logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Chapter 2
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang unang tumambad saakin ay ang kulay beige na kisame.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at dahan dahang bumangon at isinandal ang aking likod sa headboard. Inangat ko ang kamay kong humahapdi at doon ko nakitang nakabalot na ito ng benda.
Napalingon ako sa pinto, "Mabuti't gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?" Lumakad papuntang sidetable si Ate Allison at inilagay doon ang tray na naglalaman ng prutas at lugaw.
Umupo siya sa gilid ng kama at ibinigay saakin ang isang basong tubig pati na isang tableta.
"Anong nangyari?" Hinawakan ko ang sentido ko dahil sa sobrang kumikirot ito.
"Tinatanong mo kung anong nangyari? Nasa kamay mo ang pruweba," tumayo siya at nagpalakad lakad malapit sa bintana at nagsituluan na ang mga luha niya. "Ginamot ka ni Tito Ariel, isa siyang doctor. At ang sabi niya may phobia ka daw 'saan mo nakuha ang phobia mo?" Tumitig na ito saakin at alam kong masama ang loob niya dahil sa ginawa ko kanina.
Napayuko na lang ako.
Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon. Ang alam ko lang ay natatakot ako. Natatakot akong may tumitingin saakin na lalaki, natatakot akong hawakan nila at natatakot ako sa lahat ng mga negatibong bagay na pumapasok sa isip ko kapag nakakakita ng lalaki.
Bakit nga ba ako natatakot? Saan ko nakuha ang phobia?
"Hindi ko alam, Ate. Wala akong matandaan." Pinisil ko ang palad ko upang maibsan ang kaba.
"Well you must remember why you have Androphobia." Napatingin ako dito na hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang umiiyak.
"Ano ba itong problemang pinasok ni Mommy?!" Narinig kong bulong ni Ate sa sarili at napasapo pa siya sa sarili niyang noo.
"A-Androphobia?" Nagtataka kong tanong at umarko na ang kilay.
"Androphobia, fear of men. Bakit ka takot sa lalaki? Are you being abused back then?" Sunod sunod na tanong nito.
"I don't know. You should know what happened before because you are my family." Pahina ng pahina ng boses ko dahil sa mga huling sinabi ko. Yumuko ako.
Umupo ulit siya sa gilid ng kama at hinawakan ang magkabilang kamay ko.
"Nevermind, How's your feeling right now?"
"Fine. But i am scared, i am scared of what might happen the next time if i ever see a guy." Saad ko na bakas sa tono ng aking boses ang pagkatakot dahil sa nangyaring gulo dahil kanina nang dahil saakin.
"It's okay, were just here. We will help you overcome your fear." Pinasalamatan ko siya sa lahat ng bagay na nagawa niya para saakin. Nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa ni Mommy dahil hindi nila ako sinukuan kahit wala akong alam sa totoong pagkatao ko.
"Salamat," tanging nasabi ko at niyakap siya.
"Just don't do it again. Muntik na si Mommy atakihin sa puso dahil sa ginawa mo. Kailangan mo humingi ng tawad sa kanya. Nagpapahinga siya sa kuwarto niya." Tumango ako dito.
Kailangan ko ngang suyuin at humingi ng tawad dito. Napakalaking perwisyo ang naidulot ko sa kanya at sa mansion.
MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO na pagpapahinga galing sa muntikan ko nang pagpapakamatay ay sa wakas nagagawa ko nang makatulong sa pamamahay. Kahit sa mga simpleng gawaing bahay lang dahil ayoko naman na pahirapan ang kasambahay namin. Itinuturing namin sila na pamilya kaya ayaw rin naming masyadong pinagtratrabaho sila.
"Ma'am, andyan na daw po ang magiging tuitor niyo. Pumunta na daw po kayo sa sala." Saad ni Manang Rosinda na mayordoma nitong mansion.
"Sige po, ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na Shanna na lang po ang itawag niyo saakin. Hindi naman po ako ang amo niyo 'eh." Ngumiti ako kay manang at ngumiti rin siya saakin.
Nilagay ko sa gilid ng lababo ang mop at ibang cleaning materials, naglilinis ako ako ngayon ng tiles nitong kusina.
Pumunta ako sa sala at doon nakita kong nag uusap si Mommy at ang sinabing tuitor.
"Nandito na pala siya," tumayo silang dalawa. "Ms. Marie, this is my daughter Ashanna May Sevilla. And Shanna, this is Ms. Mariechris Salvacion your tuitor as a senior highschool." Pagpapakilala saamin ni Mommy, nagshake hands kami.
Nagsimula na kaming maglecture kaya umalis na si Mommy upang pumunta sa Opisina niya.
Walang kompanya o kung anumang negosyo si Mommy. Isa siyang supervisor sa isang malaking kompanya at magreresign na siya kapag nakapagtapos ng pag aaral si Ate Allison. Ipinamana lang ang mansiyong ito sa panganay na anak at iyon ay si Mommy. Si Tito Ariel naman ay isang psycologist.
Nasa university ngayon si Ate at magiging busy siya dahil ilang linggo rin siyang hindi nakapasok sa university dahil inaalagaan niya ako.
"Good morning Ms. Sevilla. Shall we start?" Magalang na saad ni Ms. Salvacion kaya naman tumango na lang ako.
MATAPOS ANG LIMANG ORAS NA PAGTUTURO ay sa wakas nagpaalam na kami sa isa't isa. Sobrang rami kong natutunan ngayong araw sa mga subjects na tinalakay namin.
Ipinikit ko muna ang mga mata ko at isinandal ang ulo ko sa couch. Nadrain ang utak ko sa lecture namin, hayst!
Iminulat ko ang mata ko at tiningnan ang katabi kong Sidetable na katabi lang ng couch. Kinuha ko ang picture frame doon at pinagmasdan ko ang mga taong nasa loob ng picture.
Si Mommy, si Ate at may kasama silang lalaki na nakaakbay kay Mommy. Siguro si Daddy iyon.
Teka! Nasaan nga pala si Daddy? At bakit wala ako sa family picture na ito. Mukha namang malaki na dito si Ate Allison.
Nakaupo si Ate Allison sa isang swing at nakatayo naman sa likod niya si Mommy at si Daddy. Masayang masaya sila doon at makikita iyon sa kanilang mga mata.
Bakit kaya wala ako doon? Matanong nga si Mommy mamaya.
Umakyat na ako sa papunta sa kwarto ko ngunit tinitingnan ko ang paligid. May isang malaking portrait na nakasabit sa dingding na katabi lang nitong hagdanan sa pangalawang palapag. Portrait kaagad ang bubungad saiyo kapag umakyat at bumaba ka ng hagdan.
Hindi ko ito napapansin sa tuwing umaakyat at bumababa ako dito. Siguro dahil hindi ko na pinapansin ito dahil sa marami kong iniisip.
Pinagmasdan ko ng maigi ang portrait at tatlong imahe lang ang nakikita ko. Si Mommy, si Daddy, at si Ate Allison. Nasaan ako?
Bakit mukhang wala akong picture na kasama sila sa bahay na ito. Hindi ba ako mahilig sa camera?
Dumaan si Manang Rosinda sa hagdanan kaya naman tinanong ko siya.
"Manang di'ba matagal ka na dito?" Tumango siya, "bakit po wala ako sa portrait na iyan?"
Nagdadalawang isip sumagot si Manang at halata rin sa mukha nito na parang hindi niya alam ang isasagot.
"Hindi ko po alam, ang alam ko po kasi ay hindi ka po talaga lumalabas ng kwarto mo at ayaw mo po palaging nadadaplisan ng camera ang iyong mukha." Napatango tango na lang ako sa sinabi niya at agad naman siya umalis.
"Hi Sis!" Lumingon ako sa front door at papasok mula rito si Ate Allison na mukhang sobrang saya.
Bakit kaya?
Umakyat siya sa hagdanan at huminto isang baitang mula saakin. Yumakap siya saakin ng mahigpit.
"Mukhang ang saya saya mo ngayon 'ah?" Nahahawa ako sa pagngiti niya kaya't sinabayan ko na lang ang trip niya.
"Wala naman, sobrang saya ko lang talaga ngayon. Mamaya ko na lang ikwekwento maliligo muna ako. Bye!" Nauna na siyang humakbang at diretsong pumasok sa kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko.
Umakyat na rin ako sa itaas at pumasok na rin sa kwarto ko.
Pumunta muna ako sa human sized mirror at tiningnan ang kabuuan ng katawan ko. Nakasuot ako ngayon nang pink na pajamas at blue na oversized t-shirt.
Pinipilit ako ni Ate Allison na magsuot ng katulad nang mga sinusuot niya na mga croptop ngunit tumanggi ako. Gusto niya daw akong maging barbie niya dahil bunso ako kaya hindi niya naiwasang magtampo ng tumanggi ako. Ayoko kasing naeexpose ang balat ko dahil hindi ako komportable kapag may tumitingin saakin, lalo na lalaki.
Napansin ko ang kwintas na nakasabit sa leeg ko. Mas lumapit pa ako sa salamin upang mapagmasdan ng mabuti ang kwintas. May nakabitay dito na hugis bilog at isa nga itong orasan na maliit. Gumagalaw ang mga kamay na nasa loob ng relo palatandaan ng orasan.
Napangiti ako nang makita sa likod ng pendant ang nakasulat, 'Time is gold'
Hindi ito ginto o silver o kahit anong mamahaling mga bato. Isa lang itong recycled, siguro nakuha ito sa isang wristwatch dahil sa laki nito. At ang tali naman ay isa lamang Rosegold na nakikita sa palengke. Mukhang pinaghirapan itong gawin ng kung sino man ang gumawa nito.
Habang pinagmamasdan ko ang kwintas na suot ko. Nahagip ng mata ko ang isang peklat na hindi naman medyo kalakihan. Nasa gilid ito ng aking tenga at parang nadaplisan ng kutsilyo, nasa 2 pulgada ang haba ng peklat at pahiga ito kaya tumagilid pa ako upang makita ang kabuoan ng peklat.
Saan ko ito nakuha? Mukha kasing bago lang ang peklat na ito dahil medyo sariwa pa siya pag hinahawakan.
Iniangat ko ang braso ko at doon ay nakita ang isa pang peklat, kagaya ito ng nasa leeg. Para bang nataga ito ng itak. Medyo malaki ang peklat dito sa braso at wari ko rin ay parehas lang sila ng nasa leeg na bago.
Saan ko nakuha ang mga iyon? Siguro nakuha ko iyon noong hindi pa ako nawawalan ng alaala.
Nagkibit balikat na lang ako sa natuklasan ko sa aking sarili.
Sasakit lang ang ulo ko kung aalalahanin ko pa ang bagay na hindi ko talaga maalala. Kung ipipilit ko, ako lang rin ang magdurusa.
Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako sa Cr. Hindi ko ginagamit ang mga binigay saakin ni Ate Allison na beauty cares dahil gusto ko natural lang ang skin ko. Gusto ko ring pinapatuyo ang buhok ko ng sariwang hangin kesa sa blower. Hindi rin kasi ako sanay.
Pumunta ako sa bintana at binuksan ito upang makapasok ang sariwang hangin. Kinuha ko ang isang monoblock chair at inilagay ito sa harap nang bintana atsaka umupo. Ipinatong ko ang ulo ko sa braso kong nakapatong rin sa kinatatayuan ng bintana. Sumilip ako sa labas.
May naririnig akong pagtugtog ng gitara kung kaya't lumingon ako sa kabilang gilid at nakita ko sa gate ng mansiyon ang tatlong lalaki. Ang isa ay naggigitara, ang isa naman ay kumakanta at ang isa ay may hawak na teddybear at rosas.
Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa nakita ko. May lalaki...
Pinapasok ni Manang Rosinda ang tatlong lalaki habang nanghaharana pa sila. Mas lalo tuloy naging malinaw ang kanta sa pandinig ko. Naririndi ako.
Umatras ako sa kinauupuan ko nang lumingon sa akin ang may hawak na Gitara at kinindatan ako dahilan upang mas lalo akong manginig sa takot.
Natumba ako sa upuan dahil sa pag atras, ngunit dali dali akong sumiksik sa gilid ng kama at doon ko tinakpan ng dalawang palad ko ang aking tainga.
Naririndi ako. Naririndi ako sa boses nila. Natatakot ako. Natatakot ako.
Mas lalong lumakas ang boses ng lalaki dahil siguro sinabayan na siya ng dalawang kasama niya upang mapaiyak na ako.
Naririnig ko na naman ang boses nang lalaking matagal nang nasa bangungot ko.
'ASHANNAAA! MAGPAKITA KA! WALA KA NANG TAKAS!! AKIN KA NA!'
Mas lalo akong nagsumiksik sa gilid ng kama nang marinig ko naman ang salitang iyon.
Napapahagulhol na ako dahil sa sobrang takot. Hindi pa rin tumitigil ang pagkanta sa ibaba.
'Sigurado naman ako na wala ka nang mapagsasabihan ng nalaman mo. Dahil nalalabi na lang ang oras mo dito sa mundo'
Tumayo ako at tinakbo ko ang pagitan ng pinto upang ilock ito. Sinarado ko na rin ang bintana ko upang ang tanging lampshade na lang ang natitirang ilaw dito sa kwarto.
Iyak lang ako ng iyak sa gilid habang hindi pa rin tumitigil ang katawan kong nanlalamig at nanginginig dahil sa takot. Kumikirot rin ang ulo ko, nahihirapan na ako sa paghinga.
Tumigil ako sa pag iyak ng marinig ko ang mga yapak ng taong paparating sa kinaroroonan ng kwarto ko. Naririnig ko pa ang tawanan mula sa labas.
Pumapasok na naman sa isip ko ang isang tunog... Tunog ng tao at ng mga tuyong dahon na naapakan nito.
Habang papalapit sa pintuan ko na sa tingin ko ay si Ate Allison, mas lalong lumalakas sa pandinig ko ang mga tuyong dahon na naaapakan.
Nagmadali akong pumasok sa may closet at doon nagtago.
Baka makita ako ng taong palagi ko nakikita sa aking mga bangungot. Baka matunton niya ako.
"ASHANNA?" Kumatok si Ate Allison ngunit mahigpit kong hinawakan ang bibig ko upang hindi nila marinig ang paghikbi ko.
"Ashanna? Gising ka pa?"
'ASHANNAAAAA HINDI MO KO MATATAKASAN!'
"Tulog na yata siya, hayaan na lang natin muna siya." Narinig ko ang mga hakbang nila na papalayo kaya naman medyo nahimasmasan na ako.
Nasinok sinok ako sa aking paghagulhol, nanginginig na rin ang buo kong katawan.
Ano ba talagang nangyari saakin at bakit ako nawalan ng ala ala? Bakit palagi na lang akong binabangungot ng lalaking iyon at ng batang babae? Bakit ako natatakot sa mga lalaki sa hindi ko maipaliwanag na dahilan?
Sa totoo lang naguguluhan na ako! Gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko at wag nang alalahanin pa ang mga tanong na lalong nagpapagulo sa isipan ko...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (5)

  • avatar
    Cyrus Kim Daliva

    wow

    04/07

      0
  • avatar
    Rexie Benjamin

    Nakakakilabot at kwento at naaawa ako sa babae na gusto pang mabuhay, ang tiyuhin nya ay sobrang sama at nagawa nya iyon sa sarili niyang pamangkin, nakakakilabot ang kwento na parang nangyayari sa totoong buhay

    02/01

      0
  • avatar
    Elijah Monterde

    this is so nice

    07/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด