logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

01 : Again

"What's with that kid anyway?" napapailing na tanong sa akin ni Jaya habang tinitingnan ang papalayong bata.
Napangiti na lang ako saka ginawa ang ginagawa ni Jaya. Matapos iyon ay muli ko nang ibinaling ang aking tingin kay Jaya na nag-uumipisa namg mag-init ang ulo.
"Relax, Jaya. This is just another day. I am sure naman na hindi ito ang unang beses na nakatagpo ka ng siraulong estudyante."
"Of course it is not! Nakakainis lang that I am not like them anymore, bes. I am freaking stuck having the role of the teacher na sinasagot-sagutan na lang. I miss being a student."
Napatss na lang ako. Hinawakan ni Jaya ang aking kamay saka sabay na kaming naglakad. Maraming bumabati sa aming mga estudyante. Lahat ng nasasalubong namin ay binibigyan kami ng ngiti. Itong si Jaya naman ay siyang kumakaway-kaway pa.
"Hi, Professor Jaya! Hi, Professor Dana!" nangingiti ang isang batang babaeng patakbong lumapit sa amin. Naghihingal pa ito nang bahagya bago siya tuluyang magsalita. "Pinapatawag po kayo ni Headmistress. Doon daw po kayo magdiretso."
"Okay." Si Jaya na ang sumagot.
Nagkatinginan muna kami Jaya na kumibit balikat pa bago naglakad patungo sa direksyon ng opisina ng headmistress. Nakapagtataka na napakaaga niya kaming pinatawag. I didn't know anything na ikakagalit niya na naman para papuntahin kami sa opisina.
The irony is really fun here. Noong estudyante pa lang kami ni Jaya ay sabay kaming mapapatawag sa Headmistress' office dahil sa kagaguhan naming dalawa but now that we are the professors, sabay pa rin kaming napapatawag sa headmistress office. Hindi dahil pasaway kami, I mean yes pasaway kami but it just that those students of us with attitude problems can't pass through us. Iyon madalas ang dahilan para mapatawag kami ni Jaya.
Well, the institution changed a lot since that peculiar night. Hindi na lang mga full-blooded peculiar ang allowed na pumasok dito. Pati na rin ang mga illicit at halves mula sa iba't ibang panig ay tinatanggap na rin namin sa institusyon upang maghasa ng kanilang mga lakas.
"Ano na naman kaya ang rason, Dana? I mean wala naman akong nakaaway na estudyante ko."
"Hmm, really?"
Sinamaan ako ng tingin ni Jaya sa paraan ng pagtingin ko sa kaniya. Naparoll eyes pa saka animo ay sasapakin ako ngunit hindi niya naituloy. Gigil siyang nagpigil.
"I mean yes may nakaaway ako kahapon. But what will I do, bes? That little girl is making a scene. Hindi naman siya maganda. Hindi rin naman malakas. She's just a half that has the ability to control metals. I mean, what's so good about that para kwestyunin niya ang abilidad kong magturo, ha?"
Napailing na lang ako sa inis na pagmamaktol ni Jaya. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang makinig doon hanggang makarating kami sa tapat ng pinto ng opisina ng headmistress. Ni hindi nga ito kumatok man lang bago pumasok.
"Oh, you're here!" masayang bati ng headmistress.
"Yes we are here, Lala. It's obvious." Sarkastiko niyang sambit kay Lala. "Joke! Yes we are here, Headmistress!"
Sabay kaming natawa sa inasal ni Jaya sa harap ni Lala. Sabay rin kaming napailing habang ako ay umupo na rin sa isang sofang malapit sa kinauupuan niya. Hindi ko naman masisi si Jaya sa inaasal niya sapagkat unang-una ay napakabata pa ni Lala upang maging Headmistress but her ability to lead isn't questionable at all. Ikalawa ay kaibigan namin siya and talking casual is normal. At pangatlo, bastos talaga si Jaya. No one would disagree on that.
"Pinatawag ko kayo ni Dana dahil---"
"Tss, Lala. Alam kong may nagsumbong na naman sa iyong mga estudyante ko---"
"No, Jaya. I mean not that exactly pero ididiscuss natin iyon mamaya. What I am saying is it's Dana's eight month pregna---"
"Holy fuck! Ngayon iyon?"
Napapikit ako sa reaksyon ni Jaya. Hindi ko alam kung bakit natagalan ko siya hanggang ngayon. Napapansin kong habang lumilipas ang mga araw ay palala siya nang palala. Minsan matino naman siya ngunit kadalasan ay hindi. I am not even sure if her mental health is okay.
"I have a gift for you, Dana."
Lumapit sa akin si Lala. Nakangiti siya at halata mo ang excitement sa kaniyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ko saka animo ay para bang may iginuguhit doon. Isang minuto lang ang nakalipas ay napagtanto kong binibigyan niya ako ng tattoo.
"What is it this time, Lala?" Tanong ko sa kaniya. "Binigyan mo na ako ng fox noon ah."
"And I am grateful that you've kept her until now. Pero ito it's not that much."
Hinayaan ko na lang siyang gawin ang nais niya. Si Jaya ay nanahimik na habang kinakain ang mga prutas na nasa ibabaw ng mesa ni Lala. Maya-maya pa ay natapos naman na si Lala sa ginagawa niya.
"Oh. These are baby shoes."
Napatango nang tuwang-tuwa si Lala saka muling hinawakan ang kamay ko at dinama ang kaniyang itinattoo sa akin. Segundo lang ang lumipas ay nasa kamay ko na ang dalawang pares ng sapatos na pambata. She've mastered her ability pretty well.
"Wow. They're so cute." Sambit ko.
Sandali ko pang tiningnan ang mga ito habang napapangiti. Dalawang pares ng puting sapatos na pambata ang nasa kamay ko. Napakalambot ng mga ito na para bang gusto kong ilagay sa mukha ko para damahin iyon. Mas lalo ko tuloy napapagtanto ang nangyayari. Malapit nang lumabas ang anak ko. Only a month to wait.
"So, do you like it?" 
Nagtatanong ang mga mata ni Lala na kaagad napatalon sa tuwa nang marahan akong tumango bilang sagot sa kaniyang tanong. Hindi maitago ang saya sa kaniyang mga mata.
"I mean I can't decide if it's blue or pink dahil wala pa naman sa atin ang may alam kung babae siya o lalaki."
"Thank you. Sobrang nagustuhan ko."
"And I like the thrill, too. May pustahan tayo Lala, hindi ba? Babae ang hula ko tapos sa iyo ay lalaki."
Natawa na lang ako sa kanila. Napapailing pa saka muli na lang tumingin kay Lala.
"What is it that you want to tell Jaya? May klase pa kami at mahuhuli na kami kapag hindi mo pa kami pinaalis." Ako naman ang nagtanong kay Lala.
"About that! There are exchange students from Headmistress Dovey's peculiar institution at the west side. She's a good friend of my father,  actually. And I was thinking if you can take care of them?" nag-aalangan ngayon ang tono ni Lala sa amin.
Naningkit naman ang mga mata ko sa kaniya. I know that exact look.
"Ako o si Jaya?"
"Both of you. There are eight of them so each of you will have additional four students. Ano, kaya?"
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Headmistress Dovey heard about the two batch of illicits na napatino ninyo in a span of two weeks, Dana. And she's thinking maybe you can do the same to them."
"Buntis ako, Lala. Ayaw kong maistress. They better be goo---"
"I already added them to your class."
Nagkatinginan kaming muli ni Jaya. Napatigil pa nga siya sa pagkagat sa isang pulang mansanas. Ipinukol niya ang tingin niya sa akin na para bang nagtatanong ngunit may halo nang pagkasarkastiko roon.
"Alright."
Sabay na napapalakpak ang dalawa sa ginawa kong pagsang-ayon. Si Jaya ay napatayo na rin at saka hinawakan na ang kamay ko para umalis na rin ngunit kaagad siyang pinigil ni Lala.
"What now?"
"Nagsumbong sa akin si Mr. Beatles. He told me na tinuruan mo raw ng leksyon ang anak niya. In a wrong way."
Napalingon si Jaya kay Lala saka binigyan niya ito ng nag-aalangang tingin. Pinanlakihan niya ako ng mata na ang ibig sabihin ay ang bilisan ko ang paglalakad papaalis ng opisinang ito kung hindi ay sesermonan na naman siya ni Lala.
"La-la-la-la-la..." kanta ni Jaya sa ere at hindi pinansin ang pagtawag ni Lala sa kaniya.
"Jaya, we need to talk!"
Imbes na tumigil si Jaya ay tumakbo pa ito papalabas. Nauna siyang makalabas ng pinto at nang makalabas na rin ako ay mabilis niyang isinara iyon. Matapos iyo ay inakay niya ako sa paglalakad.
"Oh, that was so close." She said. "Anyway, what will the exchange students be like? Kagaya kaya natin kapag nagkataon? I mean that will be fun."
"Tss tinakbuhan mo nga na naman si Lala eh tapos naghahanap ka na naman ng entertainment." asik ko sa kaniya. "Get lost."
Sinamaan naman niya ako ng tingin. Marahas ngunit pabiro niyang binitawan ang kamay ko saka napacross arms pa. Itinaas niya ang kaliwang kilay saka ako kinausap na para bang may mali sa akin.
"Excuse me, Dana Danshel. I am not running because I am trying to avoid the fact that I---"
"Running is avoiding, Jaya."
"Ah basta. Ayaw ko lang mapagalitan na naman ni Lala. Mas bata kaya siya sa atin, bes."
"Whatever, Jaya. She is still this institution's headmistress and her capabilities are still powerful. Mabuti nga ay hindi ka pa niya itinatakwil eh."
Napanguso si Jaya sa sinabi ko ngunit ni hindi man lang ibinaba ang nakataas niyang kilay. Hinawakan pa ang aking magkabilang pisngi ko at pinisil iyon.
"Tss. Habang nakikita ko ang epekto ng pagbubuntis mo sa attitude mo, parang ayaw ko nang mabuntis. You sounds like my mother. I miss the old you. Iyong Dana na sasamahan akong mamukpok ng ulo ng mga lasing sa labasan." Sambit niya saka binitawan na rin ang mukha ko. Kumaway siya sa harapan ko matapos iyon. "I'm going. I love you!"
Kumaway na rin ako sa kaniya nang marahan bago ko makitang naglakad siya sa kaliwang direksyon. Doon ang kaniyang classroom. Parehas kami ng department. Habang ang mga karamihang professors ay nakadestino sa isa o dalawang department lamang, kami ni Jaya ay nakadestino sa halos lahat ng department. Para bang kami ay mga professors ng isang special class. Iyong mga estudyanteng mahirap kontrolin.
Nawala na sa paningin ko si Jaya. Ako naman ay napabuntong-hininga. Hindi dahil sa papasok na naman ako upang magturo ngunit dahil sa isiping may nagpadala na naman sa akin ng mga itim na bulaklak.
Hindi ko alam kung kanino galing or how the flowers even got inside my room ngunit isa lang ang alam ko. Whoever the sender is, it don't want me to receive flowers as congratulations for another successful month of my pregnancy. Alam kong iba ang ibinabanta niya at mas lalo akong natatakot doon. Anong malay kong baka sa huling buwan ay kutsilyo na sa ulo ko ang ipadala nito?
Napabuntong-hininga na naman ako. Naglakad na rin ako patungo sa kanang direksyon. Iyon ang direksyong taliwas sa nilakad ni Jaya. Sa kabilang building ang classroom ko. Si Lala na mismo ang nakaisip na paghiwalayin kami ng buildings sapagkat alam ng lahat ang dahilan. Baka lalo lang magkagulo kapag nagsama kami ni Jaya.
"Professor Dana!" Si Jenny iyon. Isa sa mga estudyante rito. Naghihingal siyang lumalapit sa akin. "T-the special room is now on fire---"
"What?"
"I was just passing by para pumasok sa first class ko but then I heard an explosion mula roon. But the weird thing is your students are inside---"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya. Kaagad akong napatakbo kahit pa nga nahihirapan akong gumalaw. Napakalaki na ng umbok ng akong tiyan. Bukod sa mabigat iyon, pregnancy makes some sort of weird ways to make me uncomfortable on using my own body.
Halos tatlong minuto lang naman ang itinakbo ko. Hindi nga nagkamali si Jenny. Makapal na usok ang sumalubong sa akin. Narinig na rin ang alarm dahil dito.
"Relax, Professor Dana. They just had some fun." kaagad akong napalingon sa nagsalita.
Kilala ko ang boses na iyon. Isa siya sa anim kong estudyante.
"Queenzlette, tell me what happened." Asik ko sa kaniya.
Ngunit imbes na magsalita siya at sagutin ang tanong ko ay napatingin lang siya sa direksyon ng nasusunog na building.
"They just welcomed the new roomies." she said.
Kaagad ko namang napagtanto ang mga sinabi niya.
Exchange students.
Maaaring narito na nga ang mga estudyanteng sinasabi ni Lala. Nilingon ko pang muli si Queenzlette saka napamura. Hindi na rin ako nagdalawang isip pang tumakbo sa nasusunog na building ngunit bago pa ako tuluyang makalapit doon ay nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ko inaasahan ang biglaang pagsakit ng tiyan ko. Sobrang sakit noon at ito ang unang beses kong naramdaman ang ganito. Kahit na nahihirapan ay napaluhod ako sa kinabagsakan ko nang dahil sa panghihina.
I can't bear the pain any longer.
Para bang unti-unting dinudukot ang aking tiyan. Parang ilang paulit-ulit na sinasaksak at sumisipa pabalik ang anak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Nararamdaman kong para bang nagpupumilit itong lumabas. Kaagad ko tuloy nahimas ang tiyan ko.
"P-professor Dana, are you okay?" Nakasunod sa akin si Queenzlette. Sinubukan niya pa akong alalayan.
Hindi naman ako nagsalita bagkus ay napatingin sa malakas na pagsabog na narinig mula sa nasusunog na building. Ngunit imbes na magulat sa pagsabog na iyon ay hindi. There's someone over those smokes. Nagtama ang mga mata naman and I would lie if I haven't known whom it was in just a glance.
"He can't be my Sebastian again."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (76)

  • avatar
    Park Chimmy

    very nice ☺️

    6h

      0
  • avatar
    Leemen Hoo

    high

    17d

      0
  • avatar
    Patrick Chavez

    papa

    26d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด