logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Zadie's POV:
"C-Cloud!" Agad itong napatayo sa kaniyang inuupuan at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. "Na-miss ko ang ulaptaptap ko."
He laughed. "Na-miss ko rin naman ang... " He looked at me from head to toe na siyang ikinangisi ko. "ang bestfriend ko. Nakakatampo ka, ah. Dalawang linggo ka na rito, ngayon ka lang nagpakita sa 'kin."
I smirked. "Pasalamat ka at may kasalanan ako sa 'yo kung hindi, hindi talaga kita kakausapin. Remember what I have said before na kapag ako lumaki, who you ka sa 'kin?" At natawa na lamang din siya. "Saka alam mo namang busy kami ngayon."
"You've changed a lot, Zad. And I'm so happy to see you," sambit niya na ikinangiti ko. And so I am, Cloud. "Ah, I don't know how to express my feelings-"
"Don't tell me... " I cut him off and grinned. "Don't tell me you still have feelings for me, ulaptaptap?"
Tiningnan niya ako nang may pandidiri kaya naman imbes na mainis ay mas lalo akong natawa. "Mahangin ka pa rin, ah," he answered that made me laugh even more.
"Just kidding, I know that you're already happy with her. Magiging daddy ka na, you must be proud!"
Mas lalo akong napangiti nang makita ko ang pagkislap ng mga mata ni Cloud. I know he will be a good father and husband to Yna.
"Of course I am," he answered and sighed. Napakunot naman ako bigla ng noo ko. "But to be honest, I don't like... "
"W-Why don't you tell her?" I asked him.
Napailing naman siya at mahinang natawa. "I-I don't know how, Zad. Palagi nalang kasi kaming nag-aaway, minsan hindi ko na siya maintindihan."
"Gano'n talaga ang mga buntis, Cloud. Habaan mo ang pasensya mo kay Yna," I answered. He just gave me a force smile and sighed. Hinawakan ko naman ang kamay niya at makahulugan siyang tiningnan.
"How about you? Are you okay now?"
Unti-unti akong tumango. "10 years, Cloud. It's been ten years, o-of course I am."
"Really?"
Muli akong tumango at pilit na ngumiti sa kaniya. Bakit naman ako hindi magiging okay? Tahimik akong sumimsim ng kape nang muli siyang magtanong. "Nagkita na kayo?"
"Nino?"
Tumawa siya kaya agad ko siyang tiningnan ng masama. Sabi ko nga, hindi ako magaling mag-pretend.
"Tito told me about what happened. You're shocked, aren't you?"
Hindi makapaniwalang napailing naman ako. I thought Vince and my sister are married. "Well, doon ko na-realize na madami pala akong hindi nalalaman dito."
He nodded. "So paano na 'yan? Iiwasan mo pa rin ba siya?"
I looked at him and shook my head. "Why would I? Magkikita at magkikita pa rin kami. I can't ignore him. Para saan at bakit pa?"
I heard him smirked and whispered, "Oo at hindi lang hinihingi kong sagot ang dami mong sinabi."
I glared at Cloud, my heart racing inside. "Lumayas ka na nga, may ka-meeting pa ako." Pagkatapos ay inirapan ko siya.
"Is it about the project?" he asked. Napatango naman ako. "By the way, where's your brother?"
"Palaging tulog," sagot ko na siyang ikinatawa niya. Cloud already knew about Pabo. Hindi ko alam kung kailan niya nalaman, but I'm sure si Papa ang nagsabi sa kaniya tungkol doon.
"Anyway, congrats Zad. Malapit nang matapos ang department store niyo." Napangiti naman ako at nagpasalamat. Hindi ko rin akalain na ganoon kabilis magagawa ang project namin dito sa Pilipinas. Thanks to Virgo and his companions.
Napatigil kami sa pagkukwentuhan ni Cloud nang may pekeng umubo sa gilid ko. Speaking of the deemon, si Virgo.
"Maiwan ko na kayo, see you later." Tinanguan ko na lamang si Cloud at nakangiting humarap kay Virgo na ngayon ay prenteng nang nakaupo sa upuan ni Cloud.
"Good after-"
"Thank you so much, Virgo." Pagkatapos ay matamis ko siyang ningitian. "Maaasahan ka talaga namin ni Pabo."
He chuckled. "Walang anuman, kaibigan." Natawa naman ako at inabot sa kaniya ang mga folder. "Bago ko basahin ang mga 'yan, may hihilingin sana ako."
"Sure, ano 'yon?"
Iniabot naman niya sa 'kin ang itim na folder. Kahit nagtataka ay kinuha ko na lamang iyon at binasa. "Naghahanap kasi sila ng model. Don't worry, pinsan ko 'yan. May kasalanan lang ako kaya tinutulungan ko siya riyan," sambit niya.
Isinara ko ang folder at ngumiti sa kaniya. "I'll think about it. Tatawagan ko nalang sila."
Napapalakpak naman siya at nakipagkamay sa 'kin. Napailing nalang ako kay Virgo.
"Maraming salamat, kaibigan."
"So let's start? Kailangan ko pang kausapin ang ibang investor namin," sambit ko. Hindi lang kasi architect ng Hixson Department Store si Virgo. Nag-decide rin siyang maging investor ng store which we all agreed. At bakit naman hindi?
***
Yna's POV:
"So kamusta naman ang pagkikita niyo ni Zadie?" bungad ko nang makapasok si Cloud. Bakas ang gulat sa mga mata niya kaya mas lalo akong nainis. "Akala mo hindi ko malalaman? Hanggang kailan mo ba akong lolokohin, Cloud?!"
He walks toward me, pero nang balakin niyang hawakan ako at inis ko siyang tinulak. "Ano? Ano na namang excuses mo?"
"L-Listen to me Yna, hindi ko sinabi sa 'yo dahil ayokong magalit ka-"
"Pero nagagalit ako ngayon, Cloud! Nagagalit ako sa inyong dalawa!" I shouted. Pilit kong kinalma ang sarili ko at naupaupo nang biglang kumirot ang tiyan ko.
"Y-Yna-"
"The way you smile at her, the way you look at her, katulad pa rin ng dati." Napahinto naman siya sa sinabi ko. "Kitang-kita ko kung gaano ka kasabik nang yakapin mo siya, Cloud."
"Nagkakamali ka ng iniisip-"
"Mali? Kahit sinong babae na makita ang asawa nilang may kayakap na iba at abot tenga ang ngiti ay gano'n ang iisipin, Cloud! Putang*na naman!"
"Hey, calm down-"
Pinigilan ko siya sa paglapit at iniwas ang tingin ko. "Umuwi ka muna sa inyo, ayaw kitang makita." Ilang segundong katahimikan. Pwede na ngang lagyan ng sound effect na kuliglig, ngunit nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay tuluyan akong humagulgol.
"Ang tanga mo, Cloud, ang tanga-tanga mo," I whispered. Pinunasan ko ang mga luha ko at napatitig sa pinto. Paano nga naman niya makukuha ang ibig mong sabihin, Yna? Hindi ka naman niya mahal.
Kailan ka ba niya minahal? Buntis ka lang kaya siya nand'yan sa tabi mo. May pananagutan lang siya sa inyong dalawa kaya ka niya inaalagaan. But it doesn't mean na mahal ka niya.
I can't hep but to cry in pain and anger. Hanggang kailan mo ako papahirapan ng ganito, Cloud? Hanggang kailan mo ako kayang saktan?
"Why can't you love me back? B-Binibigay ko naman ang lahat," bulong ko.
Is it because of her again? Dahil ba nandito na ulit siya? Tang*na!
"Okay na kami, e. Masaya na kaming dalawa, e!" Inis kong dinampot ang basong nasa harapan ko at binalibag iyon kung saan. "Bakit kasi bumalik ka pa?!"
***
Zadie's POV:
[Ma'am Zadie, nakipag-ugnayan na po ako sa Melon corp. Ipapadala nalang po niya ang schedule ng shoot at contract signing.]
Nakangiting tumango naman ako sa sekretarya ko. "Maraming salamat, pwede ka nang magpahinga." Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.
Nakangiting nag-angat naman ng tingin sa 'kin si Papa. "Tinanggap mo ang offer?"
"Nakiusap sa 'kin si Virgo, Pa. Ayoko namang tanggihan 'yung tao," I nodded.
"Good luck then, anak. Nakasuporta kami lagi sa 'yo," sagot pa niya. Nakangiting nilapitan ko naman ito at niyakap.
"Thank you, Pa."
"Sige na, may lakad pa."
Mabilis akong sumakay ng kotse ko at nagmaneho papunta sa bar. Dalawang linggo na rin kasi ang nagdaan magmula nung huli kaming nagkita-kita. Gusto ko na rin silang makita at makamusta.
"Zadie, babes!"
"Guys! Nandito na si Zadie!"
"Na-kumpleto rin!" Natawa naman ako sa sinambit ni Axel, ngunit 'di pa ako tuluyang nakakaakyat sa pangalawang palapag ay binulungan na ako ni Keid.
"May epal nga lang Zad, iwas nalang tayo. Medyo bida-bida pa naman."
Napakunot lamang ako ng noo, ngunit nang tuluyan akong makarating sa pwesto namin ay saka ko lamang naintindihan ang sinabi niya.
"Hi Zadie, nice to meet you here. Nakabalik ka na pala," bati sa 'kin ni Jasmine. Ningitian ko na lamang ito at naupo sa tabi ni Ara.
"Balita ko malapit ng matapos ang store niyo, ah?"
Pilyang napangiti naman ako. "Mag-iinvest ka ba?" tanong ko na siyang ikinatawa namin parehas.
"Hindi, pero pwede mag-supply ng mga clothes sa inyo ang asawa ko," she answered. Napatingin naman ako kay Tyrone na ngayon ay abala sa pakikipagkwentuhan kay Cloud at Gunner.
"Ano bang trabaho ni Ty?"
"Ano ka ba, business patner siya ni Vince! Naku Zad, panalo pa rin ang mga design nila kahit na huminto na sa pagtatrabaho si Tita," sagot nito. Napatango naman ako. Wala ring akong masyadong balita sa mga magulang niya. "Oo nga pala, may ikinuwento sa 'kin si Zarine!"
Agad kong tinakpan ang bibig niya. That was the most embarrassing moment I ever had. I really though na sila ni Vince ang mag-asawa, but it turned out Kuya Khalil.
"HAHAHA! Iniisip ko tuloy, 'yon 'yung dahilan kung bakit kayo nagpanggap ng kapatid mo," bulong niya.
Napanguso naman ako. "Kapag may nakarinig sa 'yo, humanda ka!"
"Joke lang! E, kanino mo ba nalaman?"
"Si Khalil talaga ang totoo kong mahal. Pinilit lang ako ni mommy kaya ko nagawa 'yon, Zad. But thanks to dad, naipaglaban namin ni Khalil ang pagmamahalan namin."
"How about Vince? Naging okay ba siya?"
"Hindi naman siya nagalit, Zad. Nagpaliwanag naman kami," sagot niya na ikinatango ko. "I'm sorry, Zad kung hindi ko nasabi sa'yo agad. Gusto ko ring humingi ng tawad," sambit ni Ate Za.
Ningitian ko naman siya at saka niyakap. "Wala 'yon, Ate. Naka-move on ang lahat. Ang mahalaga masaya na tayo ngayon pare-pareho."
"Ahm, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa 'yo 'to, pero gusto ko sana na malaman mo para maliwanagan ka."
"Tungkol saan, ate?"
"Noong nagdesisyon kami na huwag ituloy ang kasal at tumakas, si Vince, sinundan-"
"Ah ate, may tumatawag sa 'kin. Excuse me."
"Zad!" Napatingin naman ako kay Ara. "Ano na?"
Napabuntong-hininga naman ako bago sumagot. "Pumunta sa condo si Ate Za at si Kuya Khalil. Doon ipinaliwanag ni Ate ang lahat," sagot ko. Napakunot pa ako ng noo nang bigla siyang napatakip ng bibig.
"Oh my gosh! So ibig sabihin alam mo 'yung tungkol sa pagsunod-"
"Hoy, Zad, bakit hindi mo dinala rito 'yung asawa mo?" tanong ni Axel kaya lahat sila ay napalingon sa 'kin maging si Cloud. Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin muli kay Ara.
Naglakad naman papalapit samin si Cloud habang nakakunot ang noo niya. "A-Asawa?"
"Oo! Hindi mo ba alam, pre? May asawa-"
Napatigil si Axel nang biglang tumunog ang cellphone ko. Wala sa sariling napapikit ako at dali-daling kinuha ang phone ko.
"Oh God, thank you for saving me, Pabo-"
"Noona, please come home!" Napakunot naman ako ng noo habang nakatingin sa mga kaibigan ko na nagtatalo tungkol sa asawa ko kuno.
"Wae? What happened?"
"Zigridga eobs-seubnida!"
Just then, I felt my heart take a leap.
"Mwo?!"
"Zadie, okay ka lang?"
"Ano raw sabi niya?"
"May momo raw?"
"Tanga mo naman, Axel!"
"Huwag nga kayong maingay!"
"Noona! Come home now! Pali!" sigaw ni Pabo mula sa kabilang linya. Napatango lang ako at mabilis na dinampot ang bag ko nang pigilan ako ni Cloud.
"Hey, anong nangyari? Namumutla ka," he asked. Maging ang iba naming kasama ay nakatingin sa 'kin at bakas ang pag-aalala sa mga mukha.
"I-I need to go home, m-my daugther, she's missing!" sagot ko. Mabilis akong bumaba, ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng bar ay muli akong pinigilan ni Cloud.
"Zadie, hintayin mo kami, tutulong kami sa paghahanap!"
"Ano pang hinihintay niyo? Sa kaniya-kaniyang sasakyan na!"
Mabilis akong tumakbo papunta sa sasakyan ko habang tinatawagan si Pabo.
Oh, God where is she?! Hindi aalis si Zigrid nang walang dahilan. God, please, save her. Sana ligtas ang anak ko.
***
Us Again
by: thesweetest_thing

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Ed Gesler Diestro

    this is my favorite game

    03/08

      0
  • avatar
    Cyrein Caguioa

    good

    24/07

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    gffff

    30/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด