logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Theater.

Nakabalik na ako rito sa room at nakikinig sa anunsyo ng aming music lec. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang pagpapahiya nila sa akin kanina. Lalo pa't kaklase ko sila at nasa likod lang ang United Nation. Pero kahit gano'n, hindi ko sila mabigyan ng pansin dahil ayoko lang mainis sa pagmumukha ng halimaw na iyon.
"So, by next week ay kailangang may partner na kayo dahil kapag wala, I'm going to give you a special project," sambit ng Lec. Inalis ko na lang muna sa aking isipan ang nangyari kanina at mas tinuon ang pansin sa harap.
"For now, kailangan ninyo munang magbuo ng grupo, dahil kayo-kayo rin naman ang magkakasabay mag-perform. Okay?" Bagsak ang balikat na tumango ako at tiningnan lang ang mga kaklase ko habang nagkakagulo sa pagpipili ng mga makakasama nila.
"Bri! Come here, magkagrupo tayo," kinikilig na saad ni Zav. Tumango na lang ako sa kaniya at sinundan ang tinahak nito, kung saan ang aming puwesto. Pumunta na lang ako sa isang sulok dahil busy naman ang lahat sa paghahanap ng grupo.
Nang magkaroon na rin ang iba ay nagsimula na mag tipon-tipon at mag usap-usap about sa performance na gagawin daw, na alam ko namang sayaw iyon.
"Mrs. Flores! Sorry I'm late, pinatawag lang ako po ako ni Dean," sambit ng isang halimaw. Tila naghahabulan ang hininga nito habang nasa pintuan at nakatungo.
"Oh s'ya, roon ka na lang sa grupo nila Miss Stailerson at nang makapag simula na kayo." Nag-angat na ito ng tingin at tumango, sabay kalmadong humakbang patungo sa direksyon namin.
Ang malas!
"So, what's the occasion?" nakangising tanong nito habang nakatingin sa akin, kaya't inikutan ko lang ito ng mata.
"Mayroon tayong performance task, and we all need a partner. No both gender, hindi sa ganoon nabubuo ang sayaw na gagawin natin," panimula ni Zav. "Now, choose your partner."
Pasimpleng tumitingin pa ito kay Froilan na busy sa kaniyang cellphone. Alam kong may sikretong pagtingin si Zav kay Froilan. Kahit hindi niya sinasabi ito, ramdam ko 'yon. Halata rin kasi sa kinikilos niya. Ano kayang nagustuhan ng babaeng ito sa halimaw na 'yon?
"Okay! I'll choose Zav," saad ni Froilan habang nakatingin kay Zav na alam ko namang kinikilig kahit nakataas ang isang kilay nito.
Ang arte talaga nitong babaeng 'to!
"Sige na nga!" kunyaring napipilitang sambit niya at mataray na tumabi kay Froilan na nakangisi at nakatingin pa rin sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Pinaikutan ko siya ng mata at makakrus ang kamay na sumusulyap sa iba na naghahanap ng partner nila.
"I'll choose her." Hinanap ko ang taong bigla na lang nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang lalaki na seryosong nakatingin sa akin, habang ang kaniyang daliri ay nasa direskyon ko.
Si Tayler!
"Ako? Sure ka?" paninigurado ko. Ang alam ko kasi ay galit siya sa akin dahil sa nangyari kanina, pero hindi ako makapaniwala na kagrupo ko siya't ako ang pinili n'yang makakasama.
"Yes, I'm totally sure. Kung ayaw mo, then don't. I can find someone else." Binaba na nito ang nakaturong kamay niya at nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Tila, hinihintay ang sagot ko.
"Okay..."
Dahan-dahan akong tumabi sa kaniya, pero nilagyan ko nang kaonting space para hindi ako mailang. Nakita ko sa gilid ng aking mata na napataas siya ng kilay at narinig ko rin ang biglaang pagbuga nito ng kaniyang hininga.
Galit pa rin ba siya?
"Ako? Sinong partner ko?" tanong naman ni Lorence na kagrupo rin pala namin. Lahat kami ay tiningnan siya at si Mavis. Sila na lang kasi ang walang partner.
"Ako na lang, wala naman akong partner," saad ni Mavis. Bigla ay nag-liwanag ang mata ko at unti-unting pumorma ng kubra ang aking labi dahil sa narinig.
Ang alam ko kasi ay may gusto sa isa't isa ang dalawa at sa tingin ko ay ako lamang ang nakakaalam niyon. Paano ko nalaman? Dahil kahit hindi nila sabihin ay nakikita at nararamdaman ko naman 'yon sa kanilang inaasta at sa kanilang titig.
"Okay," sagot ni Lorence.
Pinigilan ko ang pag-tili nang makita na pasimpleng lumapit kay Mavis si Lorence habang nagkakamot ito sa ulo. Sa totoo lang, boto ako sa kanila. Dahil alam kong madaldal lang si Lorence, hindi niya kayang manakit ng babae at lalong-lalo na ang magloko. Isa pa, baka hindi siya umubra sa katarayan ni Mavis.
"Ako? Sino?" mungkahi ni Russell.
Lahat kami ay nanlaki ang matang napatingin dito, siya na lang ang nag-iisa at walang partner. Tila napalakas din ang pagkakasabi niya, kaya't naagaw niya ang atensyon ng mga babae, dahilan upang mag-unahan ang mga ito papunta sa kaniya.
"This day is a cursed! Ang dami ninyo! Sige, kayong lahat na lang ang partner ko para 'di na magkagulo!" sigaw nito at dali-dali siyang tumakbo palabas habang hinahabol pa rin ng mga babae.
Humalakhak na lang kami sa inasta nito. Kalaunan ay nakita kong bumalik sa kanina ang room namin at nag kaniya-kaniya na rin ng pili ang iba, nag usap-usap na rin kung saan at kailan magsisimula ang practice.
"Tomorrow, kapag nag-dismissal na. Dumiretso na kayong lahat sa gym nang makapag-simula na tayo sa practice. Nagkakaintindihan ba tayo here?" tanong ni Zav sa lahat at sa tingin ko ay siya na naman ang magiging leader.
"Yes!" sabay-sabay na sagot namin.
Nang matapos ang kaonting pag-uusap ay nagsimula na magsibalikan sa kanilang mga upuan ang lahat.
"Class, mabuti naman at nakapili na kaagad kayo ng partner ninyo. Kapag may itatanong kayo ay puntahan n'yo lang ako sa office ko, malinaw ba?" tanong ng Lec sa amin.
"Yes, Miss!" sagot ng lahat.
"Okay, class dismissed."
Inayos ko muna ang mga gamit ko st sabay sukbit ng bag ko. Pumunta ako sa upuan ni Zavry na s'yang katapat ko lang talaga.
"Tara?" anyaya ko sa kaniya. May pupuntahan kami ngayon kung saan kaming tatlo lang ang nakakaalam at kung anong gagawin namin doon.
"Mavis!" pagtawag ko rito. Nakita ko siyang malawak ang kurba ng labi, habang hinihintay na kami sa labas ng room.
Mavis Rzhie, The President of Supreme Student government of CLIS. Takot ang lahat sa kaniya dahil sa taglay nitong katarayan at galing sa pag-lead. Wala akong masiyadong alam sa buhay ni Mavis dahil may pagkamisteryo ang gaga. Ang alam ko lang ay kapag wala siya, posibleng nasa opisina ng student council ito o 'di kaya'y nasa faculty room o sa mismong opisina ng dean. Pero dahil sa porselanang kutis niya, nawawari kong anak mayaman ito. At syempre hindi mawawala ang followers niya sa social media. 3.1M.
"Done! Let's go na." Tumango lang ako kay Zav at sinundan siya sa paglalakad. Sinalubong na rin kami ni Mavis at nginitian ako nito na abot hanggang tainga. Tumingin ito sa akin na may pag-hanga sa kaniyang mga mata.
"What?" kunot noong tanong ko.
"I'm so proud of you." Biglaan ako nitong inakbayan kaya napangiti ako ro'n.
Masaya naming tinatahak ang daan, patungo sa lugar kung saan magsisimula ang pagningning ko "ika", sabi ni Mavis. Nang malaman kasi niya ang nangyari sa aming dalawa ni Froilan at Tayler ay kaagad niya akong niyaya sa isang bagay. Noong una ay hindi ako pumayag dahil ako ay nahihiya, ngunit bandang huli ay naging marupok ako sa kaniya.
Mga ilang saglit lang ng paglalakad ay sa wakas nandito na kami ngayon sa theater room. Ngayon ang audition para sa mga bagong member na aarte sa entablado at isa ako ro'n. Hindi ko talaga ito hilig, ngunit nang ako ay lumalaki ay napagtanto ko na may talent ako sa ganito. Hindi ako marunong kumanta, aminado ako roon. Pati na rin sa pagsayaw, ngunit naalala kong maalam akong umarte. Dahil ang totoo, maarte naman talaga ako. Sadyang hindi lang halata.
"Bri, dito ka na lang namin hintayin. Magpalista ka na sa president nila," sambit ni Mavis. Tango lang ang naging tugon ko rito dahil sa kaba.
Sana ay makapasok ako sa audition ngayon. Inaamin ko na hindi ako magaling, pero maalam ako magdala ng damdamin at proud ako ro'n. Dahil isa itong talento na binigay ng panginoon.
Kahit nanginginig na ako sa kaba ay pumunta ako sa unahan, kahit maraming tao sa stage ay kailangan kong tatagan ang loob ko. Pagkarating doon ay nag tanong-tanong ako kung sino ang president ng club na ito.
"Hintayin natin siya, wala pa iyon pero baka malapit na rin naman siya," saad ng babaeng kausap ko ngayon, na sa tingin ko'y miyembro rin ng club na ito. Tumango na lang ako ro'n at sinulyapan ko ang dalawa. Ngunit laking gulat ko nang makitang wala na sila sa upuan na kanilang inuupuan kanina.
Dali-dali kong kinuha ang telepono ko at tatawagan ko pa lang sila nang biglang nag-ring iyon at si Zavry ang nakalagay sa caller.
Sinagot ko ito at hinayaan kong siya muna ang mag-salita.
"Hello, Bri? I'm sorry, 'di na kami nakapagpaalam. Biglaaan kasing pinatawag ang lahat ng president sa bawat club, kaya kailangan naming umalis kaagad," pahayag niya mula sa kabilang linya.
"Okay lang. Sige gawin ninyo na muna 'yan," malamig na tugon ko at kaagad pinatay ang linya.
Naiinis ako, sa tuwing kailangan ko sila ay laging may emergency na nangyayari. Pero hindi ko naman sila masisisi, may sari-sarili kaming buhay at responsibilidad.
"Miss?"
"Ay palakang malaki ang puwet!" Nagulat ako sa taong kumalabit sa akin kaya hindi ko napigilan ang lumabas sa aking bibig.
"Ay sorry," sambit ko rito. Tumawa naman siya kaya naging singkit ang mata nito.
"Okay lang! Nandiyan na raw pala ang president. Tara na at mag-palista ka na," anyaya ng babaeng kausap ko kanina.
"Akala ko ay may meeting ang mga president?"
"Excepted siya dahil nga may audition ngayon at kailangang nandito siya. Ang vice president ang nasa meeting. Kaya tara na." Tumango na lang ako at sinundan siya.
Pagkadating doon ay nakita kong nagkakagulo at nagtitilian na sila sa isang sulok.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa kasama ko.
"As usual, tulad noon ay pinagkakaguluhan nila ang president. Minsan nga ay feeling ko, sumali lang sila upang makita ang president eh," paliwanag niya habang sunod-sunod na umiiling-iling pa.
Kawawa naman.
"Matatagalan na naman ang audition na ito." Nanlaki ang matang napatingin ako sa babaeng kasama ko nang marinig ko iyon sa kaniya.
Hindi puwedeng matagalan 'to!
Kaya upang mapa-aga ang tapos ng audition ay sumiksik na ako para makapag-palista kaagad at makapag-audition para maagang makaalis na.
"Excuse me," paulit-ulit ko itong sinasabi hanggang makarating sa unahan.
Nakita kong tinatakpan ng lalaking president ang kaniyang mukha at parang iniingatan ito. Sa awa ko, dahil pinagtutulakan siya ay sumigaw ako.
"Tigilan niyo nga ang boyfriend ko!"
Kaagad naman silang napatigil. May ibang kumunot ang noo, ang iba naman ay nakataas ang kilay. Nagsimula na rin sila mag bulong-bulongan.
Tumingin ako sa lalaking nakatakip pa rin ang mukha na tila takot na takot.
"Okay na. Hindi ka na nila sisiksikin," wika ko. Unti-unti kong tinanggal ang kamay niyang nakaharang sa mukha nito. Nang matanggal iyon ay nahulog ang panga ko at tila nanlamig ang buong katawan ko nang magtama ang paningin namin.
Si Tayler na naman!
Nanlaki rin ang mata niya nang makita ako. Kalaunan ay ngumisi ito sa akin at kaagad tumindig.
"Hoy, cheap! Huwag kang feeling! Hindi magkakagusto si Papa Tayler sa'yo!" sigaw ng babaeng hindi ko naman alam kung sino at wala akong pakialam kung sino man iyon.
"Oo nga!" sinang-ayunan na ng lahat kaya't umingay na naman ang buong theater room.
"She's my girlfriend. You can't do anything about it and there's nothing wrong about that. Am I right?" mungkahi ni Tayler. Naramdaman ko ang paghapit niya sa aking baiwang, kaya't nakaramdam ako ng kung anong hindi ko maintindihan sa aking tiyan. Naramdaman ko rin ang pag-init ng aking mukha habang nakatitig dito.
I'm doomed!
Tumahimik ang lahat, hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Tayler. Habang ako ay napatingin sa kaniya na may halong pagtataka at pagkagulat. Maski ako ay hindi makapaniwala na sasabayan niya ang kalokohan ko.
"I think we're all clear here. Please, sa secretary ko na lang kayo magpalista? I need to talk to my girlfriend in private," wika niya. Ramdam ko na tiningnan niya ako, pero dahil sa kahihiyang nararamdaman ko sa aking sarili ay inilayo ko ang tingin dito.
"Saglit—" naputol ang aking sasabihin nang bigla niya akong hinila sa back stage.
"What was that? Why did you do that?" pagkukuro nito, habang nakasandal ako sa isang kahoy at pinag-gigitnaan ako ng dalawa n'yang bisig.
Amoy na amoy ko ang bango niya dahil sa distansya naming dalawa. Hindi ko alam sa sarili pero nagugustuhan ko ang posisyon namin, ngunit hindi p'wedeng mapansin niya iyon.
"Llayo ka muna nang kaonti? Ang lapit mo kasi." Nanlaki ang mata niya't napagtanto siguro nito ang posisyon namin kaya't lumayo siya nang ilang hakbang sa akin.
"Okay na?" Tumango ako. "Then why?" pag-uulit niya habang titig na titig sa akin.
"Ganito kasi 'yan," panimula ko. "Gusto ko na kasing mag-audition, dahil sabi ng secretary mo ay matatagalan na naman daw dahil nagkakagulo na naman ang girls. Also, kating-kati na ako umuwi kaya ginawa ko 'yon."
"Sorry pero puwede ko naman bawiin 'yon—" naputol na naman ang aking sasabihin nang bigla niyang tainakpan ang bibig ko.
Pati kamay niya ay mabango!
"Please, don't? They irritates me. Saka nakakasawa na kasi na lagi silang bumubuntot sa akin. Then there's you, who did that stupid thing, and they stopped."
Binaba na nito ang kamay niya na galing sa bibig ko't hinawakan naman ang magkabilang braso ko na naging dahilan upang mapaigtad ako.
"Oh eh anong gusto mong gawin ko?" utal-utal na sambit ko.
Ngumisi ito sa akin at binitawan na ang balikat ko. Tumayo naman siya nang tuwid at tumitig sa akin. Pinagkrus niya ang braso at pilyong ngumiti habang unti-unting lumapit sa akin kaya't napalunok na lamang ako.
At ang mga katagang kaniyang binigkas ay ang s'yang nagpalambot ng aking tuhod.
"Be my girlfriend."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (127)

  • avatar
    yaneeee_

    an interesting story. a must read, syug. agos, author!!!

    08/05/2022

      1
  • avatar
    bendulaheart

    nice one

    21d

      0
  • avatar
    Celie Licec

    kkkkk

    27d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด