logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

03

Nanghihina ang aking mga tuhod nang marinig ko ang sinabi niya.
"D-doc, a-anong gagawin ko para... p-para gumaling ako?"
Kahit alam kong malabo gusto ko munang gumaling, kahit gusto ko na rin mamatay, pero iniisip ko ang Kuya ko, gusto ko muna s'yang makita bago ako mawala.
"Kailangan mo'ng ma-operahan agad bago pa lumala." sagot niya. Natahimik ako, saan ako kukuha ng pera? Wala akong kilala.
"Doc, wala akong pera," mahinang wika ko.
May binigay ang Doctor na resita ng gamot para sa akin, pati mga gamot wala akong pambili. Pinunasan ko muna ang luha ko bago lumabas.
Walang ibang dapat makaka-alam sa sitwasyon ko, ayaw kong maging pabigat sa mga tao sa paligid ko. Mamaya ko nalang iisipin ang lahat.
Nakalabas na ako sa office ni Doc at bigla naman tumayo ang tatlo kong kaibigan. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala, binigyan ko sila ng malawak na ngiti. Hangga't kaya ko pang ngumiti, ibibigay ko sa inyo 'yon.
"Kumusta? Ano raw ba ang nangyari?" tanong ni Yancy.
"Migrane lang naman daw, kailangan ko lang magpahinga." sana nga migraine lang. Mukha naman silang naniwala.
"Huwag ka na kasing magpaka-stress, tara na libre ka na lang naming." Hinila ako ni Mary. Tumango ako sa kanila at ngumiti.
Sumakay kami sa kotse ni Renz at dumiretso sa restaurant nila.
Pinag-usapan lang namin ang mga na-missed kong lesson sa araw na ito kaya todo kinig ako, nang bigla nilang tinanong ang tungkol kay Steve.
"Kumusta naman ang trabaho mo sa kanya?" tanong ni Renz habang ngumunguya.
"Ayos lang naman, sa Sabado raw ipapakilala n'ya na ako sa pamilya niya." simpleng sagot ko.
"Paano kapag na-inlove ka d'yan sa pinaggagawa n'yo?" out of nowhere na tanong ni Yancy. Hindi agada ko nakapagsalita.
Paano nga ba? Ayaw kong magmahal, natatakot ako, parang ayaw ko rin mahalin ako kasi mawawala lang din naman sa mundo ang isang ako.
"Hindi ko alam, bahala na si spiderman." hindi ko talaga alam, nawawalan na akong alam sa mga bagay simula ngayon.
Naisip ko lang na habang nag-tatrabaho ako kay Steve bilang girlfriend niya maghahanap din ako ng ibang trabaho para sa mga gamot ko at mag-iipon para sa operation ko. Kailangan ko munang maging malakas, si Kuya hahanapin ko pa.
"Puwede ba akong humingi ng pabor?" tanong ko sa kanilang tatlo. Napatigil tuloy sila sa pagkain at tumingin sa akin.
"Kahit ano Grasya, ano ba 'yan?" wika ni Renz.
Huminga muna ako ng malalim, kung tutulongan nila ako mapapadali kong mahanap si Kuya.
"Puwede n'yo ba akong tulungan hanapin ang Kuya ko?"
"Kuya mo? Gwapo ba 'yan, kung gwapo iyan tutulongan talaga kita." Napangiti ako sa sinabi ni renz, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
"Hindi ko pa siya nakikita," pagkasabi ko no'n gulat namang napalingon si Renz, siya lang ang hindi pa nakaka-alam sa kwento ng pamilya ko.
"Paano natin sya makikita kung hindi mo pa pala alam ang face look niya?" he asked.
"Alam ko lang ang pangalan niya, pina-ampon daw siya ng Nanay ko bago ako maipanganak" I said.
"Ano ang pangalan niya? Magpapatulong ako sa pinsan ko na magaling maghanap ng tao." Yancy suggested, lumiwanag ang mukha ko.
"Simone Alvarez," I answered.
"Okay Grace, we will help you." she said, I smiled at them.
Natapos kaming kumain kaya hinatid na nila ako sa apartment ko.
Maayos pa naman ang mga araw ng pagpasok ko, hindi nga kami nagkita ni Steve, hindi na rin siya nag text kaya hinayaan ko nalang, ihahanda ko nalang ang sarili ko sa Sabado.
Nakahanap na rin ako ng part time job sa isang cafe malapit sa university namin. Sapat na rin sa akin 'yong sweldo para lang sa mga gamot ko.
Dumating ang araw ng Sabado kaya ito ako ngayon nahihirapan kong ano ang susuotin. Hindi ako sanay sa mga ganitong damit. Kinuha ko ang phone ko para echat ang tatlo sa GC naming.
Me: Punta kayo rito, patulong lang sa susuotin.
Renz: ay bet, on my way!
Mary: sure grasya.
Yancy: Okay, sakto wala akong gagawin today.
To the rescue talaga ang tatlo, napangiti ako dahil nariyan sila para tulungan ako.
Naligo ako at inantay silang dumating, kahit hindi pa nag text si Steve. Baka kasi biglaan na naman dumating 'yon dito tapos hindi pa ako naka-ayos. E'di malalagot na naman ako.
My phone rang, sinagot ko ito na hindi tinitignan kong sino ang caller.
"Susunduin kita around six." sabi ng nasa kabilang linya at pinatay na agad ang tawag. grabe ang bastos talaga ng lalaking iyon. Ano kayang mangyayari mamaya? Mababait kaya ang pamilya n'ya?.
Dumating na rin naman ang tatlo. Nagtatalo pa sila kung ano talaga ang susuotin ko, si Mary ang nagmake-up sa akin, si Renz naman ang nagtagumpay sa susuotin ko.
It's a red fitted dress na may slit, medyo maiksi para sa akin kaya hindi rin ako comfortable.
"Girl ang sexy mo, kailangan mo lang medyo palakihin 'yong pakwan." sabi ni Renz na nagpatawa sa dalawa, e'di sila na malaki ang pakwan. May laman rin naman ito, sapat na ako ro'n.
"Ayos na 'yan, balang araw lalaki rin yan." gatong naman ni Yancy.
"Kutongan ko kayo d'yan e." sabi ko sa kanila. Unting oras nalang at susunduin na ako ni Steve.
"Six daw ako susunduin," sabi ko sa kanila.
"Ang ganda mo, baka pag nagustohan ka ng pamilya niya totohanin niya na 'yan." Nakangiting wika ni Mary. Malabo.
"Malabo 'yon." I said.
"Andyan na ata siya." sabi ni Renz nang narinig namin ang katok. Binuksan naman iyon ni Yancy.
"Where's Grace?" boses pa lang kilala ko na.
"Andito, pasok ka." Yancy said.
Nakakahiya masyadong maliit ang apartment ko para sa kanya, ang kalat pa.
"Ang tagal mo, tara na." pagsusungit niya. Nilibot ang tingin sa loob. I rolled my eyes, napaka bossy talaga.
"Oona, tara na." sabi ko at nilingon ang tatlo.
"Alis na rin kayo." Pagtataboy ko sa kanila.
"Yeah, gutom na rin kami." sabi ni Mary.
"Pumasok ka na," he said coldly. Ang aga pa para mag-sungit.
Binuksan niya naman ang pinto sa front seat kaya pumasok na ako. Nagsisimula na namang kabahan.
Tahimik lang ako dahil kinakabahan na. Sa mukha pa lang ng lalaking 'to, nakakatakot na, gano'n din siguro ang pamilya niya.
"You're beautiful today." Napalingon ako bigla nang sinabi niya ang salitang dahilan ng pagka-init ng pisngi ko. He looked at me seriously, pakiramdam ko may mga kabayong nagtatakbohan sa dibdib ko, his eyes, ang ganda pagmasdan.
"T-thank you." I said at umiwas ng tingin.
Nakakahiya, wala lang naman sa akin na masabihan akong maganda ng iba pero bakit pag dating sa lalaking 'to, there's something na parang gusto kong pakinggan ulit. Harot.
"You're nervous," he said. Of course, I am. Idiot!
Sa tuwing kinakabahan kasi ako hindi ko na alam anong sasabihin ko. Gusto ko nalang hindi magsalita at hayaan ang kaba'ng mawala.
Nagtagal ang biyahe pero bawat paghinga lang ang naririnig namin. Walang ni isa ang sumira ng katahimikan hanggang sa dumating na kami.
Hinawakan ni Steve ang kamay ko.
Ang labot ng kamay n'ya, kamay mayaman talaga ang isang 'to.
Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ang kanay naming magkahawak, naramdaman n'ya rin na tumigil ako kaya tinignan n'ya akong nakakunot ang noo.
"Let's go, huwag kang ma-fall sa kamay ko." Hinila niya ako bigla. Hindi pa nga ako handa eh!
Oonga naman Grace, huwag kang ma-fall, hindi ka dapat mahulog sa taong 'to.
Hinayaan ko nalang ang kamay namin kahit kanina pa nagwawala ang dibdib ko.
Nakarating na kami sa isang malaking bahay.
"Bahay n'yo? Ang laki naman." puri ko.
"My grandfather's mansion," he said. I nodded. Sana all.
Pumasok na kami sa loob, may naka halerang mga maid, hindi ko sila mabilang dahil ang dami. May mga bodyguards din, ang lalaki ng katawan.
"Grabe, ang yaman." bulong ko habang iniikot ang tingin sa loob. Ang laki, para ng palasyo.
May dumating na matandang babae.
"Good evening young master," sabi n'ya at yumuko, gano'n din ang mga nakahalerang mga maids at guards.
Taray ah, young master. Tumingin ako sa katabi ko, walang emosyon niyang tiningnan ang mga tao. Sungit.
"Saan sila Lolo?" tanong nito.
"Nasa dining na po at inaantay kayo," sagot naman ng babae.
Nauna na siya sa amin. Habang dahan-dahan akong humahakbang, kinakabahan na ako. Hawak pa rin ni Steve ang kamay ko.
"Good evening Master," sabi ni Steve at yumuko. Tumango lang ang lalaking matanda, ito na siguro ang Lolo niya.
Umalis si Steve sa pagkahawak sa akin at pumunta sa isang napaka-gandang babae.
"Hi Mom." Pinagmasdan ko lang siyang binabati ang pamilya niya, gutso ko na agad umuwi. Hindi ito ang mundo ko.
"Hello son," the lady said.
Apat ang nariot pero ang haba ng lamesa nila. Kaloka. Lumapit sa akin si Steve at nilagay n'ya ang kamay sa bewang ko. Bawat paghawak n'ya talaga sa akin nakukuryente ako.
"Master, Mom, Dad, Charisse, this is Grace, my girlfriend."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (107)

  • avatar
    Metis Tales

    npaka painful pero gnun tlga.. sad but happy in da heart. high five po.

    26/07/2022

      2
  • avatar
    BustosRichelle

    gusto ko lang Naman magbasa e,bat mo ko pinapaiyak author😭😭😭

    29/07

      0
  • avatar
    Marivic Malate Cater

    lo...kkaiyak ung wkas

    09/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด