logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Camille's POV
HINDI ko alam kung para saan yung mga titig ng ibang studyante na madadaanan namin. May ibang kinikilig dahil naglalakad ang anim na miyembro ng SSC at yung iba naman gulat ang naging reaksyon ng makita nila akong kasabay maglakad ng hinahangaan nila.
Bakit ba ako na lang palagi ang binibigyan ng masamang atensyon dito? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
Naka-yuko lang ako na sumusunod sa likuran nila.
Lakad lang kami ng lakad, inangat ko kaunti yung ulo ko para makita yung nilalakaran ko, ng biglang tumigil si Prince. Tumigil din sa pag-lalakad itong mga kasama niya pati na rin ako.
"Since we arrived here already, Miss Martinez bakit hindi mo tingnan yung lilinisan mo?" gulat akong tumingin sa kanya, so basically ako lang ang mag-isa na maglilinis dito sa music room?
Nakita ko na medyo nagulat itong mga kasama niya, dahil yung bibig nila nag form ng "O" na naka-tingin kay Prince.
Binuksan niya ang pintuan ng music room at tinuro niya ako na lumapit sa kanya.
Nasa harapan na ako ng pinto pero biglang hinawakan ni Prince ang mag-kabilang balikat ko at tinulak konti para maka-pasok ako sa loob.
Pumasok rin silang anim at ang isang kaibigan niya nagawang isarado yung pinto. Now what? Baka kung ano pa ang isipin ng mga ususiro sa labas.
Dahil sa pagkaka-alam ko ang sama ng tingin nila sakin lalo na yung mga babaeng studyante.
Umupo sila sa mga upuan na may kalayuan sakin.
"Wag mo na lang muna silang pansinin. Camille, right? Yung mga gamit pala na panglinis nandoon sa isang malaking cabinet. Kunin mo na lang." biglang singit ni Prince.
"A-Ah? Okay seniorito, maglilinis na po ako." yukong sabi ko dahil hindi ako maka-tingin sa kanya.
Nilapitan niya ulit ang mga kaibigan niya na hindi ko alam ang mga pangalan.
Pinabayaan ko muna sila sa kung anong pinag-uusapan at ginagawa nila.
Sinuyod ko ang tingin sa buong kwarto at ang daming mga music intstrument ang nandito.
Merong piano, organ, guitar, flute, drums at marami pang iba.
Naglakad ako sa cabinet na tinutukoy ni Prince. Lumapit ako doon at binuksan ko kung may laman. Meron ngang panglinis. Walis tambo, dustpan, etc. Paano ba ito? Saan ako magsisimula? Dito na lang muna sa mini table nila.
Niligpit ko muna yung mga kalat sa mesa na maraming naiwan na balat ng junkfoods.
Sunod akong nagwalis, pagkatapos nun. Nilinis ko din yung mga bintana ng mapa-tingin ako sa piano.
Nang bata ako mayroong piano noon sa Center na palagi kong pinapatugtug. I played it everyday but the thing is, that piano was gone at naalala ko yung batang lalaki na nakilala ko noon na tinugtug ko ang kantang 'your love' sa kanya.
Tumingin ako sa kanila at mukhang seryoso silang nag-uusap kung saan hindi nila ako masyadong pina-pansin.
Dahan-dahan akong lumapit at binitawan ko saglit ang walis tambo sa isang gilid.
Umupo ako at kahit kinakabahan konti na baka mapansin nila ako na tumutugtug ng piano.
I played the piano and start singing to my favorite song. "Speechless."
Tinapos ko ang pagtugtug na naka-pikit pero pagdilat ko, hindi naman masyadong malayo pero kita ko yung gulat na tingin nilang anim sa akin.
Nagka-tinginan ang magka-kaibigan at halatang nagulat dahil sa pagtugtug ko na wala man lang permiso sa kanila. Naghari ang konting katahimikan bago ulit sila nakapag-react man lang.
Pinandilatan ako ng mga mata ni Prince and he's gaze turned to me bago siya lumapit, he grab my wrist trying to stand up dahilan ng pagka-gulat ko.
"What are you doing!? Diba nag-lilinis ka? Just do what i ask for you, okay!" nag-titimping sinapo niya ang kanyang noo na sabi niya sakin.
"O-Okay seniorito, maglilinis na." agap kong sabi, na tiningnan ko lang siya saglit at bumalik na ako sa ginagawa ko.
PAGKATAPOS kong maglinis ng dalawa at kalahating oras, tumingin ako sa relo ko kung anong oras na. Pagkatapos ko kasing tumugtug kanina, nag-paalam sila at kailangan muna nilang umalis dahil may gagawin pa sila, at sabi ni Prince na ako na ang bahala dito.
Bukas pa naman yung band practice nila. Yan ang sinabi niya sa akin.
Two thirty pm na pala naku! Kailangan ko munang pumunta ng locker dahil nilagay ko lang doon ang bag at ilang gamit ko, nandun rin ang phone ko.
Naglakad ako papuntang locker, pero ako na lang siguro yung nag-iisang studyante dito na naglalakad. Kanina pa pala tununog yung bell para sa afternoon class. Hindi na din ako nakapag-lunch ulit.
Nang narating ko ang locker, hindi ko naiwasan at isipin yung nangyari kanina, nakaka-hiya yung ginawa ko. Tumugtug na walang pahintulot sa kanila.
Pero akala ko magagalit sila, lalo na si Prince. Siguro nagalit siya pero hindi lang niya pinahalata.
Iniling ko na lang yung ulo ko at kinuha ko ang mga gamit pati ang bag ko.
*Beep*
1 message received
Kayla: Asan ka? Hindi kita nakita kanina pagkatapos ng klase natin ah? San ka nagpunta?
Nag-reply ako agad.
Me: Ah! May ginawa lang ako Kayla, sorry hindi ako nakapag-paalam sayo kaagad.
Kayla: Ano naman yun? Ikaw ah! At saan ka naman nagpunta ha?
Ang kulit din talaga nito!
Me: Hahahaha may ginawa nga lang ako. Naka-uwi ka na ba?
Tanong ko lang, baka kasi nandito pa siya at kanina pa ako hinihintay.
Kayla: Yup! Kanina pa, after ng klase natin. Hinintay kita konti pero ang tagal mo kaya nagpa-sundo na lang ako sa Driver namin.
Sabi niya at naka-hinga naman ako ng maluwag dun.
Me: Sige. Pauwi na rin kasi ako.
Hindi ko na pinahaba ang reply ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad na palabas ng gate.
Katulad noong nagdaang araw, sumilong muna ako sa waiting shed malapit sa guard house ng school at umupo muna doon. Naghintay ako ng 10 minutes bago ulit naglakad pauwi sa center.
Naglakad ako sa direksyon papuntang center, at ilang minuto lang narating ko na din at ginawa ang mga responsibilidad sa center pati na ang mga bata. Nagbihis muna ako at pagkatapos, pumunta ako sa mga bata at nakipag-laro sa kanila.
"Camille! Andito ka na pala, Oo nga pala. Itong mga story books na hiniram mo sa school mo pwedeng mo ng isauli bukas, kasi tapos na rin itong basahin ng mga bata. Baka hanapin na ito sa school mo, atsaka masira pa ito ng mga bata wala tayong budget para ipambayad riyan." sabi ni Ate Joanna, tinanggap ko ang paper bag kung saan nandun ang mga story books na hiniram ko.
Tumango ako. Ngumiti lang si Ate Joanna sakin.
"Sige po Ate Joanna, ibabalik ko po ito bukas." sabi ko at tinapik lang ako sa balikat ni ate bago niya ako iniwan dito sa garden at kung saan nandito din ang mga bata.
Nilapag ko muna ang paper bag sa upuan dito sa garden bago ako bumalik sa mga bata at bumalik ako sa kanila para makipag-laro.
"Oh! Mga bata tama na muna yan, mag merienda muna kayo sa dining area at hinahanap rin kayo ni Ate Joanna." biglang sulpot ni Jacob, galing yata siya sa kusina at tinawag ang mga bata para sa merienda.
Nagtak-buhan naman ang mga bata dahil sa sinabi ni Jacob at na-iwan kaming dalawa dito sa garden.
Hinilot ko yung balikat ko dahil nakaka-pagod talaga ang araw na ito, umupo ako ng biglang magsalita si Jacob.
"Pagod ka? Siguro magpa-hinga ka na muna sa kwarto mo tsaka mo isipin o laruin yung mga bata." sabi ni Jacob na umupo rin sa upuan at magka-harap kami.
"Okay lang, Jacob. Hindi din naman ako sanay na walang ginagawa. Mas mabuti nga yung kasa-kasama ko ang mga bata dito, atleast hindi ko maramdaman ng pangungulila sa totoo mong pamilya. Nandito naman kayo diba? Isang pamilya tayo dito sa center na laging nagtutulungan para maging maayos yung buhay ng mga bata." tumingin ako sa kanya at ngumiti ng mapait, kahit na masaya hindi ko maiwasan ang malungkot.
Dahil katulad ko, kaming lahat at yung mga bata ay iniwan lang din dito sa center na hindi na nila nakilala ang mga mga magulang na nang-iwan sa kanila dito.
"Speechless ako sayo, Camille. Pero tama ka. Kahit may kanya-kanya tayong pinagdadaanan, nagtutulungan parin tayo para sa kinabukasan ng mga bata. Pwedeng humingi ng request? Kantahan mo naman ako oh? Yung palagi kong naririnig na kinakanta mo." may pagka-bipolar din itong isang to.
Kanina lang malungkot din siya kagaya ko? Ngayon naman naka-ngiti at may request pa na kumanta ako? Naisip ko yung kanina. I didn't mean to get blush but nakakahiya pala ang ginawa ko. Kinantahan ko na lang siya sa paboritong kanta ko, pero may isang bahagi ng utak ko na may konting naalala nung bata pa ako, asan na kaya siya ngayon? Kung nasan man siya sana nasa maayos siyang kalagayan.
Pagkatapos ng kanta at madilim na ng maisipan namin ni Jacob na pumasok na sa loob at kumain ng dinner, at 6:00 ng gabi na ng pumasok ako sa kwarto dahil niligpit ko pa ang pinagkainan sa kusina.
Pumasok sa isipan ko si Prince.
Ano ba itong ini-isip ko? Maka-tulog na nga lang at maaga pa akong gigising bukas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (182)

  • avatar
    Choy Choy Turno

    kay

    6d

      0
  • avatar
    Welanjack Gojilde

    thanks

    7d

      0
  • avatar
    Christianmyl Abella

    okay

    12d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด