logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

HINDI matapos-tapos ang paalaman ng mag-lola kasama ang kaniyang kaibigan.
"Mag-iingat ka roon ha!" Pigil ni Lola Caring ang huwag maluha sa harapan ng apo, ganoon din si Weng-weng.
Kahit ayaw niyang magpahatid ay pilit pa rin siyang ni Caring at Weng-weng sa terminal ng bus.
"La, paulit-ulit mo na pong sinabi iyan."
"Ikaw na bata ka, pinapaalalahanan lamang kita."
"Hmm, si Lola naman, nagsi-sente!" Inayos niya ang hindi naman magulong kuwelyo ng matanda at saka ay buong higpit na niyakap.
Napaluha na nang tuloyan si Caring, "Basta't susundin mo ang mga bilin ko sa iyo apo. Alam mo namang ngayon ka lang mawawalay sa akin. Kapag nahihirapan ka na roon, huwag kang mag-alinlangan na umuwi ha! Tandaan mong mahal na mahal kita," garalgal na tinig pa nito.
"Opo 'la," maya-maya pa ay si Weng-weng naman ang binalingan niya, "Bes, ikaw na muna ang bahala kay Lola. Palagi naman akong tatawag."
"Sige bes, mag-ingat ka r'on ha!"
"Isa ka pa! Ilang libong beses ko nang narinig iyan."
"Pinapaalalahanan ka lang namin oy! Ingatan mo rin ang mga gamit mo. Minsan kasi'y sinusumpong ka rin nang pagka-burara mo." Itinuro pa nito ang naka-bukas na bag ng kaibigan.
"Yes Madam!"
Ilang sandali pa ay narinig na nila ang bosena ng bus, hudyat na aalis na iyon. Bitbit na ni Honey ang isa pang bag at isinkubit naman sa dalawang balikat ang backpack. Kumaway pa siya sa dalawang bago tuloyang umakyat sa bus. Umupo siya na kung saan ay makikita pa rin ang lolahin at kaibigan. Muli siyang kumaway nang tumakbo na ang sinasakyan. Pagkalampas-lampas pa lamang ng bus sa kinaroroonan ng dalawa ay pinalabas na niya ang kanina pang pinipigil na luha.
"Kayo po ang dapat mag-ingat Lola, mamimiss po kita. Mahal na mahal din po kita." mahina niyang tinig habang nakamasid sa daang tinatahak. Hindi na niya iyon nasabi kaninang kaharap pa ang matanda, baka kasi bumigay siya sa harapan nito at hindi na siya makaalis.
Mula sa bag, dinukot niya ang litrato na ibinigay ng kaniyang lola. Iyon daw ang kaniyang ina. "Ang ganda pala ng Inay," nangingiti niyang turan. Hinaplos-haplos pa niya ang larawan bago maingat na ibinalik sa loob ng bag. At sa kaniyang bulsa ng pantalon, dinukot naman niya ang cellphone. Nagtext siya sa kaibigan na susundo sa kaniya 'pag nasa Manila na siya.
"Manila, papunta na ako riyan. Malapit na kitang makilala inay," Nasa mukha niya ang labis na kagalakan, hindi rin niya mahintay ang pagtapak niya sa lungsod.
MAHIHINANG pagtapik sa balikat ang gumising kay Honey. Aayaw pa sana niyang imulat ang mata ngunit hindi tumitigil ang nang-iistorbo sa pagtulog niya.
"Bakit ho ba? Natutulog ako eh!" Kinusot niya ang kaliwang bahagi ng mata at salubong ang kilay na tumingin sa nang-iistorbo sa kaniya.
"Ineng, nandito na tayo at ikaw na lamang ang laman nitong bus."
Lumaki ang mata ni Honey, sumilip siya sa bintana. "Ito na ho ba Manong ang Manila?"
Kumakamot na napatango na lamang ang konduktor.
Hindi na siya tumugon pa, mabilis siyang tumayo, dinampot ang mga gamit at saka'y tinalunton ang pababa sa bus.
"Ingat ka Ineng, maraming mandurukot dito!" habol na sigaw pa ng konduktor.
Hindi na niya nagawa pang tugonin iyon dahil sa pagmamadali na ginagawa. Saka pa lamang siya huminto sa paghakbang nang nasa gilid na ng kalsada. Dinukot niya ang cellphone upang ipaalam kay Caren na nakababa na siya.
Papasok siya bilang isang kasambahay, iyon ang napili niyang paraan upang makapaghanap-hanap sa kaniyang ina. Subalit nang magkita sila ni Caren, wala na raw bakante sa bahay na pinapasukan nito. Pinatuloy pa rin siya sa pinapasukan nito pansamantala at kinabukasan ay kailangan na niyang maghanap ng panibagong matutuloyan.
"Sorry, Honey, hindi ko naman kasi alam na may nakuha pala 'yong kapatid ng amo ko."
Nasa silid na sila nito upang magpahinga. Katatapos lang niyang kausapin si Lola Caring. Dinig pa niya ang paggaralgal ng tinig ng matanda.
"Okay lang iyon, Caren, marami pa naman diyang trabaho, hindi ba?"
Tumango lang naman ang kaniyang kaibigan. Marami rin silang napagkuwentuhang dalawa bago sila nakatulog. Kinabukasa'y mabibigat ang paa nang lisanin niya ang bahay na pinapasukan ng kaibigan. Wala na siyang magagawa kun'di ang maghanap agad ng trabaho kung hindi'y tiyak na sa kangkungan siya pupulotin. Nasa labas na siya ng bahay nang tawagin siya ni Caren. Sandaling sumigla ang kanyang katawan subalit agad ding napawi iyon.
"Honey, sabi ni Ma'am, 'pag wala ka pang nahahanap na trabaho puwede raw na matulog ka muli rito."
"Sige ba! Marami pa akong iki-kuwento sa iyo." Kahit papaano ay gumaan na rin ang pakiramdam niya. May masisilungan na siya mamayang gabi. Kailangan na lang niyang maghanap ng trabaho.
May ngiti pa rin sa labi ni Honey habang sakay ng dyip patungo sa kung saan. Manaka-naka'y sumusulyap siya sa tinatahak na daan at lihim siyang napapahanga.
"Wow! Ang tataas ng mga building dito! Papaano kaya nila napagdugtong-dugtong ang mga iyan? Hindi kaya sila nalulula?" mahinang niyang sambit.
Napatingin sa kaniya ang katabing ginang subalit hindi iyon nagsalita.
"Ay 'yon oh! May mga nakasabit pang karatula. Ano nga bang tawag d'on? Nakalimutan ko na. At si--oh my gosh!" natutop niya ang bibig at impit na napatili. "Paulo Avelino, ang yummy mo!" Bahagya pa siyang kinilig. Naispatan niya sa screen si Paulo, ito ang numero uno niyang crush.
Maya-maya pa ay may ibinulong sa kaniya ang katabing ginang. Pinag-iingat lamang siya ng ginang, halata kasi sa kanyang kilos na isa siyang probinsyana. Sumunod din ang kanyang mata nang igalaw nito ang mata. Isang lalaki ang nasa tapat niya at matalim ang titig nito sa kanya lalo na sa mga dala niyang bag.
Tumahimik na siya sandali. Hinigpitan na lamang niya ang hawak sa backpack. Hindi nagtagal, bumaba na ang ale, sumunod na rin ang lalaki na katapatan niya. Lihim na lamang siyang napatawa at humingi na rin ng paumanhin sa kanyang naisip.
"Hindi talaga maiiwasan na may mga taong judgemental. Porke ba masama na ang tingin, magnanakaw na!" Napa-iling na lamang siya sa isiping iyon.
Bumaba siya sa tapat ng 'Harrison Plaza'. Minabuti niyang maglakad-lakad na lamang, nagbabaka-sakali na may makita siyang karatula o makapagtanong sa mga taong madaraanan. Subalit nangalay na lamang ang kanyang binti, idagdag pa ang braso dahil sa may kabigatang bag, wala pa rin siyang nakikita o nahahanap. Ipinasya niyang mamahinga sandali. Ipinatong ang bag at backpack sa batong upoan at saka ay nilagok ang laman ng bote na binili niya sa naraanang tindahan.
Nagpalinga-linga siya hanggang sa maaliw ang mata niya sa nakikita. Mga binatilyong nagsasanay ng skateboard. At dahil sa nakikita, nakalimutan niya ang dalang mga bag. Nilapitan pa niya ang binatilyong nagsasanay. Napapalakpak pa siya habang nanunuod. May kalahating oras din siyang nakatayo bago naalala ang dala. Nang lingunin niya ang pinag-iwanan, wala na ang kaniyang mga gamit.
Dali-dali niyang nilapitan ang batong upoan, "Ang gamit ko!" bulalas pa niya. Hinanap niya ang bag. Sa gilid, sa likod at sa ilalim subalit walang bag doon. Nagtanong-tanong din siya samga taong malapit sa kinaroroonan niya ngunit iisa lamang ang sagot, 'wala'.
Laylay ang balikat nang muli siyang naupo sa batong upoan. Nanlumo siya. Paano pa niya mahahanap ang kanyang ina? Naroon sa bag ang nag-iisang larawan nito at maging ang kanyang pera. Gusto na niyang umatungal ng iyak nang sandaling iyon.
"Ang bag ko," ipinadyak pa niya ang mga paa kasabay ang pag-agos ng luha. "Nasaan na ang bag ko?"
Pinagtinginan siya ng mga tao roon subalit wala siyang paki-alam. Baka sakaling mahabag ang taong bumitbit sa kanyang bag 'pag nakita siyang umiiyak.
"Ibalik n'yo sa akin ang bag ko. Naroon ang picture ng nanay ko. Hahanapin ko pa siya." Halos isigaw na niya ang katagang iyon ngunit ang ilan ay pinagtatawanan lamang siya.
May isang tao ang nag-aksayang lumapit sa kanya. Inabutan siya nito ng makakain.
"Ineng, kunin mo itong pagkain oh! Baka'y nagugutom ka na."
Umiling siya, "Hindi ho ako nagugutom. Nawala ho ang dala kong bag. Nasa loob po niyon ang larawan ni Inay. Ibalik na sana n'ong kumuha kahit 'yong larawan lang." umiiyak niyang saad.
Nang hindi kuhain niya ang pagkaing ina-abot ng lalaki ay inilapag na lamang nito iyon sa tabi niya. At saka ay naiiling na umalis.
"Kawawa naman, baliw na! Maganda pa naman," bubulong-bulong pa nitong sabi.
Kahit mahina ay hindi pa rin iyon nakaligtas sa pandinig ni Honey. Kumunot ang kanyang noo.
"Ako, baliw?" Dinama pa niya ang kanyang dibdib. Tumayo na rin siya.Pinunasan ang luhang namamalisbis sa kanyang pisngi gamit ang palad. "Mahirap palang mamuhay dito sa Manila lalo na't hindi pa sanay. Disaster ang unang araw ko rito. Paano ko pa mahahanap si Inay niyan? At saan ko siya hahanapin?"
Unti-unti nang pinanghihinaan ng loob si Honey. Maliban sa cellphone na nasa bulsa niya'y wala na siyang gamit. Nadala pati pera niya at ang tanging larawan ng kaniyang ina. Paano na niya mahahanap ang kanyanga ina?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (143)

  • avatar
    LenlenRhammelen

    oiejebrhrjr

    9d

      0
  • avatar
    Alvin Redillas

    very nice

    19d

      0
  • avatar
    JM Pacyao

    500

    09/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด