logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

AIPHA

AIPHA

Gina A.


บทที่ 1 Aipha

LOS ANGELES CALIFORNIA.
"ATE, please. Pumayag ka na di ba sabi mo kahit anong hihilingin ko ibibigay mo?" nagsusumamong turan ni Maryann sa kanyang ate Aipha.
"Oo, sinabi ko iyon pero kong sa Pilipinas ang gustong ninyong puntahan. No way Maryann, hindi ako papayag!" madiin wika niya sa kapatid.
"Ate, doon kasi ang gusto nila at isa pa. I want to see also ang bansang sinilangan natin, masama ba iyon?"
"Wala akong sinabi na masama Maryann, ang daming magagandang bansa na puwede ninyong puntahan, bakit sa Pilipinas pa?"
"Ate, I know what happen in the past, dahil sinabi mo sa akin ito. But Ate, ang laki ng Pilipinas siguro naman hindi doon ang pupuntahan namin, at isa pa kasama ko naman si Kevin, you know him kasamaan mo siya sa trabaho, kayang-kaya niya akong protektahan, Ate. Please. Pumapayag ka na," talagang kukulitin niya ang kapatid para pumayag ito.
"Kahit na, choose other country Maryann. Huwag lang sa Pilipinas, na iintindihan mo ba ako sige na maiwan na kita papasok na ako sa trabaho ko," wika niya sa kapatid. At agad na siyang lumabas sa bahay.
Nakadama naman panibugho si Maryann sa kanyan ate dahil sa hindi nito pag payag na pupunta siya ng Pilipinas.
"I hate you Ate, nangako ka sa akin na ibibigay mo ang gusto ko pag nakatapos akong may medal, ginagawa ko ang lahat para makakuha. Ta...tapos hindi mo pala ibibigay ang nais ko sinungaling ka Ate!" naluluhang wika ni Marry ann sa sarili. Napapahikbi na siya ng may tumawag sa kanyang mobile. Nang tignan kung sino ito ang best friend agad na sinagot.
"He-hello, Dianne," sagot niya na medyo pumiyok pa ang boses.
"Hello, Maryann. Are you okay, what happen?" tanong nito.
"Si Ate kasi Dianne, ayaw niya na sa Pilipinas tayo pupunta, nagmakaawa na ako sa kanya pero still no pa rin ang sagot, eh!" may pagmamaktol sa boses niya.
"Hayaan mo na kong ayaw niya, maybe she have a reason, kung bakit ayaw niyang pumunta ka ng Pilipinas."
"Kayo matutuloy pa rin ba ang pag-uwi ninyo sa Pilipinas, Dianne?"
"Yes, kasi bibisitahin ko ang mga relatives namin sa Iligan city. Sayang di ka makasama maganda pa naman doon, Maryann."
Napabuntong-hininga nang malalim si Maryann. Sa sinabi ng kaibigan. Pagkat talagang gustong-gusto niyang makauwi sa bansang sinilangan nila."Sayang talaga Dianne, si Ate kasi!"
"Tumawag pala ako sa 'yo dahil akala ko sasama ka, kasi sa next day na sana ang lipad natin sa Pilipinas for vocation."
Nag-isip si Maryann kahit na ayaw ng kanyang ate sasama pa rin siya sa mga ito. Malaki na siya may sariling isip."Sasama ako Dianne, pati narin ang boyfriend ko book for me and him ng ticket okay."
"Pe-pero, Maryann. Di ba ayaw ng Ate mo susuwayin mo ba siya?"
"This time yes, Dianne, pero ngayon lang ito, dahil talagang excited na akong makauwi, for the first time in my life now lang ako mamakauwi no!" nasa boses ni Maryann ang excitement.
"Baka magalit sa amin ang Ate mo ha, Maryann?"
"Do not worry, Dianne, magagalit mang siya pag nalaman niya. Pero anong magagawa pa ni Ate, kong nasa Pilipinas na tayo di ba?"
"Ikaw talaga Maryann, okay book ko na rin kayo ng boyfriend mo," wika nito.
"Thank you, Dianne," sagot niya sa kaibigan.
"Okay sige na dahil tatawag pa ako sa travel agency ngayon para sa tiket ninyong dalawa bye Maryann, see you na lang sa airport, ha."
"Okay see you bye, Dianne," nakangiting ini-off niya ang mobile.
"See you soon, Philippines," may ngiting wika ni Maryann sa sarili.
Dahil sa excited na siyang makapunta ng Pilipinas agad na niyang tinawagan ang boyfriend para ipaalam dito na tuloy na ang pag alis nila.
Pag-uwi ng kanyang ate galing trabaho hindi niya ito iniimikan. Napansin naman ni Aipha na nagtatampo sa kanya ang kapatid.
"Sige Ate, aakyat na ako sa silid ko para matulog may pagkain na diyan sa lamesa kong gusto mong kumain pakiinit lang," walang ganang wika niya
"Maryann, mag-usap muna tayo alam ko nagtatampo ka sa akin."
"Ate, nangako ka kasi sa akin na ibibigay mo ang hiling ko, pero hindi mo ito tinupad nasaktan ako, eh!"
Nakadama naman ng guilty si Aipha sa sarili dahil sa sinabi ng kapatid. Minsan lang humiling ito sa kanya.
"Okay, you can go," wika niya.
Dahil sa kanyang sinabi nag liwanag ang mukha ng kapatid.
"Talaga Ate? Yes thank you," Masayang wika nito at sabay yakap pa niya rito.
"Pero Maryann, lagi kang tatawag sa akin ha, para alam ko kong okay lang kayo."
"Sure Ate, don't worry I will do that."
"Make sure you do, dahil kung hindi ako ang tatawag sa 'yo."
"Oo naman Ate, tatawagan ko na si Dianne para ipaalam sa kanya na pumayag ka nang sasama ako."
Ngumiti naman si Aipha sa kapatid masaya siya dahil sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha nito. Nang nasa trabaho siya kanina iniisip kung papayagang ba ang kapatid na magbakasyon iyo sa Pilipinas. Tama naman ito kayang protektahan ng nobyong kasama sa trabaho ito ay magaling na FBI agent. At saka malawak ang Pilipinas. Siguro naman nasa Luzon ang pupuntahan nila.
Araw ng pag-alis nila.
"Ate Aipha, aalis na kami," niyakap niya ang ate ng mahigpit.
"Mag ingat kayo, ha."
"I love you, Ate sana susunod ka sa amin sa Pilipinas para naman maka bonding kita doon, puro ka na lang trabaho, eh?" turan nito pagkatapos na yakapin ito.
"Kayo na lang Maryann, idamay mo na lang ako sa pag-e-enjoy mo, kong masaya ka masaya na rin ako."
"Well wala naman akong magawa para sumunod ka sa akin Ate, bye mamimiss kita."
"Ako rin naman ah, mag ingat kayo,"wika niya ngumiti naman sa kanya ang kapatid agad ng umalis ito.
"Kevin, wait," agap niya sa boyfreind ng kapatid na ka trabaho.
"Yes, Aipha," sagot nito.
"Kevin, take care my sister okay and protect her!" 
"Don't worry, Aipha, I will do that. Your sister is a very special woman in my life, you know that."
"Thank you Kevin, okay you can go now they already there waiting for you," wika niya tumango naman ito at agad na siyang iniwan nito.
Tatalikod na sana si Aipha, ng bigyan niya nang huling sulyap ang kapatid. At ang mga kaibigan nito pagtingin niya walang mga ulo ang mga ito.
Sumalsal ng kabog ang kanyang dibdib?"Oh my God, hindi totoo itong nakikita ko no," wika niya sa sarili ipinilig niya ang ulo baka namalik mata lamang siya sa nakita.
Pero pagtingin niya muli ganon pa rin walang mga ulo habang naglalakad papasok na sa looob, para sa sasakyan nilang eroplano. Kailangan niyang pigilan sila."Maryann," Kanyang sigaw kong kayat napatingin sa ang lahat ng tao sa loob ng airport sa kanya.
Pero wala siyang pakialam sa mga ito ang importante ay mapigilan niya ang kapatid dahil masamang pangitain na kanyang nakita. Patakbo siyang pumasok sa immigration pero hinarang siya ng mga guwardiya.
"Let me go in please. I want to talk to my sister, "pakiusap niya sa mga guwardiyang pumipigil sa kanya.
 "No ma'am, you cannot go inside because you don't have any ducoments to show it."
 "But I'm not going to travel. I just want to talk to my sister, that's all! Please let me go inside!" pagmamakaawa niya.
 "I'm really sorry, Ma'am. But you cannot go in, "Madiin wika ng isang personel."
Nang lumo naman siya sa hindi pagpasok di naman niya puwedeng sabihin na isa siyang FBI agent sa mga ito. Pagtingin niya sa kapatid wala ang mga ito.
Kinuha ang cell phone sa bag kaagad na dinayal ang numero ng kapatid. Nag riring lang ito."Ahhh, Maryann answer your phone!" aligaga na siya kailangan niyang warningan ito o kaya pababain sa eroplano.
Hindi naririnig ni Maryann ang cell phone dahil busy sa pakikipagkuwentuhan sa mga kasama tungkol sa pupuntahan nilang lugar.
Sumuko si Aipha sa katatawag sa kapatid, kay Kevin naman busy ang linya kanina pa hindi naman niya alam ang numero ng mga kaibigan ng kapatid."Diyos ko huwag naman po sanang may mangyaring masama sa kanila please. Ilayo mo po sila sa kapahamakan," dalangin na lamang niya.
Pagkauwi ni Aipha sa kanilang bahay dahil gabi na dumeretso na siya sa silid. Naglinis muna siya ng katawan bago natulog.
Dahil na rin sa pagod siya buong maghapon pagkahiga palang agad na siyang dinalaw ng antok.
---
"MOMMY, saan po tayo pupunta?"
"Aipha, Anak, magbabakasyon tayo ngayon di ba gusto mong makakita ng magagandang tanawin?"
"Yes Mommy, saan ba tayo pupunta?" tanong muli ng 6 na taong gulang na si Aipha
"Pupunta tayo sa Tita Ailyn mo sa Iligan, Anak."
"Talaga po Mommy, yehey sa wakas makikita ko na rin ang mga pinsan ko doon," masayang wika ng bata.
"Oh, ready na ba kayo?" tanong ng daddy niya.
"Daddy, I am ready now," masayang sabat ni Aipha.
Napangiti ang ama niya sa kanya.
Si Aipha pang lima sa kanilan magkakapatid at may bunso pa silang kapatid na anim na buwan pa lamang.
Ang biyahe mula Iligan City. Papuntang Santolan. Isang araw kaya dumidilim na ng masapit nila ang nag sangang daan.
"Hon, san ba ang daan papunta sa kapatid mo hindi ko kasi kabisado, eh?"
"Kahit ako hon, hindi ko rin kabisado ang lugar ng asawa niya pero ang sabi ni Ailyn, sa kaliwang daan yata o kanan, hay naku di ko matandaan ang sinabi niya."
"Mommy, tawagan mo na lang si Tita, para sure tayo kong saan ang tamang daan," wika ng panganay nilang anak.
"Kuya, walang signal dito oh, kanina pa ako mag try ng message sa boyfriend ko pero walang signal talaga."
"Anong klaseng lugar ba ito Mommy? Ang layo sa kabihasnan, ah," wikang muli ng panganay.
"Oo nga Kuya, nakakatakot naman dito, Mommy, Daddy, bumalik na lang kaya tayo sa atin natatakot ako, eh!"
"Anak, waste of time na pagbumalik pa tayo, I think malapit ito sa Tita Ailyn mo."
"Ang mabuti pa dito muna tayo mag palipas ng gabi baka pag nagpatuloy pa tayo eh magkandaligaw-ligaw tayo o kung meron dadaan na sasakyan magtatanong ako."
"Mabuti pa nga, hon," sang-ayon ng asawa.
Isang liblib na lugar malayo sa kinaroroonan ng mag-anak.
"Gutom na ako, wala na tayong pagkain papaano na 'to?"
"Kahit kami kapatid ko wala na rin, pati sina Inang wala ubos na saan tayo kukuha ng ipapakain natin sa kanila? Wala ng liligaw dito sa lugar natin, kong sa atin naman walang problema kasi may mga bungang kahoy pa tayong makukuha at mga hayup. Pero sina Inang at Itang ang inaalala ko."
"Ang mabuti pa maglalakad-lakad tayo baka sakaling may makita tayong makakain nila Inang."
"Mabuti pa nga tara na, kayo sasama ba sa amin, ah?" tanong ng lalake sa mga iba nilang kapatid.
"Oo sasama kami," sagot ng mga ito.
Naglakad ng naglakad ang mga ito disidido na makakita ng ipapakain sa magulang.
Magliliwanag nang magising si Aipha. Dahil sa iyak ng kapatid na bunso.
"Mommy, gising na si bunso umiiyak," Niyugyog pa niya ang ina.
"Puno na kasi ang pampers niya, kaya siya umiiyak sandali palitan ko lamang."
Pag katapos niyang palitan pinadede muna niya ito kaya natahimik na agad ang baby.
"Aipha, Anak, samahan mo muna ako doon kasi na iihi ako."
"Sige po Mommy, ako din naman po."
Nang medyo malayo na sila sa sasakyan pero tanaw pa rin nila ito.
"Sige na hija mauna ka nang umihi susunod ako para kargahin mo tong kapatid mo," turan nito sa anak. Sumunod naman ito sa kanyang sinabi.
"Mommy, tapos na ako akin na po si Bunso."
Binigay nito ang bunsong anak.
"Mga Kapatid, nakikita ba ninyo iyon may kakainin na sila Inang!" masayang wika ng isang lalake kaya agad nilang pinuntahan ang nakita nito.
Sa isang iglap."Ahhh," malakas na sigaw ang bumasag sa katamikan ng umaga.
"Mommy si Ate iyon ah, anong nangyari sa kanya? Bakit siya sumigaw?" wika ni Aipha.
"Dito lang muna kayo nang kapatid mo titignan ko kung anong nanyari doon, huwag kang aalis dito ha, Aipha," biling niya sa anak. Tumangon naman ito.
Napapasilip si Aipha sa ina. Paglapit palang nito sa sasakyan nila sinalubong ng isang lalake ito at kitang-kita niya ang ginawa nito. Natutula siya dahil sa pag kahiwalay ng ulo ng ina sa katawan nito.
"Mo-mo-mommy," nauutal niyang wika nang lumingon ang isang lalake sa kinaroroonan napaupo siya bigla mabuti na lang matataas ang damo sa kinaroroonan niya.
"Bunso, huwag kang iiyak ah, kasi makikita nila tayo," bulong niya sa kapatid.
"Bilisan ninyo hati-hatiin na ang mga iyan at ilagay sa sako dalian ninyo baka may darating pa rito!"
Agad na sinunod ng mga ito ang utos ng kuya nila. Hinati-hati ang katawan ng mga ito. Mabilis ang ginawa nilang pag hati-hati dahil ang gamit nilang itak ay pangkatay ng baboy ramo na nahuhuli nila sa gubat.
Nang matapos na ng ang mga ito sa ginawa nila agad nang nag alisan.
Lumipas ang ilang oras hindi pa rin umaalis Aipha sa kinauupuan ng umiiyak ang kapatid saka pa lamang siya tumayo. Nang makita niyang wala ng tao agad na lumapit sa sasakyan nila. Napasigaw siya dahil puro dugo na lang ang naroroon.
"AHHH!" sigaw nito.
At napabalikwas ng bangon si Aipha. Sa tagal ng panahon sa nangyari sa pamilya. Bakit ngayon napaginipan niya? May ibig bang ipahiwatig ito sa kanya?
Nang maalala ang kapatid siguro malapit na ito sa Pilipinas, bigla siyang kinabahan."God, sana ay hindi na maulit pa ang nangyari noon. Ang panaginip ko ay kabaliktaran lamang. Lord, please guide them to right place." usal na dalangin niya.
Nang maalala ni Aipha hindi pala niya natanong ang kapatid kung saan sila sa Pilipinas pumunta."Stupid me!" kailangan niyang puntahan bukas ang tinitirahan ni Dianne para alamin kung taga saan ito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (78)

  • avatar
    CondeJohn kyle

    thx and ty for the next few days and I have to go to the store and get some rest and feel better soon and that is why I am asking for a friend to talk to you about it when I get home I will send you the link to the video of the store and get some

    10d

      0
  • avatar
    Christian Anadon

    I like it

    11d

      0
  • avatar
    Cyruz Zahkia Jamir

    ganda grabe 🤩

    16d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด