logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 7 If I could turn back time

It's getting late pero nandito pa rin kami sa living room ni Maddie. Gusto pa raw niyang malaman ang mga nangyari sakin noon. Sa totoo lang, nakakagaan ng kalooban kapag may pinagsasabihan ka ng mga saloobin mo. Na may taong handang makinig sa'yo at handang umalalay kapag nalulungkot ka at nahihirapan. Minsan hindi talaga maiiwasan na mawalan tayo ng pag-asa lalo na at mag-isa lang tayong lumalaban.
Naalala ko noon kung gaano ako nasaktan nung namatay si mama. Wala akong ibang ginawa noon kundi umiyak at tumunganga sa isang tabi habang binuburol si mama. Nag-aala din ako kung paano na kami ng lola ko. Matanda na si lola at naaawa ako sa kanya dahil kailangan niyang kumayod para sa aming dalawa. Akala ko nga noon, titigil na ako sa pag-aaral pero nagsumikap si lola and she strongly believed that I need to finish my studies so that I can have a brighter future. I don't want to disappoint her and so even if I'm mourning for my mother's passing, I still attended my classes and tried to move on.
Napangiti na lamang ako ng nilagay niya ang mga mangkok sa center table sabay upo sa couch. Maddie is such a food lover and often has midnight cravings. Ang mabuti nga lang ay kahit anong kain pa niya ay hindi siya tumataba. Not like me, kailangan ko pang icheck lagi ang waist line ko at bawasan kumain ng maraming carbs dahil madali lang akong tumaba. Wala naman akong pake dati kung tumaba man ako pero noong nakatira ako sa tita ko na sobrang higpit at talagang conscious sa pangangatawan ay nakasanayan ko rin ang iwasan ang matatabang pagkain. Dati kasing beauty queen ang tita ko kaya ganoon siya ka-conscious sa waist line niya.
"Kain na tayo, girl." Aya sa kanya ni Maddie.
Napatango ako at kinuha na ang mangkok. Mag-aalas diyes na rin at medyo nakakaramdam na rin ako ng antok pero hindi ko naman magawang matulog nalang dahil gusto pa ni Maddie na magkwento ako. Para din naman ito sa ikapapanatag ko. Si Maddie naman ay matiyagang nakikinig sakin at dinadamayan ako kapag napapahinto ako sa pagkukwento dahil sa naiiyak ako.
Kumain nalang muna kami ng tahimik habang nagpapalipas-oras. Sadado naman bukas kaya okay lang kung matagal kaming matulog ngayon. On regular friday nights, Maddie and I would watch a movie but this time, I am sharing my past and relieving the pain.
Pagkatapos kumain ay uminom kami ng tubig at nagpahinga saglit bago bumaling sakin si Maddie.
"Kwento ka na, girl. I'm all ears." Maddie said.
I took a deep breath as I go back to memory lane. A part of my childhood that I remembered so well, a bittersweet memory of the struggles my grandmother and I had gone through.
20 YEARS AGO....
Third Person's POV
"Lola, pumayag ka na po. Gusto ko po talagang tumulong sa inyo sa palengke." Nagsusumamong pahayag ng batang Erica. Pilit kinukumbinsi ang lola niya na pahayagan siyang tulongan ito sa pagtitinda ng gulay sa palengke.
"Apo, bata ka pa. Magfocus ka nalang sa pag-aaral." Malumanay ang boses na sabi ni Lola Sonya.
Napailing ang bata at bakas sa mukha ang kagustuhang makatulong sa lola. "Sige na po, lola. Nag-aaral naman po ako ng mabuti atsaka po magagaan na trabaho naman po ang gagawin ko. Di ba po, minsan ay tumatambay ako sa tindahan noon?"
Napabuntong-hininga ang matandang babae sa kakulitan ng apo. Nauunawaan naman niya ang kagustuhan nitong tumulong pero napakabata pa nito. Kahit na sabihing magtitinda lang sila ng gulay pero hindi naman madaling gawain yun. Sipag at tiyaga ang kailangan para makabenta sila.
"Nakakapagod ang pagtitinda sa palengke, apo. Marami ding tao ang nakakasalamuha, ayaw ko lang mapahamak ka." Hinawakan ni Lola Sonya ang mga kamay ni Erica at masuyo itong tinignan.
Napalabi ang bata at parang maiiyak na. "Please lola. Gusto ko lang po tumulong. Promise po, hindi ako magiging pasaway." Nahabag naman ang matanda sa nakikitang kalungkutan sa magandang mukha ng apo.
"Sige na nga. Basta mag-iingat ka palagi, ha?" Sabi ni Lola Sonya.
Nanglaki naman ang kulay tsokolateng mata ni Erica at napakayap sa matanda. "Salamat po, lola. Mag-iingat po ako palagi."
Napangiti si Lola Sonya at gumanti na rin ng yakap sa apo. Hinagod niya ang malambot na buhok ni Erica. Hindi naman niya kayang makitang nalulungkot ang nag-iisang apo at ipinangako niya sa yumaong anak na aalagaan niya si Erica at bubusogin ng pagmamahal. Naglandas ang isang butil ng luha sa pisngi ni Lola Sonya ng maalala si Emilia. Masakit pa rin isipin na wala na ang anak pero kailangan niya itong tanggapin at magpakatatag alang-alang sa apo.
Maagang gumising ang mag-lola kinabukasan para magdisplay ng mga panindang gulay. Matiyagang nakikinig si Erica sa lola niya at agad ding ginagawa ang mga inuutos nito.
Napatingin si Lola Sonya sa relo at agad na napabaling sa apo na nagpupunas ng pawis. "Apo, pumunta ka na sa paaralan. Malapit na mag-alas otso baka ma-late ka pa."
Tumango naman si Erica at kinuha ang backpack niya. Lumapit muna ito sa lola niya para magpaalam. "Aalis na po ako, lola."
May kinuha si Lola Sonya sa bulsa ng bestida niya at ibinigay kay Erica. "Baon mo, apo. Ingat ka sa pagtawid, ha?"
Napatingin si Erica sa nilagay na pera ni Lola Sonya sa nakabukas niyang kamay. 50 pesos. Napakunot-noo siya. "Lola, bakit po singkwento to? Masyado pong malaki. Dapat 20 pesos lang." Akma niyang ibabalik sa matanda ang pera ng iniwas nito ang kamay at umiling sa kanya sabay ngiti ng malapad.
"Para talaga yan sa'yo, apo. Kumain ka ng marami, ha? Makinig ka sa teacher mo."
Napatango nalang si Erica at inilagay nalang sa bulsa ng uniform ang pera. Mabuti rin iyon para mas madagdagan ang ipon niya. May alkansya kasi siya at sinisikap makaipon para sa mga mahahalagang okasyon. Bata pa lang siya pero alam na niyang kailangan maging masinop sa pera.
"Aalis na po ako." She waved her hand as she walked away from the market. Her grandmother was smiling proudly at Erica. Despite the death of her daughter, Emilia, Sonya can't help but feel blessed for the Good Lord gave her a kind and loving grandchild. She promised for as long as she lives that no harm will fall upon her.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    MargueretteAliyah

    okay👌

    15/06

      0
  • avatar
    Eriona Meths Gardose

    na feel ko yung nararamdaman ng abbae and i feel so helpless and i regret reading this because i was crying

    17/04

      0
  • avatar
    Via Betita

    bbghfdhxhxhdhfhffhfhfjffjfhj

    12/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด