logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 03

Pleas play the song "You're Gonna Be Ok" by Brian & Jenn Johnson while reading this part.
Enjoy!
Kabanata 03
Mabilis kong inangat ang ulo ko nang maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Tita Vivienne. Nakayuko kasi ako malapit sa kama n'ya habang sila Tito Vicente at Vijay ay nakaupo naman sa couch dito sa private room ni Tita Vivienne.
Ngayon lamang kasi ito nagkamalay mula ng isugod namin s'ya kanina dito sa ospital.
"Tita..." Mahinang sabi ko.
Nginitian n'ya ako pero makikita mo sa ngiti n'yang iyon na nahihirapan s'ya.
Naramdaman kong lumapit na rin sa amin si Tito Vicente at Vijay.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Vivienne?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Tito Vicente.
Ngumiti si Tita Vivienne bago marahang hinawakan ang kamay ng kaniyang asawa. "Okay lang ako, huwag kang mag-alala."
Umiling-iling si Tito Vicente bago hinalikan ang kamay ng kaniyang asawa.
This is the hardest and most painful part. Iyong nakikita mong nahihirapan ang pinakamamahal mo sa buhay dahil doble 'yong sakit na ibabalik sa'yo. Iyong wala kang magagawa kung hindi tingnan lang at bantayan ang mahal mo sa buhay na nahihirapan dahil sa sakit.
Nang makita kong pumatak ang luha ni Tito Vicente ay parang nagsikip ang dibdib. Sobrang mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.
Nagulat ako ng hawakan ni Vijay ang kamay ko. Isinenyas n'yang lumabas muna kami kaya wala akong nagawa kung hindi magpatianod sa paghila n'ya.
Napatingin na lang ako sa kamay kong hawak-hawak n'ya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na hinawakan n'ya ang kamay ko.
Dinala n'ya ako sa rooftop ng ospital. Nag-aalinlangan man ay pinili kong magsimula ng usapan. "Are you okay?" Tanong ko sa kaniya.
Nilingon n'ya ako bago s'ya umiling-iling. "I'm not..." Maiksing sagot n'ya.
"I will lose her, Linnett. I will lost my mom." Nahihirapang aniya.
Ngayon lang s'ya nagsabi sa akin ng ganito. Oo naging close kami sa loob ng isang taon pero never kaming nag-usap nang ganito. Madalas ko nga lang s'yang makita na malungkot tuwing tinitingnan n'ya ang mommy n'ya.
"Don't say that..."
"Iyong sakit na 'yon ni mommy... it runs in their blood. Her mom and her siblings died because of that brain tumor."
Natitigan ko s'ya dahil sa sinabi n'ya. Talagang iba't ibang sakit ang pinagdadaanan ng tao. Katulad ko na sa ibang paraan sa akin ipinaramdam ang sakit. Kasi parang pagsilang ko pa lang kasama ko na 'yong sakit at pait ng buhay. Pero sila, ginawa muna silang masaya bago sa kanila ipinaramdam ang pait ng buhay.
"My mom knew her fate that's why when she was diagnosed with brain tumor she chose to spend her time with us instead of having medical treatment."
Hindi ko mahanap ang tamang salitang sasabihin sa kaniya. I don't know how to comfort a person. Siguro dahil wala nagcocomfort sa akin noon. Nasanay na lang ako sa sakit at sa lahat ng pangbabalewala sa akin noon.
But I will try my best to comfort him because I know how hard it was if there's no one beside you.
I held his hand. Naramdam kong nagulat s'ya sa ginawa ko. "Then, let's spend more time with her. Let's make your mom happier. Let's make her feel alive and hopeful." I told him while looking right straight to his eyes.
"Linnett, sweetie, pwede ba akong mag-request?" Tanong ni Tita Vivienne habang nanonood kami ng sunset dito sa labas ng resthouse nila na malapit sa dagat.
Mas pinili kasi ni Tita na sa bahay lang magpagamot dahil ayaw n'ya daw sa ospital. Dahil afford naman nila ang gastos kaya nasunod ang gusto ni Tita.
Buti na nga lang din dahil bakasyon kami ngayon ni Vijay kaya lahat ng oras namin ay naibibigay namin kay Tita Vivienne.
"Opo naman Tita." Masiglang sagot ko sa kaniya.
"Can you sing for me?"
Umayos ako upo ng tapos ay hinawakan ko ang kamay ni Tita Vivienne bago ako nagsimulang kumanta.
I know it's all you've got to just, be strong
And it's a fight just to keep it together, together
I know you think, that you are too far gone
But hope is never lost
Hope is never lost
Biglang pumasok sa isip ko ang mga alaala namin ni Tita Vivienne na magkasama.
"Anong gusto mo hija, ito o ito?" Masayang tanong ni Tita Vivienne habang hawak ang dalawang naggagandahang mga dress.
"Kailangan ko pa po bang pumili?"
Natawa s'ya dahil sa sinabi ko. "Kilala mo na talaga ko."
Madalas n'ya kasi akong papiliin pero sa huli naman ay binibili n'ya lagi pareho.
"Kelan ba kayo matatapos?"
Sabay kaming natawa sa nakasimangot na si Vijay dahil s'ya ang nagbibitbit ng mga binibili namin.
"Huwag ka ngang epal d'yan Vijay." Kunwari'y nagtataray si Tita.
Hold on, don't let go
Hold on, don't let go
Naalala ko din 'yong first time nila akong isurpresa no'ng birthday ko. Iyak kasi ako no'n ng iyak dahil sa sobrang saya.
"Bakit ka umiiyak? Hindi ba masarap ang cake?" Nag-aalalang tanong ni Tita Vivienne.
Mabilis akong umiling. "First time ko po kasi itong naranasan." Umiiyak na sagot ko.
"Don't worry hija, from now on, lahat ng hindi mo naranasan noon, ibibigay namin lahat sa'yo." Aniya bago ako niyakap at hinalikan sa ulo. Ito 'yong yakap na talagang nararamdaman ko 'yong pahinga at pagmamahal.
Just take, one step, closer
Put one foot in front of the other
You'll, get through this
Just follow the light in the darkness
You're gonna be ok
"Mom...please..." Nakasimangot na si Vijay.
Gusto kasi kaming ihatid ni Tita Vivienne sa first day of school namin dahil ngayon lang daw s'ya nagkaroon ng anak na babae, gusto n'ya daw siguraduhin na safe kami.
"Mom, hindi na kami bata. She'll be alright and safe because she's with me, I promise." Dagdag pa ni Vijay dahil nahihiya s'yang ihahatid pa kami kahit grade 10 na kami.
"Sa loob lang naman ako ng kotse, hindi ako lalabas promise." Nagpa-cute pa na parang bata si Tita Vivienne kaya napahinga na lang ng malalim si Vijay tanda na sumusuko na s'ya.
I know your heart is heavy from those nights
Just remember that you're a fighter, a fighter
You never know just what tomorrow holds
And you're stronger than you know
Stronger than you know
Dumaan din sa isip ko kung paano pinahirapan ang buong pamilya nila ng dahil sa sakit ni Tita Vivienne.
Nasaksihan ko kung paano nahirapan at nasaktan si Tita Vivienne physically. Madalas s'yang ma-out of balance kapag sinusubukan n'yang tumayo, pati paglabo ng paningin n'ya ay madalas n'ya ring maranasan.
Minsan nahihirapan ding s'yang kumilos o humawak ng mga bagay dahil nawawalan ng pakiramdam ang mga kamay n'ya at paa. Minsan naman hirap s'yang magsalita. Pati ang memory n'ya ay naapektuhan, madalas s'yang confuse sa mga bagay-bagay.
Sobrang laki ng pinagbago ng itsura ni Tita. Sobrang payat n'ya at putla. Hindi n'ya na rin kayang lumakad ngayon kaya naka-wheelchair na s'ya.
Nakita ko rin ang mga patagong pag-iyak ni Tito Vicente na talagang pumipiga sa puso ko. Nararamdaman ko kung gaano s'ya nasasakatan sa tuwing wala s'yang magawa kapag sinusumpong si Tita ng sakit n'ya.
Minsan naiisip ko na kakambal ko ang sakit at pait ng buhay dahil sa tuwing susubukan kong maging masaya kasunod na noon ang dobleng sakit at paghihirap.
Hold on, don't let go
Hold on, don't let go
Hindi ko maiwasang hindi umiyak habang kumakanta.
I'm in pain again! Nasasaktan na naman ako. Siguro nga ipinanganak ako para saluhin lahat ng sakit na mayroon dito sa mundo.
Naramdaman ko ang kamay ni Tita sa pisngi ko. "I'm...sorry...for...making... you...cry too..." Nahihirapang bulong n'ya.
And when the night, is closing in
Don't give up and don't give in
This won't last, it's not the end, it's not the end
You're gonna be ok
Dahil sa sobrang pag-iyak ay hindi ko na natapos ang pagkanta.
"Tita... tita..." Paulit-ulit ko s'yang tinatawag habang humahagulgol.
Mas masakit pala kapag ang nahihirapan ay iyong taong nagparamdam sa'yo ng kasiyahan, ng comfort at ng pagmamahal.
Pinanatili ko ang kamay ni Tita Vivienne sa pisngi ko. "Linnett ko... ta..han na... hija..." She's trying to comfort me kahit nahihirapan na s'yang magsalita.
"I love you so much, Tita ko." Hinalikhalikan ko ang kamay n'ya habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko. "Thank you so much for everything, for making feel home and loved."
Ramdam ko ang marahan ng paggalaw ng hinlalaki n'ya sa pisngi ko. "Please... take care... of... my... son."
Tumango-tango ako sa sinabi n'ya.
Matapos namin ni titang mag-usap ay dinala ulit namin s'ya sa kaniyang kwarto.
Hindi kami nakatulog dahil nag-request si Tita Vivienne na manoond ng sunrise bukas ng umaga at pinaghandaan namin iyon.
Nag-set up kami ng uupuan namin sa tabing dagat at nagluto din ng mga paborito ni tita.
Nang malapit ng sumikat ang araw ay pinuntahan na ni Tito Vicente si tita sa kanilang kwarto.
Nagulat kami ng makita naming lumabas ulit si Tito pero wala si Tita.
"What happened, dad? Hindi pa ba gising si mommy? Pero malapit ng sumikat ang araw." Tuloy-tuloy sa pagsasalita si Vijay kahit obvious naman sa mukha ni Tito Vicente ang sagot.
Kasabay ng pagtakbo ko sa kwarto nila ang muling pagpatak ng aking luha.
"TITA!" Yakap-yakap ko ang malamig na katawan ni Tita Vivienne habang matunog akong umiiyak.
"Napakadaya mo! Sabi mo manonood pa tayo ng sunrise! You promised me that you'll always make me happy! Pero bakit ganito? Ang daya-daya mo naman, marami pa tayong gagawing magkasama eh. Sabi mo aayusan mo pa ako sa 18th birthday ko. Tita ko, parang hindi ko kakayanin."
Naramdaman ko ang paghila at pagyakap sa akin ni Tito Vicente. Mas lalo akong umiyak ng marinig ko ang mahina n'yang paghikbi. "Tito, bakit gano'n? Sobrang sakit? Sobra na naman akong nasasaktan? Bakit lahat ng kasiyahan ko mabilis na kinukuha? Wala po ba talaga akong karapatang sumaya?"
Naramdaman ko ang paghalik ni Tito sa ulo ko. He's trying to comfort me kahit na nasasaktan din s'ya.
Maiksi lang ang panahon na nagkasama kami ni Tita Vivienne pero ipinaramdam n'ya sa akin lahat ng pagkukulang ng magulang ko. Kaya sobra akong nasasaktan ngayon.
Masyadong maiksi ang panahong ibinigay sa aming dalawa. Dapat hindi nalang kami pinagtagpo. Dapat hinayaan na lang ako ng panahon na maging mag-isa. Kaysa ipinaramdam nila sa akin ang sandaling kasiyahan kapalit ng doble-dobleng sakit.
Because right now, hindi ko alam kung paano ihahandle ang nakatarak na sakit sa puso ko. Tita Vivienne made me forget how to fight pain because of the happiness and love that she gave me.
"Tito, paano ba alisin 'tong sakit na nararamdaman ko? Parang hindi ko ito kakayanin?"
Sobrang nagsisikip ang dibdib ko dahil sa sakit lalo na ng isa-isang dumaan sa isip ko ang mga masasayang alaala namin ni Tita Vivienne.
Please don't make me feel happy if it is not yet the ending.
Itutuloy. . .
--
Kathleenix 💙

หนังสือแสดงความคิดเห็น (213)

  • avatar
    Aldie Palmiano

    good

    17h

      0
  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and funny

    19h

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    12d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด