logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Dati.

Froilan
Nakasimangot na gumising ako at tamad na inunat ang katawan. Balak ko sanang bumalik sa pag-tulog nang biglang tumunog ang reminder ko.
Nakasimangot na pinatay ko 'yon at bumalik ulit sa pagtulog. Komportable at nakapikit na ang mata ko nang tumunog na naman ito.
"Amputspa naman!" Napabalikwas ako ng bangon at sinilip ang cellphone ko. Ginulo ko ang buhok nang makitang tumatawag si Lorence.
"Anong kailangan mong bwisit ka? Kulang ako sa tulog," saad ko nang sagutin ang tawag. Lalo akong nainis dahil sa narinig na pagtawa niya sa kabilang linya.
"Hoy, Espanyol na kupad! Bumangon ka na dahil alam mo ang sasalubong sa'yo kapag na-late ka. We will wait for that, Froi. Bye!" Agad n'yang pinatay ang linya kaya padabog na hinagis ko sa higaan ang celphone.
Magkadikit ang kilay na bumangon ako mula sa kama at dumiretso sa banyo. Agad akong nag-toothbrush at dumiretso sa shower. Mga ilang minuto rin akong nagbabad do'n. Nang ma-satisfied ay napagpasiyahan kong umalis na sa loob ng banyo at pumunta sa walk in closet ko upang makapag-handa na sa lakad.
Nang makarating doon ay agad akong nagbihis ng aking simpleng shirt. Sa pang-ibaba naman ay nagsuot ako ng simpleng maong, habang puting rubber shoes naman sa paa. I also include my favorite watch and sunglasses, which makes me cool. Napangiti ako nang makita sa salamin ang itsura ko.
Kitang-kita sa shirt na suot ko ang saktong laki ng aking katawan. Bumagay rin sa'kin ang suot na maong, rubber shoes, watch and sunglasses na suot ko.
Tiningnan ko muna ang kabuoang suot ko at kinuha ang pabango ko, sabay spray sa aking katawan. Napangiti na lang ako sa naging amoy niyon.
Nang masiguro na maayos na ang ayos ko ay kinuha ko na ang wallet at cellphone ko, sabay nakangiting bumaba at dumiretso sa dining area, kung saan nakita kong nakaupo si abuelo.
"Tanda, anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong ko sa kaniya at nilapitan ito, dahil busy pa rin ito sa pagbabasa ng diyaryo at parang hindi ako narinig.
"Binge ka ba?" Hahawiin ko sana ang diyaryo na hawak niya nang may biglang bumatok sa 'kin.
Inis akong humarap sa taong iyon at aambahan ko sana ito nang makita ko na pinakamamahal na ina ko pala iyon. Kaya nakasimangot na umupo na lang ako sa bakanteng upaan sa lamesa.
"Ikaw bata ka, bakit hindi mo ginagalang ang iyong abuelo?" tukoy ni mama sa aking lolo habang may dala-dalang ulam na paborito kong umagahan.
"Hayaan mo na siya, hija. Kahit naman ganiyan ang ugali ng anak mo ay alam kong may bait na tinatago ito. Kaya ko nga naging paborito iyan," mahinahon na pagtugon ni Abuelo, gamit ang salita namin.
Tiningnan ko na lang si mama na masama ang tingin sa'kin. Napanguso ako ro'n at mas binigyang pansin ang mga pagkaing nakahain sa hapag.
Bata pa lamang ako ay si tanda na ang pinakamalapit sa akin. Kahit matanda siya, he talks and act like a teenager. Iyon ang naging dahilan kaya kami magkasundo ng lolo ko. Nakikisabay siya sa trip namin at hinahayaan kaming kumilos nang malaya, kaya tanda rin ang tawag ko sa kaniya dahil hangga't nandito ako ayokong magsalita ng lengwahe namin. Nakapagtataka lang na nandito siya sa Pinas, eh samantalang no'ng isang araw lang ay pinipilit niya akong pumunta ng Spain para doon mag-aral kahit ayoko. Kaya sa huli, nainis ako sa kaniya.
Sumulyap muli ako kay mama habang kumakain. Nakita kong tumango siya kay tanda at pumuwesto na rin sa bakanteng upuan. Mahaba ang lamesa namin at nasa gitna si tanda, kung saan laging puwesto ng aking ama. Pang sinauna ang theme ng bahay namin, pero kahit papaano ay makikitaan pa rin ng pagiging moderno ito. Pati na rin ang mga gamit ay sinauna dahil sa kagustuhan ng aking ama.
Matapos kumain ay dali-dali akong lumapit kay mama upang halikan ito sa pisngi at magpaalam.
"Ma, alis na ako. I don't wanna be late, you know those lunatics." Nang nasa pinto na ako ay narinig kong tumawa lang siya sa sinabi ko at hinagis sa akin ang susi ng kotse ko, na s'yang nasalo ko naman.
"Goodbye, young man! Take care!" sigaw nito.
"I will." Nakangiting binigyan ko siya ng flying kiss at kumaway sa kaniya at kay tanda.
Masaya akong naglakad papuntang parking lot ng bahay namin at nakangiting binuksan ang kotse ko. Pagpasok sa loob ay tiningnan ko muna ang keychain na binigay niya sa 'kin noon.
Te encho de menos.
Hindi ko na lang muna siya inisip at binuksan ko na ang makina. Tiningnan ko rin ang aking mukha sa salamin at nang makitang maayos ito ay napangiti ako ro'n. Sa daan ko na tinutok ang atensyon at pinaandar ang sasakyan nang mabilis.
Kasalukuyang nasa mall kami at walang ibang ginawa ang tatlong mokong kundi ang maglaro, mamasyal at magpustahan. Hindi ko sila pinapansin dahil bukod sa maraming lumalapit sa amin upang makipag-picture, ay busy rin ako sa cellphone ko.
"Pre, grabe 'no? Hindi pa rin ako makapaniwala ngayon sa itsura ni Bricelle. Lintek, maganda pala 'yon?" My brows furrowed when I heard what Lorence said.
"Hindi rin ako makapaniwala, tungak! Kung alam ko lang na gano'ng kaganda 'yon, eh 'di sana pinatulan ko." Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang ulo ko sa usapan nila.
Nakakainis lang na hanggang dito, 'yong babaeng iyon ang topic nila. Hindi ko pa rin malilimutan ang ginawa niya sa'kin noon sa cafeteria. Ang kapal ng mukha n'yang bigyan ako ng dirty finger! Sino ba siya para humarap sa'kin nang gano'n?
"Ito talaga ang suwerte eh. Hindi ko alam na hilig mo rin pala sa babae, Ler? Akala ko aasawahin mo na 'yong mga libro sa library eh." Nagtawanan ang dalawang ulol sa sinabi ni Russell, samantalang tahimik na nakatingin lang sa kanila si Tayler.
"Pustahan tayo tungkol sa relasyon nila!" Lalong naagaw ng atensyon ko ang sinabi ni Lorence. Tinago ko muna ang cellphone ko at nakinig sa kanila. "Pusta ko, isang linggo lang relasyon nila kasi mabuburdo si Bri sa manok natin."
"Ulol ka talaga! EasySURF50 lang 'yan sila," ani Russell.
"Puwede ba? Ayokong marinig ang pangalan ng babaeng 'yon ngayon o maski gawin s'yang topic. Sira na nga umaga ko, sisirain n'yo pa lalo." Natigilan silang lahat sa pag-uusap at lumingon sa 'kin.
"What?" I frowned when they didn't answer me. Ang weird ng ngiti nila sa akin ngayon at para bang may kalokohan na iniisip tungkol sa akin.
"Don't tell me..." Lorence spoke. "You're jealous of him?" Tinuro niya si Tayler kaya nagkatinginan kami. I hadn't yet processed in my brain what he said, I just realized that when I turned to my left and Lorence was giving me a silly smile.
"What? Are you lost your mind? No way! Why would I?" Hindi ko alam kung bakit binibigyan nila ako ng kakaibang titig. Maski si Russell ay lumalapit sa akin nang may mapang-asar na titig.
"Because you like her?" Natigilan ang lahat nang magsalita si Tayler. Nagtama ang paningin namin at parang nagbigay iyon ng kakaibang tensyon sa akin.
Bakit ba nila iniisip 'yon? Nakakaurat.
Umalingawngaw ang tawa ko kaya sa akin napunta ang atensyon nila. Kalaunan ay tumigil din ako at tiningnan siya nang diretso sa mata.
"Me? Magkakagusto sa babaeng 'yon? Kahit gumuho pa ang mundo at siya na lang ang natitirang babae, hinding-hindi ko 'yon mamahalin." Lumingon ako sa dalawa at ngumisi.
"Over my dead body, I will never get attached to that girl."
Nang dahil sa sinabi ko ay nagkibit-balikat sila at tinigilan na ako. Mabuti na rin 'yon. Seeing Ler's face makes me feel guilty for an unknown reason. Sana hindi niya iniisip na may gusto ako sa babaeng 'yon. Kahit alam ko namang pagpapanggap lang ang ginawa nila, I can see to his face how irritating what our friends said.
Dapat s'yang makapante dahil hindi rin naman ako magkakagusto sa babaeng 'yon. Isang babae na kinaiinisan ko. Isang babae na kahit kailan ay hindi ko mapapatawad. Isang babae na hindi nararapat sumikat. At higit sa lahat, isang babae na hindi karapat-dapat sa paaralan namin. Iniisip ko pa lang, parang manginginig na ako sa laswa.
"Bro! Let's go sa restaurant n'yo!" Tumango na lang ako at bumaba na sa inuupuan ko kanina. Nang makapunta na ako sa puwesto nila ay sabay-sabay na kami sa paglalakad, patungo sa restaurant namin.
Nang makarating sa tapat ng restaurant namin ay agad naagaw ang atensyon ng lahat ng kumakain sa loob at isa-isa silang naglabasan ng kanilang mga cellphone upang kami ay kuhaan. Hindi namin iyon pinansin at pumasok na sa loob.
"Good day, Sir. This way please." Tinanguan ko lang si Lala, the manager.
Sinundan lang namin ito, at habang naglalakad papasok ay halo-halong ingay ng mga taong kumakain kanina ang umaalingawngaw sa buong restaurant. Dali-dali kaming pumasok sa pinakadulong kuwarto o tinatawag na VIP table. Ang pwesto na ito ay for those business man or woman. Dito kasi ay tahimik at talagang makakapag-usap nang masinsinan.
Dito kami umupo sa favorite place namin— tulad noon. May chandelier kasi rito at malapit sa may chocolate fountain, which is hilig ni Lorence.
"Bro, astig talaga 'tong restaurant ninyo, parang nasa states lang ang theme eh!" manghang saad ni Lorence.
Napatango lang ako sa kaniya at ngumiti. "Well, that's how you do business, bro. Learn from it." Umiling lang sila sa kayabangan ko kaya nginisian ko lang ang mga ito.
"Dexter!" pagtawag ko sa favorite kong waiter. "Alam mo na ang order namin, pakibilisan na lang sabihin mo sa chef."
Tumango lang ito sa utos ko at dali-daling lumabas. Lagi kaming laman ng restaurant na ito kaya alam na nila ang gagawin nila sa 'min.
This VIP room or VIP tables is only exclusive for those who can afford it. Kapag nasa labas ka ay aakalain mong kusina ito, pero hindi. Pagpasok sa pintuan papunta sa room na ito, madaraanan rin ang pinto kung saan nandoon ang kusina kaya kahit anong ingay roon o sa labas ay hindi maririnig dito. Dahil sound proof ang pader nito, at dahil nga for business matters ang room ay kailangan tahimik para makapag-usap nang maayos ang sino mang kakain dito.
Habang naghihintay sa order ay inutusan ko ang isa sa tauhan na mag-patugtog ng piano.
I want to relax my mind.
"Here's your order, Sir." Umayos ako ng upo nang dumating na ang order namin. Kaya nang inilalapag na ang pagkain ay isa-isa ko ng tinulungan 'yong babae.
"Sige kami na bahala rito, thank—"  naputol ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nagbigay sa 'min ng order.
Anong ginagawa niya rito?
Napatingin din ako sa mga mokong at katulad ko, nanlaki din ang mata nilang napatingin sa babaeng ito, lalong-lalo na si Tayler. Kalaunan nang maayos na ang lahat ng order namin ay natahimik ang lahat. Maski ako na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa aking nakikita.
Tila bigla na lang bumalik ang lahat ng alaala naming dalawa. Feeling ko tuloy ay parang sinasadya ng tadhana na pag-tagpuin kaming dalawa, kung kailan okay na lahat. Okay na akong wala siya. Wala na lahat.
"I can't believe it! We miss you!" pagbati ni Lorence sa kaniya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at nakatuon ang pansin sa pagkain. Nang sinubukan ko s'yang tingnan ay agad akong nag-iwas ng tingin.
Walang pinagbago. Mala-anghel pa rin ang mukha niya. Nakamamangha pa rin kung tingnan siya. Napakahinhin pa rin ng mga galaw niya at pagsasalita. She's so beautiful. She's so gorgeous. She's so precious to me.
I wish I can be her man again. I wish I can bring back those times where we're happy together.
"Bro!" Naputol ang pagmumuni ko nang tawagin ako ni Lorence. Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala nila ako tinatawag at kanina pa rin ako nakatulala.
"Froi, kinakausap ka niya. Are you with us?" Napatingin ako sa kanilang lahat. I shook my head. Umupo rin ako nang maayos at nakangiting tumingin sa kanila upang hindi sila magtaka.
"I'm fine. How about you? Doing great? And kailan ka pa pala nandito sa Pinas?" Nginitian niya ako nang matamis kaya inalog ko muli ang ulo ko dahil napatulala ako ro'n.
I miss that smile!
"I am doing great! Umuwi ako last week, nagpahinga muna ako bago makipagkita sa inyo," nakangiti sagot nito. "Actually, planado ang meet up ko sa inyo. Thanks to Lorence." Tinapik pa nito ang braso ni Lorence at mahinhin na tumawa.
"What plan?" Bigla ay nagsalita si Tayler. Halata sa kaniya ang pagtataka, kahit ako ay nagtataka dahil mukhang may alam ang isang mokong at hindi sinasabi sa 'kin.
"Okay aamin na!" Umiiling-iling pa si Lorence habang nakataas ang kamay na parang susuko na sa tingin namin.
"Last week ko pa alam na uuwi siya. Ako rin ang nagsundo sa kaniya sa airport. Sinabi niya sa'king yayain kayo gumala today at kumain dito sa restaurant nila Froi. Hindi ko alam kung bakit pero 'yon pala, she's going to surprise us and pretend that she's one of the waiters here." Kunot noo akong napatingin sa kanilang dalawa. Hindi kami makapaniwala ni Tayler dahil sa hindi inaasang pag-uwi niya.
Si Russell ay tahimik lang. Alam kong wala s'yang interes sa pinag-uusapan namin. Dahil bukod sa tutok na tutok siya sa pagkain, hindi niya rin kasundo ang kausap namin.
"Bakit mo naman sinunod kung puwede mo namang hindi gawin?" tanong ko kay Lorence habang pinipigilan ang inis.
"Pinilit niya ako, okay? Bahala nga kayo!" Pinagkrus nito ang braso't sumandal sa upuan niya at kumain na lang. Habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
"Grabe! It's been a long time talaga. I miss you all!" nakangiting saad niya habang nakatingin sa aming apat. "Especially you, Froilan." Parang may sumabog sa sistema ko nang marinig ko ang pangalan ko na galing sa bibig niya.
"Likewise, Andrea." Lahat sila ay natahimik kaya kumain na lang ulit ako.
She is Andrea Aguilar. My childhood best friend and my ex girlfriend.
"So? Let's eat!" pagwika niya. Nginitian ko na lang sila dahil ayokong ipahalata ang nararamdaman ko ngayon.
Ayokong ipahalata na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (127)

  • avatar
    yaneeee_

    an interesting story. a must read, syug. agos, author!!!

    08/05/2022

      1
  • avatar
    bendulaheart

    nice one

    21d

      0
  • avatar
    Celie Licec

    kkkkk

    27d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด