logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Si Dam Reun


Pagdating ni Loisa sa bahay ay agad na bumungad sa kaniya ang Mama Emma niya na may inihanda pa sa kanilang kusina. Marahil ay naghahanda ito ng kanilang meryinda. Nakita naman siya ng kaniyang Mama at agad itong ngumiti sa kaniya.
“Oh, ikaw lang mag-isa?” tanong ni Emma sa anak.
“Mano po, Ma.” Kinuha ni Loisa ang kamay ng kaniyang Mama Emma at nagmano rito.
“Kaawaan ka ng Diyos, anak. Magbihis ka na para makapag-meryinda,” tugon ni Emma sa anak na si Loisa.
“Opo, Ma.” Tatalikuran na sana niya ang kaniyang Mama Emma nang tawagin siya nito.
“Bakit pala hindi mo kasabay ang kambal mo?” tanong sa kaniya ni Emma. Nagpakawala pa siya nang buntong-hininga.
“Baka po may in-overtime na naman sa klase nila. Sige po, magbibihis na muna ako,” paalam na niya sa ina.
Hindi na rin nagsalita pa ang kaniyang Mama Emma kun’di narinig na lamang niya ang tunog ng mga baso at kutsara sa lamesa.
Kinaumagahan ay papasok na naman ulit si Loisa. Dale-dale siyang bumaba sa kanilang hagdan. Kasalukuyan namang nasa hapag-kainan ang kaniyang dalawang kapatid at ang kaniyang Mama Emma na nagbabalot ng kanilang baon para sa eskuwelahan.
“Ma, una na po ako.” Nagmano siya sa kaniyang Mama saka mabilis na lumabas ng pinto.
Magsasalita pa sana si Emma ngunit nakaalis na ang kaniyang anak na si Loisa. Napasunod lang ng tingin sina Sophia at Ezra sa kanilang Ate Loisa.
“Bakit gano’n si Loisa, laging nagmamadale?” takang tanong ni Emma sa kaniyang dalawa pang anak.
Nagkibit-balikat lang si Sophia habang si Ezra ay nagpatuloy lang sa pagkain. Pero agad din tumayo at uminom ng tubig.
“Ma, alis na po ako. Ate, ‘yong assignment ko, gawin mo mamaya ha. Salamat!” pagkasabi niyon ni Ezra ay agad na rin lumabas ng pinto.
Napasunod naman ulit ng tingin si Emma sa anak na si Ezra.
“Aba’t,” naputol ang sinabing iyon ni Sophia.
Nagdadabog ito saka tumayo na at isinilid sa kaniyang bag ang kaniyang baon.
“Oh, aalis ka na rin ba? Dalhin mo itong baon ni Ate Loisa mo,” habilin naman ni Emma sa anak na si Sophia.
Kinuha naman iyon ni Sophia at nilagay rin sa kaniyang bag.
“Alis na rin ako Ma,” tanging paalam na lamang ni Sophia sa kanilang Mama Emma at mabilis na rin nilisan ang kanilang bahay.
Nagpakawala na lang ng malalim na hininga si Emma. Talagang malalaki na ang kaniyang mga anak kaya dapat magpursige pa silang mag-asawa sa pagtatrabaho.
Pagkababa ni Loisa sa bus ay nagsimula na siyang maglakad. Malapit na siya sa entrance gate nang matanaw niya si Dhale sa labas ng gate mismo ng iskul. Nakatayo ito habang nakasandal, ang dalawang kamay ay nakapamulsa. Nakasuot pa siya ng bagpack sa kaniyang likuran. Tila may hinihintay ito. Baka naman ang kaniyang tropa ang inaabangan nito. Tanong ni Loisa sa kaniyang isip. Ngunit bigla pa siya napahinto nang may maalala siya. No! N-no! Sigaw niya pa bigla sa kaniyang utak na hindi niya ma-i-boses. Bigla niyang naalala ang sinabi nito. Siya kaya ang inaabangan nito? Imposible naman mangyari ‘yon dahil wala pa naman silang malinaw na salitaan. Napailing siya. Nagbabasakali na maaring iba lang kaya napagdesiyonan niyang magpatuloy ulit sa paglakad papuntang entrance gate para makapasok.
Mabilisan siyang humakbang na hindi man lang lumilingon. Ngunit agad din siyang natigilan nang may tumawag sa kaniya. Pero hindi niya inintindi iyon kun’di nagpatuloy siya ulit sa paglakad nang...
“Loisa, sandali!” tawag ni Dhale kay Loisa habang papalapit siya kay Loisa.
Napahinto naman si Loisa sa paglakad nang nakaharang na ito sa kaniyang daanan. Agad siya umangat ng tingin dito.
“Puwede ba tayong mag-usap?” bungad na tanong ni Dhale kay Loisa.
Agad naman kinabahan si Loisa. Napatingin pa siya sa kaniyang tabi-tabi. Wala yata siyang mapagkuhanan ng sagot dito. Ngunit sinabi niya rito na mag-uusap sila bukas at ngayon nga ang araw na ‘yon. Kung gano’n ay nagkamali lang pala siya sa kaniyang hinuha kanina. Kainis naman! Maktol pa niya sa kaniyang isipan.
“Loisa?” muli’y sambit nito sa kaniyang pangalan.
Napabaling na siya ulit dito ng tingin saka pigil hiningang tinanguan niya ito. Nakita niya pang tumaas ang sulok ng labi nito. Biglang kumabog ng mabilis ang kaniyang dibdib.
“Mamaya, sasabihin ko sa ‘yo kung saan. Thanks!” tugon nito kay Loisa saka agad na itong umalis palayo.
Nasundan na lamang ni Loisa ng tingin si Dhale saka siya nakahinga nang maluwag. Parang aatakihin pa yata siya sa puso. Saka nagpatuloy na siya sa paglalakad papuntang field sa kanilang linya.
Matapos ang Flag Raising Ceremony, nagtungo na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom. Magsisimula na dapat ang klase nila Loisa sa unang subject ngunit walang guro ang nagturo hanggang sa ikalawang subject din nila. Lumabas muna saglit si Loisa sa kanilang classroom dahil tila na-b-boring na siya sa loob ng kanilang silid-aralan. Hindi rin naman siya makasabay sa pag-uusap ng kaniyang dalawang kaibigan na katabi lang naman niya ng upuan ang mga ito.
Pagbalik niya sa kanilang classroom ay nagtitili ang kaniyang mga kaklase. Nagtagpo naman ang mga kilay niya kung bakit gano’n na lamang ang reaksyon ng kaniyang mga kaklase. Nang mapagtuonan niya nang pansin ang kung anong pinagkumpulan nilang tingnan ay iyon pala ang isang palabas ng isang sikat na Korean Actor. Isang Teenager Actor na nagsimulang namayagpag ang career. May bago kasi itong Drama Series na araw-arawin mong tingnan. Mayroon naman silang malaking telebisyon sa kanilang classroom para sa pinaggagamitan ng kanilang leksyon kaya ayos lang na gamitin din nila iyon sa bakanteng oras na walang klase.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa mga babae niyang kaklase na mataman ang panonood sa hinahangaan nilang aktor sa bansang Korea. Nauuso kasi ang Korean Movie sa bansang Pilipinas kung saan pawang mga Pilipino ay nakahiligan na manood ng Korean Drama Series o KDrama. Nang makalapit na siya ay napatingin rin siya sa mga tinitingnan ng mga ito. Narinig pa niya ang sinasabi ng kaniyang mga kaklaseng babae.
“Ang guwapo niya talaga ‘no?” komento pa ng isa niyang kaklase na napatanong pa sa katabi nito. Tumango-tango naman ang mga kasabayang nanonood.
“Oy, alam niyo ba iyang si Dam Reun, napakayaman daw niyan.”
“Ows, talaga?” sabat naman ng isa pa na hindi makapaniwala.
“Oo, napakayaman daw talaga niyan at ang pagiging aktor sa industriya ang ipinasok niya.”
“Kaya bagay lang talaga sa kaniya ang kaniyang rule, hindi ba?”
“Oo nga ‘no! Ang galing-galing kasi niya sa aktingan tapos nakakakilig siya tingnan dahil ang subrang perpekto niya.”
“Kung dito ‘yan pumunta sa ating bansa tapos bibisitahin niya ang kaniyag mga fans. Susugod talaga ako agad para magpa-autograph!”
“Hoy! Kung iyan naman kung mapansin kayo? Ang sikat kaya niyan. Sa dinami ba naman ng tao sa mundong ‘to mapansin pa kayo? Tse! Ewan ko na lang,” ang sabat naman ng kaklase nilang binabae na si Jessy.
Umangal naman ang mga kaklase niyang babae at hinampas nila ang baklang si Jessy.
Ilan lang iyan sa mga narinig niya sa kaniyang mga kaklase. Titig na titig naman si Loisa at pagkatapos, sumilay ang kaniyang ngiti sa kaniyang labi. Una niyang makita sa telebisyon si Dam Reun, na sa tingin niya ay kasing-edad lamang niya ito. Napakaguwapo nga talaga ito kaya hindi nakapagtatakang sisikat agad bilang isang aktor sa telebisyon. Napakayaman pa pala kaya natitiyak niya na mas lalong uusad ang career nito.
Lumipas pa ang mga oras at mabilis na dumating ang pananghalian. Tulad pa rin ng dati na sabay-sabay kakain sina Loisa at ang dal’wa pa niyang kaibigan. Kasalukuyan niyang nililigpit ang kaniyang mga gamit tapos naalala niyang hindi na naman pala niya dala ang kaniyang baon.
“Bakit? May problema ba?” ang tanong sa kaniya ni Ava nang nakalapit ito sa kaniya.
Bagsak-balikat siyang napabuntong-hininga saka ngumuso sa kaharap.
“ ‘Yong baon ko Av, naiwan ko na naman...”
“May naghahanap sa ‘yo Ms. Gementiza!” sigaw ng kaklase nilang lalaki na nasa pintuan ng kanilang classroom.
Napalingon naman silang dalawa ni Ava. Imbes na sumagot si Loisa ay tinakbo niya ang pintuan at kinuha ang baon na nasa kamay ni Sophia saka mabilis na bumalik sa kinatatayuan ni Ava.
“S-sino ‘yon?” kunot noo na tanong ni Ava kay Loisa nang nasa tabi na niya si Loisa.
“Wala...tara na! Hinihintay na tayo ni Mia roon,” balewalang sagot ni Loisa kaya hinila na niya si Ava palabas ng kanilang classroom kaya hindi na ito nakaimik.


หนังสือแสดงความคิดเห็น (92)

  • avatar
    BeltranIrish

    done

    27d

      0
  • avatar
    Rosette Coronel

    500

    14/08

      0
  • avatar
    Elisha Alodia Caubang

    🫶🏻🫶🏻🫶🏻🫶🏻

    12/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด