logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 3 Aipha

SA LAKAS na sigaw ni Dianne na naalimpungatan sina Maryann at ang nobyo sa mahimbing na pagtulog.
Hindi naman naririnig ng dalawang kasama nila ang sigaw ng kaibigan nila dahil may nakalagay na earpiece sa tenga nila.
"Honey, what happen? Did you heard like somebody screaming outside?"
"Yes hon, I heard something where's Dianne and Rey?" tanong ni Maryann.
Sasagot na sana ang nobyo nito ng may kumalabog sa tagiliran ng Van na sinasakyan nila.
"Honey, what is that?" kinakabahan wika ni Maryann at sabay yakap niya sa nobyo.
"Pst, don't be scared honey. I am here to protect you," wika nito at niyakap din ng mahigpit ang nobya.
"Honey, we need to go outside look to for Dianne and Rey!" wika ni Maryann sa nobyo.
"Okay, let's go," sang-ayon nito saka kinuha ang flashlight sa bag.
Pagbukas palang niya ng pintuan ng Van nakita na nila ang nagkalat na dugo sa semento.
"My God, Kevin. What happen why a lot of blood here?" May takot na wika ni Maryann napakapit siya sa nobyo.
"Pst!" Senyas ng nobyo niya sa kanya natumahimik.
At sinundan nila kung saan papunta ang mga dugong nagkalat semento.
Pagkadating nila sa likuran ng van. Sisigaw na sana si Maryann, mabuti na lang at naagapan ng nobyo niya na takpan ang bibig. Hindi naman sila napansin ng mga lalake dahil abala ang mga ito sa pag hati-hati sa katawan ng kaibigan nila.
Pumikit na lang si Maryann dahil ayaw niyang makita ang katawan ng kaibigan niya at ang nobyo na putol-putol na.
Hinila ni Kevin pabalik sa gilid ng Van."Honey, we need to get away here or else we die same like, Dianne and Rey. Do you understand me?" anas nito.
Tumango naman siya sa nobyo.
"If I said, you run, Honey. You run, okay?"
"Hon, how about Riza and his boyfriend?"
"I wake them up, okay, but you must run first, Honey!"
"No, I cannot leave you, hon!"
"Maryann, look at me, you must save yourself, okay. I love you!"
"I love you too, Kevin."
Nasa ganon silang pag-uusap ng napalingon sa gawi nila ang isang lalake dahil may naamoy ito biglang tumayo ito.
Dahil may mahaba ang hawak nitong bolo na itak sumayad ito sa semento kaya nag likha ng ingay.
"Damn, they are coming, Maryann, go run now."
"Kevin, you come with me."
"No, you must go now, I need to wake up, Riza and Mac!"
"No time already hon, do not mind them Kevin let's go," sabay hila niya sa kamay ng nobyo. Ayaw man niyang iwan ang dalawa pero wala na silang magagawa pa.
Wala naman nagawa ito kundi tumakbo kasama ng nobya.
Hinabol naman sila ng ilang lalake at ang iba naiwan at pinasok na ng mga ito ang Van. Kahit malayo na sila dinig na dinig pa rin nila ang sigaw ng dalawa nilang kaibigan.
Tila ba kay bilis tumakbo ng mga humahabol sa kanila kung kayat medyo malapit na ang dalawang humahabol sa kanila.
"Maryann, run save yourself if I don't do this we are the same dying here."
"Anong gagawin mo, Kevin?"
"Fight with them, Honey!"
"No, papatayin ka nila, Kevin!"
"I know that, Honey. I do this for you Maryann, like what I promise to your sister, I will protect you even I die!"
"No, Kevin," lumuluhang wika niya.
"Go now they are coming, promise me Maryann, save yourself, wika nito sabay tulak niya sa nobya papalayo sa kanya.
Wala naman nagawa si Maryann kundi tumakbo ng tumakbo hindi na niya nilingon pa ang nobyo dahil alam niyang wala na ito. Kung saan-saan siya ng susuot sa loob ng kagubatan.
Hinihingal siyang huminto sa isang malapad na punong-kahoy. At na upo siya dahil pagod na rin siyang tumatakbo.
"Ate, Aipha I'm so-sorry matikas kasi ang ulo ko sana nakinig ako sa'yo hindi sana nangyari ito sa kanila o sa akin, mahal na mahal kita, Ate," lumuluhang turan niya.
Nang may marinig siyang ingay nagmumula sa mga tuyong dahon na inaapakan. Pumikit nalaman siya at nagdasal."Lord, kong ano man ang kasalanan ko sa'yo forgive me. At si Ate gabayan mo siya palagi!"
Nang maramdaman niyang may humawak sa kanya siya'y napasigaw na lamang. At dahil sa takot at pagod na naramdaman niya siya'y na walang ng malay tao.
LOS ANGELES CALIFORNIA.
Habang nasa kalagitnaan ng trabaho si Aipha ng biglang mahulog ang larawan nilang mag kapatid.
Sa pagkahulog ng larawan pumintig ng malakas ang kanyang puso. Ang kapatid agad ang pumasok sa isipan.
"Maryann," agad na sambit niya sa pangalan ng kapatid."Lord, sana walang masamang nangyari sa kapatid ko, pero pakiramdam ko ngayon ibang-iba dahil sa pagkahulog ng larawan namin na walang dahilan."
Dahil sa kabang nadarama at hindi ito maalis-alis hindi tuloy siya nakapag trabaho ng matino at iisa lang ang sumisiksik sa isipan may nangyari na ba ang kanyang kinatatakot?
"Kailangan kung sundan ang kapatid ko sa Pilipinas. Hindi ako mapakali alam ko at nararamdam ko may nangyaring masama sa kanila God, mali sana ako."
At nag pasya na nga siyang magpaalam sa boss nila. Tinungo ang opisina nito kumatok muna siya.
"Yes come in," sagot ng pinuno nila agad naman pumasok si Aipha.
"Yes, Aipha. What can I do for you? Take a sit first,"wika nito. Umupo muna siya bago nag salita.
"Sir, I need to take my vacation. Can I?" deretsong wika niya.
"Why so suddenly, Aipha?"
"Yes, sir. I want to go back in the Philippines."
"But why so urgent?"
"Sir, I cannot explain to you right now why I'm take my vocation, please. Sir. I need to go back to the Philippines right away."
"Okay I gave you, Aipha. Just one month."
"No problem Sir, I take it."
"Okay your vocation started tomorrow, Aipha."
Napangiti naman si Aipha sa pinuno nila."Thank you so much, Sir."
"Your welcome Aipha, enjoy your vocation in the Philippines," nakangiting tugon nito.
Hindi naman alam ni Aipha kung ngingiti ba siya sa sinabi nitong enjoy tumango na lang siya at agad ng nag paalam dito.
Pinuntahan muna ni Aipha ang bahay nila Dianne. Para kunin ang address nito sa Pilipinas.
Nang marating ang bahay ng kaibigan ng kapatid mabilis siyang lumapit at kumatok sa pinto.
Nang bumukas ito."Yes, Who are you?"
"Hi, this is Dianne, house?" paniguro muna ni Aipha.
"Yes, but she's not here. She's going back to the Philippines."
"Yes, I know. Can I have her address in the Philippines. Please? "
Napakunot ng noo ang kausap ni Aipha."Who are you?"
"I'm, Aipha. Maryaan sister friend of Dianne."
Kilala nito si Maryann."Oh, wait for me."
Sa tingin ni Aipha pilipino rin ang kausap.
Pabalik ng babae."This is her address."
"Thank you so much. I have to go. Bye."
Tumango ang babae kay Aipha.
Pagpasok ni Aipha sa kanyang sasakyan agad na tinignan ang papel kung saan nakasulat ang address ni Dianne sa Pilipinas.
Nang makita ni Aipha humigpit ang pagkahawak sa papel."No!" sambit niya. Dahil ang nakalagay sa papel ang lugar kung saan nangyari ang malagim na pangyayari sa buhay niya. Kailagan talaga niyang sundan ang kapatid sa Pilipinas.
PHILIPPINES
"Hmmm," ungol ni Maryann, sabay mulat ng kanyang mata kinapa niya ang katawan sabay kurot pa niya tiniyak niya kong buhay pa nga ba siya o kaluluwa na lamang napabalikwas siya ng bangon dahil naramdaman ang sakit ng sariling kurot.
"Asan ako?"
"Nagising ka na pala?"
Awtomatikong nakatingin si Maryann sa nagsalita."Sino ka?"
"Well di mo na dapat pang malaman kong sino ako."
"Kailangan kong malaman para mag pasalamat ako sa pagligtas mo sa akin."
"Ligtas ka na ba nga?" wika nito
"A-anong ibig mong sabihin isa ka ba sa mga pumatay sa mga kaibigan ko?"
"Ang sagot ko ay hindi!"
"Eh, sino ka ba?!" sigaw na niya at may takot ng naramdaman si Maryann. At nagsumiksik siya sa isang sulok.
"Huwag kang matakot hindi kita kakainin sila ang kakain sa 'yo," Sabay turo nito sa mga taong nakahawak sa rehas na bakal kung saan siya naroroon.
Lalo siyang nagsusumisiksik sa isang sulok si Maryann dahil sa takot niya sa pagkat naglilisik ang mga mata ng taong nakatingin sa kanya.
"Hindi kita ibibigay sa kanila kung gusto ko kaya magpakabait ka sa akin magandang babae."
"Please, ilayo mo ako sa kanila!" takot na wika ni Maryann.
"Oo ba basta lahat ng ipagagawa ko sa 'yo umayon ka!"
"Oo gagawin ko ilayo mo lamang ako rito, gusto ko ng umuwi sa Ate ko."
Ngumisi naman ang taong kausap niya.
"Sige iiwan na muna kita huwag ka lang maingay dahil kong mag-ingay ka kahit bakal pa ang sarado ng kinalalagyan mo gigibain nila ito. At magpasalamat ka dahil hindi sila gutom ngayon dahil marami silang pagkain na stock sa ngayon!"
Dahil sa sinabi nito na alala niya ang kanyang kasintahan at mga kaibigan.
"Sandali nasaan ang mga kaibigan ko?"
"Andiyan lang sila gusto mo ba silang makita?"
Natuwa siya sa narinig napatango naman siya rito.
"Okay sandali lang ipapakita ko sila sa iyo," wika nito at agad ng lumabas sa kinaroroonan niya.
Pagbalik nito."Heto na sila, oh?" wika nito agad naman lumingon si Maryann na may ngiti sa labi dahil ang alam niya buhay rin ang mga ito kagaya niya.
Pagkakita niya sa sinasabing kausap niya siya'y napasigaw dahil mga pugot na ulo ang dala nito.
"Ahhh!" Lalo siyang nagsisisigaw ng ilapit sa kanya ang mga ulo ng mga kaibigan niya.
"Oh, bakit takot ka di ba gusto mo silang makita? So heto na sila tignan mo!"
"Ahhh! Hayop ka baliw!" sigaw ni Maryann sa lalaki. Na ikinagalit nito malakihan ang hakbang na lumapit sa kanya saka siya nito hinablot nang marahas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (78)

  • avatar
    CondeJohn kyle

    thx and ty for the next few days and I have to go to the store and get some rest and feel better soon and that is why I am asking for a friend to talk to you about it when I get home I will send you the link to the video of the store and get some

    10d

      0
  • avatar
    Christian Anadon

    I like it

    11d

      0
  • avatar
    Cyruz Zahkia Jamir

    ganda grabe 🤩

    16d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด