logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4 and Chapter 5

CARE FROM GROUCHY MAN
Paggising ko ay nakita kong nakahiga si Ian sa sofa. Matagal akong napatitig sa kanya. Ang gwapo at napakakinis niya mukha, ang kanyang mga mapupungay na mata na ngayon ay nakapikit, ang kanyang matangos na ilong at ng dumapo ang aking tingin sa kanyang mga labi ay naalala ko ang nangyari kagabi.
Ang kanyang halik na napakatamis. Bigla siyang nagising at napaiwas naman ako ng tingin.
"Are you hungry?" tanong niya kaagad.
"A little bit." sagot ko.
"Kukuha lang ako ng pagkain." paalam niya at lumabas.
Dumating siyang may dala ng breakfast. Inilapag niya ito sa study table ko.
"I'll carry you." paalam niya at binuhat ako at pinaupo sa upuan.
Habang kami ay kumakain ay marami kaming napapag-usapan. Ngayon ko lang nakita na ganito ang masungit na ito. Kaya sa tingin ko ay dapat itong sulitin.
"Nandiyan na ang mga gamit mo. Pinakuha ko na. Pero wag ka munang pumasok." nakangiting niyang anya.
"Bakit mo pinakuha kaagad?" tanong ko.
"Wag ka ng magtanong." sagot niya at tumahimik na lamang ako.
Pagkatapos naming kumain ay naisipan kong maligo na. Siya naman ay nagliligpit lang ng pinagkainan namin.
"Maliligo na ako," paalam ko pagkatapos naming kumain.
"Go head. Babalik din ako dito mamaya. After kong magpasa ng email sa university." sagot niya.
Pumasok na ako sa bathroom nang medyo pilay pa rin. Sana nagpabuhat na lang ako chosss!
Pagkatapos kong maligo ay naglagay na ako ng tuwalya. Ang problema ko lamang ay kung paano lumabas at kumuha ng gamit. Naisip kong baka ipinaayos na rin niya ang mga gamit ko at nilagay sa cabinet kaya lumabas ako para kumuha.
"Aaaahhhhhh," sabay naming sigaw. Kahit na pilay ay bumalik ako sa bathroom.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko ng makapasok na ako sa bathroom.
"Diba sabi ko, babalik ako." sagot niya.
"Ikuha mo na lang ako ng short at or any oversize shirt diyan." pinaghalong naiinis at nahihiya ang boses ko.
"Here," inabot niya ito sa akin.
"Thank you," sagot ko at nilock ang pinto.
Nagbihis na ako at paglabas ko ay nakita kong nakahiga siya sa kama ko.
"Masakit pa rin ba ang paa mo?" tanong niya.
"Malamang. Hindi mo ba nakikita na napipilay pa rin ako?" pabalang kong sagot.
Lumabas siya siguro ay naiinis na talaga sa akin. Nagkamali ako dahil akala ko ay hindi na siya babalik pero bumalik siya at may dalang tubig.
"Drink your meds," utos niya at binigay sa akin ang tubig at gamot na dapat kong inomin.
Ininom ko na ang gamot at humiga sa kama.
"Ian, pakibuksan ang TV. I'm so bored." utos ko sa kanya at sinunod naman niya.
We watched a romance movie. Minsan ay natatawa rin kami dahil may mga funny moments ito. Hindi namin namalayan ang oras dahil sa kakapanood hanggang sa dinalihan na kami ng pananghalian ng mga maid nila.
"After my graduation. Ipapadala na ako sa business namin sa abroad para i-manage yun." malungkot na sabi niya habang kumakain kami. "Gusto kong dito na lang ako mag manage ng business dahil may ayaw kong iwanan dito." dagdag niya.
"Makakauwi ka pa naman siguro." pampalubogloob ko sakanya. "Kung ang mga magulang mo ang maiiwan mo e. Pwede ka naman nila bisitahin. Even your brothers and your friends." dagdag ko.
"Hindi ako sa kanila na sasayangan." sagot niya. "Sa isang babae na matagal ko ng nagugustuhan." dagdag niya na nagpakaba sa akin.
Hindi na ako sumagot para matapos na ang usapan. Pagkatapos naming kumain ay nanood pa rin kami ng movie sa TV.
"Patingin nga ng paa mo," at kinuha niya ang paa ko. "Medyo lumiliit na yung maga niya. Inumin mo lang ang gamot mo, gagaling din kaagad yan." dagdag niya.
Lumipas ang dalawang araw bago kami nakapasok dahil hinintay pa namin bago gumaling ang paa ko. Medyo natatakot rin akong pumasok lalo na't kasama ko siya. Hindi ako palaaway na tao kaya hindi ako marunong lumaban.
Mabuti na lamang at mapayapa ang pag-aaral ko sa araw na yun at ngi anino ng babaeng yun ay hindi ko na nakita.
Umuwi akong walang kasama. Hindi ko na hinintay pa si Ian dahil may klase pa siya ang sabi niya ay hintayin ko siya pero nagpasya akong iwan na lang siya at umuwi.
Wala akong ginawa kundi ay mag-aral lamang habang naghihintay ng hapunan. Gustohin ko man ay ayaw ng mga kasambahay. Mas mabuting mag-aral na lang daw muna ako.
"Ashley, kakain na raw ho kayo." dinig kong sabi ng kasambahay pagkatapos niyang kumatok.
"Sige po." aking sagot. Nagligpit muna ako ng mga gamit ko tsaka ako bumaba.
Pagdating ko sa dining table ay nand'on na ang tatlo.
"Wala daw kakain hanggang hindi pa tapos si Haring Ian." biro ni Ives pagdating ko.
"Upo ka na Ashley. Hayaan mo na yang si Ives." utos ni Ivan at sumunod din ako.
Nagsimula na kaming kumain at hindi pa rin tumitigil si Ives sa kakasalita. Nagbibiro siya pero wala namang tumatawa. Si Ian naman ay parang bumalik ang ugali niya. Tahimik at sobrang sungit. Yung bang kahit tititigan mo lang ay mahihiya't matatakot ka na.
***
Natapos kaming kumain na maingay pa rin si Ives. Si Ivan naman ay pumunta sa opisina niya dito sa bahay at si Ian naman ay dumiretso sa kanyang kwarto.
Kami na lamang ni Ives ang nandito sa sala. Ayaw ko naman siyang iwan dahil kumuha pa siya ng wine at inaya akong uminom. Hindi naman akong palainom na tao, occasionally lang.
"Ives, matulog ka na." suway ni Ian sa amin. Hindi ko namalayan ang pagbaba niya.
"Join us bro. Wag kang KJ." sagot sa kanya ni Ian.
"Ives, matulog na lang tayo. May klase pa bukas." isa yung awat, ko para sa kanila dahil baka mag-away pa sila dito.
"No. My little brother will join us." pag-aaya nanaman ni Ives at nagbigay ng pilyong ngiti sa amin.
"Good night na nga lang. Ang tigas ng ulo mo." naiinis na sagot ko sa kanya. Papunta na ako sa kwarto ko pero nakita ko naman si Ian.
"Matulog ka na rin..." iyon ay aking paalam sa kanya at dumiretso na ako sa kwarto ko upang magpahinga.
:-)
MEET A FRIEND
Ilang araw ng lumipas at bumalik na naman ang pagiging masungit ni Ian. Hindi na niya ako pinapansin pero sabay pa rin kaming pumupunta sa university. Sabi ko na nga ba at dapat ay sulitin na ang pagiging mabait niya dahil ngayon mukhang tinubuan na naman ng sungay.
"Uyy, Ash!" biglang sigaw ni Rizza na nasa likuran ko. Humarap ako sa kanya, kahit na panandalian lang kaming nagkasama ay kilalang kilala ko na ang boses niya.
"Rizza, ba't ka nandito?" tanong ko sakanya.
"Hinanap kasi kita. Buti naman at madali kang hagilapin." masaya niyang sagot.
"Uyy, diba jowa mo si Ian?" tanong na naman niya.
"Hi---" hindi ko na tapos ang dapat kong sasabihin sa kanya dahil...
"Nakita ko siya kanina girl," nahihimagan ko sa pagsasalita niya na ayaw niyang ituloy ang gusto niyang sabihin. "Kasama niya si Sofia Ariana Lopez. Mayaman yun at mukhang ang sweet pa nga nila e... Balita ko nga silang dalawa ang laging magkasama, sa mga group project, genern." dagdag niya.
Siguro ang Sofia na tinutukoy niya ay yung babaeng tumapak sa paa ko. Siguro nga ay may relasyon sila.
"Hayaan mo na. Siguro nga sila na." pinilit kong maging masaya ang pagkakasabi ko pero parang may namumuong kurot sa kalooblooban ko.
"Naku! Wag ka naman sanang maging kabit girl. Kung hindi ay makakain talaga ni Ian ang lupa. Humanda lang siya sa akin. Tsaka wag mong sabihin na sila na, diba nga jowa mo siya?" naiinis na sagot at tanong ni Rizza.
"Hindi ko siya boyfriend, okay?" pag-amin ko.
"E ba't sabi niya boyfriend mo siya at nagsasama pa kayo ng iisang bahay?" curious na tanong ni Rizza.
"Uyy Rizza, sasagutin ko yan. Sa canteen na lang tayo mag-usap. Nasa pathway tayo oh!" at hinila ko na siya papuntang canteen.
Umupo muna kami tsaka ako nagsimulang mag-kwento.
"Rizza, ulila na ako at ang kumupkop sa akin ay ang mga Sudalga. Naging working student ako sa kanila. Pero ngayong college na ginusto kong dito mag-aral ay dito nila ako pinag-aral at higit sa lahat wala na akong trabaho sa bahay nila dito. We're from Davao.   At yang si Ian, sobrang sungit niyan, si Ives naman ay ang pinakapilyo at laging nanti-trip sa akin, at si Ivan ang pinaka kuya sa kanila naman ang close ko dahil para ko na rin siyang kuya." mahabang kwento ko at tango-tango lang ang sinagot ni Rizza.
"Uyy, ang sipag mo naman. Ako kasi ngayong college lang nag working student e." manghang sagot niya.
"Ililibre na kita, order ka na." anyaya ko sa kanya.
"Kahit sandwich at tubig lang. Baka nagtitipid ka pa." nahihiyang sagot niya.
"Wag kang mahiya may monthly allowance ako." sagot ko.
"Sige coffee na lang na dark chocolate." masayang sagot niya at tumango ako at nag-order.
Kumain na kami at pagkatapos ay nag-paalam na ako sa kanya at dali-daling pumasok sana hindi pa ako late sa next subject ko. Mabuti na lang at late yung second subject ko this day kung hindi ay kawawa naman ako. Gusto ko pa namang pumasok sa deen lister huhuness.
Pagpasok ko sa classroom ko ay umupo na ako kaagad. Mabuti't hindi ako late. Bakit pa ba kasi ako nakipag-kwentuhan doon?
***
Mabilis na natapos ang klase ko sa umaga kaya ngayon ay nandito ako sa canteen. Mag-isang kumakain ng lunch.
May biglang nagplapag ng tray sa table ko at pagtingin ko ay si Ian lang pala. Si Ian na seryoso ang tingin. Si Ian na masungit pa rin ang mukha.
"Uyy, bakit ka nandito?" tanong ko. "Doon ka na lang sa mga kaibigan mo." dagdag ko.
"They can eat without me." walang emosyon niyang sagot.
"E, makakain rin naman ako ng wala ka." paglalaban ko. Hindi ko gustong malapit kami dahil ayokong lumapit si Sofia. Kahit pangalan pa lang ay nakakakilabot na.
"Ian, why are you here?" tanong ng isang babae kay Ian at ito'y aking nahimagan na si Sofia. "They're in other table and who's this girl?" dagdag niya.
"Uhm, sige bye na po. Baka namaling table lang po si Kuya. Alis na po ako." parang batang paalam ko.
Umalis na ako dala dala ang bag ko at dumiretso na lang sa library. Pagdating ko sa library ay kumuha na lang ako ng libro at nag-aral na lang. Habang ako'y nag-aaral ay lumilipad pa rin ang isipan ko sa mga nangyayari sa kanila. Alam kong wala akong karapatang mag-selos, dahil hindi kami at higit sa lahat ay hindi ko pa talaga alam kung anong nararamdaman ko sa kanya. I think, I'm indenial stage.
Habang ako'y nag-aaral o nag-iisip na lang ay may lalaking humila ng upuan sa tabi ko. Base in his perfume, I know it's him.
"Bakit ka na naman umalis doon?" tanong ko na nakaharap pa rin sa libro.
"Alam ko na ang lahat..." hindi ko alam kung naiinis ba o nag-aalala ang pagkakasabi niya.   "It's Sofia, right?" dagdag niya na tanong.
"Ha? What do you mean?" kahit na nahihimagan kong ang kanyang ibigsabihin ay tungkol sa nangyari sa amin ni Sofia ay pinilit kong magmaang-angan.
"Don't act, na parang wala kang alam. Si Sofia ang may gawa sa pamamaga mo, hindi ba?" pagalit niyang tanong na naka-agaw ng pansin ng mga tao sa library.
"Silent. Kayong dalawa, labas!" sigaw ni librarian.
Nauna akong lumabas sa kanya. First time kong mapagalitan ng librarian dito kaya nakakawala ng gana.
"Siya rin ang nagbanta sa'yo na kapag lalapitan mo pa ako ay makakaalis ka dito sa University?" tanong niya ng nasa pathway na kami.
"Oo," hindi ko niyang mabasag ang boses ko. "Kaya pwede ba? Ikaw na lang ang umiwas?' dagdag ko.
Hindi siya sumagot, hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin.
"Sinusungitan mo ko diba?! Matagal mo na akong iniiwasan. Simula pa ng nasa Davao pa tayo. I don't why? Lahat ng mga kapatid mo pinapansin ako. But it's okay, katulong lang naman ako sa inyo----" naputol ang dapat ko pang sasabihin dahil...
"Don't say that... Iniiwasan kita dati not because of that," parang nabasag rin ang boses niya. "It's because of my feelings... My feelings for you. Matagal na kitang gusto, diba umamin na ako sa'yo?" dagdag niya na nagpatigil muli sa akin.
"I'm secretly courting you. Pero hindi mo napapansin, Ash." nakayukong dagdag nanaman niya.
Maglalakad na sana ako paalis pero hinawakan niya muli ang kamay ko't pinaharap. Naramdaman ko na lang na nagdampi na ang aming mga labi muli. Gusto kong kumawala sa kanyang mga halik pero siya ang umaaway. Hinawakan niya ang pisngi ko ng mahigpit upang ako'y hindi makawala.
"How dare you to kiss him?" dinig kong sigaw ni Sofia na nakahawak sa nakaponytail kong buhok. Masakit ang pagkakasabunot niya. "Ang cheap mo naman Ian." dagdag niya at ang narinig ko na lamang ay isang malakas na sampal at nabitawan ni Sofia ang buhok ko.
Hinawakan ni Ian ang kamay ko at hinila na ako paalis. Kahit ang mga tao ay naaagaw rin namin ang kanilang pansin.
"Akala ko si Ian at si Sofia. Hindi pala. Ian is so cheap." dinig kong sabi nung babaeng nakikipag chismissan.
"Maganda rin naman yung babae a." yung isang babae naman.
"Yuck. A maid like her. Hindi mo ba narinig yung sabi niya kanina?" yung isang babae naman nag nagsalita.
Marami pa akong narinig na mga sabi-sabi ng mga estudyante. Pero mabilis din kaming nakaalis doon ni Ian.
"Uyy, Ashley!" tawag ni Rizza sa akin.
"Rizza, not now." suway ni Ian. "Kailangan muna naming umuwi. Mag ca-cut muna kami." dagdag ni Ian.
"Okay. Take care." paalam ni Rizza.
Dumiretso kami ni Ian sa sasakyan niya. Binuksan niya ang shot gun sit at pinasakay ako. Sumakay na rin siya at diretso siyang nag drive pauwi.
:-)

หนังสือแสดงความคิดเห็น (139)

  • avatar
    JO Lita

    Love the story

    10d

      0
  • avatar
    loriaAmielyn

    ganda po ng kwento

    15d

      0
  • avatar
    Rey Mark Anzano

    happy

    18d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด