logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

Rhian
Pinagmamasdan ko ngayon ang maamo niyang mukha at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang takot na nararamdaman niya. Pansamantala siyang nakatulog sa kamang inuupuan. Bakas pa rin ang takot sa kaniyang mukha, lalo na ang labis na pagtataka.
"Hindi kita masisisi, ganyan ang laging reaksyon nila sa unang gabi rito," mahinang bulong ko.
Wala siyang kamalay-malay kung ano ang lugar na ito at hindi niya alam kung saan siya napadpad. Naaawa ako sa kaniya, estudyante pa pero narito na sa lugar na 'to. Kung may magagawa lang sana ako.
Madaling araw na at medyo tumatahimik na ang paligid. Walang gaanong ingay na maririnig. Wala na rin gaanong yabag, mukhang umalis na siya. Isang gabi na naman ang lumipas.
"Masasanay ka rin sa kalakaran dito. Nalampasan mo ang unang araw kaya masuwerte ka. Marami ka pang pagdaraanan na hindi mo aasahan. Hindi pa ito ang kahindik-hindik na makikita at mararanasan mo," mahinang bulong ko habang nakaupo sa kama at pinagmamasdan pa rin siya.
Dahan-dahan kong tinatapik ang kaniyang pisngi dahil kailangan na niyang gumising para malaman na niya ang tungkol sa lugar na 'to. Walang mangyayari kung patuloy siyang matatakot. Kailangan niyang magising agad sa katotohanan.
"Gising na, kailangan mong bumangon. Ligtas na sa labas ngayon, wala na siya," mahinang bulong ko sa kanya at sa pagkakataong ito ay bahagya siyang gumalaw.
Unti-unti niyang iminumulat ang kanyang mapupungay na mga mata at pilit na inaaninag ang lugar. Naglalakbay ang kanyang paningin hanggang sa nagsalubong ang aming mga titig.
"K-Kamusta?" wala sa sariling tanong ko sa kanya?
Bahagya siyang nakaramdam ng takot at para banng may bigla siyang naalala nang makita ako. Akmang ipipikit na niya muli ang kanyang mga mata subalit pinigilan ko siya. Hindi ito ang desisyon na dapat niyang gawin ngayon. Kailangan na niyang harapin ang masaklap na katotohanan, kahit na gaano pa kahirap ito.
"Ano ba, lumayo ka sa akin! Hayaan niyo na akong makaalis, ayoko na rito! Natatakot ako sa kanya, hindi ko siya kayang tignan. P-Pakiusap, gusto ko nang umuwi sa amin," naluluha niyang sigaw at pilit na ikinukulong ang sarili sa kanyang braso.
Nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya ngayon dahil ganito rin ang nararamdaman ko no'ng unang beses akong mapunta sa lugar na 'to. Alam ko ang nararamdaman niya, masakit ito at hindi basta makakaya. Nanggaling din ako sa sitwasyon niya.
Agad kong hinatak ang braso niya nang sa gayon ay matauhan siya. Hindi p'wede na ganito siya buong araw. Kung ipagpapatuloy niya ito, baka mamayang gabi ay mamatay na siya.
"Kailangan mong kayanin ang lahat. Hindi sa lahat ng oras ay may magliligtas sa iyo sa tiyak na kapahamakan. Kailangan mong labanan ang takot, masasanay ka rin. Naiintindihan mo ako?" mariing giit ko sa kanya at pilit siyang hinahatak patayo.
Walang mangyayari kung uupo lang siya at matatakot sa isang sulok. Kailangan niyang masanay na makibagay sa lugar na 'to. Hindi siya p'wedeng manatiling malayo sa amin dahil ito ang magiging pinakamaling desisyon niya.
"Hindi ko kaya! Ayoko sa mga nakikita ko. Hindi kayang tanggapin ng isipan ko ang mga kakaibang nangyayari sa lugar na 'to. Pakiusap, palabasin mo ako sa lugar na 'to! Ayoko na," nagsusumamong sambit niya sa akin.
Kung alam ko lang kung paano makalabas, matagal na sana akong wala sa pesteng lugar na 'to. Gaya niya, biktima lang din ako. Gusto ko na rin matapos ang lahat at bumalik sa dati kong buhay.
"Halika ka, tumayo ka na. Lalabas tayo sa kuwartong ito at malalaman mo kung ano ang mga nangyayari sa lugar na 'to. Lalabas tayo ng pinto, marami kang makikita kaya tatagan mo ang iyong puso. Kaya mo ito," matatag na sambit ko at hinatak siya patayo.
Nagtataka man siya pero hindi kalaunan ay sumama na sìya ng kusa. Ito ang unang gagawin ko para maprotektahan at mailigtas siya. Kailangan niyang makihalubilo.
"Mabuti naman at sinunod mo ako. Huwag kang mag-alala, para rin sa iyo itong ginagawa ko," bulalas ko sa kanya.
Pinihit ko na ang pinto at agad na tumambad sa amin ang magulong pasilyo. Nagkalat ang mga gamit at pundido na rin ang mga ilaw. Ganito na ang lugar na ito at wala kaming magagawa.
"Ano pa nga ba ang aasahan ko?" mahinang bulong ko matapos lumabas.
Nasa dulong bahagi kami ng bahay kaya kinakailangan pa naming maglakad papunta sa silid ng mga panauhin. Hindi pa sumisikat ang araw kaya do'n muna kami magtutungo. Paniguradong may tao na sa lugar na 'yon.
"S-Saan tayo pupunta?" kinakabahang tanong niya sa akin.
Muli ko siyang pinasadahan ng tingin at medyo nakikisama na siya sa akin. Bahagya siyang nagmamasid at pilit na kinakabisa ang paligid. Mabuti na lang at nakikisama na siya ngayon. Ganito rin ang dapat niyang gawin mamaya nang sa gayon ay hindi siya pagdudahan.
"P'wede ko bang malaman ang pangalan mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
Nakangiti siyang sumagot sa akin. Natutuwa ako dahil medyo nawawala na ang takot sa mukha niya. Magandang senyales ito, hindi na ako gaanong mahihirapan.
"Thymine, tawagin mo ako sa pangalang 'yan. Ikaw si Rhian, hindi ba? 'Yan ang sinabi mo sa akin kagabi," sabi niya at tila paunti-unti niyang sinasanay ang sarili sa lugar.
Hindi ko na rin hawak ang kanyang mga braso kaya magkasabay na kaming naglalakad. Mabuti na lang at maayos pa ang pananamit ko kaya madali ang pagkukumbinsi ko sa kanya.
"Oo, ako si Rhian. Mabuti naman at naalala mo ang pangalan ko. Thymine pala ang pangalan mo, bagay na bagay sa iyo," nakangiting sabi ko sa kanya.
Nakasuot ako ng isang ordinaryong damit, magkahalong asul at rosas ang kulay nito. Simple lang din ang suot kong pantalon na kapares ng puti kong sapatos.
"Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano, sasabihin ko rin sa iyo mamaya ang lahat," bulalas ko sa kanya.
Matagumpay kaming nakarating sa silid ng mga panauhin at ito ang pinakamaayos na kuwarto sa bahay na 'to. Kumatok na ako ng tatlong beses sa pinto, tanda ito na kakampi ang nasa labas.
Ilang segundo lang ang lumipas ay may narinig na akong papalapit na yabag. Agad namang bumukas ang pintuan at tumambad sa amin ang maputing lalaki.
"Halika kayo, pasok na sa loob. Bilib talaga ako sa iyo, Rhian. Kahit nasa labas ka ay nagagawa mo pa ring ipagtanggol ang sarili mo," nakangiti niyang sabi sa amin.
Hindi na kami nag-atubiling pumasok sa loob at lima pa lang silang naroroon, mukhang nagtatago pa ang ilan. Hindi na ako magtataka. Sa palagay ko 'yong iba, hindi pa tapos sa ginagawang kababalaghan.
"Thymine, sila ang mga kaalyado natin. Nasisiguro ko sa iyo na sa oras ng pangangailangan, nakahanda silang tulungan ka. Hindi tayo mag-iiwanan, sama-sama tayong lalaban. Ayos ba?" nakangiti kong sabi sa kanya.
Bahagya siyang nagpalinga-linga sa paligid.
Agad ko siyang tinapik sa balikat bilang pagtanggap sa kanya. Ito na ang simula ng pagtatanggol ko sa kanya. Hayaan mo Thymine, hindi kita pababayaan sa lugar na ito.
"Natutuwa kami sa pagdating mo, Thymine. Maligayang pagdating sa bahay ni Kamatayan."
Isang matamis na ngiti ang iginawad ng mga kasama ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (473)

  • avatar
    gnomes

    Interesting title, mapapa isip ka kung ano ang Macabre at bakit yun ang title nitong novel and exciting ang introduction. Definitely a highly recommended and a must read novel, especially if you're a fan of mystery novels.

    16/07/2022

      18
  • avatar
    PolicarbonatoJames

    Goosebumps! Grabe, sobrang highly recommended ang story na ito!

    16/05/2022

      2
  • avatar
    Marcela

    Very catchy ng description. Nakaka-curious kung bakit macabre ang pamagat. Kudos to you author ❤️❤️❤️

    22/04/2022

      26
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด