logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

SA labis na takot ay napaluhod si Honey. Hindi niya inalintana ang bubog na nagkalat sa sahig. Baso ang nasagi niya. Nailagay iyon ng boss niya sa ibabaw ng kabinet na hanggang hati ng tiyan kapag nakatayo ang isang tao.
"Sorry po, Sir," paulit-ulit niyang sabi habang magkadaop pa rin ang mga palad at nakapikit.
Sa unang pagkakataon ay narinig niyang magsalita ito. "It's okay. You don't have to do this."
Tila isang musika ang tinig na iyon sa pandinig niya. 'Boredom voice' ika nga. Unti-unti niyang iminulat ang mata upang sana ay tingnan ang mukha ng kanyang boss subalit malayo na ito sa kanya at nakatalikod na. May kung anong bagay itong inaapuhap. Napapitlag siya nang muling magsalita ito.
"Stand up and go back to your room. Tomorrow we will go to my office and I'll teach you something." utos nito.
Naunawaan naman niya iyon. Kaya't mabilis siyang tumayo at tinungo ang silid, iniwan na nagkalat pa ang mga bubog sa sahig.
"Oh my God! Oh my God!" paulit-ulit niyang sabi habang nakahawak ang kamay sa dibdib nang maisarado na ang pinto. "Anong ginawa ko? Baka parusahan niya ako bukas!" hindi magkandaugaga niyang sabi habang paroo't parito sa silid.
Patakbo siyang lumapit sa higaan nang makarinig ng kaluskos sa labas. Nagtalukbong siya ng unan na animo'y may pinagtataguan.
"Baka'y pumasok pa siya rito," saad pa n'ya. Natigilian din siya, "Paano siya makakapasok eh ini-lock ko naman ang pinto!"
Bumangon na rin siya at pinagmasdan ang pinto. Tila isa na siyang baliw kung titingnan. Nagsasalitang mag-isa at kakat'wa ang ikinikilos.
"Hayst, Honey, napa-praning ka na! Itulog mo na iyan para magkamuta ka."
Bumalik siya sa pagkakahiga at sa pagkakataong iyon ay patihaya na. Nakatutok ang kanyang paningin sa puting kesame.
"Kumusta na kaya si Lola ngayon? Ano kayang ginagawa n'ya? Uhm, baka'y tulog na iyon ngayon."
'Pagdaka ay dinampot niya ang cellphone sa ibabaw ng mesa na malapit sa higaan niya. Hindi iyon napasama sa bag na nawala dahil sa loob iyon ng pantalong suot niya.
"Wala nga pala akong load. Bukas ko na siya tatawagan."
Ipinikit na niya ang mata subalit kung saan-saan lamang naglakbay ang kanyang isipan. Napapangiti pa siya habang dinaraanan ng isipan niya ang maaring puntahan kapag siya ay nakalabas. Subalit, napapikit siya ng mariing nang umintrada sa iaipan niya ang tagpo kanina. Nang makita ang kalahati ng katawan ng bosa niya.
"Pambihira!" Kaagad siyang nagmulat ng mata, "Bakit iyon pa ang pumasok sa isipan ko? Anong mayroon doon?" Bumangon siya at napalunok pa ng laway.
Ilang oras din siyang dilat ang mata bago nakatulog. Nagising na lamang siya sa tunog ng kanyang cellphone.
"Ang aga naman nitong tumawag!" Inapuhap niya ang cellphone, "Si Caren pala!"
Sinagot na niya ang tawag ng kaibigan. Kinukumusta lang siya nito.
"Disaster!" pagkukuwento niya. Inilahad niya ang buong nangyari simula nang umalis siya sa tinutuloyan nito. Maging ang pagkawala ng mga gamit niya. Mabuti na lamang at may nagmagandang loob na tumulong sa kanya.
Halos tatlumpong minuto rin silang magkausap ni Caren. At nang matapos ay napagpasiyahan na niya ang maligo. At habang nasa banyo siya, dumating naman si Edring. Sa paglabas niya sa banyo, nakarinig siya ng tawanan. Nais sana niyang sumilip ngunit nauunahan na naman siya ng hiya. Baka kasi kung ano ang isipin ng boss niya.
"Nandito na pala si Mang Edring!" sambit niya nang maulinigan ang boses ng ginoo. "Ano kayang pinagku-kuwentuhan nila? Ako kaya?"
Hindi nga siya nagkamali ng hinala. Siya lang naman ang topic ng dalawang nasa labas.
Idinikit na lang niya ang tainga sa pinto, nagbabaka-sakali na may marinig doon. Ngunit, hindi pa nagtatagal ay napangiwi siya. Malakas ang ginawang pagkatok nang nasa labas, wari ba'y sinadya upang mabingi siya.
"Ganoon pala ang labanan, bigla na lamang kakatok nang walang pasabi. Kakabingi kaya!" saad niya habang inaayos ang sarili.
"Good morning, Honey!" bungad na bati ni Edring.
"Good morning din ho, Mang Edring," kimi niyang tugon na ang mata ay nakatuon sa labas ng pinto. Halatang may hinahanap iyon.
"Handa ka na ba?"
"Saan ho?" Lumaki ang pagkakamulat ng mata niya at napalakas din ang kanyang pagtatanong.
"Sa pagpunta sa office,"
"Ah! Ganoon ho ba?" Tila may pag-aalinlangan niyang sagot.
Tumango naman ang kausap niya. Pagkaraan nang ilang sandali ay naghihintay na sila na magbukas ang pinto ng elevator. Ngayon ay alam na niya kung ano ang tawag sa pintong nagsasakay sa mga tao.
"Elevator pala ang tawag sa iyo ha!" bulong niya sa sarili na sinamahan pa ng marahang pagtango. "Kung pindutin ko sa pinakataas, saan kaya ako nito dadalahin? Sana sa aking ina!" bulong ng isipan niya.
Naramdaman ni Honey ang pagtulak nang taong nasa likuran niya, kaya't napahinto siya pagmumuni-muni. Ang boss pala niya, tinulak siya nito dahil bukas na ang pinto. Bahagya pa niyang nilingon ito at tulad kahapon, may shades na naman ang mata nito.
"Siguro 'banlag' ang taong ito o kaya'y wala ang isang mata. Palaging naka-salamin!"
Napahawak siya sa tapat ng sintido nang maramdaman ang pagbulusok ng kinalalagyan.
"Pintuang tumataas at bumaba," aniya sa sarili habang lumalabas sa elevator.
Kasalukoyang tinatahak na ng sasakyan na kung saan ay sakay sila ang daan patungo sa office ng boss niya. Magsisimula na ang panibagong yugto ng buhay niya pero hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan ng boss niya. Malalalim na buntong-hininga ang pinapakawalan ni Honey. Napansin naman iyo ng katabi niyang si Edring.
"Okay ka lang ba, Honey?"
Napatango naman siya saka ay napasulyap ang gilid ng mata niya sa lalaking kampanting naka-upo sa hulihan. Makaraan pa ang ilang minuto, huminto ang sinasakyan nila sa isang tapat ng building. Kung ang tinutuloyan niya'y may kataasan na, iyon nama'y pakiwari niya'y umabot na sa alapaap.
Ibinigay ni Edring ang bag ng boss nila sa kanya, upang iyon ay siya naman ang magbitbit.
"Hindi ka na ho sasama?"
Umiling ito, "Hanggang dito lang ako Honey. Relax ka lang, huwag kakabahan. Mabait naman iyan si Sir." halos pabulong nitong turan sa dalaga. Nawala na naman sa utak niyang itanong kung ano ang pangalan nito.
Napalumod laway siya. Sumunod na rin siya sa lalaking pumapasok sa loob. Lahat ng ginagawa nito'y kanyang pinapanuod. May isang nakatalaga sa loob ng elevator na magpi-pindot kung saan bababa ang isang sumasakay. Pinakinggan din niya ang sinabi nito.
"25th floor!" Hlos malula siya sa narinig. Lalo nang umaakyat na ang elevator. "Oh my God! Paakyat na ako ng heaven," pinagdaop pa n'ya ang palad at ipinikit ang mata.
Hindi na halos siya makahinga. Maya't-maya ay tinitingnan niya kung anong numero ang nakalagay sa itaas ng pinto. Abot-abot din ang kanyang dalangin. Hindi niya inalintana kung maririnig ba siya ng katabi at wala rin siyang paki-alam kung pagtawanan ba siya nito. Halos mawalan na siya ng malay nang maabot ang ika-dalawampu't-limang palapag ng building. Hindi agad siya nakakilos nang huminto ang elevator. At kung hindi pa magsasara muli ang pinto ay hindi pa niya mapipilit ang paa na humakbang palabas.
"God, nasa langit na po yata ako!" mahinang sambit niya nang matanaw ang labas.
Patakbo siyang lumapit sa kanyang boss, huminto ito nang may lumapit na isang lalaki. Sinasabi niyo ang mga meeting na dadaluhan ng boss.
"Marahil ito ang secretary ni boss,"
Base sa nakikita at naririnig niya'y tama siya sa hinala. Naunawaan niya ang mga sinabi ng secretary lalo na ng magsalita ito ng tagalog.
"Magsasalita ka rin pala ng tagalog, pinapahirapan mo pa ang sarili mo!" angil niya ngunit siya lang naman ang nakaka-alam.
Mahaba-haba rin ang idinikta nito sa lalaking nasa unahan niya bago niya narinig ang salitang mula sa boss niya.
"Thank you Ben, mamaya ay pumunta ka sa office ko. May pag-uusapan tayo."
"Naks! Si Sir, nagsalita ng tagal--" napahinto bigla siya sa nais sabihin. "What? Nagsasalita siya ng tagalog?" napalakas ang tanong niyang iyon kaya't napalingon ang lahat ng mga taong naroon sa kanya.
"Who is she, Sir?"
"Ahm, siya 'yong sinasabi ko sa iyo na pag-uusapan natin mamaya."
"Is that your girlfriend, Sir?" singit naman ng isang babaing naka-upo sa 'di kalayuan.
"Ang bata ha! 'Di kaya makasuhan ka niyan ng child abuse?" singit ng secretary nito.
"Shut up, Ben! Hindi ko siya girlfriend."
"Sabi mo eh!"
Nagpalipat-lipat ang mata ni Honey sa mga taong nasa harapan niya. Halata sa mukha niya ang pagtataka at hindi pa rin makapaniwala.
"Honey, come to my office."
"Honey? Akala ko ba'y hindi mo siya girlfriend?" muling hirit ni Ben.
"Iyon ang pangalan niya."
"Really?" Tumingin si Ben kay Honey at tumango lang siya.
Sumunod na siya sa kanyang boss na salubong ang kilay. Pagkasara ng pinto ay agad niya itong kinumpronta.
"Bakit hindi mo po sinabi sa akin na Pilipino pala kayo?"
"Nagtanong ka ba?"
"My God, Sir!" Nasapo niya ang ulo, "Alam n'yo ho ba kung gaano kalaki ang paghihirap ko maka-usap lang kayo? Halos natuyo ang utak ko at naubos ang dugo ko sa pagsasalita ng salitang banyaga. Iyon naman pala'y marunong kayong mag-tagalog!" Nagpabalik-balik pa siya sa kinaroroonan.
Napangiti ang kaharap niya. Nakita kasi niyang lumabas ang pantay-pantay nitong ngipin. Tinanggal na rin nito ang suot na salamin sa mata. At sa unang pagkakataon ay nakita na ni Honey ang buong mukha ng boss niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang pangalan. Halos malaglag ang panty niya sa hitsura nito. Ika nga, mata pa lang ulam na.
"Kaya pala palagi siyang naka-shade, tantalizing eye pala siya." bulong niya.
"English ka kasi nang english, malay ko ba kung nahihirapan ka na pala!"
Napasimangot siya at nagsalubong ang kilay, "Kasi nga po, hindi mo sinasabi na Pilipino ka pala! Ngayon ko lang nakita ang iyong mata at magpahanggang ngayon, hindi ko pa alam ang pangalan mo. Para na akong baliw!"
"Oo nga pala! Sorry, nakalimutan kong magpakilala sa iyo, by the way I'm Edward McLarren, the CEO and the president of this company. And I'm thirty years old--"
"Wait, wait," itinaas niya ang dalawang kamay at bahagyang lumapit sa nagsalita. "Puwede ho ba Sir, huwag mo kayong magsalita muna ng english, duguan na ang ilong ko sa iyo eh!"
"Okay, sabi mo eh!"
"Pero teka, nakakapagsalita kayo ng tagalog, ibig sabihin--oh my God!" natutop niya ang sariling bibig at napatitig sa kausap.
"Ibig sabihin, naunawaan ko ang mga pinagsasabi mo simula kahapon pa. Nang magkabunggo tayo."
"Hala!" Mabilis siyang tumalikod sa labis na kahihiyan. Ang boss naman niya'y napahagalpak na lamang ng tawa.
Ang tagpong iyon ang nabungaran ng secretary nito na labis ding ipinagtataka ng taong pumasok.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (143)

  • avatar
    LenlenRhammelen

    oiejebrhrjr

    9d

      0
  • avatar
    Alvin Redillas

    very nice

    19d

      0
  • avatar
    JM Pacyao

    500

    09/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด