logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

05

Ilang araw na rin ang lumipas simula nang huli naming pag-uusap ni Steve. Simula no'n hindi ko na siya nakikita pa, hindi na rin siya nag-memessage. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan noong nalaman ko na may totoong girlfriend pala siya. Nasasaktan ako na hindi naman dapat. He's just nothing, kusa akong pumayag sa deal. Pero bakit naiisip ko pa rin ang kamay nilang dalawa na magkahawak at sinabi ni Steve na totoong girlfriend niya si Jemia. Nasasaktan ako. No please Grace, don't ever love him, masasaktan kayo pareho.
Mga nagdaang-araw naging maayos ang pag-aaral ko, nakabili na rin ako ng mga gamot ko, ang mamahal.
Alam na rin ng tatlo kong kaibigan na may iba akong trabaho.
Nandito kaming apat sa cafeteria, as always nilibre na naman ako ng tatlo, tumanggi ako pero mapilit sila, itago ko nalang daw ang pera ko kaya hinayaan ko na.
"Grace, nahanap na ang Kuya mo." Otomatiko akong napatingin kay Yancy nang marinig iyon mula sa kanya.
"T-talaga, saan daw?" Nakangiti kong tanong. Nagagalak akong makita ang Kuya ko.
"Mamaya wala tayong pasok puntahan natin, sasama ang pinsan ko, 'yong nakahanap sa kanya." she said. Sobrang saya ko nabigyan ako ng pag-asa na makita si Kuya.
"Sige, maraming salamat sainyo, kung wala kayo baka hindi ko na makikita ang Kuya ko." galak kong sabi sa kanila.
"I told you, we're just here if you need us kaya kung may problema ka sabihan mo kami." Ngumiti ako kay Yancy, naiiyak sa mga ginagawa niya para sa akin, silang tatlo. Sana, hindi kayo masaktan kapag nawala ako.
Napatahimik ako, hindi ko kaya sabihin ang iba ko pa'ng problema sa kanila. Tumango ako at ngumiti sa kanila.
Natapos ang klase sa araw na ito kaya sumakay kami sa kotse ni Yancy papunta sa kung saan namin kikitain ang pinsan niya, hindi ko pa kilala ang pinsan niya pero base sa mga kwento ni Yancy sa amin, mabait ito.
"Grace, anong mangyayari kung makikita mo na ang Kuya mo?" tanong sa akin ni Mary. Hindi ko alam, baka nga magulat din siya na may kapatid pala siya, baka hindi niya alam na buntis si Mama noong pina-ampon siya.
"Hindi ko pa alam pero masaya ako kung makita ko siya, siya nalang ang natitira ko'ng pamilya."
Nakarating kami sa isang mamahaling restaurant, dito daw gusto ng pinsan ni Yancy. "There he is." Tumingin kami sa tinuro ni Yancy.
We saw two men talking. Kinakabahan ako na ewan, kung isa d'yan ang Kuya ko, paano kung ipagtaboyan n'ya ako? Naiisip ko palang, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kung mangyayari talaga.
"Let's go, mukhang kanina pa sila nag-aantay." sabi naman ni Renz nang dahilan ng pagtango namin at papunta sa pwesto nila.
"Lawrence," tawag ni Yancy. Napa-angat naman ng tingin ang dalawang lalaki sa amin.
"Insan!" Maligayang sabi ng lalaki.
"Don't shout my God." saway ni Yancy sa kanya, he just laugh at biglang natigil nang nakita niya atang may iba pa'ng tao.
"Ow, I'm sorry, upo na kayo," he said.
Umupo na kaming apat, katabi ko si Renz at Mary, nasa harap namin ang dalawang lalaki.
"Insan, this is Mary, Renz at si Grace." pagpapakilala sa amin ni Yancy. Nahihiya akong ngumiti sa kanila.
"Finally, We met." sabi ni Lawrence nang nakatingin sa akin.
"By the way this is Rogelio, my friend." Pagpapakilala niya sa isa niya pang kasama.
Inabot namin ang mga kamay namin kay Rogelio para magpakilala pero nagtagal ang kamay niya kay Mary.
"Hi Mary, what an innocent name." he said.
Si Mary naman parang tanga na nakangiti, sino ba'ng hindi mapapangiti sa dalawang nasa harap namin na mala anghel at gwapong mukha.
Pero kung hindi pala si Kuya ang kasama niya, saan na si Kuya?.
"Where's my brother?" I asked them.
Napangiti si Lawrence sa akin.
"He texted me, he's on the way Miss Grace." he said. Napangiwi ako dahil sa pagtawag niya sa akin..
"Cut the miss," I said.
"Okay, then I can call you my Mrs?" Shit, what was that?
I heard a little chuckled from Rogelio, at kinurot pa ako ng bahagya ni Mary sa tabi ko.
"Insan, speed ka masyado, ligawan mo muna ang kaibigan naming." gatong naman ni Yancy. Pinagkakaisahan ata ako ng mga to.
"Sure, kung papayagan ako ni Grace," sabi niya at tumingin sa akin.
Uminom ako ng lemon juice. Hindi na ako nagsalita, bahala sila sa mga jokes nila. Hindi ako nagtungo rito para makipag-biruan.
Nag-uusap lang kami, si Rogelio at Mary parang comfortable na sa isa't isa, si Renz at Yancy naman kausap si Lawrence pero ramdam ko pa rin na sa akin nakatingin si Lawrence kahit hindi ako nakikisabay sa kanila. I have nothing to say then, I'm just here because of my brother.
Natigilan sila sa pag-uusap nang may biglang nagsalita. "I'm sorry I'm late, lechugas na traffic kasi." Boses ng isang lalaki. Kinakabahan ako nang marinig ang boses niya, para akong natuod sa pwesto ko ngayon.
Bigla naman tumayo si Lawrence at Rogelio. "It's okay sir, upo po kayo." sabi ni Lawrence.
Umupo ang lalaki sa tabi ni Rogelio. "Oh, we have beautiful ladies infront of me," wika niya. Tinignan niya kami isa-isa at tumigil ang tingin niya sa akin.
"Mr. Alvarez." Nanlaki ang mata ko dahil sa pagtawag ni Lawrence sa kanya. So he is, he's my brother! Gusto kong maiyak at yakapin siya bigla, nagagalak sa presensya niya. May pamilya na ako.
"This is Yancy, my cousin, her friends Renz, Mary and Grace...Grace Alvarez." sabi ni Lawrence. I can see na nagulat din ang Kuya ko.
"You are Alvarez?" he asked at seryusong nakatingin sa akin. I slightly nodded.
"Ikaw ang nagpahanap sa akin and to think na pinahanap din kita." Nagulat ako sa sinabi niya, pinahanap niya rin ako?
"But let us talk later about this, let's eat first at dahil gutom na ako, ginutom ako ng traffic sa edsa." he said. Napangiti ako, I thought itataboy niya na ako.
"Girl we need to go, hinahanap na kami." sabi ni Renz nang natapos kami.
"Yeah sure thank you so much guys." I said.
"Lawrence, Rogelio thank you dahil nahanap ninyo ang Kuya ko." papasalamat ko sa dalawa.
"Don't thank us, una kang pinahanap sa amin ng Kuya mo bago mag request ang pinsan ko na hanapin siya." Lawrence said and that was a shocking for me. Sila ang inutosan ni Kuya na hanapin ako? Gosh.
"We will see you again Grace and that soon I will court you sa ayaw at sa ayaw mo." sabi niya ulit nang dahilan ng pagtawa ng kasama namin. I felt my face heated.
"Stop that Mr. Villamor, dadaan ka muna sa akin bago mo ligawan ang kapatid ko." Lihim akong napangiti sa sinabi ni Kuya.
"Sure Mr. Alvarez," lakas loob naman na sagot ni Lawrence. Napailing ako sa kakulitan ng lalaking 'to. Nagpa-alam na sila sa amin.
Si Kuya na raw ang maghahatid sa akin. Nang nasa kotse kami, hindi pa ako masyadong komportable sa kanya. Nahihiya ako.
"Hey, huwag kang mahiya sa akin, bukas na bukas din sa akin ka na titira at babawi ako sa mga panahon na wala ako sa tabi mo." panimula niya.
I can see na mabait ang kapatid ko, he looks succesful now, mukhang respetado sa inaasta palang ng dalawa kanina patungo sa kanya. I wonder kung naging mabait ba ang umampon sa kanya? Bigla naman pumasok sa isip ko ang Nanay namin kaya binalingan ko siya.
"K-Kuya, nakita mo ba ang mukha ng Nanay natin?" tanong ko sa kanya. Nahihirapan pang banggitin ang salitang 'Kuya.'
Mukha namang nagulat siya sa tanong ko. He sighed. "Y-yes" he said. Sana all, ang swerte niya. Ano kayang mukha ni inay? Kamukha ko kaya siya?
"But don't mention her again, hindi ko pa siya napapatawad nang ebenta niya ako noon." Natigil ako. Hindi ko siya masisisi pero wala na ang Inay namin.
"But she's dead, baka hindi siya mapatahimik kung hindi mo pa siya napapataw---"
"She's not dead, Grace." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"W-what do y-you mean?" I asked. Imposible na buhay pa ang Nanay namin, sabi ng kamag-anak namin patay na si Inay.
"Don't ask it again and kalimutan na natin siya, nandito na tayo sa apartment mo." Napabuntong hininga ako. My mother was alive kailangan ko siyang mahanap.
"Thank you Kuya, mag-iimapake na rin ako para diretso na bukas kapag susunduin mo po ako."
"Okay, I will be here early in the morning bago ako pumunta sa trabaho." Tumango nalang ako sa kanya at lumabas na.
Natapos akong mag-imapake, I texted my friends na aalis na ako, they asked what's my new address, I said na bukas ko na sabihin sa kanila kung nakarating na ako sa bahay ni Kuya.
Napagkwentohan kanina ang tungkol sa trabaho ni Kuya. He's a businessman, halata naman sa tindig niya at sa porma nito. Rogelio said kanina na malaki ang bahay ni Kuya, tatlong katulong lang daw ang kasama ni Kuya sa bahay niya. Nakalimutan ko itanong sa kanya kung sino ang umampon sa kanya. Siguro, makikila ko rin naman sila balang araw.
Kinabukasan maaga nga si Kuya. He wore business attire. "Good morning po," I greeted him.
"Good morning little sis, let's go." he said at pinagbuksan ako ng pinto. Nilagay niya rin ang mga gamit ko sa likod. Nagpa-alam na ako sa landlady namin pati sa mga chismosa kong kapitbahay, nagdrama pa nga kung kailan daw ba ako dadalaw.
Nang nasa kotse naisipan ko nang tanongin si Kuya. "Kuya, how are you noong pina-ampon ka? Kumusta ang umapon sa'yo?" I asked.
"Mabait ang umampon sa akin, pinag-aral nila ako at nakapag graduate ako, gusto nila na dalhin ko ang apilyedo nila but I refused. I want to build a successful life with my own name." pagkukwento niya. Napangiti ako sa isip ko. He's lucky enough, hindi sya mag-isa sa buhay.
"You, how are you back then with your father and his family?" Hindi ko inasahan ang tanong niya.
"Maayos naman," and that's a lie, never naging maayos ang buhay ko sa kanila.
"Don't lie, Tita Tisa told me." Mas lalo akong nagulat, may contact siya sa province?
"Nag-uusap pa kayo ni Tita?" I asked and he nodded.
"Yeah and don't worry, your father and his crazy family won't hurt you again." he said. Masaya akong kasama ko na ang Kuya ko, masaya akong may kasama na ako sa buhay.
"Thank you Kuya, ang tagal kong inantay 'to na may makasama ako sa buhay." maiyak kong sabi. Gosh, iyaking bata!
Ang tagal kong pinangarap na magkaroon ako ng pamilya sa tabi ko, God is good talaga kahit gaano ko pa gustong itigil ang paghinga ko noon hindi niya pa rin ako pinabayaan and now narinig niya ang dasal ko at ibinigay niya sa akin.
Napatingin ako kay Kuya at napangiti sa sinabi niya. "I promise, I won't leave my sister again." 
But, I'm the one who will leave you, Kuya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (107)

  • avatar
    Metis Tales

    npaka painful pero gnun tlga.. sad but happy in da heart. high five po.

    26/07/2022

      2
  • avatar
    BustosRichelle

    gusto ko lang Naman magbasa e,bat mo ko pinapaiyak author😭😭😭

    29/07

      0
  • avatar
    Marivic Malate Cater

    lo...kkaiyak ung wkas

    09/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด