logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Us, Again

Us, Again

thesweetest_thing


Chapter 1

Author's Note: Hello, everyone. How is everyone doing? I hope you are all well! This is book two of Lie Again. If you haven't read it, please do so because you won't understand the entire content. Thank you, and keep safe.
Ara's POV:
Ten years later...
"Hon, ano ka ba! Mga bata lang walang pasok ngayon, ikaw meron!" Inis kong binalibag ng unan ang asawa ko ngunit wala man lang nangyari. Tulog mantika pa ang pangit. "Mr. Tyrone Curdivas, tatayo ka ba r'yan o tatayo?"
Mabilis naman siyang napabangon kaya agad kong inihagis sa kaniya ang tuwalya niya. "Jusko, kung hindi ka lang siguro kaibigan ni Vince, matagal ka ng walang trabaho!" Pumamewang pa ako sa harapan nito, ngunit ang pangit, nakuha pang ngumisi.
"Swerte niya sa 'kin, hon. Never ko pa siyang iniwan," then he laughed. I raised an eyebrow at him. Nakuha pang magbiro, e, tatlong oras na siyang late!
"Maligo ka na kung ayaw mong ikaw ang iwan ko," then I walked away para asikasuhin ang mga bata. Nakangiting binuka ko ang mga braso ko at sinalubong sila ng mahigpit na yakap. "Good morning, Aster! Good morning, Tyro!"
"Good morning, Mom!"
"Morning, Mommy!"
"Gutom na ba kayo? Bwisit kasi 'yang daddy niyo, tulog mantika." Palihim pa akong napairap at saka sila pinaghanda ng pagkain. Nang ready na ang lahat, naupo ako sa dulo at nakunot na napatingin kay Aster, ang bunso naming anak. "Anak, usong bitawan 'yan. Hindi naman mawawala 'yang album na 'yan."
She pouted and looked at the album. Tinanguan ko pa siya at ninguso ang sala, ngunit mahigpit niya iyong niyakap. "But you promised me last night, mom!" Natatawang napailing naman ako at humarap kay Tyro na nagsisimula ng kumain.
"Dahan-dahan naman, baby," sambit ko at saka sinilip si Tyrone, pero hindi parin bumababa ang pangit.
Well, sampung taon na ang lumipas. Kung dati college students palang ang team bawal lumabas at team pwedeng lumabas, ngayon may sari-sarili ng mga buhay, trabaho at pamilya. Kung meron mang hindi nagbago, 'yon ay ang tambayan at samahan. Sabi nga ni Jessica Park, the friends you make in college are friends you'll have for life, even if you don't talk for years at a time. And we prove it.
Despite our busy schedule, we are still able to make time for each other. Sayang naman kasi 'yung perang pinambili ni Vince sa bar na 'yon kung hindi namin pagtatambayan. Oo, binili ng mayamang lalaking 'yon ang bar. Exclusive for team bawal lumabas at pwedeng lumabas only.
"Hon, sa office na ako kakain. Ikaw nang bahala sa mga bata." Pagkatapos ay hinalikan niya sa pisngi ang dalawang bata at humalik sa 'kin. "I love you, kahit binungangaan mo ko nang kay aga-aga."
"Ingat ka pero mas ingatan mo 'yung kotse natin!" pahabol ko pa saka sinabayan ang mga anak namin sa pagkain. Kakabili lang kasi namin ng kotseng 'yon noong nakaraang linggo. Ang pangit, ginamit agad. Meron naman siyang sarili niyang kotse. Para sa amin dapat ng mga bata 'yon, e.
Matapos naming kumain, agad kong hinugasan ang mga ginamit ko sa pagluluto pati narin ang mga pinagkainan. Balak ko pa sanang maglaba muna nang hilahin ako ng dalawa papuntang sala.
"Mom, tell us the story behind this photos na!" Pagkatapos ay binigay sa 'kin ni Aster ang photo album na kagabi pa niya hawak-hawak. Photo album lang naman 'yon ng mga baliw kong kaibigan.
"Kilala niyo naman na sila, right?" Sabay na tumango ang dalawa kaya naman nag-umpisa na akong mag-kwento. Ang unang photo ay ang kasal ni Rin pero this time, hindi na si Vince ang groom kun 'di si Kuya Khalil na. "July 17, kinasal si Ninang Rin at Ninong Khalil, ayan kami, oh."
"But Dad said they went through a lot before the wedding happened. Is that true, mom?" Tumango naman ako kay Tyro. Walong taong gulang na ang panganay kong anak at pagdating sa mga chismis, magkasundong-magkasundo sila ng Dad niya.
"What happened po?" tanong naman ni Aster.
"Tita Ivory is against with their relationship. Ninang Rin's mother, pero tulad sa 'min ng Daddy niyo, ipinaglaban din nila 'yung pagmamahalan nilang dalawa." Tumango-tango naman sila kaya nagpatuloy ako sa pagkukwento.
Ty and I also went through a lot before our wedding happened. Ayaw kasi sa 'kin ng pamilya niya at alam niyo kung ano ang rason? Napaka-ingay at arte ko raw. Hindi raw ako bagay sa anak nila. Pft! Wala naman na sa 'kin 'yon. Tanggap ko 'yon at tanggap ni Tyrone ang ganoong ugali ko. Sorry nalang sila Mama at Papa dahil patay na patay sa 'kin ang anak nila. Hindi ako binitawan hanggang dulo.
Well, hindi ko rin naman inaasahan na kami pala ang magiging asawa ng pangit na 'yon. Parang dati lang inis na inis ako sa kaniya lalo na kapag tinatawag niya akong Ms. Felts. I can't help but to recall our wedding, sobrang epic.
"I can't believe this time will come. Parang dati lang inis na inis ka sa'kin. Ayaw mo pang tinatawag kita sa apeylido mo." Nagsitawanan naman ang mga bisita namin habang masama naman ang tingin ko sa kaniya. "E... wala, gwapo 'tong mapapangasawa mo, nahulog ka. Sobrang saya ko, Ara. Sobrang saya ko dahil matatawag na kitang Mrs. Curdivas imbes na Ms. Felts. Ayaw mo 'yon, 'di ba? Misis ka na ngayon, wala ka nang magagawa."
"May annulment naman, ah?" He glared at me na siyang ikinatawa ko. Napaubo pa nga 'yung pari dahil sa lumabas sa bibig ko. Baka akalain pa niya, lokohan lang 'tong kasal namin ni Tyrone.
"Umayos ka naman, Hon, baka isipin nila pinilit kita."
"Oo na!"
At alam niyo ba si Keid? Ang bruha tinotoo talaga ang sinabi niyang sisigaw siya ng 'tigil ang kasal' kaya naman sobrang nakakahiya talaga nung araw na 'yon. But, epic man, that was the best day ever. Finally, sumang-ayon ang tadhana na magsama kaming dalawa, kahit pa against ang parents ni Tyrone.
"Mom, what about Tito Vince? Lahat po kayo kasal na. Si Tita Yna magkakaanak na, e, siya po single parin." Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi ni Tyro. Actually tama siya, si Vince nalang ang walang patner.
Si Aenna? Maniwala man kayo sa hindi, ikinasal silang dalawa ni Axel. Hindi ko akalain na sa kaniya titino si Axel. Tingnan niyo ngayon, under na under sa asawa niya at kay Abby na anak nila. Kasalukuyang nagtuturo si Aenna sa Hixson High habang nagtatrabaho naman si Axel sa kompanya ng Dad niya bilang Chief operating officer. Si Abby naman, grade 3 na.
Si Zarine at Kuya Khalil naman, may tatlong anak na. Sina Kacey, Karren at Kristoff. Unti-unti naman natatanggap na ni Tita Ivory ang dalawa. Ang balita ko pa, kasalukuyang nagtatrabaho bilang Manager ng isang department store sa Singapore si Tita Ivory, simula nung maghiwalay sila ni Tito Zoren. Si Tito Zoren naman ang namamahala sa Villin's company.
Si Yna? She's carrying Ulap's child. I do not know what exactly happened, but Cloud and Yna were drunk the day something happened between them. At katulad ng inaasahan, nagbunga. Ang relationship status nila?
Friends.
Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay in love si Ulap sa iba o talagang hindi niya gusto si Yna. Samantala si Yna, ayon patay na patay kay Cloud. The good thing is, hindi tinakasan ni Cloud ang nangyari sa kanila ni Yna. Handa naman daw siyang panagutan ang mag-ina. Napag-uusapan na rin naman nila ang kasal.
At ang pinaka-hindi kapani-paniwala sa lahat, si Keid at Gunner. Akalain niyong may something pala sa dalawa? Hindi man sila umamin, alam naming nagkakagustuhan na sila. Baka nga mamaya sila na pala, hindi pa mga nagsasalita. Ang sabi naman kasi ni Keid, nag-aalinlangan siya kung sasagutin niya si Gunner or not. Sabi ko naman why not? Wala naman akong nakikitang problema, seryoso naman siyang sinusuyo ni Gunner but for Keid, Gunner is too good to be true.
Hindi naman sa nagpapasa-pasahan kami. Maraming mga tao na iyon ang tingin sa aming magkakaibigan pero hindi talaga ganoon. Naging ex man ni Keid si Tyrone, Vince at Axel, para sa kaniya o kahit sa tatlo, laro lang 'yon o fling. Walang seryosohang naganap. Ibang-iba sa ngayon dahil bukod hindi na uso ang laro-laro sa edad namin, fully matured na rin.
And this time, wala na kaming balak pang manloko o maglaro when it comes to love.
Si Zemie naman, nakakatuwa dahil ikinasal na sila ni Sir Yuan. May apat na silang anak, ang bilis hindi ba? Ang galing gumawa, e!
"Earth to Mommy Araaaaa!"
Nagbalik ako sa reyalidad nang sigawan ako ng mga anak ko. Sabay silang tumawa habang tinataktak-taktak ko ang ulo ko. Grabe, nakakabingi ang dalawang 'to kapag pinagsama ang mga boses nila.
"Mommy, answer my question! What happened to Tito Vince po ba?" pag-uulit ni Tyro. Hinanap ko naman ang picture ni Zadie sa photo album namin at ipinakita 'yon sa kanila.
Oh God, it's been ten years, Zad. Where are you now?
"Is it because of her?" Tumango naman ako habang pinapanood silang suriin ang mukha ni Zadie. Since wala naman sa Pinas si Zad, ngayon lang nila nakita ang mukha niya. "Where is she, mom?"
"Nasa Canada si Tita Zadie niyo," sagot ko. Ewan ko nga ba kay Zadie. Ayon kay Cloud, ang sinabi niya ay two-years lang pero sampung taon nang hindi nagpaparamdam. Hindi man lang nag-e-email o kahit nag-o-online sa mga accounts niya.
We even tried to ask her biological parents, but they give us no answer. Ang sabi ni Tito, hayaan na muna raw namin ang anak niya. Wala naman kaming maaasahan kay Tita Ivory dahil bukod sa pinutol na namin ang koneksyon sa kaniya, umalis na siya ng bansa.
"Bakit po siya nandoon?" tanong pa ni Tyro.
I smiled at them and answer. "Mahabang kwento mga anak, sa ngayon maligo muna kayo, ha? Mga bata pa kasi kayo para maintindihan at malaman ang tungkol doon." Pagkatapos ay isinara ko ang photo album. "It's ligo time!"
* * *
"What's up, guys!"
Napatakip kami pare-pareho ng tenga sa boses ni Keid. Talaga nga naman oo, walang pagbabago, sobrang ingay parin.
"Ow, hi Jasmine! Naligaw ka ba?" Pigil ko naman ang tawa ko. Hindi lang maingay, bastos din ang bunganga. Nakangiti namang sumagot sa kaniya si Jasmine.
"A-Ahm, sinama ako ni Vince, e."
Napatango-tango naman si Keid at ngumiti sa kaniya. "Okay," then she sat beside me and whisper, "wala kaming pake."
"Ang baho ng ugali mo," bulong ko pabalik. Tinawanan lang niya ako kaya wala sa sariling napailing nalang ako. Hindi rin naman ako pabor na nandito si Jasmine.
Kung iniisip niyo na hanggang ngayon ay naghihintay si Vince kay Zadie, mukhang malabo na. Ano pa bang aasahan mo sa kanila? Sa una lang sila magaling, pero habang tumatagal, kinakain din nila 'yung mga pinagsasabi nila. Si Vince? Naghintay lang 'yan ng tatlong taon pero after that, palagi ng kasama si Jasmine. Ang sarap lang batukan.
Hindi naman sa galit or what, naiintindihan ko naman siya. Mahirap ang maghintay at umasa sa taong hindi mo naman alam kung kailan babalik o kung babalik pa ba. Siguro, napagod siya kakahintay. Hindi din naman biro 'yung tatlong taon na 'yon. Wala siyang ibang ginawa kun 'di magtrabaho at maghintay.
Tao lang naman din si Vince, napapagod.
Kung nagtatanong kayo kung pinuntahan ba or sinundan ni Vince si Zadie sa Canada, yes. After two years na paghihintay niya, Vince tried to go to Canada and visit Zadie. Alam ko marami siyang gustong sabihin sa kaniya kaya sino kami para tumutol? Isa pa, dalawang taon nagtiis si Vince na maghintay. Gustuhin man niyang pumunta kaagad sa Canda, he respect Zadie and his father decision na hayaan muna siya at maghintay nalang.
Pero iba talaga maglaro ang tadhana. Hindi man kasi kinuwento ng buo ni Vince ang nangyari sa pagpunta niya roon, alam naming hindi iyon naging maganda. Ang sabi niya lang, Zadie's having her best days in Canada as she graduated from college. Oo, nandoon si Vince noong gr-um-aduate si Zadie. Ewan ko nga ba, hanggang ngayon ay wala parin kaming ideya kung ano talaga ang nangyari.
"Rin! May balita na ba sa babes ko?" Maging ako ay naghintay sa isasagot ni Rin nang makarating sila ni Kuya Khalil. Palagi naming tinatanong sa kaniya kung anong balita pero palagi ring wala o ewan ang sagot niya.
"Sampung taon ka na nagtatanong, Keid. Hindi ka ba nagsasawa?" tanong sa kaniya ni Axel dahilan para batukan siya ni Aenna at tingnan ng masama. "Babe, ang sakit naman po. Ano na naman po bang ginawa ko?"
Napailing nalang ako nang irapan lang siya ni Aenna. Hindi ko alam kung anong klaseng maturity ang dumaan sa taong 'to o baka nga hindi man lang nag-matured. Naging under lang.
"I'm sorry, Keid. Wala paring balita." Napasimangot naman kami sa kaniya. Pilit naman niya kaming ningitian at tumabi kay Aenna. "Anyway, Wala si Yna?"
"Ano ka ba, buntis, e."
She laughed. "Oo nga pala."
"Vince, pwede ba ulit ma-interview ang company mo? Since 56th anniversary na ng company niyo, I'm sure may celebration na magaganap right?" Lahat kami ay napatingin kay Jasmine. Tumango naman si Vince at inabutan siya ng wine. "Thank you."
Oo nga pala, news caster na itong si Jasmine. Maganda kasi ang boses at talaga namang pangmalakasan ang accent. Magaling din magpaikot ng storya kaya bagay na bagay sa kaniya. Joke.
Agad namang sumingit si Keid. "Hindi ba kami invited, CEO?"
Tumingin naman siya sa amin at tumango rin. Sampung taon na rin ang lumipas mula nu'ng bumalik siya sa dating seryoso at minsan ay sobrang cold na tao. "Welcome naman kayong lahat." At dahil doon ay nagsigawan at nagsipalakpakan kami.
"Sayang wala si Zadie, wala kang date!" Natigilan kami sa sinabi ni Keid. Mabilis naman siyang hinila pabalik sa upuan ni Gunner at nahihiyang napatingin kay Vince.
Sa totoo lang, kami-kami nalang ang nag-uusap tungkol kay Zadie at sa past nila. Ayaw na kasing naririnig ni Vince ang tungkol doon. I don't even know kung galit siya o may sama ng loob kay Zadie, but I hope there's none.
"Nandito naman si Jas," then he looked at Jasmine na nakangiti ng malawak dahil sa sinabi niya. "Jas will be enough."
Pare-pareho kaming natigilan at hindi nakaimik. Nag-usap naman ng silang dalawa lang si Vince at Jas kaya napatikhim ako. "Wrong move ka roon, bruha."
Napangiwi naman si Keid. "I'm sorry. Nabigla rin ako sa sinabi ko hehe."
Hindi nalang ako sumagot at tiningnan ang dalawa habang nakasandal kay Tyrone. Ang sabi naman ng pangit na 'to sa 'kin, hindi na naniniwala si Vince tungkol doon sa record na pinarinig ko sa kanila.
Kung totoo man daw kasi na mahal siya ni Zadie, babalik siya kaagad lalo na kapag nalaman niya ang mga nangyari. Well, he has a point pero hindi rin naman pwedeng manghusga agad tayo. Hindi natin alam kung anong nangyayari kay Zadie sa Canada, right?
Malay natin mas nagsa-suffer pala si Zadie roon, hindi natin alam. Pero 'wag naman sana. We all hope that Zadie's doing well, nasaan man siya ngayon.
"Ulap!"
Lahat kami ay napabaling kay Cloud na kararating lang. Iba ang ngiti nito kaya naman agad siyang inakbayan ni Tyrone. "Mukhang naka-jackpot, ah?"
Cloud chuckled. "Hindi naman, may bumili lang ng lupa namin." My eyes widened because of that. Hindi naman nakapagsalita si Ty dahil narin sa gulat.
"Dito sa Manila? Oy, jackpot 'yon, ah! Ang laki no'n!" sambit ni Keid at umakbay rin kay Cloud. Talagang jackpot, pwede ka nang magpatayo ng mall sa lupang 'yon.
"Manlibre ka naman diyan!"
"Oo nga!"
"Baka naman ulap!"
"Oo na!"
Muli kaming nagsigawan dahil sa pagpayag ni Cloud. Nagbago na talaga ang ulap. Mula sa pagiging kuripot at palaging nakaasa sa libre, siya na ngayon ang mahilig manlibre at napaka-galante.
Natuklasan kasi namin na mayaman ang mommy ni Cloud. Ang dami pala nilang lupa na ngayon ay binebenta na. Kasalukuyan din silang may share sa company ni Vince at kanang kamay ni Tito Zoren sa company niya si Cloud. Oh, 'di ba? Sana nga magnanakaw nalang ako, kay yayaman ng mga kaibigan ko.
Samantalang ako, limang taon lang nakapagtrabaho ng full-time. Paano ba naman kasi nagkaanak na kami. Hindi ko rin gusto kumuha ng katulong at baka agawan pa ako ng asawa. Nagtatrabaho parin naman ako bilang opthalmologist, pero madalang nalang. Minsan kapag may nagpapasadya pa sa 'kin o pinupuntahan ako sa bahay.
"Mas magsasaya kayo kapag nalaman niyo kung sino ang bumili nung lupa."
Nagkatinginan naman kami at sabay-sabay na nagtanong. "Sino ba ang bumili?"
* * *
Us, Again
by: thesweetest_thing

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Ed Gesler Diestro

    this is my favorite game

    03/08

      0
  • avatar
    Cyrein Caguioa

    good

    24/07

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    gffff

    30/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด