logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6

"Are you ready?" Tanong sa akin ni sir Amilios, hindi ko pa rin talaga siya matawag tawag na tatay man lang.
"O-opo." Kinakabahang ani ko.
"Breathe, don't be nervous. Hindi ka naman kakainin ng mga tao sa loob." Pagbibiro niya.
Nagkausap kaming dalawa noong isang gabi, gusto niyang ipakilala sa akin ang kaniyang pamilya at kung maaari ay doon na ako sa kanila titira. Hindi ako pumayag, wala akong dahilan kung bakit ayaw ko lamang talaga. Mas komportable na ako sa bahay na minsa'y kasama ang kaibigan ko at minsa'y ako lang mag-isa.
Tinanggap ko siya ngunit hindi ko pa rin kayang marinig mula sa kanya ang kuwento tungkol kung bakit niya iyon ginawa. He respect my decision.
"May pinuntahan po si kuya." Nagulat ako ng may magsalita sa likuran at kilala ko kung kaninong boses iyon.
Humarap agad ako at nagulat sa nakita, kahit siya ay nagulat ng makita ako. Siya ang kaibigan ni Casper na kumausap sa akin tungkol kina Jayla.
Ngumiti siya pagkakita sa akin at agad akong niyakap.
"Omg, I didn't expect it to be you. Did I already introduced myself to you?" Umiling ako.
"Everly Castañeda." Anya.
"Magkakilala na kayo?" Sir Amilios asked.
"Yes po." Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Mula sa hagdan ay narinig ko ang mga hagikhikan at tawanan. Nakita ko ang isang magandang babae na sa tingin ko ay ang nanay nila, kasunod nito ang pamilyar na lalake at sa panghuli ay ang nangingibabaw na boses ng babae.
Ipinakilala ni sir Amilios ang mga ito sa akin. Ang asawa nitong si Leonora Silvestre Castañeda, at ang dalawa nitong anak na si Rachella Silvestre at Cameron Silvestre, kaya pala pamilyar ito sa akin. Ang nanay naman ni Everly at ng kuya niya ay namayapa na, ibig sabihin ay hindi nila kadugo ang mga Silvestre, step-sis/bro lamang. Hindi nila na banggit ang pangalan ng kuya ni Everly, hindi na lamang ako nagtanong at hinayaan silang igaya ako na maupo sa sala.
Halos kumunot ang noo ko ng makita ang lalakeng katabi ni Rachella, sobra kung yumakap sa braso nito. Nang makita ako nitong nakatingin ay napaiwas ito at nagkunwaring hindi napansin ang masama kong tingin sa kanya. Ipinakilala sa akin ni Rachella ito bilang isang nobyo, sa oras pang iyon ay gusto ko agad na tawagan ang kaibigan ko. Kaya pala hindi nagparamdam ang isang 'Casper the Ghoster' dahil meron na itong kasintahan.
Naghintay pa kami ng ilang minuto para hintayin ang isa nitong anak pero narinig ko na lamang na hindi ito makakarating kaya pumunta na lamang kami sa hapag-kainan.
Nakagat ko ang aking labi ng makita ang mga pagkain na nasa harap ko ngayon. Hindi ako sanay na makakita ng ganito karaming pagkain sa ibabaw ng lamesa, nasisiguro kong kapag ganito palagi ang nasa harap ko ay tataba ako.
Lumipas ang mahigit isang oras at natapos na ang lahat.
Sinamahan ako ni Everly  na ilibot ang kanilang mansion, simula sa loob hanggang sa makarating sa hardin. Nang kami lang mag-isa ay tinanong ko agad siya tungkol kay Casper 'the ghoster''. Tumahimik lamang siya at hindi nagsalita.
Nagpaalam siyang papasok muna dahil may kukunin, madali lang naman siya. Sumang-ayon ako dahil nasisiyahan naman tumitig sa mga bulaklak na nasa hardin.
"Azalea." Napatingin ako sa aking likuran nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.
Nakita kong papalapit si Cameron sa direksyon ko, napahinto naman ako hinintay siyang makalapit.
"Kilala na kita." Saad ko agad nang makalapit na ito.
"Huh?" Pagtataka niya.
Ngumuso ako.
"Hindi mo naalala? Hindi ka kaya naniniwalang hindi kita kilala, pero ngayon kilala na kita! You're Cameron Silvestre diba?" Tumawa ito.
Nang sa huli ay naintindihan niya ang sinabi ko, natawa pa ito dahil dito.
Isa pala itong sikat na modelo, kaya pala siya nagtataka kung bakit hindi ko siya kilala noong una kaming nagkita, kailangan ko ba talagang kilalanin lahat ng modelo? Diba hindi naman.
Ilang minuto niya akong kinausap, nang dumating si Everly ay agad itong umalis. Naramdaman ko ang kakaiba nilang titigan at ang pagkakailang sa isa't isa, may something.
"Anong pinag-usapan niyo?" She asked me.
"Wala naman." Saad ko, tumango na lamang siya.
Kinaumagahan ay pumasok na agad ako sa café, alam kong busy si Jayla, palagi naman. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Jayla ang nalaman ko tungkol kay Casper.
Bigla naman akong nagulat ng biglang sumulpot si Nolas sa harap ko. Alas dos pa lamang ng hapon kaya nagulat ako dahil ang aga niya ngayon, kasama niya ang mga kaibigan niya.
"Good aftie, Dino." Bati ko sa kanya.
Ngumiti siya at ibinalik ang tingin sa kanyang mga kaibigan, lumapit naman ang mga ito sa amin.
"Good afternoon." I greeted them.
"Good afternoon din Az!" Sabay sabay nilang sabi.
Masyadong naging marami ang costumer ngayon kaya hindi ko sila makakausap, hindi lang naman sila ang aasikasuhin ko kundi lahat ng costumer. Si khate ang kasama ko ngayon at hindi si Khyla, may project raw itong gagawin.
Mga ilang minuto pang nanatili si Nolas at ang mga kaibigan nito bago umalis at nagpaalam sa akin.
Hanggang sa sumapit ang gabi at parang hindi nababawasan ang costumer. Marami pa rin talga, kung may aalis man ay may darating na bago.
Dumating naman si Jayla at tumulong, sinabihan ko na siyang huwag ng tumulong dahil nakita ko na pagod siya pagpunta rito.
Hindi ko alam kung anong oras ito natapos, unti unti lang nababawasan ang mga costumer. Nagpaalam si Jayla na mauuna na siya dahil gusto niya ng magpahinga, hindi ko naman namalayang nakatulog pala ako malapit sa counter buti na lamang at wala ng tao.
Tinignan ko pa ang loob upang masiguradong wala at kung nandito ba si Nolas, pero wala akong nakita ni isang anino. Suminghap ako.
"Hinahanap mo 'ko?" Napatalon ako sa gulat.
I smacked his arm.
"Gago, ginulat mo 'ko." Hindi ko napigilang ani. "Bigla bigla ka na lang sumusulpot, ano ka? Kabute?"
"Hindi ho. Bebe mo lang." Aniya.
"Jusko, anong nakain mo."
"Wala pa akong kain, pwede kitang kainin?" Napahawak ako sa aking sintido.
"Nolas, ikaw ba yan?" Tumawa siya at naunang lumabas.
"Psh." Sumunod ako sa kanya.
Nang makarating sa labas ay agad niya akong sinuotan ng helmet. Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang aming mga mata.
"I texted you pero hindi ka man lang nagreply, kung hindi pa ako pumunta rito hindi ko malalamang natutulog ka pala." Aniya.
"Ba't ba lagi mo akong naabutang tulog? Nagiging alarm clock kita." Saad ko naman.
"Hindi naman kita ginigising, kusa kang nagigising."
"Kahit na, kung hindi ko nararamdaman presensya mo hindi ako magigising."
"That means I have effect on you."
"Wala, Tara na nga. Gusto ko na ulit matulog." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila.
Nang makarating sa tapat ng motor niya ay bigla akong napatigil at napatitig sa hawak hawak kong kamay niya. Dahan dahan ko naman itong binitiwan pero hindi ko pa nga nabitawan ay hinigpitan niya ito.
"Get off." I said.
"No."
Hindi na ako nakapagsalita nang nauna na siyang sumakay pero hawak hawak pa rin ang kamay ko.
Binitawan niya lang ito nang magsimula na siyang magmaneho, napangisi naman ako dahil kanina'y parang naghahanap siya kung paano hindi bibitawan ang kamay ko kapag nagmamaneho pero sa huli ay sumuko na.
Yumakap naman ako sa kanyang beywang, naramdaman ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaan kong ginawa. Pumikit ako at sumandal sa kaniyang likuran.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    Andrea David

    nice story!

    15d

      0
  • avatar
    PajaritoJoey

    this apps

    19d

      0
  • avatar
    Jeffrey Tabor

    ang ganda ng kwento

    21d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด