logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Pagkawala ng Isang Aasahan

Matapos ang usapan nilang iyon ay saka naman naging busy sila sa eskuwelahan. Nalalapit na kasi ang kanilang Fourth Grading Exam. Kaya todo focus na sa kaniya-kaniyang submission ng assignment at report. Pag-study na rin dahil sa ibinigay na key pointer kung sakali. Nawala na rin sa presensya ni Loisa ang nangyaring pag-uusap nila ni Dhale. Ang kina-busyhan nilang ginagawa para sa kanilang klase ang siyang dahilan nang pagkawala sa isip ni Loisa pati na rin kay Dhale ang tagpong iyon sa pagitan nila.
At dumating nga ang araw ng kanilag pagsusulit. Hindi naging madali ang pagsusulit na iyon pero sa palagay naman ni Loisa ay mababawi niya iyon sa ibang aktibidadis sa kanilang subject kung sakaling may mababa man siyang markang makuha. Aminin man niya na napakahirap ng exam nila ngayon. Alam naman ni Loisa ang naging pagsusulit nila pero may parte pa rin na nahihirapan siya. Nagpupursige naman siya at sana’y maganda ang naging bunga niyon. Sana ipagkaloob sa kaniya ng panginoon. Ipinagdarasal niya iyon nang hindi pa sumasapit ang kanilang pagsusulit.
Palakad sa pasilyo ng hallway sa ground floor ng classroom building nila si Loisa. Tamlay siyang naglalakad habang hawak ang kaniyang malaki ngunit manipis na libro. Tulala siya’t walang gana na tila pakiramdam niya ay alam na niya ang magiging resulta ng kaniyang exam. Bakit parang gano’n ang kaniyang pakiramdam? Ibang-iba talaga.
Ibang-iba ang kaniyang kutob. Hindi siya mapakali nang mga sandaling ito.
“Loisa! Hintayin mo ako!” ang sigaw ni Ava na um-echo sa hallway ng building.
Ngunit hindi pa rin ito nilingon ni Loisa kun’di nanatili itong lumalakad na wala sa kaniyang sarili.
Ipinagtaka iyon ni Ava na tumakbo na patungo sa kaniya. Nang makarating na siya at nahawakan si Loisa ay agad niya itong pinigilan at humahangos na napatigil sa tabi ni Loisa. Nabalik naman sa huwestiyo si Loisa at nilingon ang kaibigan na nagtataka.
“K-kanina ka pa riyan?” takang tanong na lamang ni Loisa kay Ava.
“Sa tingin mo?" Humahangos pa ring sagot ni Ava kay Loisa. “Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ‘ko ‘ata narinig. Whoa! Napagod ako ro’n, ha, bilis mo naman maglakad kahit wala ka sa ‘yong sarili,” komento pa sa kaniya ni Ava dahilan pagkunotan niya ng noo.
“Talaga? Hindi talaga kita napansin. Pasensya na. May iniisip kasi ako,” tugon naman ni Loisa na mahihimigan mong malungkot ang boses nito.
“Ito ba ay tungkol sa ating exam kanina?” seryosong tanong sa kaniya ni Ava habang patuloy na silang naglalakad ng dahan-dahan.
Tumango naman si Loisa. Nahabag naman ang kaniyag kaibigan sa kaniyang reaksyon.
“Pero hindi pa naman lumalabas ang result sa exam natin uh, kaya huwag ka na muna mag-react diyan,” ani ni Ava kay Loisa.
Napalingon naman si Loisa kay Ava na nakabusangot.
“Huwag ka ngang ganiyan. Sige ka, papanget ka niyan. Gusto mo ba ‘yon?” panakot na turan ni Ava kay Loisa.
“Dapat nga eh, chill ka lang muna kasi matagal pa result no’n. Sa susunod na linggo pa kaya ipunin mo na lamang iyang pag-e-emote mo, huh?” dagdag pa ni Ava rito. Suhestiyon lang naman ito sa kaniya. Wala naman sigurong pang-aasar iyon.
“Hay, ewan.” Nagpatirik pa si Loisa sa kaniyang dal’wang eyeballs saka nauna nang lumakad kay Ava.
“Hoy, teka! Talaga bang ayos ka lang?” tanong ulit ni Ava kay Loisa na tila nag-alala na namang muli.
“Oo, kaya huwag mo na ako alalahanin. Ilibre mo na lang ako nang sa gano’n mawala naman itong bigat na nararamdaman ko,” ani pa ni Loisa kay Ava na tila naglalambing.
Napangiwi naman si Ava at kinurot siya sa kaniyang tagiliran. Tumawa naman si Loisa saka nagyakapan sila habang naglalakad.
“Ikaw talaga! Magpapalibre ka lang pala, nagd-darama ka pa!” Yapos ni Ava nang mahigpit kay Loisa habang patuloy pa rin silang naglalakad. Tumatawa naman si Loisa na parang naaaliw sa pagkadismaya ng kaibigan.
Samantala...
“Oh! Benjamin? Ang aga mo naman ‘ata ngayon?” gulat na tanong ni Emma sa asawa nitong si Benjamin.
Dumating kasi ito sa kanilang Sari-sari Store na hindi maganda ang awra ng mukha. Tipong galit ito kaya medyo kinabahan si Emma sa posibleng nangyari sa kaniyang asawa sa araw na ‘to. Napasalpak itong umupo sa upuan na plastik sa loob ng kanilang tindahan. Pilit na pinapakalma ni Benjamin ang kaniyang sarili. Para siyang nagpupuyos sa galit dahil sa nangyari. Agad naman na lumapit sa kaniya si Emma.
“Benjamin? Anong nangyari sa ‘yo? Ba’t gan’yan na lang iyang ikinikilos mo?” takang sunod-sunod na tanong ni Emma sa kaniyang asawa. Tumingin naman sa kaniya si Benjamin at tila hindi pa ito nagsasalita.
“Ano ba talaga ang nangyayari sa ‘yo? Magsalita ka nga!” inis nang tanong ni Emma sa asawa.
Bigla na lang namula ang mga mata nito na parang maglalandas na ang luha.
“Ano ba kasing nangyari sa ‘yo?” malumanay na ang tanong ni Emma sa asawang si Benjamin.
“Patawad, Emma. Wala na akong trabaho,” saka napahagulgol na ito ng iyak sa kaniyang harap.
Nahabag naman si Emma sa kaniyang asawa at maging pati siya rin ay iiyak na rin pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Ngayon lang ito nangyari sa kanila ni Benjamin. Umupo rin siya katabi sa asawa at hinahagod nita ang likod nito.
“Ano ba kasi talagang nangyari kung bakit wala ka nang trabaho?” kaswal na tanong ni Emma kay Benjamin.
Tumigil naman ito sa paghikbi pagkatapos ay binalingan ang asawang si Emma.
“Alam mo naman ‘to Emma. Na kahit kailan, na kahit mahirap lang tayo ay hindi natin hinahayaan na tatapakan lang ang pagkatao natin. Galit ako sa amo ko dahil hindi niya ako pinagbigayan sa aking pabor. Ngayon lang ako humingi ng gan’to na pagbigyan din nila ako dahil sa tinagal-tagal ko na nagtatrabaho sa kanila ay maskin ito na lang sana ang maitulong nila. Ga-graduate na ang kambal natin. Gusto kong mabigyan naman sila ng maganda’t masarap na handaan.”
Yumuko ito at pilit na ipagpatuloy ang gusto niya pang sasabihin. Bumuwelo lamang siya.
“Imbes na bigyan ako’y pinagsalitaan ako ng hindi maganda. Mga hindi kaaya-ayang salita kaya nagalit ako at nag-walk out! Inihagis ko sa kanila ang susi at kusang iniwan sa kanila. Hindi maganda ang natanggap ko sa kanila kun’di panlalait sa pagkatao ko!” mahabang pahayag ni Benjamin na diin sa boses ang galit.
Hinagod-hagod naman ulit ni Emma ang likuran ng kaniyang asawang si Benjamin.
“Tama na, Benjamin. Hayaan mo na sila. Sandali’t kukuha ako ng tubig. Uminom ka ng malamig nang mahismasan iyang galit mo.”
Tumayo na si Emma at kinuhanan ng maiinom ang asawang si Benjamin. Pagbalik ni Emma sa kinaupoan ni Benjamin ay nakita niyang naghihimutok pa rin ang kaniyang asawa. Napabuntong-hininga na lang si Emma saka iniabot ang basong may lamang tubig.
“Huwag ka na magdaramdam diyan. Huwag mawalan ng pag-asa, pagsubok lamang ito sa atin.”
Saka muling hinagod-hagod nito ang likod ng asawa. Pilit na pinapakalma ni Emma ang kaniyang boses habang nagsasalita sa asawang si Benjamin.
“Ano na lang ang iisipin ng ating mga anak? Wala na akong trabaho,” nanlulumong sabi ni Benjamin sa asawang si Emma.
“Ano ka ba naman, Benjamin. Huwag ka nga mag-isip ng ganiyan. Sabi ko naman sa ‘yo na pagsubok lang ito sa atin. Natitiyak kong maiintindihan ka rin ng mga bata. Kaya huwag lang susuko. Kaya natin ito, ha, Benjamin?” pampalakas-loob na salita ni Emma kay Benjamin.
Marahan namang tumango-tango si Benjamin sa asawa na si Emma. Pilit pa rin nitong pinapakalma ang kaniyang sarili. May sakit sa high blood kasi itong si Benjamin kaya bawal na bawal rito ang ma-pressure dahil madali lamang tumaas ang presyon ng dugo nito.
Kahit nakaramdam na nang takot sa sarili si Emma ay pilit pa rin siya nagpakatatag dahil ayaw niyang ipahalata sa asawa na mahina rin siya. Ayaw niya ito mawalan ng pag-asa katulad ng mga iniisip niya ngayon. Sana ay kayanin nila ang pagsubok na ibinigay sa kanila sa ngayon. At ang mga bata, kabawasan na ito sa mga gastusin nila sa eskuwela. Sana, hindi ito nakakaapekto sa pag-aaral nila. Ayaw isipin ni Emma na maging problema pa ito pagdating sa mga bata. Maraming mga bagay ang pumapasok sa utak ni Emma ngunit hanggang sa isip na lang niya ang mga ito. Hindi na niya gusto pang ilabas ang mga ito dahil baka pagsimulan pa ng kanilang malaking problema.
Pero may iniisip siyang paraan na hangga’t maaari, ayaw niyang malaman ito sa ngayon ng mga bata.
Makakahanap pa naman siguro ng trabaho ang kaniyang asawa pero hindi sa ngayon. Hihintayin na lamang niya na lumipas ang hinanakit ng asawa.
Hangga’t maaari ay hindi niya ito pipilitin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (92)

  • avatar
    BeltranIrish

    done

    27d

      0
  • avatar
    Rosette Coronel

    500

    14/08

      0
  • avatar
    Elisha Alodia Caubang

    🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻

    12/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด