logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Antonia 4

Makalipas ng labing-pitong taon...
"BILI NA KAYO!" Busy sa pagbebenta ng mga panindang kakanin si Antonia sa baryo Marikit ngayong araw. Nasa ilalim siya ng acacia tree, at kasalukuyang dinudumog ng mga customer. Kulang na lang 'ata ay magtayo na siya ng pwesto roon upang doon na magtinda.
Ilang oras nang nakaupo at dinudumog si Antonia ng mga customer at halos hindi na ito magkanda-ugaga. Sakto namang nadaan ang kaibigang si Anne na galing lang sa tinitirahan nito.
"Huy, ang daming benta ah," pangantiyaw ni Anne sa dalaga. Kunut-noong tinignan siya nito.
"Tulungan mo na nga lang ako imbis na magsasatsat ka d'yan! 'Di ako matatapos dito hangga't walang tumutulong sa'kin!"
Matiygang sumilong sa puno si Anne upang tulungan ang kaibigan. Sa dami ng mga customers ay kailangan pa nilang pumila upang maging maayos ang pagbili sa kanila. Tuwang-tuwa ang dalawa sa mga nakukuhang magagandang kumento mula sa mga mamimili. So far, naubos nila ang isang bilaong dala ni Antonia.
Matapos maibenta nina Anne at Antonia ang mga kakanin ay dumerecho muna sila sa kalapit na isla. Doon, nagmuni-muni sila habang nakaupo sa maputing sahig. Matagal na rin kasing hindi nakapag-bonding ang magkaibigan dahil sa ilang taong paglisan ni Anne sa baryo.
Isang taon pa lamang si Antonia sa Baryo Marikit ay nagdesisyon ang mga magulang ni Anne na sa Maynila ipagpatuloy ang pag-aaral ng kaibigan. Nang makapagtapos ay nagtrabaho siya sa isang traveling agency ng halos limang taon. Nakapag-asawa na ito ng isang Australian citizen, mayroon na rin silang anak---si Amanda na may pagkakahawig kay Antonia, hindi niya lubos malaman kung bakit. Gayon pa man, hindi niya nakalimutang bumalik sa kinalakihang baryo.
Noong isang araw lang nang bumalik si Anne sa Baryo ng Marikit kasama ang kanyang asawa at ang anak na si Amanda mula Australia. Ngayon lang sila nag-bonding ni Antonia dahil napagod rin ito sa biyahe.
"Alam mo Bes, wala pa rin nagbago sa lugar na 'to simula noong umalis ako. Napakaganda pa rin, ang tahimik," ani Anne habang nakatingin sa kulay asul na tubig ng dagat.
Sumangayon ang dalaga. "Oo nga e. Ang peaceful na ng baryo natin. Saka, nabawasan na rin ang mga krimen at maayos na lahat ng pinagmumulan ng krisis. Dumami rin ang mga turista dito," kwento niya pa. "Anne, siguro kung darating ang panahon na lilisanin ko ang baryong ito, hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng magagandang alaalang mayroon ako dito, pati na rin 'yong mga taong naging bahagi ng buhay ko. Kayo nina Inay at Itay. Kahit kailan, hindi ko kayo malilimutan."
"Tama na nga ang drama!" anito, 'di niya napigilang maging emosyonal kay Antonia. "Alam kong darating ang araw na iyon, ang araw na babalik ka sa iyong nakaraan. Pero sana 'pag dumating 'yon, maging ispirasyon ka ng bawat tao dito dito sa baryo na hindi hadlang ang kahirapan o kung ano man ang mayroon sa nakaraan upang makabangon. Kailangan lang ng sipag, tiyaga, pagtitiwala, at pagmamahal sa bawat isa. Iboto, Antonia Maricon for president!" pagbibiro pa nito upang mahupa ang dramang namamagitan sa kanila.
Isang mahinang batok ang natamo ni Anne mula sa kaibigan. "Ikaw talaga ang corny mo! Nakakatuwa ang biro mo pero tunog corny e!"
"Aba!" napasighap si Anne. "Nakaka-dalawa ka na, kanina ka pa---after so long years, ngayon lang kita narinig na mag-ingles! Huwag mong sabihing 'di pa rin maka-move-on 'yang impaktita mo sa loob at matalas pa rin ang bibig sa ingles!"
"Haist, si Nanay kasi, naimpluwensyahan akong magbasa ng mga pocketbooks. Kadalasan nga niya'y puro english pocketbooks ang pinapabasa niya sa'kin. Kaya ayan, nahasa ang kaibigan mong maganda," biro pa ni Antonia. Hindi matinag sa katatawa ang dalawa hanggang sa mahampas sila ng mahinang alon sa mukha.
"Oh... Ha ha ha! Sige, english pa, Antonia para hampasin na tayo ng malalaking alon!"
"Ah, sige ba. Bigay ka ng topic."
Nag-isip-isip muna si Anne bago magsalita. Mukhang magaling na 'tong kaibigan ko ah, pahihirapan ko siya---ah, alam ko na!
"Hmmm... Huwag ka sanang magagalit if ever na ito ang maibigay kong topic sa'yo. Base on my obsercations to you, mukhang nakalimutan mo na siya. Ngayon, ipapaalala ko siyang muli sa'yo."
Laking palaisipan kay Antonia kung sino ang tinutukoy ng kaibigan. Sa labing-anim na taong hindi sila magkasama ay wala itong naaalala na taong nakalimutan niya, maliban sa isa. Hindi kaya ang taong iyon rin ang taong tinutukoy ng kaibigan?
"Alam mo Anne, sabihin mo na nga kung sino 'yan. Ang dami mo pang chechebureche! Sino mo ang tinutukoy mong nakalimutan ko na?"
Natawa ang kaibigan, mukhang hindi na nga nito naalala ang taong iyon. "Grabe ka ah, hindi mo na siya naalala? Si Prince Charming?!" aniya 'tapos ay bahagya itong napatili. "Si Mr. Bob na kinuwento mo na iyong first kiss? Naku, nakalmutan mo na talaga siya!"
Ay, oo nga 'no, pero hindi. Hindi ko malilimutan ang lalaking hanggang ngayon ay hinahangad ko, Bulong niya sa isip. Totoo namang labing-pitong taon niyang inaalala ang mahal niyang si Bob, kahit sa panaginip nito ay lumalabas ang binata.
Sandaling natahimik si Antonia ngunit kalauna'y nagsalita rin. "M-mali ka, Anne. Hindi ko makakalimutan si Bob. Sadyang wala lang sa ekspresyon ko ang pag-alaala sa kanya. Ngunit nananatili pa rin siya sa puso ko. I Love him so much and I will do everything to find him in all sides of the earth and I will give him a true love's kiss."
Dahil sa mala-hugot ni Antonia ay hindi napigilang mapamura ni Anne. "Give me a big S to the H to the I to the T!" Hindi pa ito nakuntento dahil tinapik-tapik niya pa ang pisngi ng dalaga. "Ikaw pa ba 'yan, Antonia? O baka naman sumapi na sa'yo si Princess Giselle ng 'Enchanted?'"
"Ano ka ba naman, akala ko ba english ang topic natin dito?" Hinawakan ni Antonia ang kamay ng kaibigan. "I'm Antonia, and I'm always be Antonia Maricon. Nothing will change."
Hindi na mahalaga sa akin kung ano'ng mayroon sa nakaraan. Ang mahalaga sa ngayon, ang i-ahon sa hirap sina Inay at Itay.
"Antonia! Antonia!" Isang boses ang narinig nina Antonia at Anne na siyang nagpatigil sa pag-eemote nila. Naroon palapit si Arnie, ang kapitbahay at kaibigan rin ni Antonia na palapit sa kanya.
Sa boses ni Arnie ay parang may nangyaring kakaiba, hindi niya alam kung ano iyon. Bago pa tuluyang makalapit si Arnie sa dalawa ay mismong si Antonia na ang lumapit sa binata.
"Arnie, ano'ng nangyari? Bakit apurado ka, may problema ba?"
"Antonia, si Mang Tonyo, nasa ospital, kritikal ang lagay niya."
Halos mabingi si Antonia nang marinig ang sinabi ni Arnie. Kanina lamang bago ito umalis sa bahay ay naabutan niya ang kanyang Ama na naghihiwa ng mga isda upang ibenta sa palengke. Ngunit 'di niya inaakalang biglang malalagay sa alanganin ang buhay ng ama, ilang oras lang ang nakakalipas.
Unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ni Antonia at natataranta na sa natuklasang balita. Kinuha niya ang bilaong kanina ay inupuan niya at hila-hila ang kamay ni Anne sa likuran nito.
"Samahan mo 'ko kay Itay sa ospital, Arnie. Gusto kong makita ang kalagayan ni Itay. Hindi ako papayag na tuluyan niya kaming iwan," pakiusap nito na hindi naman binalewala ng kaibigan. Sumakay sila sa pedicab at dali-daling hinarurot papunta sa pinakamalapit na ospital na pinagdalahan ni Tonyo.
***
NATATARANTA man pero pinilit na magpakatatag ni Antonia habang tumatakbo upang hanapin ang kuwartong pinaglagyan ng kanyang ama. Una nilang tinanong ang isang nurse na nakaupo sa nurse station ngunit hindi nila masabi kung saang kuwarto inilagay ang ama. Sunod namang pumunta sila sa operating room pero pagdating nila roon ay wala silang naabutang tao. Sa kabilang na parte ng operating room, naroon ang Intensive Care Unit, halos manghina ang kanyang mga tuhod nang makita roon ang umiiyak niyang ina na nakadungaw sa bintana ng ICU.
Dere-derecho itong lumakad palapit kay Estrella, at niyakap niya ito ng mahigpit. Kapwa umiiyak ang dalawa at halos hindi na maintindihan ang sinasabi ni Estrella.
"A-anak, ang tatay mo, nasaksak sa loob ng palengke habang nag-titinda. A-ang s-sabi ng d-doktor, kritikal ang lagay niya at kailangan siyang salinan ng dugo bago mag-bente-kwatro oras. At kung hindi," Hindi na napigilan pang humagulgol ng ina. "M-mamamatay ang ama mo, mamamatay si Tonyo."
"N-nay, hindi maaari, hindi p'wedeng mamatay si Itay! Gagawa ako ng paraan para isalba ang buhay ni Itay," Ilang sandali pa ay sandaling kumalas ito sa pagkakayakap kay Estrella. Sumilip ito sa bintana, at doon ay nakita niya ang nakakaawang kalagayan ng ama. Doon, nakaisip siya ng isang paraan para mailigtas ang buhay ng ama.
Tumingin siya ng derecho at buo kay Estrella. Sa mga tingin ng anak ay alam na niya ang balak nitong gawin. "Ano'ng ibig sabihin ng mga tingin mong iyan, Antonia? Huwag mong sabihing---"
"Opo, Inay. Gagawin ko kung kinakailangan. Kung kinakailangan kong i-donate lahat ng dugo ko para kay Itay, gagawin ko, maisalba ko lang ang buhay niya." Hinawakan ng dalaga ang kamay ng Ina. "Magdo-donate ako ng dugo kay Itay at gagawa ako ng paraan para mabayaran lahat ng mga gastusin sa ospital na ito." Buong-lakas na saad ni Antonia sa kanyang Ina na siyang ikinagulat nito.
Gayon man, susuportahan niya ang kanyang anak, sa tamang paraan. Sa mga susunod na kabanata ay matutunghayan ninyo kung paano malalagpasan ng pamilya Maricon ang malaking dagok sa kanilang buhay. Maisalba kaya ni Antonia ang buhay ng ama nang dahil lang sa pag-donate ng dugo?
Isa pang karagdagan, sa susunod na kabanata ay matutunghayan niyo ang mga pagbabago sa pamilya De Vega, at kung paano sila nakaahon mula sa pagkawala ni Toni.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (67)

  • avatar
    Aviby Prudenciado

    nice story

    1d

      0
  • avatar
    Susana Aboloc

    nakapagtapos ako

    12d

      0
  • avatar
    Rafael Silva

    olha essa estória é muito legal eu gostei muito de mais ela é muito boa pra ler

    05/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด