logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Nang dumating na yung Chef para sa pagluto ay agad na silang nagsibalik sa mga pwesto nila sa kanilang mga mesa. Ako, dito ako sa bandang likod na may tatlong nakapwesto at yung isa, si Kheir!
"Mag-start na tayo!"
Malakas na boses na saad ni Chef Kyle. Yung yung narinig kong pangalan na nabanggit ng ka-blockmate ko.
"Sinabihan ko na kayo noong Biyernes sa dapat niyong gawin ngayon. Kaya sana wala nang magtatanong ng paulit-ulit." Seryoso niyang pahayag.
Ang gwapo! Bagay lang sa kanya yung chef uniform. Sabi rin nila na siya ay nasa mid' 20 na pero may baby face pa rin. Napahawak ako sa pisngi kung meron rin akong chubby cheeks, pero wala.
Sinulyapan ko si Kheir at nahuling nakatingin rin siya sa akin kaya agad rin akong umiwas ng tingin.
"Again, each of you will make a cupcake." Cupcake?! Unang araw ko pa lang, cupcake agad?! Di pwedeng fried food? O di kaya, sauce?
"Narinig niyo? Cupcake! Hindi cupcakes. Kaya iisa lang, hindi kailangan ng marami dahil isa sa kaklase niyo ang titikim ng gagawin niyo. So it's like, by partner."
Ha?! Sino naman ang titikim ng sa akin?! Teka parang hindi naman at maganda yun sa pandinig. Ibig kong sabihin ay 'yong gagawin kong cupcake! Sino ang titikim?! Buti sana kung nandito sila Ely, kaya lang wala sila dito!
Narinig ko ang bulongan ni Kheir at ng isa naming ka-table na lalaki. Magkaibigan siguro sila.
"Ano, Kheir?! 'Di ko nga yan close!" Malakas pagprotesta no'ng isa. Ano ba 'ang pinag-uusapan nila?
"Tyn, manahimik ka," mariing sagot ni Kheir.
Napailing ako. Bakit nga ba ako nakikinig? Binalik ko yung tingin kay Chef at nakinig.
"You will only have 2 hours to bake. Malaking oras na yan. Ang natitirang oras niyo ay para sa taste testing." Okay na yun. "You may start,"
Agad rin akong naghanda ng mga ingredients at tools na kakailanganin ko ngayon. Buti na lang kumpleto at marami ang nasa mesa namin kaya hindi kami makukulangan.
Wala namang sinabi si Chef na mga bawal, kaya kinuha ko yung dala kong phone at nag search sa internet ng easy and simple cupcake with ingredients.
Marami ang nag-pop pero yung butter cupcake yung pinili ko para madali. Ang mga ingredients ay flour, baking soda, egg, sugar, milk at butter. Sabi ng mga feedbacks ay pwede ring maglagay ng vanilla liquid kaya naghanda rin ako no'n. Namangha ako dahil kumpleto talaga ang mga ingredients dito at maraming ring ref para lagyan din.
Meron silang sampung oven kada culinary room. Nang tingnan ko 'yong ibang nga kasama ko ay busy na sila sa pag mi-mix kaya sinimulan ko na rin. Pero may konting problema 'ata ako dito. Hindi ko alam kung paano i-on ang mixer. Iba kasi yung mixer namin sa bahay.
Hinarap ko si Kheir. Siya lang naman yung kilala ko dito, eh. Napalunok ako. "Uhm, K-kheir,"
Mukhang nabigla ko ata siya, dahil malalaki ang kaniyang mata ng tingnan niya ako. Umiwas ako ng tingin pero binalik ko rin agad.
"P-pano 'to i-on?" Hindi siya gumalaw kaya nerbyos akong ngumiti. Nakita ko ang pasimpleng pagsiko sa kanya ni... Lyn 'ata. Napakurap-kurap si Khier. Cute—Yung mixer, ah!
"Ah! A-ano, just slide the b-button backwards." Sinunod ko naman yung sinabi niya at nagulat ako ng bigla na lang gumalaw na yung mixer. Napangiti ako ng malaki. Cool!
"Thanks!" Masaya kong pasasalamat sa kaniya. Tumango lang siya at umiwas ng tingin.
Sinimulan ko nang i-mix yung butter, egg, at sugar. Pagkatapos ng ilang minuto ay nahalo na ng maigi ang tatlo ay sinimulang ko nang ilagay ang flour na may halong baking soda at ang gatas.
Papalit-palit ang paglagay ko ng dalawa. Yung isa kong kamay ay nakahawak sa mixer, at yung isa naman ang naglalagay ng ingredients. Buti na lang at hindi masyadong mabigat ang mixer kaya nagiging madali ang lahat.
May naramdaman akong dalawang pares na mata na nakatingin sa akin. Hindi ko lang nilingon dahil nagtutuloy-tuloy lang ang mixer, baka mamaya matalsikan ako ng hinahalo ko.
Nang matapos ko na nang i-halo at wala na akong makitang buong flour ay naglagay ako ng konting vanilla para mas bumango, at pagkatapos ng ilang ikot ng mixer, ay... tapos na.
I slid the button forward to stop the mixer and removed the wire. Pwede na 'to!
Naglagay lang ako ng sakto sa cupcake plate at ipinasok sa oven. Dahil ilang minuto pa ang hihintayin para matapos 'yon ay gumawa muna ako ng konting icing na sakto sa isang cupcake.
Tumingin ako kila Kheir para tingnan ang kanilang ginagawa. Yung isa naming ka-table na babae ay gumagawa ng vanilla cupcake, tapos na yung sa kaniya. Coffee cupcake naman kay Tyn dahil may nakita akong coffee pack, naghihintay rin siya sa oven.
Nang lingunin ko yung kay Kheir ay isang... mocha! Ang aking mahal!
Luto na rin 'yong sa kanya. Swerte naman ng partner niya. Magaling ba siya mag-bake? Napanguso ako. Naiingit tuloy ako! Sana mocha na lang rin ang ginawa ko.
Bigla na lang lumingon si Kheir sa akin, kaya napaiwas ako ng tingin. Patago akong napapadyak. Gusto ko kainin yung sa kanya. Pakiramdam ko kanina pa ako naglalaway kaya agad kong tiningnan yung niluto ko.
Luto na! Napapalakpak ako dahil sa excitement.
Agad ko itong kinuha mula sa oven at nilagay sa mesa. Pinalamig ko ito ng konti at saka nilagay ang icing. Nakita kong tinitignan na ni Chef 'yong mga binake namin.
Naglagay rin ako ng mga topings para hindi magmukhang plain at hinanda para sa kung sino man ang titikim nito. Sakto namang nasa mesa na namin si Chef at kasalukuyang tintingnan 'yong kay Tyn. Napahinga ako ng malalim. Halata sa lahat na ako ay kinakabahan.
Ang itsura presentation lang naman ng cupcake ang kanyang tinitingnan, since, 'yong partner namin 'yong titikim. Nakita ko ang pag thumbs up ni Chef kay Tyn at pag tango-tango niya kay Kheir. Mukha kasing masarap no'ng sa kanila.
Nagsimula nang manginig ng dalawa kong kamay ng sa akin na humarap si Chef. Sinubukan kong ngumiti pero nagmumukhang ngiwi. Tumaas yung dalawa niyang kilay.
"You are?"
"P-po? Ah haha! Vionsre Hariz po." Napapikit ako ng mariin.
"Oh, the transferee?" Tumango ako.
Sinuri niya ang cupcake na ginawa ko. Hindi ko malaman ang reaksiyon niya dahil nakayuko siya habang nakatingin sa mesa. Nang humarap siya sa akin ay wala akong mabasang emosiyon.
"Beginner?" Umiling ako. Tumango-tango siya at bumalik na sa harapan.
Hindi ako beginner dahil nasubukan ko namang magbake sa bahay, pero katulong ko no'n si Mama. Hindi ko 'yon ginawa mag-isa. Hindi rin madalas, dahil kada may occasion lang kami nagb-bake.
"Okay," Chef clapped his hands to get our attention. "So far, marami naman sa inyo ang marunong mag-bake at decorate. Hindi ko nga lang alam kung pati sa lasa. Hindi na rin ako magtatagal dito dahil... may aasikasuhin pa ako sa opisina. Paglabas ko ay pwede na kayong magsimula sa taste testing at bukas niyo na lang i-record ang masasabi niyo."
Shit! Naalala kong wala pala akong partner!
"See you all tomorrow."
Pagkalabas ni Chef ay kaniya-kaniya na silang lapit sa kanilang partner dala ang ginawang cupcake. Habang ako, 'eto parang isang statua.
Nagmukha na akong nawawalang tuta.
Napakunot ang noo ko ng mapansing sa isang babae naming ka-table si Tyn lumapit. Hindi ba sila ni Kheir ang mag partner?
Pagtingin ko kay Kheir ay nakaiwas siya ng tingin habang magkasalubong ang kilay na para bang may malalim na iniisip. Napaiwas ako ng tingin ng bigla niya ng sinalubong ang titig ko.
Napabuga ako ng hangin. I think I'll ending up eating my own cupcake.
Nanlaki 'yong mga mata ko ng maramdamang papalapit sa 'kin si Kheir. Nang sulyapan ko ay dala niya yung gawa niyang cupcake. My brows furrowed.
"Nauna ako sayo,"
Mas lalong dumikit yung kilay ko dahil sa pagtataka. Ano ang ibig niyang sabihin?
"So?"
"Wala kang ibang choice, kundi makipag-partner sa 'kin." I scoffed, hindi makapaniwala.
"At bakit naman?"
"Well," He licked his lower lip. Kinurot ko yung sarili ko dahil narealize kong nakatitig na pala ako dun.
"Ikaw lang naman ang walang partner dito... I-I mean ikaw lang naman ang nakikita kong walang partner."
Napahugot ako ng hininga. Hindi makapaniwala. Is he serious?! Nang lingunin ko 'yong iba ay napansin kong marami pa namang walang partner. Bulag ba 'to? And it's not an insult, but a question!
Pero bakit ako pa? On second thought, ayaw ko rin namang tumanggi! Masarap na grasya na ang kusang lumalapit!
I mean... I didn't mean him, but the cupcake! Napalunok ako. Laway, wag kang tutulo.
"Don't think too much," Tumaas yung kilay ko. "Gusto ko lang tikman yung sayo,"
Ha?! Ano daw?! Anong sa 'kin?!
Tumikhim siya at biglang lumikot ang mata niya. "Yung cupcake. Yun yung ibig kong sabihin." Umiwas siya ng tingin.
Tumango ako. "Sige," Gulat siyang tumingin sa 'kin.
"Really?!" Tumikhim siya. "I mean... okay." He said in a formal tone.
Inabot niya sa 'kin ang kaniyang cupcake, kaya ganun rin yung ginawa ko. Pagkagat ko ay agad ko ring nalasap ang sarap ng pinaghalong kape at chokolate. I couldn't stifle my moan. Ang sarap!
Naramdaman ko ang kanyang titig. Pagsulyap ko ay napansin kong hindi niya pa rin ginagalaw ang butter cupcake. I raised by brows at him.
"Hindi mo pa ba yan kakainin?" Taka kong tanong sa kaniya.
Mukha naman siya natauhan dahil bigla nalang niya kinagat ang kalahati. Napakurap-kurap ako habang hinintay ang kanyang magiging reaksyon.
Natagalan muna bago siya tumango. "Masarap," Napatingin ako sa labi niya ng bigla niya yun dinilaan.
Jesus Maria Josep!
Napaiwas ako ng tingin. Buti naman nagustuhan niya. Akala ko pa naman palpak 'yong ginawa ko. Unang beses ko pa lang kasing gumawa no'n mag-isa. Kaya hindi ko alam ang magiging resulta.
After ng class hours, ay agad rin akong nagpaalam kila Ely. I told them that I need to go feed Forest, my pet dog, instantly. They just nodded in response.
Pagkarating ko sa harap ng bahay, ay may agad akong naalala. Lola Therna invited me to their house for afternoon snack! I slapped my face. Oo nga pala.
Pagkapasok ko ng bahay ay agad ko ring pinakain si Forest ng dog food at nagtungo sa kwarto para magbihis.
I was contemplating if I should wear something formal, kasi baka ando'n 'yong whole family ni Lola! But I ended up wearing sweatpants and a shirt.
Alas singko na at malamig sa labas. Malapit lang rin naman daw sabi ni Lola, kaya ito na lang yung sinuot ko.
Pagkalock ko ng pinto ay agad rin akong naglakad papunta sa direksyon na tinutukoy ni Lola kanina. May chance na umulan dahil nga malamig na at wala rin akong makitang sinag ng araw.
Hindi ako nagdala ng payong kasi hindi rin naman ako magtatagal ro'n. Snack lang kasi yung sinabi ni Lola, hindi pati dinner. Asan nga ulit yun? Ah, puting gate.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Nababaliw na 'ata ako.
Nang makalampas na ako sa mga ilang malalaking bahay ay meron na akong naaninag na puting gate. Tumakbo ako patungo ro'n, hindi inintindi na para na 'kong leon na may hinahabol na pagkain.
Napangiwi ako ng kumalam yung sikmura ko. Jusko! Gutom na naman talaga ako.
"Tao po!" Niyugyog ko ng paulit-ulit 'yong gate.
Hanggang dibdib ko lang kasi. Para ring pamilyar itong bahay na 'to. I just shook my head to removed that thought. Patuloy ko pa ring yinug-yog yung gate. Matibay naman to, eh!
Andito na rin ba yung sinasabi ni Lola Therna na apo niyang kaedad ko?
After a few seconds of making noises in the gate and shouts that would get the attention of the owner of the house, I finally saw someone walking towards me. No other than... the owner of the house beside.
Patay.
"Hija," I was expecting a shout but I just received a calm voice from a mid '50 man. Or so I thought. Bigla na lang na lang nagkasalubong yung kilay niya, at lumaki yung ilong niya! Para siyang nagpalit anyong baboy ramo!
Napayuko ako. "Sorry po! Hindi ko po intensiyong makais-"
He cut me off. "Hindi intensyon?!" He scoffed in disbelief. "Para ka ngang baliw na sumisigaw diyan! At hindi mo pa intensyon?!" Mas lalo akong napayuko.
I cursed myself. Kebago-bago ko pa lang dito sa lugar na 'to, may galit agad sa 'kin. Nanlumo ako. Ang malas ko naman 'ata.
Umangat ako ng tingin sa kaniya. "Sorry po talaga-" he cut me off again.
"Maswerte ka, at mas inuna pa kitang kausapan kahit meron pa akong load pantawag sa isang mental hospital!" I cried mentally because of what he said.
Sana all, fini-flex ang load!
Napabuntong hininga ako. Anong gagawin ko ngayon? Baka kanina pa naghihintay si Lola Therna. Sumasakit na rin yung katawan ko dahil sa kaka-kalam ng sikmura ko!
"Alam mo bang kanina pa ako nagtitimpi sa sigaw m-"
This time, the man was the one who was cut off. Not by me, but by a young man with a musculine voice.
"Vion,"
I felt the cold wind brushing my skin that made me feel goosebumps but it didn't stop me from having this new overwhelming feeling inside me when I heard his voice.
The first person who made me feel this.
Kheir.
Paglingon ko sa kanya ay mas lalong lumala 'tong nararamdaman ko.
He's just staring at me with a confused reaction and I took a glimpse of his nervousness.
Pinakiramdan ko ang sarili. Hindi ako masyadong nilalamig. Hindi 'to sakit dahil sa sobrang gutom. Hindi ito ang feeling pagsinisermon ako.
I sighed, feeling defeated.
Stomach, meet butterflies.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Ezekiel Luciano

    Sobrang ganda ng kwento may napupulot na aral

    31/07

      0
  • avatar
    JoAnjo

    nice

    31/07

      0
  • avatar
    eroyjohn paul

    Ang Ganda nang kwento

    23/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด