logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Antonia 7

MAKALIPAS ng halos isa't kalahating oras na biyahe ay dumating na sa airport sina Antonia at Arnie. Medyo nakaramdam ng hilo at pagod si Antonia sa loob ng eroplano kaya naman 'pag dating niya sa airport ay bigla na lang itong sumuka sa comfort room. Si Arnie, kahit sa CR ng babae ay napilitan na siyang pumasok para lang hagurin ang likod ng dalaga. 'Di niya talaga maikaila, mahal na mahal niya ang dalaga.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Arnie kay Antonia. Buti na lang at walang ibang tao roon maliban sa kanila.
Nasasamid pa rin ito pero pinilit na sumagot. "O-okay na 'ko. Huwag mo na 'kong alahanin," sabi niya.
"Tara na lang sa labas, kakain tayo para magkalaman na 'yang tiyan mo," yaya pa ni Arnie saka hinila ang dalaga palabas ng comfort room.
"Mabuti pa nga."
Hindi pa man nakakalabas ng airport sina Arnie at Antonia, tumigil sila sa isang tindahan ng mga pagkain. Pagdating doon, balak sana nilang umorder nang makita ang presyo ng mga bilihin doon. Kakapa-kapa sa bulsa si Arnie, at tanging limandaang piso lang ang iniluwa ng kanyang bulsa.
"Tsk tsk, pambihirang buhay 'to," bulong ni Arnie na narinig ni Antonia. Siya rin ay kumapa sa kanyang wallet. Natawa siya dahil ni singkong duling ay walang inilabas ito.
"Wala rin akong pera, Arnie. Ano'ng kakainin natin e ang mahal-mahal pala ng bilihin dito?" Nagulat ang dalaga dahil biglaang hinila ni Arnie ang kamay nito at dinala sa kung saan. Siguro'y mas makakabuting sa labas na lang sila kumain dahil kahit paano'y mura ang bilihin doon.
Lumabas ng airport ang magkaibigan para na rin kumain sa labas dahil nabanggit rin ni Anne kay Arnie na may masarap na kainan malapit roon at 'di rin nakakasakit ng bulsa. Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari, hindi inaakala ni Arnie na ang pagyaya niya sa kaibigan ay ang magiging  susi para maghiwalay silang dalawa.
Dagsaan ang mga tao sa exit ng paliparan dahil sa pagkasabay-sabay ng mga eroplanong dumating. Dahil do'n, nakatulakan sa labas kaya walang kamalay-malay ang dalaga na wala na sa tabi niya si Arnie.
"Arnie! Arnie! Nasaan ka?" nag-aalalang sabi ni Antonia habang paikot-ikot sa iisang direksyon. Nalilito na ang dalaga kung saan niya ito sisimulang hanapin. Ngayon ay nasa labas na siya ng airport, sa abangan ng taxi. Marami pa ring tao doon kaya halos mapiga na ang katawan niya sa gitgitan ng mga tao.
Umiyak na lang si Antonia habang kinakagat-kagat ang kanyang kuko. Pababalik-balik na rin siya sa harap ng airport, hanggang sa mismong abangan ng taxi. Naisipan niya ring bumalik sa may exit ngunit hindi niya mahanap maske anino ni Arnie. Natataranta na ang dalaga gayong tanging address lang ng pag-aaplayan niya ang pinanghahawakan niya. Wala na itong pera gaya ng sinabi niya kanina. Paano pa ito makakapunta sa bahay ng kanyang pag-aaplayan gayong wala itong perang pamasahe?
Ano'ng gagawin ko ngayon? Ni ticket ko pabalik ay na kay Arnie. Paano pa ako makakauwi? Paano ko pa maililigtas si Itay? Lumuluha niyang sabi sa isip. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng exit at hinihintay pa rin ang kaibigan.
Ilang sandali pa, tumayo na rin ito, saka naglakad palabas ng airport. Hindi na siya babalik ulit doon dahil baka mahuli na siya ng mga guwardiya doon. Nag-aabang na lang ito ng masasakyang multicab upang makarating sa address na 'yon. Wala mang pera ay susubukan niyang makarating para makapag-trabaho.
Sinadya man ng tadhana na magkahiwalay tayo, Arnie, sisiguraduhin kong hindi ako mabibigo,sabi ni Antonia sa isip, nagpatuloy ito sa pag-aabang hanggang sa bigla niyang makabangga ang isang lalaking balot ng itim ang suot.
"Better watch out, you son of a bitch!" sigaw ng isa sa mga bodyguard na nakabangga niya. Hindi na lang pinansin ng isang babae ang babaeng bumangga sa kanyang bodyguard, ganoon din si Antonia.
***
"MANONG, para po," anang matandang babae na kasabay ni Antonia sa jeep. Sumabay na rin ang dalaga sa kanya tutal ay ilang lakad na lang ay naroon na siya sa address na nakasulat sa papel.
Nakokonsensya man, ngunit kailangang gawin. Sumakay kasi si Antonia sa Jeep nang walang dalang pambayad, kalimitang style ng mga ilang pasaherong nakakasabay niya sa Jeep sa kanilang baryo. Wala nang choice ang dalaga at kung hindi ay baka maligaw na ito ng landas. Matiyagang hinahanap ni Antonia ang mga palatandaan ng bahay ng kanyang aaplayan. Halimbawa na ay ang numero na nakadikit sa bawat gate ng bahay, at ang kulay ng gate nito. Nakasaad rin doon ang Village kung saan ito nakatira, at saktong doon napako ang kanyang tingin.
De Vega Village. Ito na siguro 'yon. Nilakad ni Antonia ang Village sa mainit na kalangitan. Ngunit bago magpatuloy, hinarang siya ng isa sa mga guwardiya doon.
"Excuse me, Miss, ano'ng kailangan mo?" tanong ng guwardiya sa dalaga. Ibinigay ni Antonia ang hawak niyang papel dito.
"Hinahanap ko ho ang Address na 'yan. Ako ho 'yong mag-a-apply na personal assistant," paliwanag niya. Tumango ang guwardiya saka pumasok sa loob ng village. Nanatili lang sa labas ang dalaga hanggang sa bumalik ito.
"Sige, pasok ka. Kanina ka pa hinihintay nila Ma'am Anastasia," saad ng guwardiya kaya hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Antonia at pumasok na ito sa loob ng village.
Malaki ang De Vega village, at pag-aari lamang ito ng pamilya De Vega, kilala bilang mga bituin sa showbiz. Tanging mga pag-aari lang nila ang nakalagak sa village na ito, at walang sino man ang maaaring tumira dito maliban sa kanila. Malayo ang nilakad ni Antonia bago makarating sa mismong Mansyon ng mga De Vega. Nasa harap na siya ng Mansyon ngunit bigla na lang itong makaramdam ng pananakit ng ulo.
Konting tiis pa, Antonia. Gutom lang 'to, sabi niya sa sarili. Isang SUV ang huminto sa kanyang harapan at doon, iniluwa ng van ang isang matandang babae na ubod ng ganda.
Napaatras si Antonia at pinanuod na pumasok ang Van sa loob. Naiwan siya, at ang matandang babae sa labas ng Mansyon.
"Toni..." Nagulat ang dalaga dahil hinawakan ng babae ang kanyang baba.
Napakunot ang noo niya. "M-ma'am?"
"Toni!" Kinulong sa bisig ng babae si Antonia. Nagtataka man pero hindi na lang siya kumalas. Hinintay niyang binatawan siya ng babae at nagpaliwanag.
"Ma'am, pasensya na ho kayo pero hindi ho ako si Toni," aniya. "Ako po si Antonia Maricon, mag-apply hong Personal Assistant."
Doon lang bumalik ang ulirat ang matanda. Iniisip na naman nito na buhay ang kanyang anak sa katauhan ni Antonia. Naisip niya na baka ito ang babaeng nakita niya sa isla noong nakaraang araw na akala niya ay imahinasyon niya lang.
"H-hindi ba ikaw 'yong nakita ko noong isang araw sa Isla Manansala, 'yong nagtitinda ng mga alak?"
"Ho?" naguguluhang tanong ni Antonia, "Hindi ho ako taga Isla, Ma'am. Galing ho ako ng Baryo Marikit, at napadpad lang ako dito dahil nabanggit sa 'kin ng kaibigan ko na naghahanap kayo ng personal assistant. Kailangan ko lang talaga ng trabahong ito dahil nanganganib ang buhay ng Tatay ko. Iyon po ang totoo," paglilinaw ng dalaga.
"Pero kamukhang-kamukha mo ang nawawala kong anak. At magkamukha rin kayo ni Antonietta. Imposible namang may ibang tao pa ang hahawig maliban kay Toni, 'di ba?"
"Pero Ma'am, lahat ng ito ay may dahilan. At may mga bagay talagang hindi sinasadya. Siguro'y nagkataon lang iyon. Ma'am," tawag niya rito. "Maari na ho ba akong magsimula?" apuradong tanong niya sa matanda.
Hindi na nag-react pa ang matanda at sumangayon na lang ito. "Sige. Maaari ka nang magsimula. Ako nga pala si Anastasia De Vega. Tara sa loob, ipakikilala kita sa asawa at mga anak ko."
***
LILINGAT-LINGAT nang makapasok sa loob ng Mansyon si Antonia. Manghang-mangha ang dalaga sa mga nakikita niya sa loob dahil ngayon lang ito nakapasok sa ganitong klaseng lugar. Maraming antique vase ang mga naka-display sa paligid, makikintab na tiles ang bubungad sa'yo sa harap, at isang malaking painting ng pamilya De Vega, pero laking palaisipan sa kanya kung bakit nakatakip ng kapirasong tela ang mukha ng babaeng nakalarawan doon. Tiyak na iyon si Toni.
Gusto niya mang itanong kung bakit nakatakip ang mukha ng babae roon pero mas inisip niya na lang ang trabaho niya kaysa sa makihimasok sa mga ito. Tinawag ni Anastasia ang kanyang mga anak. Unang bumati kay Antonia si Mark, ang asawa ni Anastasia, at sumunod na rin ang mga anak nito.
"Okay, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa inyo 'to but I'm telling you, she's not Toni," panimula ni Anastasia. Napalunon si Antonia at nanatiling kalmado. "And I'm expecting you na ituturing niyo siya na parang parte ng pamilya natin."
"She's part of our family?" singit ng bunsong si Kaye sa usapan.
"Something like that," sagot ni Mark sa anak, ipinagpatuloy ni Anastasia ang pagpapakilala kay Antonia.
"Alright, I would like to introduce you, Antonia Maricon, and she will be my personal assistant from now on." Inalalayan ni Anastasia ang dalaga palapit sa mga ito, at isa-isang kinamayan. "Antonia, this is Mark, My husband, and these are my two daughters, supposed to be, three but in few moments, she will be having here, Elizabeth and Kaye."
"Magandang umaga po, Ma'am Elizabeth," bati ni Antonia kay Elizabeth. Umiwas ng tingin ito at pikit-matang kinamayan ang dalaga.
"N-nice to meet you," tanging saad niya.
Sumunod naman si Kaye na abot langit ang ngiti. Hindi pa nakuntento ang bata dahil nakuha niya pang yakapin ang dalaga. "Hi, Ate Antonia, I'm Kaye. Nice to meet you!"
"N-nice too meet you, too, ganda!" magiliw niyang sagot sa bata.
"Tara po sa Dining room, kain po tayo," yaya sa kanya ni Kaye ngunit hindi siya sumunod. Napansin niyang sa kanilang dalawa nakapako ng tingin ang mag-asawa, maliban kay Elizabeth na nasa harap ng pintuan at mukhang may hinihintay.
Bumulong si Antonia sa bata. "Sandali lang, Kaye, mukhang may hinihintay pa sila e."
"Buti naman at alam mo," ani Elizabeth sa mataray na tono. Hindi siya makapaniwalang narinig pa siya ng kapatid ni Kaye.
Ang lakas naman ng pandinig ng isang 'to! Sabi niya sa isip. Hindi na lang niya 'yon gaano pang pinansin. Hanggang sa bumukas na lang ang arkong pintuan sa harapan, at iniluwa 'yon ng isang babae. Ang pangalawa sa magkakapatid na De Vega, ang kakambal ni Toni na si...
"Oh, she's here," ani Anastasia at nilapitan ang babae. Niyakap niya ito ng mahigpit at saka ginawaran ng halik sa pisngi. "I'm very miss you, Antonietta. How was your days in London? Have you enjoyed your trip?"
"Not so good, Mama. Kagagaling ko lang sa Airport and I've stayed Three hours before the departure. Sobrang delay ako, Ma can I just go to my room and have some rest - oh hey, who is this girl?" Nakita niya ang babae sa harap ng malaking salamin. Nananalamin doon si Antonia at tinitignan ang sarili. Ilang sandali pa, napalingon ito nang rumeplika ang mukha ni Antonietta sa salamin na tinitignan niya.
Hindi makapagsalita si Antonia. Hindi dahil may pagkakahawig siya kay Antonietta ngunit nasilaw ang dalaga sa kagandahan nito. Hindi sa naiingit, naalala niya kasi ang babaeng kasama ng mga bodyguards na nakabangga niya kanina sa paliparan. At hindi siya nagkakamali na ito rin ang  babaeng 'yon dahil sa suot nitong black leather attire. Well, ang hirap i-describe ang kanyang kasuotan.
Nalilito man, mas pinili niyang ngitian ang dalaga. Manghang-mangha siya sa pamilyang ito dahil mayroon silang anak na kamukha niya, kung sakaling siya'y pinanganak na kalebel nila.
Ang ganda niya, Bulong niya habang pinagmamasdan ang mukha nito na puno ng kolorete. Same as Antonietta, tinignan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa.
"Mama," Antonietta called her mother emphatically. "Can you explain this to me, who is this girl?"
"Antonietta, calm down."
"No, I don't." Nilapitan niya si Antonia at tinignan muli ito. Bakas sa mukha ni Antonia kung paano siya tignan nito. Sa mga tingin ni Antonietta ay parang gusto na siya nitong saksakin sa talas ng kanyang paningin. "What brings you here, cheap? This is not the right place for you, I'm telling you."
Parang may bumara sa lalamunan ni Antonia at hindi ito nakapagsalita. Kahit kailan, hindi siya nagawang pagsabihan nito. Gustuhin man niyang saguting si Antonietta, ngunit wala siya sa lugar, at hindi siya pinalaki nina Estrella at Tonyo na walang modo.
Hinintay na lang niya na magsalita si Anastasia. Hindi rin nagtagal ay ganoon nga ang nangyari. Pumagitna ito kina Antonia at Antonietta. Pinalayo nito ang dalaga mula sa anak.
"Antonietta, can you please shut up?"
"I'm sorry, Mama, I'm pissed."
"Yeah, I know. Pissed na nga siya sa loob ng eroplano, ito pa ang madadatnan niya. Psh," pagsabat ni Elizabeth sa tatlo. Hindi naman siya nagawang pansinin ng mga ito. Just for you to know, nagpaparinig na ito sa dalaga.
"Okay, gaya ng sinabi ko sa mga kapatid mo kanina, treat her like a part of our family," aniya na mas lalong nagpatalas sa tingin ni Antonietta sa dalaga.
Over my hot, beautiful, gorgeous sexy body, ani Antonietta sa isip. Tinapunan naman siya ni Antonia ng nakakamanghang tingin.
"And she will be my Personal Assistant from now on. Well, her name is Antonia Maricon. Antonia, this is my second daughter, Antonietta De Vega."
Napalitan ng kaunting excitement ang kanina'y takot na nararamdaman niya. Dahan-dahan niyang nilapitan si Antonietta. Kinuha niya ang kamay nito saka nakipag-shake hands sa dalaga. Pakiramdam ni Antonia ay para na itong patay sa lamig ng kamay nito. Pero seryoso, ngayon pa lamang ay iniidolo na niya si Antonietta kahit pa may kaunting kasungitan ito.
"Nagagalak ko pong makilala kayo, Ma'am Antonietta," bati ni Antonia rito. Nagulat siya nang bigla itong kumalas sa pakikipag-kamay.
Inilapit ni Antonietta ang sarili sa tainga ng dalaga saka bumulong. "I don't like the way you call me Ma'am, like uh? Such cheap. Call me MISS ANTONIETTA instead."
"O-opo, Miss Antonietta."
"Halina kayo at kanina pa nakahanda ang pagkain. Manang Rhea, alalayan mo si Antonia. Naku, siguradong matutuwa ka sa dami ng inihanda namin para sa'yo," aya ni Anastasia sa mga ito, sumunod naman sila.
Sa pangalawang pagkakataon, tinapunan niya ng matalim na tingin si Antonia. "You're lucky, cheap baryo girl. Ikaw pa ang pinaghanda imbis na ako?"
Narinig niyang tumawa pa si Elizabeth, na ngayon ay nasa likuran niya. "Mas priority pa ni Mama ang unexpected guest compare to you. Tsk tsk, wala pa ring pagbabago si Mama. She treat her like Toni."
"Just because may pagkakahawig sila?" Bumulong siya sa kapatid bago sumunod sa Dining Room. "I don't F*CKING care. And I'm telling you, Elizabeth De Vega, What Antonietta wants, Antonietta gets IMMEDIATELY."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (67)

  • avatar
    Aviby Prudenciado

    nice story

    1d

      0
  • avatar
    Susana Aboloc

    nakapagtapos ako

    12d

      0
  • avatar
    Rafael Silva

    olha essa estória é muito legal eu gostei muito de mais ela é muito boa pra ler

    05/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด