logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Antonia 6

HINDI PA MAN nakakapasok sa loob ng ICU si Antonia ay nabalot na ng takot at tensyon ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang kalagayan ng ama. Hanggang ngayon, 'di pa rin ito makapaniwala sa sinapit nito. Hindi niya ma-imagine kung paano nangyari ang karumaldumal na insidente. Iyak na lamang ito ng iyak sa harap ng pintuan kasama si Anne.
"Anne," tawag niya sa kaibigan at kinulong niya sa bisig ang dalaga. "Ngayon pa lang, awang-awa na ako kay Itay. Mabait si Itay, at hindi ko lubos maisip kung bakit siya pa ang pinili ng Diyos na magdusa ng ganito. Sana, ako na lang ang nasa kalagayan niya ngayon nang hindi niya 'to nararanasan," umiiyak nitong sabi, hindi na lamang nagsalita si Anne kahit pa mali ang katwiran ng kaibigan.
Nabigla na lang si Antonia nang pihitin ni Anne ang doorknob ng ICU. Tinignan niya ng derecho ito, tanging tango lang ang isinukli ni Anne sa dalaga. Naisip niya na siguro'y mas maiging harapin niya ang takot kaysa lamunin siya nito hanggang sa wala itong magawa.
Mali, Antonia, mali! Suway niya sa sarili. Kailangan kong magpakatatag, kailangan kong mailigtas si Itay. Ipapangako ko sa kanya na hindi ko siya bibiguin, magkakasama kaming muli.
Nangangatog ang mga tuhod nang pumasok si Antonia sa loob ng ICU. May tatlong pasyenteng nakalagak sa ICU na kanyang pinasok. Lumingat-lingat siya sa paligid, at sa bandang gitna ay nakita niya ang kanyang ama na halos balutan na ng aparato ang buong katawan. Kulang na lang 'ata ay mahimatay siya sa tensyon, ngunit hindi siya nagpadala. Buong lakas niyang hinarap ang ama at kinausap.
"'Tay, ako 'to, si Antonia," sabi niya rito. Nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Lakasan mo ang loob mo, lumaban ka para sa amin ni Inay. Huwag kang bibitaw." Nanginginig na hinawan niya ang kamay ng ama. "Gagawa ako ng paraan para mailigtas ka. Magdo-donate ako ng dugo para sa inyo. At kung hindi pa rin 'yon sapat, makikipag-sapalaran ako sa maynila upang humanap ng gamot na magpapagaling sa inyo. Itay, nakikiusap ako, lumaban ka. Huwag mong kalilimutan na mahal na mahal ka namin ni Inay kahit ano pang mangyari, 'Tay."
"Miss," Napaligat si Antonia sa likuran niya---naroon ang Doktor na sumusuri kay Tonyo. Hindi pa nakuntento ang dalaga dahil nakuha niya pang luhuran ito at magmakaawa.
"Dok, nagmamakaawa ako sa 'yo, iligtas mo ang tatay ko. Gawin niyo ang lahat para makasama pa namin siya please," pagsusumamo niya pa.
"Miss, huwag mo 'kong luhuran, hindi ako ang Diyos," anang Doktor at tinulungan niyang makatayo ang dalaga. Binuklat ng Doktor ang hawak na Medical Records ni Tonyo at binasa kay Antonia. "Malubha ang lagay ng tatay mo sa lalim ng pagkakasaksak sa kanya. Sa ngayon, hindi ko alam kung makakabuti ang salinan siya ng dugo dahil baka mas lalong lumala ang kondisyon niya. Ngunit kung hindi siya masasalinan ng dugo ay tiyak na iyon ang ikamamatay niya. Nabanggit sa akin ng nanay mo na ikaw raw ay balak na mag-donate ng dugo sa tatay mo. Sumunod ka sa 'kin para sa blood testing."
Maliliit na hakbang ang nilakad niya palayo sa kanyang ama. Bago pa tuluyang makalabas ng pinto ay nilingat niya muli ito.
Pinapangako ko sa inyo, Itay, hindi ako babalik dito nang walang napapala. Pangako, kung hindi man kayo mailigtas ng mga Doktor, ako mismo ang magliligtas sa inyo.
***
HUMIHIKBI pa ring lumabas ng ICU ang dalaga. Ang tanging naabutan na lang niya roon ang kanyang Ina na ganoon pa rin ang sitwasyon---hindi mapalagay. Niyakap niya si Estrella at nagpaalam bago sumunod sa Doktor.
"'Nay, sasama ako sa Doktor para magpa-blood testing."
"Desedido ka na ba, Antonia? Paano ka?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Hindi mahalaga sa ngayon kung ano'ng nangyayari sa akin, Inay. Desperada na ako at wala na akong maisip na paraan bukod dito. Inay, sana suportahan mo na lang ako sa mga desisyon ko, para na rin 'to kay Itay."
Nag-aalala si Estrella kay Antonia. Madalas niya kasing napapansin na laging puyat ito at halos walang pahinga ang katawan, kung gayong hindi maganda sa kanya ang mabawasan pa ang dugo nito. Ang masama pa'y wala raw available na dugo para kay Tonyo. Nagbabakasakali lang si Antonia na sana, magtugma ang bloodtype nila ni Tonyo upang maisalin ito sa kanya.
Hindi na nagawa pang pigilan ni Estrella ang dalaga. Tumango-tango lang ito bilang pagsangayon. Muli, kinulong niya sa bisig ang anak ng mahigpit.
"Mag-iingat ka, huwag mong pabayaan ang sarili mo," aniya na tila ba nagbibilin na.
Hinagod-hagod ni Antonia ang likod ni Estrella. "Huwag na kayong mag-alala sa akin, Inay. Mas makakabuti ito kaysa naman sa wala akong magawa. Sige, babalitaan ko na lang kayo kung ano'ng mangyayari," saad niya at saka tumalikod paalis.
Nagsimula na ang blood testing para kay Antonia. Kinuhanan siya ng kaunting sample ng dugo, at dinaan sa testing machine. Ilang sandali pa, nalaman na niya ang resulta. Type B ang blood type ni Antonia na kapareho rin nang kay Tonyo. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Antonia, desedido na siyang ibahagi ang kanyang dugo sa kanyang ama.
Humiga sa isang malambot na hospital bed si Antonia. Bago simulan ang pangunguha ng dugo sa kanya ay nagdasal muna ito ng mataimtim... Punong-puno ng pagsusumamo. Pikit-mata niyang hinarap ang sitwasyon. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala ito.
***
"ANO?!"
Kapwa nawala sa sarili ang mag-ina nang marinig ang sinabi ng Doktor. Ilang oras matapos salinan ng dugo si Tonyo ay bigla na lamang itong nag-collapse. Ayon sa Doktor, lalong tumatagal, lalong lumulubha ang kondisyon nito. Nagkaroon na kasi ng pagbabara sa puso si Tonyo bunga ng kanyang hypertension kaya inatake ito sa puso. Ngayon ay kailangan niyang maoperahan agad upang maalis ang bara. At kung hindi ay baka tuluyan na itong bawian ng buhay.
"I'm sorry, Misis pero 'yon na lang ang tanging magagawa natin. Kung hindi maalis ang bara sa kanyang puso ay maaari niya itong ikamatay. Siguro dahil na rin ito sa dugo na sinalin but anyway, tatapatin ko na kayo," Bumuntong ng hininga ang Doktor bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Malaki-laki ang magagastos niyo sa pagpapa-opera. At hindi siya maaaring operahan hangga't hindi nababayaran ang current balance niyo dito sa ospital."
"E Dok, magkano naman sa tingin mo ang magagastos sa pagpapa-opera kay Itay?"
"It cost almost half a million pesos."
"Naku, paano na 'yan, anak?" Umiiyak na tanong niya kay Antonia. Makikita sa mukha ni Estrella na unti-unti na itong nawawalan ng pag-asa. Saan naman sila kukuha ng kulang Five-hundred thousand pesos para maoperahan si Tonyo? Kung tatantiyahin ay kulang na kulang ang kinikita ni Antonia sa pagbebenta ng kakanin, kahit birahin niya ng benta ng isang araw ay hindi pa rin iyon sapat.
Ngunit isang paraan na lang ang naiisip ni Antonia para mabilis na makakuha ng pera---gaya ng pinangako niya kay Tonyo kanina ay pupunta siya sa Maynila para makipagsapalaran. Nabanggit kasi ni Anne sa kanya na may kakilala itong pamilya na naghahanap ng Personal Assistant. Kung iisipin ay imposibleng makakuha ng ganoong kalaking halaga ang isang Personal Assistant sa loob ng ilang araw. Pero malakas ang loob ni Antonia. Kung kinakailangan niyang magbanat ng buto at pagsilbihan lahat ng miyembro ng pamilya no'n ay gagawin niya.
Tinignan niya ng derecho si Estrella habang pinupunsan nito ang mga luha ng ina. Huminga ito ng malalim at buong tapang na nagsalita. "Inay, pupunta ako ng Maynila."
Noong una, hindi sumagot si Estrella, na para bang hindi pa nag-sink in sa utak niya ang sinabi ng dalaga. Ilang minuto ang nakalipas, bigla itong kumalas kay Antonia at tumalikod sa kanya. "Imposible ang sinasabi mo, Antonia. Ano, magbabanat ka ng buto? Makikipag-sapalaran sa lugar na kahit kailan ay hindi naman nagkaroon ng kalayaan?"
"Inay, para sa 'kin, walang imposible. Hindi sa nagmamayabang pero kaya kong suungin ang lahat para lang mailigtas si Itay. Alam kong mahirap mabuhay sa Maynila pero nabanggit sa akin ni Anne na may kakilala siyang pamilya na naghahanap ng Personal Assistant. Nagbabaka-sakali lang naman ako, Inay kaya nakikiusap ako, pumayag ka na," pagsusumamo ng dalaga, kulang na lang e luhuran niya ito.
"Desperada ka na talaga," malutong niyang pagkakasabi. "Pero ano pa bang magagawa ko, 'di ba? Iyan naman ang gusto mo e. Simula noong inampon ka namin ng tatay mo ay abot langit ang pangarap mo para sa amin kaya naiintindihan kita. Pero sana, anak, mag-iingat ka dahil hindi biro ang Maynila. Maswerte ka pa rin dahil kahit paano'y may trabahong naghihintay sa 'yo  roon. Pero hindi mo sila kilala kaya doble ang pag-iingat mo. At tandaan mo anak," Hawak ni Estrella ang magkabilang pisngi ng anak, panay ang punas niya sa luha nito. "May maiuwi ka mang pera o wala, mahal na mahal ka namin ng tatay mo."
"Mahal na mahal ko rin kayo ni Itay, Inay. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Itay nang dahil sa ginawa kong 'to."
***
"MAG-IINGAT KA doon, ha? Mag-text ka kapag kailangan mo ng tulong, susunduin ka namin doon," maluha-luhang ani Anne yakap-yakap ang kaibigan sa Check in area ng paliparan.
"Oo nga, tama si Anne. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Naku, mahirap magkasakit, mahal ang bioflu," singit naman ni Arnie sa usapan.
Nagulat ang binata dahil binatukan siya ni Anne. "Sira! Akala ko ba sasamahan mo si Antonia sa Maynila? Ang OA mo!"
"Oo na sinabi ko nga, 'di ba?"
"Tama na nga 'yan. Basta a-alagaan mo si Inay, ha? Saka, pakisabi mo na rin sa kanya na alagaan si Itay habang wala ako. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magtatagal doon lalo na't kailangan ko agad makabalik dito para operahan si Itay. Magte-text na lang ako 'pag may balita na," aniya.
Bago pa makaalis si Antonia at Arnie, ibinigay ni Anne sa kanya ang hawak niyang papel. "Ayan ang address ng sinasabi ko sa 'yo. Pumunta ka lang at sabihin mo na ikaw ang mag-aaply na personal assistant, papapasukin nila kayo," bilin ni Anne sa dalaga. Tumango na lang ito bilang pagsangayon.
"Paano, aalis na kami. Mag-iingat ka."
"Sige Arnie, alagaan mo 'yang si Antonia, ha! Baka mamaya 'pag balik n'yo, payatot na 'yan!"
"Hindi ah! Akong bahala sa kaibigan natin. 'Di ba, Antonia?" Tumingin si Antonia kay Arnie, may halong pagpapatawa ang mukha nito.
"Ewan ko sa 'yo. Tara na nga at baka mahuli tayo sa biyahe."
Sa tulong ng kaibigang si Arnie, pinahiram niya ng kaunting pera si Antonia upang ibili ng tickets patungong Maynila. May naitabi rin kasi ito in case of emergencies kagaya na lang ngayon. Sinamahan niya na rin si Antonia upang bantayan doon gaya ng binilin ni Estrella sa kanya. Ayaw man sana pumayag si Antonia pero mas makakabuti na rin 'yon para may kakampi siya roon kung saka-sakaling may mang-api sa kanya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (67)

  • avatar
    Aviby Prudenciado

    nice story

    1d

      0
  • avatar
    Susana Aboloc

    nakapagtapos ako

    12d

      0
  • avatar
    Rafael Silva

    olha essa estória é muito legal eu gostei muito de mais ela é muito boa pra ler

    05/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด