logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Alas nuwebe na pero mulat na mulat pa rin ako dahil sa tiktok. Hindi kasi ako makatulog dahil ang daming magagandang lumalabas sa for you page ko kagaya ng mga taong kumakain ng napakaraming pagkain. Wala naman pasok bukas kaya okay lang na umaga na ako matulog. 
I was in the middle of watching a mukbang when my eyes ached a bit. “Shit!” mahinang sambit ko at bumangon sa pagkakahiga sa kama. 
Iniwan ko ang cellphone sa kama at kinuha ang salamin sa gilid. Naramdaman ko pa nga ang hilo dahil sa biglang pagtayo ko. Hinanap ko ang tsinelas sa gilid din ng kama ko at umalis dito na naka dapa. Wala naman kasing frame ang higaan ko at nakalagay lamang sa sahig ang kuston. Takot kasi ako sa multo, baka kung meron akong frame ng kama ay tumigas na ako dahil sa nilalamig sa takot. 
Bukas pa ang ilaw ko dahil hindi ako makatulog na wala ito. 
Tumayo ako at tumungo sa pintuan. Bigla akong nagutom. Nakakainis kasi iyong mga pinanood ko. 
Lumabas ako at humakbang ng tahimik. Tumungo ako sa kusina. Malapit lang naman sa kwarto kaya hindi rin nagtagal ay nakarating na rin. Binuksan ko ang ref at napangiwi nang makita na puro lutuin ang mga naroon at ang ulam naming isda kanina. Tumingin tingin pa ako kung may pwede bang makain kahit biscuit lamang, pero halos malibot ko na ang buong kusina ay wala pa rin. 
I decided to go out and come to the nearest store. Mukhang may mga tao pa naman sa labas dahil ganon naman talaga tuwing malapit na ang pasko. Hindi nawawalan ng tao. I got my wallet and jacket before going to my mom's room. Dalawa lang kwarto sa bahay kaya hindi rin ako nahirapan. 
Mama was asleep. Ayaw ko man siyang gisingin pero wala akong magawa dahil nagugutom na talaga ako. 
“Ma,” I gently push her arms. Agad naman itong nagising. 
“Bakit?” she asked in her sleepy voice. 
“Bibili lang ako sa labas,” paalam ko. 
Bumuka ang mga mata niya, bahagyang kunot pa ang noo. Tumingin siya labas ng bintana. Madilim na labas pero maliwanag dahil sa buwan. Kaya gusto ko rin lumabas dahil masaya maglakad sa ilalim ng maliwanag na buwan.
“Anong oras na ba?” tanong niya at bahagyang tumingin sa relo na nakalagay sa gilid ng kama niya. “Alas nuwebe na. Kaya mo bang maglakad ng mag isa?” tanong niya. 
My mom never got worried. Our place is a trustworthy subdivision. Maraming mga tanod ang naka kalat sa paligid upang mag bantay ng buong subdivision. I nod my head. 
She nods, too. “Okay, wag masyado mag tagal, ha? Pupunta pa tayo sa bahay ng lola mo bukas,” bilin niya sa akin. Agad ako tumango at umalis ng kwarto niya. She went back to sleep. But before she let me go, she said that I had to close the gate and lock it. Dalhin ko na lang daw ang susi. Sinunod ko ang lahat ng utos niya bago umalis at naglakad sa maliwanag na gabi. 
Limang minuto lang nilakad ko bago ako nakarating sa hepa street ng subdivision namin. Oo nga pala, maliwanag at maraming nagtitinda ngayon dahil malapit na rin ang pasko. May mga tiyange at mga pagkain na minsan ko lang din makita. Hindi ko tuloy na iwasan na ma-excite dahil sa daming ganap. Marami rin ang taong nakakalat at kumakain. May iilan din akong nakilala. 
“Uy, Zene! Long time no see,” biglang may humawak sa dalawang braso ko. 
Kunot ang noo ko dahil doon dahil sa gulat. Pero agad din naman umaliwalas ang mukha ko nang makilala kung sino ito. “Drienna, ikaw pala ‘yan,”mahinahon kong bati sa kan’ya. 
Isa nga pala siya sa mga kaibigan ko mag mula noong elementary kami. We’re close but we are never the type of friend that would always hangout. She knows that I always isolate myself from other people. Gulat na nga lang ako kung bakit nag tagal ang friendship namin ng pitong taon. 
Tumatawa siya ginilidi ako. Sa gitna ng daan kasi kami nakasalubong at maraming mga taong dumadaan. “Walang hiya, si Anger ka pa rin pala! Shuta ka!” she said with a laugh. 
I shook my head at his statement, “At si joy ka rin,” We had this nickname noong grade seven pa kami. It was inspired by the cartoon movie ‘Inside Out’. 
Tumawa ulit siya, “Sino kasama mo? Sama ka sa akin! Nandyan ang squad,” she informed me. 
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, “Totoo?” hindi makapaniwala na tanong ko. After our junior highschool our squad spread out because we had to go to senior high school. Pero kahit ganun ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanila. 
She slapped my arms and jokingly rolled my eyes, “Hindi na ako nagulat na hindi mo alam, we kept mentioning you just after the class finished pero naka dnd pa rin ang cellphone mo,” rinig ko ang tampo sa kan’yang boses. I laughed. Ipinatong ko ang braso ko sa balikat niya. We have the same height. 
“You know I love you so much,” I said. 
She shook her head and put my arms beside her so that she could cling her hands to mind. “I know! Kaya tara na! Naghihintay na sila!” she cheered before pulling me. Wala na tuloy ako nagawa at nag pahila sa kanya. 
“Guys! Guess who’s here!” Drienna joyfully announced when we reached a food booth camp near the DIY stage. May kumakanta pala roon ng isang banda na hindi ko kilala. 
I peek from behind before giving them the smile that they missed, “Hi guys!” I said. 
I saw our two other friends' eyes widened. Nakaupo sila ngayon sa pang apat na tao na lamesa. “ZENE!” they shouted as if I was far from them. They immediately rose from their seats and jumped to come near me. 
Natatawa ako sa inasta nila at hinantay na makalapit sila sa akin. Hindi na nabahala pa sa mga taong lumingon sa amin. “Easy there, guys!” ani ko sa kanila nang makalapit silang dalawa. 
“Ang unfair, ah! Wala naman akong ganiyan noong nakita niyo ako!” nakabusangot natugon ni Drienna nang niyakap ako ng dalawa. 
Tumawa naman ako sa sinabi niya niyakap pabalik ang dalawang kaibigan. I missed them. After our recognition, naisipan nilang lumipat ng eskwelahan. They asked me to join them but I refused. Sa malayong lugar kasi sila naisipang lumipat. Hindi ako sumama dahil hindi ako marunong mag adapt agad ng panibagong buhay at mga tao sa paligid. They cried when I didn’t come with them, but they didn’t build any grudges. 
“Shet namiss kita, Anger namin!” halos yakapin na naman ako ni Maeve Stella Arceta. Maikli na rin pala ang buhok niya na dati ay halos umabot na sa pwet ang kan’yang buhok. 
Tumatawa na kumain si Drienna, “Shet. Kung nakita niyo lang kanina ang salubong niya sa akin, kunot na kunot ang noo,” she said and picked a piece of fries. 
“Kadiri! Tumatalsik kinakain mo,” reklamo ni Maeve nang may nakarating sa kan’yang fries. Hindi naman nagpatinag si Drienna at inulit-ulit lang. 
“Tumigil nga kayong mga bata,” ani Saddie. She’s my most favorite friend. I mean, they are all my favorite, but Saddie is just like me. But she is just low-key isolating herself. Alam niya kasi agad kung kailan siya tatahimik o kailan siya magiging maingay. She’s ambivert. 
Nakapatong lang ang baba ko sa kamay ko habang nakapatong ang siko sa lamesa. While looking at them, I can’t help but smile. I missed this kind of scenery. Iyong mag iingay sila at halo nakikinig lang ako sa mga kwento nila. Kahit maingay sila at madalas nila akong galitin, I love them and I will always will. 
We had fun in each other’s company. Buti na nga lang pala ay tumungo ako rito kaya nakita ko sila. They were messaging me a lot today, they even called but I didn’t notice since my phone was on DND. Ganoon talaga ako pag bakasyon. Sanay na sanay na sila sa akin na laging wala sa lakad ng barkada but I am so grateful that they never forgot to invite and ask me to join them. Kaya if I know that I have a lot of energy, I always ask them out, kaya kahit malayo ang lugar nila ngayon, they always come in a flash just so they could be with me. 
We ate a lot of food and took pictures. Buti pala at maayos din ang suot ko, and I thank the heaven that I combed my hair. Tinignan ko ang mga suot ng kasama ko. It was just a casual fit. Drienna and Saddie are wearing a maong short and white top. Kaming dalawa naman ni Maeve ay nakasuot ng jogger pants.
“Uy, last picture muna, hinahanap na ako ni Mommy,” biglang paalam sa amin ni Drienna. 
Nalungkot naman ako sa sinabi niya, pero hindi ko iyon pinahalata, Saddie squeeze my hand, she is just beside me. “Don’t worry, magkikita pa us. Swimming tayo sa Sunday,” she said. 
My forehead knotted, “Pumayag ba ako?” Her face became serious. Natawa ako, “Joke lang.” I said. Inakbayan ko siya. 
“Mga bading,” ani Maeve nang makita kami. 
Humalakhak si Drienna, “Yie, transparent,” pang aasar niya pa. 
Natawa kami ni Saddie sa sinabi ni Drienna. Of course we know kung sino talaga ang totong bading dito. 
After a ton of pictures, we bid our goodbyes. Kailangan na nilang umuwi. I refused to go with them. Ihahatid na raw nila ako, pero hindi ako pumayag dahil may gusto pa akong bilhin para sa akin at para na rin kay Mama. They hug me one last time before patting my head. It was a habit, and I love that kind of habit. 
Naglibot muna ako at naghanap ng pwedeng bilhin. Kahit kumain na ako ng kanin ay hindi pa rin ako nabubusog. Habang naglalakad ako ay mangha akong nakatingin sa mga ilaw na nakasabit sa itaas kaya mas lalong lumiwanag ang gabi. Alas diyes na at unti-unti ng kumokonti ang tao. After visiting a couple of food booths, I settled for a takoyaki booth camp. Bigla ko kasi naamoy ang langsa nito. 
“Kuya, how much po ang walong takoyaki? Iyong cheese po?” I asked the seller. 
“99 po, ma’am,” he said without looking at me. He’s busy flipping all the balls. 
Tumango ako at binigay ang dalawang daan, “Dalawa pong 8 pieces, cheese and classics po,” I said. 
Tumayo lang ako sa harap at gilid ng bilihan. Nakatingin lang ako sa ginagawa ni Kuya nang meroon bumangga sa balikat ko. 
“Ay, sorry po,” a guy said in a monotone voice. 
Mabilis akong lumingon dahil sa pamilyar na boses. Hindi pa ako nakatingin nang tuluyan pero naka kunot na ang noo ko. It’s Rheiden again. Naka itim siyang t shirt at puting shorts. He is also wearing a black hat. Hindi niya ako napansin dahil umorder din siya nang takoyaki. 
“Kuya, isa pong cheese, yung 8 pieces.”
‘Gaya-gaya,’ I said inside my mind. Inirapan ko na lang siya at inalis ang tingin sa kan’ya. He placed himself beside me while crossing his arms. Hindi pa niya ako napapansin at nakatingin lang sa ginagawa ng nagtitinda. Hinayaan ko na lang siya at nag hintay din ng order ko. I can smell his manly scent. Mukhang bagong ligo ang isang ito. 
“Ma’am dalawang 8 pieces po,” baling sa akin ni Kuya na nagtitinda. I moved forward to get my order. 
Ang katabi ko naman ay napabaling sa akin. Dalawang beses pa siyang tumingin sa akin na para bang kini-kilala ako. I raised my brows at him, “What?” Nakatingin na kasi sa akin ito habang gulat na gulat pero agad naman nakabawi at binigyan ako ng ngisi. 
“Uy! Ikaw pala, kanina ka pa nandito?” he asked like a child. 
Nangunot ang noo ko, “Bakit mo ba natanong?” I said, holding the two plastic bags.
Hindi niya ako nasagot nang tawagin siya ng nagtitinda. I followed his arms. Nakita ko silver niyang bracelet. It looks good on his skin. After he got the bag, he said his thanks and brought back his attention to me. 
“Wala lang,” tumasa siya ng mahina at bahagyang yumuko. 
Tinaasan ko ulit siya at tinignan, “K,” I said and turned my back to him gusto ko ng umuwi dahil nagugutom na ako. 
“Uy teka!” habol ng lalaki sa akin. 
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang paglalakad. “Pwede bang makisabay umuwi?” tanong nito. 
I glared at him, “Edi umuwi ka. Malaki ka na,” I said. Disregarding his question, wala naman kasing connect iyong sinabi ko. 
Tumawa siya ng mahina, “Okay,” he said and matches the speed of my walk. Matankad siya kaya malaki ang hakbang niya pero binibagalan niya ang paglakad. 
We both walked to get out of the busy streets. Maliwanag pa rin at maraming street lights kaya hindi na rin nakakatakot. 
Tahimik kaming naglakad pauwi. Rheiden is humming a song. He looks like a crazy person because he's doing that while smiling. 
“Para kang tanga,” I harshly said. Actually, I want to laugh at him. He looks dumb. Ang pangit pa ng boses niya. 
Natigil naman ang kasama ko sa pagkanta at nilingon ako. “Wow, ganda ng boses mo every morning,” he said. 
My eyes widened. “What did you say?” Inis na may konting hiya na tanong ko. 
Tumawa siya ng malakas, “This girl is on fire~~” he teased. 
My lips parted in shock. Ngayon ko lang na realize na malapit sa likod ng bahay nila ang kwarto ko. Every morning I would play a song and would sing at the top of my lungs. Hindi ko naisip na maririnig niya iyon. 
I slapped his arms, “Shut up! Ang ingay ng manok mo!” I said while diverting my gaze. Paano kasi ramdam ko na ang init ng pisngi ko. 
Argh! I should put soundproofing inside my room. 
“Okay lang ‘yan, at least you wake us up early in the morning, especially me,” then he laughed again. 
I can't imagine his face waking up because of my loud voice. 
“Ahhhh nakakainis ka!” Nahihiya kong sabi at nilagay ang dalawang kamay sa tenga habang binibilisan ang paglakad. 
“Woi!” Tumawa siya habang sinusundan ako, “Sige ka, may aso dyan!” Takot niya sa akin. 
Nilingon ko siya, he is still laughing. I rolled my eyes at him. “Ah, I hate you!” I said and ran a bit. 
“Hoy teka!” 
And we run under the bright moon on the empty road of our street, laughing. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (6)

  • avatar
    NuezKacey Cassandra

    lovely

    11/05

      0
  • avatar
    CañeteEugenio

    beautiful story

    24/08/2023

      0
  • avatar
    Reijah Aglubat

    nag nga ngaw ngaw 'yan lods

    16/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด