logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

Kinabukasan naalimpungatan ako sa ingay ng mga bulungan. Para silang nagtutudyunan na hindi ko maintindihan. Hindi parin mawala sa isip ko yung lalaki na kahawig ng groom ng sister ko. Pero gaya nga ng sabi nila ang panaginip ay walang koneksyon sa reyalidad. Marahil ito ay nagkataon lamang kaya ipinagsawalang bahala ko na lang. Nanatili akong nakapikit upang pakiramdaman ang nasa paligid.
"Hindi naman gumagalaw yung pilik mata ni AC ano?" sarkastikong bungad ni Tally
Napuno ng tawanan ang aking silid sa banat na iyon. Agad akong bumangon para harapin ang mga kaibigan. Kakamot kamot akong tumingin sa mga ito.
"Pinag alala mo kami bruha ka" Tally said; sabay yakap nito ng mahigpit sa akin. Halos masakal ako ngunit pinili ko na lamang yumakap pa balik.
"We miss you, i thought mawawala kana samin" dagdag ni Kisha na nakiyakap narin. Sumiksik ito sa pagitan namin ni Tally. Tila mga batang sabik sa pagbabalik ng kanilang nawalay na ina.
"Can i join?" pabirong tanong ni San sabay lundag palapit samin. Dinama ko lang ang init ng yakap nung tatlo. Humingi ako ng tawad dahil pinag alala ko sila. Ilang saglit lang ay kumalas din sila at maluha luhang tumingin sakin.
"You okay na?" San asked; tango lamang ang naging sagot ko rito. Ngumingiti kong pinagmasdan ang mga kaibigan. Masyado ang mga itong nag alala sa sinapit ko.
"Ikaw ba namang banggain yung poste maging okay ka kaya?" banat ni Tally na kinalaunan ay tinawanan lang namin. Ito talaga ang pinaka palabiro sa aming apat.
"But to be honest AC, i know you're having a hardtime pero please wag mo naman tapusin ang buhay mo" Halos manlaki ang mata ko sa tinuran ni Kisha. Did they just thought na nagpapakamatay ako? Na sinadya ko iyong nangyari? Aksidente iyon at walang may gusto.
"Wait lang parang kasing..." nagkakamali kayo.
"I know AC" sabay hagod pa nito sa likod ko na para bang alam nito ang sasabihin ko. Lintik hindi man lang ako pinatapos. Hindi ko man lang magawang linawin ang baluktot nilang konklusyon.
"Sinabi mo samin na wag na maki alam pero ibang usapan na pag ganito" seryosong dagdag ni Tally. Makialam? Hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinupunto nila. Nangunot ang noo ko at napuno ng pag tataka ang sistema.
"Teka nga, ano ba kasing..." ibig sabihin nyo
"We always got your back Claire, we're here wag mo sarilinin" singit ni San
Hindi na naman nila ako pinatapos. Bastusan na ito a. Naunawaam kong nag alala lamang sila sakin ngunit bakit parang masyado nilang dinibdib ang pang yayari. Hindi bat ang aksidente ay hindi inaasahan at walang may gusto? Bakit tila iba yata ang pagkaka intindi ng mga kaibigan ko. Marahil sobrang lasing malamang ako nung gabing iyon. Ni hindi ko magawang ma alala ang mga kaganapan ng araw na iyon. Masyado yata akong nalango sa alak. Hanggang umabot sa puntong hindi ko na nagawang makontrol ng maayos ang manobela, which result to the accident.
Matapos ng madramang tagpo ay kwentuhan naman ang aming pinagka abalahan. Hindi ko na masyadong sineryoso ang sinabi ng mga kaibigan. Naunawan ko sila kaya nagawa kong ilihis ang usapan. Masaya naming binalikan yung mga kalokohan at memories namin together. Simula sa araw ng pagkaka kilala hanggang sa puntong ito ng buhay pagkaka ibigan namin. Magta tanghali na nang nagpa alam ang tatlo. May kanya kanya ang mga itong lakad kaya sabay sabay na ring aalis. Mag gro grocery si San, si Tally naman ay bibili daw ng burger at fries dahil may susuyuin daw sya, habang si Kisha ay may aasikasuhin lamang na importanteng bagay.
Inihatid ko sila sa labas. San kissed me on my cheeks tapos ay agad sumakay sa pula nitong kotse. Bumusina muna ito bago umalis. Napalingon kami ni Kisha sa biglang pag taas ng boses ni Tally. Mukhang may kaaway ito sa kabilang linya. Padabog nyang ibinaba ang telepono bago inilagay sa dalang purse.
"Nangangain ba kayo ng aso?" seryosong tanong ni Tally habang palapit sa amin. Tingin lang ang aming naging sagot sa kanya. Nakakapagtaka kasi ang tanong nito.
"Kakatayin ko na yun e, tutal mukha namang k9 taz kaugali pa" , Halata ang pagka inis sa mukha nito.
Saglit kaming natigilan at nagkatinginan. Humagalpak kami ng tawa ni Kisha ng na realize ang pinupunto nito. Pagkatapos ni Tally humalik samin ay humarurot na ito. Hindi man lang nag helmet ang bruha. Matawa tawa pa rin si Kisha bago tuluyang nag paalam. Lulan sya ni Perry - her car that named after her crush. Naaalala ko pa din kung gano sya ka obsess sa lalaking iyon. Tinanaw ko pa sya bago tuluyang pumasok sa loob. Nakakunot noo akong naglakad while still wondering kung bakit ba ako nagpakasagad ng inom nang araw na iyon. Siguro napasarap lang, taas balikat kong konklusyon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (10)

  • avatar
    Jessabel Escotal

    500

    19d

      0
  • avatar
    CorsigaMark anthony

    ♥️♥️♥️

    29/06

      0
  • avatar
    MalonzoKelly Grace

    good job

    22/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด