I know her stories about her family. Hindi gan’on kaayos ang pamilya niya dahil nabalitaan lang namin na ang pag-iibang babae ng kaniyang ama kahit na wala namang napagsabi na totoo ang paratang ng mga tao rito. I know her dad, ang bait nito kaya hindi ako naniniwala sa ibang sinasabi ng mga tao sa kaniya.
Tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. “It’s okay. Everything will he fine, take care!” sambit ko at kumaway na sa kaniya.
Sinabi ko kay manong driver ang bahay namin at hindi rin naman gan’on nagtahal ang byahe kaya nagbayad na ako at nagpasalamat kay Manong.
“Ma, andito na po ako!” sigaw ko pagpasok ko pa lang sa munting bahay namin.
Hindi kami mayaman gaya ng ibang pamilya na kilala ko, pero nakakayanan naming kumain ng tatlong beses sa isang araw, kaya rin namin bilhin ang mga pangangailangan namin araw-araw. Pero hindi ko maiwasang isipin na kung hindi lang kami iniwan ng tatay namin ay hindi kami maghihirap ng ganito. Hindi magkakakuba-kuba si Mama sa pagtatrabaho.
Naabutan kong nagluluto si Mama ng hapunan sa kusina kaya agad naman akong lumapit at tinulungan ito.
It’s already quarter five in the afternoon, at maaga lang talaga maghanda si Mama ng hapunan.
“Hi Ate, aga mo ngayon, a?” tanong ng kapatid kong kakasulpot lang at hindi ko alam kung saan galing.
“Anong maaga? Dapat 4 pm pa ay tapos na klase namin kaso ‘yong teacher namin sa english ayaw ‘ata kaming pauwiin. Ang daming pinapagawa!” pagrereklamo ko at natawa ng konti dahil marami ngang pinagawa ang teacher namin pero nag-enjoy naman kami dahil puro kalokohan din ang nasaisip ng mga kaklase ko.
Tumango naman ito, “A, malapit na rin pala ang sembreak, no?” masayang sambit nito habang kami ay napa-iling na lang.
“Hindi pa nga kayo nag-eexam, bakasyon na agad iniisip mo,”
“Syempre naman, Ate,” aniya saka tumawa pa.
Umiling na lang ako, lakas talaga ang topak ng kapatid ko, nagpatuloy na lang ako sa pagtulong kay Mama.
Nilapag ko na sa lamesa ang mga niluto ni Mama at inayos na rin ang mga platito.
“Kakain na!” masigla naming sambit at nagdasal muna bago kami kumain ng tahimik at nagkwentuhan ng konti tungkol sa nangyare ngayong araw.
Sana ganito na lang kami palagi, wala masyadong problemang iisipin. Puro saya lang pero alam kong malabong mangyare ‘yon.  Sa tuwing masaya ka lungkot na naman ang kapalit nito.
Kaakibat ng saya ang lungkot, parang kambal lang. Pero okay na rin ang ganito kami. We know our world is kinda unfair.
Kinabukasan ay naging normal lang ang takbo ng buhay ko pero n’ong sumunod na mga araw ay kumalat lang na parang apoy ang usap-usapang may gusto raw sa akin si Dylan!
It’s a normal monday when I heard that news. Halos lahat ng mga kaklase ko ay tinutukso ako pero hindi ko sila pinansin. It’s just a humored until Ace asked Dylan. Ace is one of my friend.
He asked Dylan if the humors is true and Dylan never denied about it. Mas lalong dumami ang tumutukso sa akin at pati na rin ang ibang nasa ibang year level.
“Ang haba ng hair mo, girl!” kinikilig na sigaw ni Sidney sa akin habang sinisindot ang tagiliran ko pero nahinto lang ito ng makita si Leon na papalapit sa amin.
I faked cough. “Si Leon ba ’yan? Nanaginip ba ako?” mahinang tanong ko sa kaibigan ko na natahimik din.
“Hi, Zanaira!” bati niya sa akin ng makalapit ito sa amin.
Ngumiti ako sa kaniya at binati pabalik.
Tumahimik ang paligid at ngayon ko lang napansin na may iilang estudyanteng napapahinto at napapatingin sa gawi namin dito sa soccer field.
“A, may kailangan ka?” agad kong tanong ng mapansing hindi ito nagsasalita.
He’s quit quite pero ang alam ko ay makulit daw ito sa barkada niya.
“A, gusto ko lang tanungin kung may gagawin ka ba sa sabado?”
Tinitignan ko ito at inilingan. Bukod sa linggo ako lagi tumutulong kay Mama sa extrang trabaho niyang paglalaba sa tuwing sabado ay tambay lang ako sa bahay.
“Wala naman, bakit?”
Ngumiti siya sa akin. “A, gusto sana kita ayain sa bahay namin,”
Napahinto naman ako at gulat na napatingin sa kaniya.
Gusto niya ako ayain sa bahay nila? Weird, we’re not even close. Kahit na crush ko siya ay hindi ko naisip na aayain niya ako sa bahay nila. Hindi ko alam bakit pero parang naturn-off ako bigla sa kaniya.
Ekis sa taong kinacrushback ka agad. Tsar!
“Bakit? Anong meron?”
“A, wala lang nagkaayaan lang kaming magkakaibigan na kainan, nothing’s special simpleng kainan lang and gusto kong imbetehan ka,” aniya at napakamot ng batok.
Tumango ako at tipid na ngumiti. “I’ll try. Hindi ako sure, a,” sambit ko.
“O, okay. Hihintayin kita!” masiglang aniya at tumakbo na papaalis sa harap namin.
Hihintayin? But, I said I’ll try! I’m not sure kung makakapunta ako!
Susundan ko sana ito pero nakalayo na siya sa amin.
“Ano iyon?” takhang tanong niya at ngumiti ng malisyo sa akin.
Umiling na lang ako at hindi siya sinagot.
Ang daming nangyare sa araw na ito.
“Hi, Kayne!” someone greet and called my second name.
Nagulat ako ng si Dylan naman ang nakita ko at mag-isang papalapit sa amin.
Anong meron ngayon?
“A, h-hello?”
Tumikhim siya at ngumiti ng matamis sa akin.
“Gusto sana kita ayain this saturday. Birthday kasi ng Lola ko!” deretsang aniya at malaki ang ngiti sa akin.
Hindi ako agad nakasagot. Inimbeta na ako? Tumingin siya sa kaibigan ko at binalik ang tingin sa akin.
“Pwede mo rin isama ang kaibigan mo,” aniya. “And hihintayin ko kayo r’on, my Lola’s expecting you, Kayne!” dugtong pa nito at umalis na rin sa harapan ko.
Hindi naman ako makareact at hindi nagpo-proseso sa aking isipang ang nangyayare.
What’s happening? For the first time inaya ako ni Leon sa simpleng handaan daw and sa birthday ng Lola ni Dylan.
Nakakapanibago lang.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (5)

  • avatar
    Cristal Anne Osorio Villarma

    I love it 😍💓💓😍💓😍💓💓💓😍😍😍😍💓😍

    17/07

      0
  • avatar
    Ka Zu Mi

    oum I like it

    02/12

      1
  • avatar
    Rena Lyn

    Amazing and so much fun

    05/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด