logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Antonia

Antonia

Ava Marchant


Antonia 1

This story is written in 2015 by a 16-year-old Ava Marchant. This is one of my old stories so expect lots of errors. Don't hate me for that.
***
Simula
GABI nang magdesisyong umalis ng bahay si Estrella upang bumili ng kandila sa tindahan. Dahil malayo-layo ang kanyang tinitirahan mula sa tindahan ay kailangan pa nitong sumakay sa pedicab. Walang kuryente sa buong Baryo ng Marikit kaya naman halos lahat ng tao doon ay pakapa-kapa sa dilim tuwing gabi.
Nang makarating ng tindahan ay agad itong bumili ng kandila. Akala niya nga'y 'di na siya makakabili dahil nagkakaubusan na. Tipikal iyong nangyayari tuwing sumasapit ang gabi. At kung hindi papalarin ay wala itong magagawa kungdi hintayin ang sumapit ang umaga.
Subalit papauwi na sana siya galing sa tindahan nang bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan. Kapag minamalas ka nga naman, Estrella, lahat ng pedicab na nakaparada sa kanyang harapan kanina ay isa-isa nang umaalis sa lugar na iyon. Walang magagawa ang ginang kungdi ang maglakad mula sa kabilang baryo pabalik sa Marikit.
Dumaan sa magubat na daan si Estrella sa pagkakaalam niyang iyon ang shortcut pabalik.Madilim ang parte na 'yon ngunit pinilit niyang lakarin iyon dahil kanina pa siya hinihintay ng kanyang asawa. Ngunit, habang patuloy sa paglalakad si Estrella ay bigla na lamang itong nagulat dahil sa pakiramdam niya ay nakaapak siya ng kung ano.
Lumuhod ito sa damuhan upang malaman kung ano ang kanyang naapakan. Halos mahimatay siya sa kanyang kinatatayuan ng maramdaman na isang tao ang kanyang naapakan. Patuloy ang pagkapa niya sa taong iyon hanggang sa makapa nito ang buhok-- babae ito.
Niyugyog ni Estrella ang walang malay na babae. "Ga, gising. Ano'ng nangyari sa'yo?" Tapos ay kinapa niya ang pulso nito--tumitibok pa ito kaya siguradong buhay pa ang babaeng ito.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang ginang at agad niyang pinasan ang babae sa kanyang balikat. Hirap mang pasanin ang babae, dadagdag pa ang lakas ng buhos ng ulan ay hindi niya ininda dahil gusto niyang tulungan ang babaeng iyon, hindi niya man malaman kung bakit.
***
MAKALIPAS ng dalawang oras na paglalakad sa gubat ay sa wakas, nakabalik na sila Estrella sa kanyang tahanan. As usual, gano'n pa rin ang sitwasyon, wala pa ring ilaw kaya kailangan niya pang kapain ng husto ang babaeng napulot niya para lang magamot ang sugat nito kung mayro'n.
"Estrella, ano'ng nangyari? S-sino ang babaeng 'yan?" gulat na tanong ni Tonyo, ang asawa ni Estrella.
Hinihingal nitong inilapag ang babae sa banig na tutulugan sana ng mag-asawa. "Hindi ko siya kilala pero kailangan niya ng tulong natin," sagot nito.
"Baka naman patay na iyan, Estrella? Naku, baka mamaya, tayo pa ang sumagot ng libing n'yan."
"Ano ka ba, Tonyo? Hindi patay ang babaeng 'to." Muli, kinapa niya ang pulso ng babae. Tumitibok pa rin ito. "May pulso pa siya. Ang mahalaga sa ngayon ang magising siya. Nang sa gayon ay malaman natin kung saan siya nakatira. Dali, tulungan mo ako. Kumuha ka ng dahon ng bayabas at pakuluan mo. Mukhang maraming sugat ang natamo nito."
Dali-daling pumunta ng kusina si Tonyo upang kumuha ng mga napitas niyang dahon ng bayabas. Habang naghihintay. Kumuha naman ng maligamgam na tubig si Estrella saka niya pinunasan ang babae. Mayamaya'y bigla na lamang dumilat ang babaeng 'yon. Laking pasasalamat ni Estrella at hindi na nalagay sa alanganin ang babae.
"A-asan ako?" tanong ng babae. Halata sa boses nito ang pagkawala ng ulirat. Naaninag ni Estrella ang mukha ng babaeng 'to. Mukhang galing ito sa mayamang pamilya.
"Nandito ka sa bahay namin. Pauwi na ako nang makita kita sa gubat na walang malay kaya dinala kita dito. Ano nga palang pangalan mo?" tanong nito sa kanya.
***
NO'NG UNA'Y 'di makasagot ang babae. Sandaling ipinikit nito ang kanyang mga mata upang alalahanin ang lahat bago nangyari ito pero ni kislap ng liwanag mula roon ay wala siyang naalala.
"H-hindi ko alam kung sino ako, at kung ano'ng p-pangalan k-ko," utal-utal na sagot ng babae. "Wala ho akong maalala bago nangyari ito. Ano po ba ang nangyari?"
Pinilit tumayo ng babae ngunit 'di niya kinaya sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Nataranta si Estrella, pinigilan niya ang dalaga. "Oh, huwag ka munang tumayo dahil hindi mo pa kaya. Tonyo," tawag niya sa kanyang asawa, dala-dala na nito ang mga dahon ng bayabas. "Tulungan mo nga akong ilagay sa kanya ang mga dahon ng bayabas," saad nito saka kumuha ng dahon ng bayabas at isa-isang ililagay sa mga sugat ng dalaga.
"Kayo naman po, hindi niyo sinagot ang tanong ko e. Ano po ba ang nangyari at napadpad ako sa lugar na ito?" tanong uli ng dalaga na 'di mapakali sa hinihintay na kasagutan.
Kapwa nagkatinginan ang mag-asawa---hindi nila alam ang sasabihin dito dahil wala naman isang ideya sa nangyari sa babaeng ito. Hindi nila alam kung paano ipapaliwanag ang dahilan ng lahat ng ito. Ngunit para kay Estrella, kung ano man ang kanyang nakita ng mga oras na natagpuan niya ito ay iyon lang din ang kanyang sasabihin. Wala nang iba.
"Ang totoo niya'y hindi namin alam ng asawa ko, ang totoo'y ako ang nakakita sa'yo sa liblibang gubat nang pabalik na ako sa baryo. Noong una kitang nakita, akala ko'y patay ka na. Laking pasasalamat ko sa Diyos na buhay ka dahil hindi namin alam ang gagawin," maluha-luhang sagot ng ginang, pinipigilang mapahagulgol sa harap ng dalaga. Isang ngiti ang isinukli ng dalaga sa mga ito.
OA mang pakinggan pero oo, gustong humagulgol ni Estrella. Pakiramdam niya kasi ay hindi lang karaniwang tao ang babaeng 'yon na napadpad sa kanila. Sa tingin niya'y ito na ang sagot sa lahat ng kanyang problema.
"Gano'n po ba? Naku, pasensya na po kayo't nakaabala pa ako sa inyo. Hayaan niyo, aalis na lang po ako. Susubukan ko na lang na manawagan sa mga nakakakilala sa akin. Maraming salamat po sa inyo---" Iika-ika man ay pinilit ng dalaga na bumangon mula sa pagkakahiga. Ngunit hindi hinayaan ni Estrella na tuluyang umalis ito.
"Huwag kang umalis, 'di naman kami naabala. Sa katunayan nga niyan, gustong-gusto ka namin dahil ni minsan ay hindi namin naranasang mag-alaga. Kung maaari lang sana, dito ka na lang at aalagaan ka namin," pakiusap ni Estrella dito, sandali siyang napatigil nang maubusan ng salita. Kalaunan ay nakabawi rin ito. "Habang walang naghahanap sa'yo."
Bahagyang napaisip ang dalaga. Tama si Estrella. Tutal, halos lahat ng bagay sa paligid ay bago sa paningin ng dalaga, siguro ay hindi pa ito ang tamang panahon upang hanapin ang sarili. Masyado itong nagmamadali at mistulang nasa karera na naghahabol ng panahon. Ngunit gaya ng mga indibidwal, siya'y tao rin, napapagod at kailangang mamahinga muna.
It's too early to find the truth, it's too early.
Bago pa makasagot ang dalaga, mariing hinawakan ni Tonyo ang kamay ni Estrella saka hinila ito palayo sa dalaga.
"Ano bang pumasok sa kukote mo at gusto mo pa 'atang ampunin ang batang 'yan? Wala na nga tayong makain, dadagdag ka pa ng isa?" bulalas ni Tonyo na kulang na lang e isigaw niya nang marinig ng dalaga ang sinasabi. Tinakpan naman ni Estrella ang bibig nito at sumenyas na manahimik.
"Pambihira ka Tonyo, huwag ka ngang maingay!" Sumilip-silip ang ginang sa kinaroroonan ng dalaga. "Tonyo, makinig ka sa'kin. Oo, gusto kong ampunin ang batang 'yan. Pangsamantala lang naman habang nagpapagaling siya. Kawawa naman kung bigla natin iyang pakakawalan, 'edi naging kasalanan pa natin 'yon," saad nito.
Napahawak sa noo ang lalaki. "Pero paano kung walang maghanap diyan? 'Edi aampunin mo na ng tuluyan 'yan?"
"Kung 'yon man, wala tayong magagawa. Tonyo, hindi mo ba nakikita, nasa harap na natin ang kasagutan sa mga dasal natin. Dininggin na ng Diyos ang matagal na nating hinihiling. Palalagpasin pa ba natin ito? Sige, kapag may naghanap sa kanya, handa akong magparaya. At kung wala, sa atin na siya!"
Matagal nang dalangin ng mag-asawa ang magkaanak. Simula nang ikasal ang dalawa ay maraming beses nilang sinubukang bumuo ng anak ngunit hindi sila nagtagumpay. Ngunit gayon man, hindi sinisisi ni Estrella si Tonyo kahit ito pa ang dahilan kung bakit hindi sila magkaanak.
Tuwing linggo, simbahan ang lagi niyang pinupuntahan. Sa bawat dasal niya ay hinihiling niya na sana'y dumating na ang panahon na bigyan sila ng anak, kahit pa hindi nila ito kadugo. At 'eto nga, ang pagdating ng isang misteryosang babae sa kanilang baryo. Kahit hindi niya pa ito lubusang kilala, alam niyang may busilak itong kalooban. Sa mga ngiti pa lang nito'y malalaman mo nang isa siyang mabuting tao.
Hindi na nagawa pang sumagot ni Tonyo. Napapitlag ang dalawa nang marinig nila ang pag-ungol ng dalaga, na pilit tumatayo upang lumabas. Tumigilna rin ang ulan na animo'y isang bagyo na. Agad naman lumapit ang dalawa sa dalaga saka nila ito pinigilan.
"Ang sabi ko naman sa'yo, huwag ka munang tumayo dahil makakasama 'yan sa'yo," paalala ng ginang sa dalaga.
Natawa naman ito. "Kayo naman po e gusto ko lang magpahangin sa labas. Ang lamig po kasi parang ang sarap sa balat," sabi niya habang nakadungaw sa labas ng bahay.
Hindi mapigilan matawa ng mag-asawa, lalo na si Tonyo. Napaka-inosente kasing magsalita ng dalaga por que may amnesia ito. Halatang-halata sa ikinikilos nito na kahit gatiting na alaala ay binura na ng trahedya.
"Naku, hindi makakabuti sa'yo ang lumanghap ng hamog mula sa labas, hija. Makakasama 'yan sa'yo kaya ang mabuti pa, dito ka na lang at magpahinga," payo ni Tonyo dito na siyang ikinagulat ni Estrella. Bigla 'atang nahimasmasan ang matanda.
Biglang sumimangot ang mukha ng dalaga. Dadagdag pa ang mga sugat sa kanyang braso ang mukha na hanggang ngayon ay mahapdi pa rin.
"Bakit, may problema ba? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Estrella. Umiling-iling lang ang dalaga at tahimik na nakadungaw pa rin sa labas. "Kung may masakit sa'yo, magsabi ka lang at gagamutin natin."
Ngumiti ang dalaga ngunit may halong pag-aalala. "Wala naman pong masakit. Pero alam niyo po, kahit hindi ko pa kayo lubusang kilala, ang gaan-gaan ng loob ko sa inyo." Inabot ng dalaga ang kamay ng mag-asawa. "Sana po kayo na lang ang nagging magulang ko kasi kahit wala akong maalala sa nakaraan ko, pakiramdam ko, hindi ko naranasan ang maging alagain."
Hindi na napigilan ng dalaga ang maging emosyonal. Totoo pala ang sabi ng iba, The heart and mind are not connected. Walang alam ang iyong isipan, ngunit puso mo naman ang nagdurusa at nasasaktan.
"Oh, huwag kang umiyak. Huhupa rin 'yan." Walang anu-ano'y niyakap ni Tonyo ang dalaga. "Sana nga, ikaw na lang ang anak naming. Hindi namin 'yon pagsisisihan."
Nang tumagal ay kumalas rin ang dalaga kay Tonyo. Lumapit si Estrella ditto, at siya naming yumakap sa dalaga. "Huwag kang mag-alala, Antonia. Aalagaan ka naming ng asawa ko. Ituturin ka naming na parang tunay na anak at ipaparanas naming sa'yo ang pag-aalagang hindi mo naranasan noon. Ngayon pa lang, mahal na mahal ka namin, anak," anito habang hinahaplos ang mapulang buhok ng dalaga.
Bakas sa mukha ng ginang ang tuwa at saya, lalo na nang tanggapin ni Tonyo si Antonia. Well, si Antonia ay ipinangalan kay Tonyo, na ang buong pangalan ay Antonio. Female version, 'ika nga.
***
Makalipas ng anim na buwan...
LUMIPAS na ang kalahating taon ngunit wala pa ring nababalitaan ang mag-asawa ukol kay Antonia. Talagang biyaya ng Diyos sa kanila si Antonia, hindi lang dahil dininggin nito ang kanilang panalangin kungdi dahil sa mala-hari at reynang turing ng dalaga sa kanila.
Ngayon ay abalang gumagawa si Antonia na gumawa ng kakanin habang si Estrella ay nilako na ang mga naunang kakanin. Si Tonyo naman ay nasa palengke at nagbebenta ng isda roon. Matapos mabangkarote ang maliit na tindahan ng gulay ni Estrella ay 'eto naman ang naisip niyang pagkakakitaan. Si Antonia ang katulong nito sa paggawa ng mga kakanin gaya ng Bibingka, kutsinta, puto at palitaw habang si Estrella naman ang naglalako ng mga ito.
Sa unang buwan ng kanilang pagtitinda ng kakanin ay halos ulanin ng pera ang kanilang bahay sa lakas ng benta nito. Tunay na masarap gumawa ng mga kakanin si Antonia, na nakahiligan niyang gawin 'pag walang ginagawa.
Kung gayon ay nagtayo ng fish stand si Mang Tonyo. Kagaya ng mag-ina, malakas ang benta ng mga isda, lalo't maraming huli ang mga mangingisda ngayon.
Heto't gumagawa ng puto si Antonia, habang kumakanta ng kung ano mang tono ang mabuo sa isip niya.
Patuloy lang sa pagkanta ang dalaga, kahit pa wala ito sa tono. Ang lyrics ng kanyang kinakanta ay salitang banyaga. Hindi rin niya alam kung bakit 'yon lumabas sa bibig niya. Naisip niya siguro na bahagi ito ng kanyang nakaraan, na sa ngayon ay ayaw niya pang alamin.
Marunong akong mag-ingles? Tanong niya sa sarili at halos hindi na nakabaling ang atensyon sa paggawa ng puto. Sandaling ipinikit niya ang mga mata upang alahanin ang bawat lyrics na kanina lang ay maayos niyang binigkas. Nananaginip lang ba 'ko? Ba't parang 'di ko na maalala? Teka, kakanta ako ulit , sabi niya ulit.
Hindi nabigo si Antonia na kumantang muli. Ngunit laking pagtataka niya nang mapansing nag-iba ang lyrics sa kanina'y kinanta niya.
Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na 'ata ako, saad niya. Hangga't sa kinausap na niya ang sarili, hindi pa rin siya tapos sa ginagawang kakanin. Heto, naabutan na siya ng kaibigang si Anne galing sa eskwela.
"Ang galing mong kumanta, Antonia! Saan mo natutunan 'yan?" tanong ni Anne dito. Narinig kasi ni Anne ang pagkanta ng dalaga, sa lakas ba naman ng boses nito.
Umiling-iling si Antonia at tila ba'y naguguluhan. "Ewan ko ba, Anne. Kanina ko pa nga tinatanong ang sarili ko e. Para akong wala sa sarili at kung anu-ano ang ginagawa. Ni hindi nga ako marunong mag-ingles tapos nang kumanta ako, daig ko pa 'ata ang propesyunal!"
Tatawa-tawa si Anne, "Talaga? Naku, baka naman part 'yan ng past mo? Siguro magaling ka sa ingles noon kaya ngayon, pinaaalahanan ka."
"Tama ka nga siguro. Pero 'di bale, tulungan mo na lang ako dito nang matapos na tayo. Mamaya lang, pabalik na si Inay, siguradong ubos na naman ang mga kakanin namin."
Nang malaman ng buong baryo ang tungkol sa pagkakaroon ng anak nina Estrella at Tonyo ay nakilala ni Antonia si Anne, na anak ng kapitbahay nila. Naging magkaibigan ang dalawa kahit pa bihira lang sila nagkikita. Madalas kasing nasa eskwela si Anne habang siya'y nasa bahay lang at tumutulong kay Estrella. Gayon pa man, hindi pa rin nawawala sa kanila ang matibay na pagkakaibigan.
***
MAKALIPAS ng isang oras ay umuwi si Estrella dala-dala ang pera na halos gawin na niyang pamaypay. Mariing niyakap ni Antonia ang ina nang malamang ngayon ang pinakamalakas nitong benta.
"'Nay, nakakatuwa po, ang lakas ng benta natin!" Halos mapatili na si Antonia sa tuwa, gano'n rin si Anne. "'Pag laki ko, magbebenta rin ako ng mga kakanin! Tapos, araw-araw, isang pamaypay na puro isang daan ang iu-uwi ko sa inyo!" anito na nagmistulang prinsesa kung sumayaw sa tuwa.
Hinawakan ni Estrella ang pisngi ng anak, tumingin siya ng deretcho dito. "Oo, anak, payag ako. Pero sana, hindi lang pagbebenta ng kakanin ang maging buhay mo. Kapag nakapag-ipon kami ng tatay mo, pag-aaralin ka namin ng kolehiyo. Magtatapos ka at magiging isang propesyunal. 'Di ba 'yon naman ang gusto mo?"
Hindi na napigilan ng dalaga ang mapaluha. "Opo, gustong-gusto ko. Tapos kapag nakapag-tapos ako, ipagtatayo ko kayo ng mansyon, at doon tayo titira na parang hari at reyna! Gusto ko po no'n!"
Anim na buwan pa lamang si Antonia sa poder ng mag-asawang Maricon ay marami na itong nabuong pangarap para sa kanilang tatlo. Sa ngayon, hindi pa mahalaga sa kanya kung ano ang kanyang nakaraan, ang tanging hiling lang niya ay ang makaranas sila ng mala-fairytale na pamumuhay, gaya na lang ng mga prinsesa, hari at reyna sa mga Fairytales.
Just wait for a while, Antonia. It'll come.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (67)

  • avatar
    Aviby Prudenciado

    nice story

    1d

      0
  • avatar
    Susana Aboloc

    nakapagtapos ako

    12d

      0
  • avatar
    Rafael Silva

    olha essa estória é muito legal eu gostei muito de mais ela é muito boa pra ler

    05/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด