logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Lara's revenge

Lara's revenge

Raybam


Lara's revenge. Chapter 1

" LARA ano itong sinasabi ng ate, mo gusto mo na daw umalis dito?" tanong sa kanya ng among lalaki ng puntahan siya nito sa kusina. " Ayaw mo naba sa amin?"
Saglit niyang tinigil ang ginagawa at nilingon ang among nakatayo sa kanyang likuran.
"Hindi naman po ako tutuloy sa pag-alis kuya, pinaki-usapan ako ni ate, tataasan niya daw ang sahud ko at hahanapan niya rin ako ng kasama dito sa bahay para dalawa na kami." tugon niya saka pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay.
Dalawang taon na siyang namasukan bilang katulong, mabait ang mga amo niya kahit mababa ang kanyang sahud wala siyang reklamo, kaya lang sa trabaho siya sumusuko dahil maliban sa pagiging all around maid ay nagbabantay pa siya sa canteen.
Malapit lang sa paaralan ang bahay ng amo kaya, mas lalo nakakapagud ang trabaho niya. Madalas siyang natutulog ng hating gabi dahil gumagawa pa siya ng juice at ice-water para itinda kinabukasan at gumising ng alas-tress ng umaga, para magluluto na naman ng mga ulam para sa paninda. Nakaka-upo lang siya kapag kumakain o, kaya papasok siya ng c.r.
Sa tinagal niya sumusuko din ang kanyang katawan, kaya naisipan niyang magpaalam sa amo niyang babae dahil hindi na niya kaya, pero dahil sa pakiusap ng amo at sa pangako nito nagpapa-awat na siya.
"Lara, hayaan mo dadagdagan ko ang sahud mo, basta wagka nalang umalis." Pagpapatuloy na pakiusap ng among lalaki.
" Hindi naman po kailangan kuya." saad niyang hindi ito nilingon.
" Magbibigay din ako sayo, basta wag mo nalang sabihin sa ate mo." giit nito at
hinaplos ang kanyang pisngi, bumaba pa ang kamay nito sa kanyang dibdib, napa piksi siya at mabilis niya tinabig ang kamay nito.
" Kuya wag naman ganyan, may anak ka rin babae, para muna rin binastos ang anak mo." sabi niya gumaralgal ang boses sa subrang takot.
"Bilang kaibigan lang naman iyan, magkaibigan naman tayo diba?" sabi nitong tinapik tapik ang kanyang pisngi.
Hindi siya makakilos na ngangatog ang mga tuhod niya sa takot.
" Wala naman pong kaibigan na mambastos." nanginginig ang boses niya.
Bigla siyang hinalikan nito sa pisngi na tila ba hindi siya naririnig.
" Kuya wag!" Napataas ang boses niya sa gulat at sinabayan ng pagtulak sa mukha nito palayo sa kanya.
"It's okay, it's nothing nagagandahan lang ako sa'yo." sabi nito saka lumabas ng kusina.
Nangilid ang kanyang luha sa subrang takot, magkahalo ang kanyang naramdaman. Kinakabahan siya na baka balikan siya nito hindi na siya mapakali sa kanyang inu-upuan, kaya naisipan niyang lumabas ng kusina bago pa bumalik ang amo niyang hay*p. Mabibilis na hakbang ang kanyang ginawa.
Hindi pa siya tuluyan nakalapit sa main door ay natanaw niya ang amo pababa ng hagdanan. Halos takbuhin na niya ang pinto bago pa siya nito maabutan.
" Lara, saan ka pupunta?" tawag nito sa kanya ng nasa may-pintuan na siya.
Nilingon niya ang amo at dumako ang kanyang paningin sa hawak nitong nakabalot ng puting tela. Na alala niya nong minsan naglilinis siya sa kwarto ng amo, pinakita sa kanya ng among babae ang baril na binalot ng puting tela.
Lalo siyang na hintakutan sa nakita kaya, agad siyang tumalikod rito.
" Lara, bumalik ka dito!" malakas na boses ng amo ang kanyang narinig, hindi na niya ito nilingon pa.
Lakad at takbo ang kanyang ginagawa para makalayo sa lugar na iyon hindi niya alam kung saan siya pupunta ang mahalaga makatakas siya.
Nanginginig pa rin ang buo niyang katawan sa takot, kahit malayo layo na ang kanyang narating. Hindi siya tumigil sa paglakad kahit gusto nang bumigay nang mga paa niya sa pagud. Natatakot siya baka sinusundan siya ng amo, ayaw niyang maabutan siya nito kung sakali man.
Hindi niya mapigil ang mag seself-pity habang nalalakad siya. Ang daming naglalaro sa isipan niya ng mga sandaling iyon.
"Sana hindi nalang kami naging mahirap, hindi ko sana daranasin ang ganito.
Sana may responsabling mga magulang ako, kagaya ng iba, 'yong magulang na laging nandiyan sa tabi mo, hindi yong magulang na basta-basta ka nalang iiwan ng walang paalam. Nasaan na kaya sila ngayon? naka-uwi na kaya sila sa bahay namin? Hinanap kaya nila ako? Nag alala kaya sila sa akin?" Sunod sunod niyang tanong sa sarili na puno ng hinagpis.
Lumaki si Lara mag-isa dahil laging wala ang kanyang mga magulang sa bahay, kaya hindi siya nakapag tapos ng pag-aaral dahil walang mga magulang na naka suporta sa kanya. Hanggang first year high school lang siya. At sariling sikap niya iyon kaya nakatong-tong siya sa paaralan.
Dahil sa masipag siya sa mga gawain bahay, kung sino-sinong mga kapit bahay ang kumuha sa kanya, at sa tulong ng mga ito sinahuran siya ng kaunting halaga, pero di na niya alintana iyon. Ang mahalaga lang sa kanya libre siya sa pagkain at ang natanggap na pera mula sa kapit bahay ay, binili niya sa mga project sa paaralan at dahil na sa public school siya mga walis, lampaso at floor wax lang kadalasan ang kanilang project. Pero dumating ang araw nagsasawa na siya, nawalan na siya ng gana kaya minabuti niyang tumigil at pumasok bilang katulong sa ibang lugar, kaya na punta siya sa amo niyang manyakis.
" Pep, pep!"
Napatalon siya sa gulat ng may bumusina sa kanya mula sa likuran.
Kinabahan siyang nilingon ito baka ang amo niya. Napanatag ang kalooban niya ng ibang sasakyan ang nakita niya.
Mabagal itong nagpatakbo na tila ba sinasabayan ang kanyang lakad.
Binaba nito ang tinted na bintana." Miss, saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ng lalaki sakay ng pulang kotse.
Nilingon niya ito. " Diyan lang po. " Sagot niya pigil ang humingal dulot ng pagud sa paglalakad.
"Saan diyan? Eh, parang kanina kapa ata naglalakad, mukha ka nang pagud." anang lalaking nagmamaneho ng mapansin siyang basa ng pawis.
Hindi na rin maitago sa mukha niya ang matinding pagud.
"Hali ka, sakay ka nalang ihahatid ka namin sa pupuntahan mo." alok ng lalaki.
" Wagka matakot hindi naman kami masamang tao. Ako nga pala si Abner." pakilala ng isa pang lalaki nasa tabi ng driver side. Binaba nito ang sout na sunglasess.
" Ako din naman si Anton." pakilala ng nagmamaneho.
Huminto siya sa paglakad, ganun din ang sasakyan.
Tinitigan niya ng maigi ang dalawang lalaki, mukhang matino naman ang mga ito. At ilang sandali na lang bibigay na rin ang mga paa niya lalo pa malayo pa ang kanyang pupuntahan. Wala siyang dalang pera ni kahit damit, hindi siya nakapag isip ng maayos kanina dahil naunahan na siya ng takot.
Minabuti niyang sumakay, sasakyan at makisuyo na lang siyang ihatid siya sa terminal ng bus, bahala na siyang mag-isip kung paano siya maka sakay ng bus ng walang pamasahi, basta makauwi lang siya sa probensiya nila.
"Lara, Lara ang pangalan ko."Pakilala niya sa dalawa ng maka-upo siya sa backseat.
" Saan ba ang punta mo?" tanong ni Abner sa kanya.
" Sa may sakayan ng bus sana." kimi niyang sagot.
"Ang layo nu'n ah, abutan ka pa ng isang araw bago ka makarating dun.
Yaan mo ihatid ka nalang namin." pag magandang loob ni Abner sa kanya.
Kumakalam ang kanyang tiyan sa matinding gutom, hindi pa siya nakapag-agahan kanina dahil sa dami ng kanyang trabaho, at nagluluto siya ng pananghalian ng muntikan siyang gahasain ng amo.
"Pare, daan muna tayo sa restaurant, baka na gugutom si Lara, kanina ko pa kasi naririnig ang tiyan niya nag aalburoto sa gutom." ani Abner kay Anton.
" Okay lang naman po ako." Nahihiya niyang tanggi.
" Ayos lang naman sa amin Lara, wag kana mahihiya halatang gutom kana namumutla kana eh." Ani Anton ng lingunin siya nito.
Hindi na siya kumuntra pa sa gusto ng dalawa, gutom na gutom naman din talaga siya. Baka nga pag makikipag tigasan pa siya bubulagta siya sa subrang gutom.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (56)

  • avatar
    Divine Grace Balila

    nice story

    21d

      0
  • avatar
    Trixie Ramirez

    Ang Ganda ng story na to 😊

    06/08

      0
  • avatar
    BelasMerrylyn

    ang ganda ng story🥰🥰 sobra

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด