logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

03 : Introduction

Ilang minuto akong naiwang nag-iisip sa loob ng hospital. Walang ibang pumapasok sa ulo kung hindi ang mga negatibong posibilidad. Ilang paghinga pa nang malalim ang ginawa ko bago naisipang tumayo na rin.
Mabilis naman akong nakalakad papalabas ng silid kung saan naabutan kong naroroon sina Lala at Jaya. Hindi sila nag-iimikan ngunit halos magkaharap lang sila. Napansin naman kaagad nila ang paglabas ko.
"Bes, are you---"
"I said I am fine, Jaya." sambit ko. "Did you two wait for me here all along? Hindi ba't sabi ko eh pumasok na kayo?"
Nagkatinginan ang dalawa. Maya-maya pa ay sa akin na naman tumingin. Hindi ko sila maintindihan pati na rin ang reaksyong ipinapakita nila sa akin.
"Harold left---"
"Tinatanong ko ba?" Pinutol ko kaagad ang pagsasalita ni Lala. Napapitlag nga ito dahil sa ginawa ko eh.
"But he's wounded."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit imbes na sagutin siya ay nginitian ko na lang siya. Ngumiti rin siya sa akin pabalik ngunit halata mo ang pag-aalangan.
Hindi ko alam kung bakit hindi rin ako mainis kay Lala kagaya ng kay Jaya. Since she dropped the formality, she got the guts to talk back to me. Hindi na niya ako tinatawag na ate ngayon. She talks like Jaya, too. Hindi ko alam kung anong special lectures ang ginawa ni Jaya para hindi siya matakot sa akin.
"Lala, I can't teach on my room. Pahiramin mo muna kami ng isang room na available so that I can---"
"Hindi ka pa ba uuwi? Kailangan mong magpahinga."
"No." sambit ko. "I have a job."
Tumango na lang si Lala sa akin. Nang tingnan ko naman si Jaya ay hindi ito nag-iimik. Tumingin lang din siya sa akin saka kumaway nang marahan. Maya-maya pa ay umalis na rin ito. Malamang ay pupunta na iyon sa kaniyang klase.
Si Lala na mismo ang naghatid sa akin sa kwartong papagturuan ko ngayon. Sa may pinto pa lang ay kitang-kita ko na ang mga estudyanteng ngumingiti sa akin. Mga estudyante sila sa kabilang room. Kumakaway pa sila bago tuluyan na naming malagpasan.
"Nasa loob na ba lahat ng estudyante ko including the new ones?" Tanong ko kay Lala bago pa kami tuluyang makalapit sa room na sinasabi niya.
Tumango naman siya nang marahan. Napapatingin pa sa akin nang makahulugan saka hinimas sandali ang tiyan ko.
"Huwag kang maistress sa kanila, Dana. Take it easy."
Iyon lamang saka umalis na siya. Kaagad naman akong naglakad papasok ng kwarto. Katahimikan ang kaagad ding bumungad sa akin. May siyam na estudyanteng magkakahiwalay at magkakalayo ng upo sa silid. Walong lalaki at isang babae. Anim sa kanila ay mga kilala ko na at estudyante ko na for almost a week habang ang tatlo ay ngayon ko lang nakita.
They must be the exchange students.
Muli ko silang binilang. Maliwanag na apat ang bagong estudyanteng sinabi ni Lala. Dapat ay sampu sila ngayon ngunit bakit siyam lamang sila sa paningin ko? Pinasadahan ko naman sila kakaagad muli ng tingin.
"The Headmistress told me there are four new roomies. I see three." kaagad kong sambit.
Imbes na matutok ang atensyon nila sa akin ay nahalata ko ang kawalan nila ng interes sa aking presensya. Natawa naman ako nang mapakla. Naupo rin ako nang prente sa mesang nasa unahan saka itinumba ang upuang naabot ng aking paa. Kahit papaano naman ay nakuha ko ang kanilang atensyon.
"So no one knows where the other one is." sambit ko nang natatango pa. "Get out."
Nangunot ang noo nila sa sinabi ko. Napatingin sa akin na para bang nagtatanong.
"Bingi ba kayong lahat?" asik ko sa kanila. "Get out and find the other one! Ayaw kong umulit ng mga salita!"
Sa sigaw ko ay napapitlag si Queenzlette. Namali ang paglalagay niya ng kulay pulang lipstick sa labi niya kaya naman inis na humarap siya sa akin.
"Professor Dana, bakit kami ang lalabas? Ikaw ang teacher, 'di ba? You should look for your studen---"
"I am not really in the mood to talk shit, Queenzlette. You don't want me to talk to you in this state, right?" 
Napakagat-labi si Queenzlette sa sinabi ko. Siya ang naunang tumayo para umalis at sundin ang iniuutos ko ngunit bago pa siya makailang hakbang ay may pumasok sa pintuan. Isang lalaking pamilyar ang mukha.
"Oh, he's here!" Sambit ng isa.
Sandali kong tiningnan ang pumasok. Iniisip ko kung saan ko nga ba siya nakita. Hindi naman natagalan at naalala ko na rin. He's that kid who happened to bump at me this morning. Napangiti naman kakaagad ako.
"You're late, Aggasid Izcel." Sambit ko.
Napatingin sa akin halos ang lahat sa kanila. Malamang ay nagtataka kung bakit alam ko kung ano ang pangalan ng lalaking kakapasok lang ng silid.
"Well, no one told me there would be an emergency change of room because someone stupidly set the building on fire, Professor Dana." sarkastiko ang pagkakasabi niya noon.
Napangiti ang ilan sa mga nasa loob. Ang ilan ay napapakagat-labi sapagkat alam nilang ang reaksyon ko ay hindi natutuwa.
"Kumpleto na kayo. Aggasid, ikaw ang mauna. State your name, your race, your ability, and what contribution you did on that fire."
"Professor Dana, lahat po ba?" si Queenzlette muli ang nagsalita.
Actually, she does all the talking. Ang lahat ay tahimik. Besides from the fact that they are all boys, all of them are in a frown face. Nakikinig lang at ni walang balak magsayang ng oras upang magsalita.
"Did I tell anyone the word except?" Sagot ko naman sa tanong ni Queenzlette na kakaagad na napanguso.
"Okay po."
Hindi naman na nagreklamo pa si Aggasid nang mapukol sa kaniya ang lahat ng tingin. Boluntaryo na siyang nagpunta sa gitna.
"Aggasid Izcel. An illicit. Ability to transform into a creature with cosmic powers. And about the fire, it has nothing to do with me. Happy?"
Inis ang hitsura niya. Kitang-kita naman ang illicit mark sa kaniyang noo kaya hindi maipagkakailang isa siyang illicit. But since I want him to tell me what he is again, I did it.
"Okay. Next."
Tumayo naman si Queenzlette na ngayon ay tuwang-tuwa pa ngunit kaagad kong pinabalik sa kaniyang upuan.
"I want all the new roomies first before the six of you."
Wala na rin namang nagawa ang tatlo. Tumingin sila sa akin nang tinatamad saka sabay na nagpunta sa unahan. Naunang magsalita ang lalaking may kulay asul na polo at ikalawa ang lalaking may kulay puting buhok. Nahuli naman ang lalaking nakaasul at itim na suot.
"Terrence Sheldon. A pure blood peculiar. Ability to make anything I touch weightless. About the fire, I was just standing near the window doing me. So basically I also don't have anything to do with that."
"Offset Hillary. A pure blood peculiar. Ability to manipulate both ice and fire. I was burning my own hand when the fire arised. Basically, wala akong kinalaman sa sunog."
"Joker Nuke. A half blood peculiar. I have the ability to be a machine if I want to. I was busy admiring the techs used in the institution and how the armour of the whole place was built when the fire is turning that place into ashes. Basically, wala rin akong kinalaman sa sunog na sinasabi mo."
Napapatango naman ako sa kani-kanilang mga sinabi. Nauna rin akong pumalakpak nang marahan na sinundan ng anim ko pang mga estudyante. Nakita ko naman ang mga bagot na mukha ng mga bago kong papatinuin.
"So we got an illicit, two of the full bloods, then a half. Cute."
This will be fun.
Tumayo naman na rin ang mga natira. Ang unang nagsalita ay si Queenzlette sapagkat siya ang unang bumuka ang bibig.
"Queenzlette Galvadory. A full blood peculiar with the ability to manipulate poisons. I was with you Professor Dana when the fire arised."
Ang sumunod na nagsalita ay si Loco na kaagad sinundan ng kapatid niya. Silang dalawa ang pinakagusto ko sa kanilang lahat maliban na lang kung may magustuhan ako sa apat na bagong dating.
"Loco Finneas. Full blood peculiar that has the ability to get back to what happened thirty seconds of the past. I was telling Tokyo he should stop the fire."
"And I am Loro Finneas. A full blood peculiar that can see what will happen thirty seconds of the future. I wasn't even here nang nagkasunog."
Sumunod na nagsalita si Tokyo na kaagad kong ikinangiti. Kitang-kita ko kasi sa kaniyang mukha ang pag-ayaw sa ideyang ito ngunit alam na alam na niya kung ano ang aabutin niya kapag sumuway siya sa aking utos. Matigas man ang ulo nila ay hindi pa rin nila ako matatalalo.
"Tokyo Berlin. A half with the ability to heal three thousand times than the normal peculiars. My sense of touch and my vision is eighty percent more advance than all of you. And yes, I started the fire."
"State your reason."
"I don't know." He said. Napakibit-balikat pa nga ito. "Well, I wasn't going to start it. I was just trying to when a man came to me and touched my hand. I was startled kaya naman aksidente ang nangyaring pagsabog. But the funny thing is, Professor Dana, even if my sense of sight is too advance, I can't seem to have a glance of his face. I can tell he have a very powerful energy. Nawala na lang siya nang may sunog na."
Napatayo kakaagad ako sa kaniyang sinabi ngunit kaagad ding napaupo dahil sa pagkabigla. Hindi ko alam kung ano ang irereact.
He was really here.
"Continue." Sambit ko na lang.
"I am Kris Horden. A full blood peculiar with the ability to talk to creatures in a way only I can understand. Papasok pa lang ako nang sumiklab ang sunog."
"Depp Saquel. A half with the ability to use sounds in so many ways. Wala pa ako rito nang sumabog ang building and if I was here, not even a squeak from that would be heard."
Sa ginawa nilang lahat ay ako mismo ang napapalakpak. Madali silang kausap ngayong araw. Baka nararamdaman nilang hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko. Hinayaan ko silang umayos ng upo bago ako naman ang umayos ng pwesto. Hindi ako umalis sa pagkakaupo ko sa mesang nasa harapan at tiningnan ko lang sila.
"You are here in my class because of one thing. You need real lectures." Sambit ko. "I don't need to know what bullshit you have caused to be here. Anyway, congratulations. You made it to my class. I am your professor, Dana Danshel."
Sa pagkakasabi ko noon ay iisang pares lang ng kamay ang pumalakpak and it was Queenzlette na kaagad ding nagtigil nang mapansing siya lang ang gumagawa ng ganoon. Nakita ko naman ang pagtaas ng kamay ni Tokyo.
"Yes?"
"Are you really that Dana Danshel?"
"What Dana Danshel exactly?"
"That Dana Danshel who freed thousands of illicits in this institution's dungeon. Maingay na maingay ang pangalan mo since that night until now. You might not have the illicit mark in you but your heroism made you popular, Professor Dana."
"And what made you think I don't have the illicit mark?"
Napataas din naman ng kamay si Depp sa sinabi ni Tokyo. Nangungunot pa nga ang noo nito bago magtanong sa akin.
"You are the strongest illicit, aren't you? And you are the only daughter of the leader of the illicit peculiars. What ability do you have exactly?"
Tiningnan ko kung nagbibiro ba si Depp sa huling tanong niya ngunit wala akong nakitang kahit anong halo ng biro sa mga mata niya. Maging ang iba pa ay curious din sa aking isasagot sa tanong ni Depp.
Natawa naman ako nang mapakla. Ah, hindi nga pala alam ng lahat. Only a few pair of eyes have witnessed what I have become that night. Iyon ang unang beses na nakita ko ang sarili ko sa aking kapangyarihan. At iyon na rin siguro ang huli sa ngayon.
"Well, you do not have to know---"
"That's unfair, Professor Dana. We gave you our information. It's only fair if you give us what---"
"Fine, then." Mabilis kong putol sa sasabihin niya. "I am Dana Danshel. The strongest illicit peculiar. Only daughter of the leader of the illicits, Hiriko and Helene. By going into your mind, I can know what your deepest memories are even if it is already forgotten by you. Fears, happiness, romance, and whatever you feel, I can see that. And about the fire, I was with Queenzlette trying to know what the fuck is happening. Happy?"
Sa ginawa kong iyon ay pumalakpak lahat sila. Ang karamihan ay tumatango pa ngunit napansin kong ang ilan sa kanila ay nagtataka. It was Aggasid and Tokyo na animo ay lumulutang ang mga isip.
"Anyway Professor Dana, when is your due?" Si Kris.
"Bakit?" I gave him a smile. "Papaanakin mo ba ako?"
Lahat ay natawa sa naging tanong ko kay Kris. Maging ako nga ay napangiti dahil sa mga reaksyon niya.
"No but your husband seems mad." he shrugged.
"My husband?"
"Yes. He's here."
Kaagad akong napalingon sa may pinto sa sinabi niyang iyon. Nakapagtatakang hindi naman ako nasabihang may asawa na pala ako. Nang makita ko kung sino ang tinutukoy ni Kris ay kaagad akong napabuntong-hininga.
"Harold,"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (75)

  • avatar
    Leemen Hoo

    high

    16d

      0
  • avatar
    Patrick Chavez

    papa

    25d

      0
  • avatar
    Ren Mahusay

    good excellent

    02/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด