logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

Chapter 1
Nagising ako at tumambad sa akin ang damuhan na ngayon ay hinihigaan ko. Tumihaya ako at lumingon sa kalangitan na puno ng mga ulap at ang sariwang simoy ng hangin ay aking nalalanghap.
Bumangon na ako at inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Puno ito ng mga halaman kaya napangiti ako. I like plants so much. Nahagip ng paningin ko ang isang kubo na nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Humakbang ako papunta sa kubo. Ngunit napahinto ako nang mahagip ng aking mata ang bata na nakasilip ngayon sa nag iisang kubo dito. Ngunit nang makita niya ako ay mabilis siyang umalis sa tapat ng bintana. Kaya naman pumunta ako sa kubo na iyon.
Kakatok sana ako sa pintuan nila ngunit may narinig akong paghikbi at nagsasalita sa loob. Kung kaya't humakbang ako sa bintana na katabi lang ng pinto at dahan dahan sumilip. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang ginagawa ng dalawa.
"Wag ka nang umiyak. Wala akong gagawing masama sa iyo. Gusto lang kita pasayahin dahil alam kong nagluluksa ka pa sa pagkawala ng kapatid mo." Bulong ng lalaking medyo payat at kulay brown ang balat nito na matangkad. Blurred ang mukha nito pati na rin nang batang babae na sa tansya ko ay 13 yrs old.
Samantalang ang bata naman ay nakaupo sa pinakagilid ng katre habang humihikbi at nagtatago mula sa lalaki. Mukhang natatakot siya.
"Hindi pa patay ang Ate ko! Nawawala lang siya at hahanapin ko siya." Sigaw ng batang babae sa lalaki, nagulat ako nang ilabas ng lalaki ang itak niya at itinaas ito.
Mas lalong kinabahan ako sa itsura nang bata na parang nag mamakaawa na wag siyang papatayin. Gusto kong pigilan ang lalaki sa gagawin niya ngunit hindi na ako makakilos dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang maibuka ang bibig ko.
"Wag kang mag aalala. Mararating mo ang langit sa gagawin ko." Saad ng lalaki at akmang tatagain na niya ang batang babae ng sumigaw ako at mandilim ang buong paligid.
"WAGGGGGGG! WAGGGGG HINDI! HINDI! HINDI!!!" Napabalikwas ako sa kama at kinakapos ako ng hininga dahil sa pagsigaw ko. Sobrang lamig ng palad ko at nanginginig ang buong katawan ko. Tumatagaktak na rin ang pawis mula sa noo ko.
Napasandal ako sa headboard ng kama ko habang niyakap ko ang tuhod ko sa panginginig ng buong katawan ko. Iniyuko ko ang ulo ko habang nagpatuloy sa pag iyak.
"Wa- wag! W-w-wag! Please! Wag mong ituloy ang balak mo. Nagmamakaawa ako saiyo!" Paulit ulit kong saad habang hindi ko na mapigilan ang pagkapos ng hininga dahil sa tindi ng iyak ko.
Bakit parang totoo? Bakit palagi ko yun napapanaginipan? Ano ba talaga ang gustong ipahiwatig nito?
May kinalaman ba ito sa past ko na hindi ko maalala?
"What happened?" Iniangat ko ang ulo at tiningnan ang taong nagkukumahog makalapit saakin.
Bigla siyang yumakap saakin dahilan upang mas lalo akong umiyak.
"Ate hindi ko siya naligtas! A-Ate hindi ko siya nagawang iligtas! Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya." Saad ko sa pagitan ng paghikbi ko.
"Shhhh! It's just a dream. Hindi ka na nasanay, palagi mo na yang napapanaginipan pero hanggang ngayon affected ka pa rin. Panaginip lang iyon 'okay. No more, no less." Pagpapagaan ni Ate sa loob ko.
At dahil sa sinabi ni Ate Allison medyo gumaan ang pakiramdam ko. It's always in my dream. Every night i always dreamed about that girl.
"Diba nga? Sabi ng doktor mo, dahil lang daw sa pagtulog mo ng dalawang buwan kaya kung ano ano ang naiisip mo. Magpahinga ka and then it just dissapear, just don't mind it. Again, it just a dream." Hinaplos ni Ate Allison ang likod ko.
"I hope so, ma-maybe it's part of my past? Baka may kinalaman ang bangungot na iyon sa nakaraan ko?" Tiningnan ko ang kapatid ko sa nagmamakaawang tingin.
I am desperate to know everything about my past. But they didn't let me dahil makakatrigger lang iyon sa utak ko at baka hindi na talaga bumalik ang alaala ko kapag pinilit ko.
"Haysst! Yan ka na naman Ashanna sa pagcoconclude mo nang kung ano ano. We are your family, you don't believe us, 'do you?" Bakas sa tono nang boses nito na nasaktan ito dahil sa paulit ulit na pagtatanong ko about sa past ko.
"That's not what i mean, Ate. I just want to know some part of my past. Para kahit papaano ay may alam ako sa pagkatao ko." Saad ko dito at bigla naman lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"I'm sorry, alam mo naman diba na makakatrigger saiyo ang mga sasabihin naming memories mo. Dahil baka mag iba na ang pumasok na alaala sa isip mo. Magiging dahilan pa ito ng permanenteng pagkawala ng alaala mo."
"Please?" Pagmamakaawa ko dito at napahinga na lang siya nang malalim.
"Bago mangyari ang aksidente, we went to our resthouse in palawan. You love it there kaya nagsuggest ka this sembreak na doon tayo magbakasyon. Then noong nandoon na tayo bigla kang lumusong sa dagat at dahil alam mo naman lumangoy, i went inside para tulungan si Mama sa mga bagahe natin. Nang lumabas ako sa resthouse i saw you in the seashore, nakahiga ka at puno nang dugo ang katawan mo. Hindi namin alam ang nangyari saiyo.  We thought na dahil sa sobrang lakas ng alon at low tide pa that time kaya mabato at kitang kita pa sa dagat ang mga rock formation na matutulis.
You love to go in the rock formation everytime we go here. Sobrang alon nang dagat that time kaya naisip nang doktor na nauntog ka sa rock formation sa dagat dahil sa impact ng alon at nahimatay ka sa dagat. Nakita ka na lang namin sa buhanginan. Kaya dinala ka na namin ni Mama sa ospital. They said na hindi ka na daw mabubuhay dahil sa daming tubig dagat ang naabsorb ng katawan mo.  Pero nanalig kami at hindi kami sumuko hanggang magising ka na. 2 months ka rin nacomatose at paggising mo wala ka nang maalala.
I felt bad! Ako yung Ate, ako dapat yung nagbabantay sayo. Because of me, you lost all your memory with us. You lost every single moment na magkasama tayong pamilya. You are a very sweet sister and person before that incident. But after that, everything change." Napaluha na lang ako sa lahat ng sinabi niya.
I am too hash to them!
"Do i have friends? Highschool? College?" Sunod sunod kong tanong dito na nagpaiyak na talaga sa nakakatandang kapatid ko.
"You're an introvert, palagi kang inaaway nang mga schoolmate mo dahil ikaw palagi ang nangunguna sa klase niyo. There was a time na hinulog ka rin ng isang schoolmate mo sa hagdanan ng building niyo nung highschool ka. That's why pinili na lang ni Mama na maghomeschool ka para iwas disgrasya. Hindi mo pa rin ba kami pinaniniwalaan? It's been a month since magising ka. Pero hanggang ngayon pinagdududahan mo pa rin kami. Sobrang nahihirapan at palagi ko na lang nakikita si Mommy na umiiyak dahil ang bunso namin ay hindi pinaniniwalaan ang pamilya niya." Patuloy na sa paghagulhul si Ate Allison upang matuliro ako at agad ko siyang niyakap.
"Sorry po! Sorry kung naging insensitive ako, sorry kung pinagdudahan ko kaagad kayo. Tama nga kayo, pamilya ko kayo kaya dapat higit sa lahat kayo dapat ang pinaniniwalaan ko. Mula ngayon kayo na lang ang tanging taong pagkakatiwalaan ko. Salamat Ate Allison dahil binigyan mo ko ng clue tungkol sa pagkatao ko. Gusto ko nang makaalala dahil gusto kong mabalikan ang mga moment na kasama ko kayo." Saad ko sa pagitan ng yakap namin.
Bumitiw na kami sa yakapan at tumingin saakin ito nang umiiyak pa rin.
"Don't force yourself too much para lang makaalala dahil pwede naman tayong gumawa ng panibagong alaala." Nakangiti na ito saakin kaya napangiti na rin ako.
Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ng kapatid ko.
Dahil lang sa alaala ko, nagawa kong saktan ang damdamin ng pamilya ko. I shouldn't do that. From now on i will focus on my family. Ate Allison is right, i will just let all my memory to come in the right time.
"Tama na itong dramang ito. Let's go outside, we have a very important visitors." Hinawakan ni Ate ang kamay ko at pinilit niya akong papasukin sa loob ng Cr upang makapag shower na.
Nagbihis ako pink dress na longsleeve,at below the knee. Bumaba na ako sa spiral stairs na sa tuwing nakakalapit ako sa hagdanang ito palagi na lang ako namamangha sa ganda at tibay nito. Ang mansyon ni Mommh ay nagmula pa sa ninuno namin at hanggang ngayon ay binubuhay pa rin ng pamilya namin.
Inilibot ko ang buo kong paningin sa sala nang ako ay makababa. Napakalawak rin nang sala at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa mga gamit na mararangya. Parang ngayon pa lang ako nakakita nang ganito kamamahal na mga Vase, painting at kung ano ano pang palamuti sa loob nang mansiyon.
Spanish mansion ang style nang mansion na ito at tanging kulay ginto at silver lang ang makikita mong kulay nitong mansyon pati na rin ang mga palamuti na galing pa yata sa iba't ibang bansa.
Dati pa ako nakatira sa mansiyon na ito as Ate Allison said. Pero dahil nga i lost my memory feeling ko ngayon pa lang ako nakakatapak sa mansyon at siguro normal lang iyon. It's been a month since i lost my memory kaya hindi ako nagiging pamilyar sa pasikot sikot ng mansyon na ito.
Dumiretso na ako sa dinning area kung nasaan ang mga bisita. Ang sabi ni Ate dito daw ako dumiretso.
Pumasok na ako sa malaking pinto kung saan nakakonekta ang dining area. Naestatwa ako sa paglalakad nang makita kung sino ang bisita.
Nagsimula nang manginig ang lahat ng kalamnan ko sa katawan at nanlalamig na rin ang buong katawan ko dahil sa takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nakakaramdam ako nito.
"Ashanna tara kakain na tayo!" Pag aaya ni Mommy Madison. Ngunit nanatili lang ako nakatayo sa tabi nang pintuan.
Nabalik ako sa ulirat nang biglang lumapit saakin si Mommy Madison at hinila ako papunta sa lamesa kaya naupo na ako sa tabi ni Ate Allison habang katapat ko ang isa sa bisita.
"Oh! Bakit nanginginig ka? Malamig ba?" Nagtatakang tanong ni Mommy at hinaplos pa ng palad nito ang leeg ko.
"Namumutla ka rin? Okay ka lang, Ashanna?" Pagtatanong naman ni Ate Allison.
Pinilit kong ngumiti kahit pati ang labi ko ay nanginginig rin dahil sa takot na hindi ko maipaliwanag.
"O-okay la-lang po ako," nanginginig ang mga labi ko kung kaya't dali kong itinikom na lang ang bibig ko.
Nagkibit balikat na lang si Ate Allison at Mommy Madison at naupo na sila at nagsimula nang magsandok ng pagkain sa mga plato namin.
Sobrang kabog ng puso ko na parang kahit anong oras ay lalabas na ito. Hindi na ako makahinga nang maayos.
"Ashanna, ito ang pinsan mo si Billy Medina." Pagpapakilala ni Mommy sa lalaking katapat ko lang ngayon. Iniangat ko ang tingin ko ngunit mukhang maling hakbang iyon dahil mas lalong sumakit at kumirot ang ulo ko.
"Hi, Ashanna!" Bati ni Billy ngunit nakayuko lang ako at hinwakan ko ang magkabilang palad ko upang matigil sila sa panginginig. Ganun na rin ang mga paa ko ay nanginginig rin.
'Hi Ashanna'
'Hi Ashanna'
'Hi Ashanna'
Paulit ulit nag echo sa tainga ko ang boses ni Billy na para bang kahit anong oras ay maririndi na ito sa boses na paulit ulit nag eecho sa pandinig ko.
"And this is your, Tito Ariel," sinubukan ko muling tumingin sa mga mukha nila at nakangiti silang dalawa saakin.
Si Billy ay may salamin sa mata at may brace, kulay pink rin ang buhok nito. At ang Papa naman niya ay kalbo at medyo mataba. Ngunit parehas silang hindi maitatangging may itsura.
"Nice to meet you iha," nilahad nito ang kamay niya saakin. Katabi niya ang anak niyang si Billy kaya malapit lang rin kami sa isa't isa.
Nagdadalawang isip ako kung kailangan ko bang makipagshake hands? Ngunit mas pinili ko na lang din na ilahad ang nanginginig kong kamay.
Nang maglapat ang mga palad namin ay biglang nanginig ulit ang buong katawan ko. This time parang gusto ko nang magwala dahil sa nagflash sa utak ko.
Payapa akong naghuhugas ng pinggan sa aming maliit na kusina, kung saan ilang pulgada na lang ay maaabot na ng ulo ko ang pawud namin na bubong. Maya maya pa ay naramdaman kong may humawak sa palibot ng baywang ko kaya hindi ako nakagalaw agad. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahilan upang malaglag sa lababo ang hinuhugasan kong baso.
Bigla kong naramdaman ang paghapit saakin ng taong nasa likod dahilan upang mapaharap ako dito. Blurred ang mukha nito at hahalikan na dapat niya ako sa may leeg ngunit agad ako nabalik sa wisyo at nakita ko ang kapatid ni Mommy na ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ko.
Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya at agad tumayo sa kinauupuan ko. Umatras ako at natabig ng nanginginig kong kamay ang plato ko na may laman nang pagkain upang malaglag ito sa marmol na sahig at nabasag.
Napatayo rin ang mga kasama ko sa hapag kainan at ngayon ay nakatingin na saakin na may pag aalala sa mukha.
Tuluyan nang nagsipatakan ang luha ko nang pumasok na naman sa utak ko ang scenariong nakita ko kanina nang makipagshake hands ako kay Tito Ariel.
Natatakot ako. Natatakot ako ng husto sa hindi malamang dahilan.
"What's wrong? Masama ba ang pakiramdam mo? Ihahatid na kita sa kwarto mo." Nag aalalang saad ni Ate Allison ngunit hindi ko siya pinansin. Bagkus patuloy lang ako sa pag atras at hindi alintana ang mga plorera at palamuting aking natatabig.
"Ayoko! Ayoko sayo! Ayoko! Please pakawalan mo ko!!" Humagulgul na ako dahil sa mga imaheng nakikita ko sa aking isip. Parang sirang plakang nagpaulit ulit ang tangkang panghahalay sa kung sino man ang babaeng nandun sa isip ko.
Nilagay ko sa magkabila kong tainga ang aking palad upang matigil na ang mga iyak na naririnig ko.
"TAMA NA! TAMA NA!" Patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko hanggang mapasandal na ako sa pinto ng dining area.
Tinumba ko ang malaking vase na nandito sa tabi ko upang mabasag ito at makalikha ng nakakabinging tunog. Nasugatan na rin ang paa ko dahil wala akong suot na tsinelas. May mga daplis na rin ng bubog ang aking palad.
Ngunit wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman kong takot at kaba dahil sa hindi ko malamang dahilan.
"ASHANNA! Ano bang nangyayari saiyo?" Naluluha na si Mommy habang nagtatangkang lumapit saakin ngunit hindi na niya nagawa dahil umiyak na siya at inalo siya ni Ate Allison.
"Ashanna," napalingon ako sa taong nagsambit nang pangalan ko at nakita ko si Billy na akmang lalapit saakin.
'ASHANNAAA! MAGPAKITA KA! WALA KA NANG TAKAS!! AKIN KA NA!'
'ASHANNAAA! MAGPAKITA KA! WALA KA NANG TAKAS!! AKIN KA NA!'
'ASHANNAAA! MAGPAKITA KA! WALA KA NANG TAKAS!! AKIN KA NA!'
Paulit ulit nag echo sa aking isipan ang salitang bigla na lang sumulpot sa pandinig ko.
Yumuko ako at pinulot ang bubog na nasa paanan ko at tiningnan ang dalawang lalaki akmang lalapit saakin. Si Tito Ariel at si Billy.
"HU-HUWAG KAYONG LALAPIT!" banta ko sa kanila at itinutok ang bubog na hawak ko.
"Ashanna, huminahon ka." Ani Ate Allison na bakas na rin ang kaba sa mukha.
"Hu- huwag kayong lumapit."Mahina kong saad dahil sa sumakit ang lalamunan ko sa pagsisigaw.
Nakita ko na naman ang batang babae na napanaginipan ko kanina.
Gusto kitang iligtas. Gusto kong malaman kung sino ka.
Nanginginig kong itinaas ang pulso ko at itinapat ko na rito ang bubog.
Naririnig ko ang pagsigaw ni Mommy at ni Ate ngunit hindi ko sila pinakinggan.
Sobrang naghihirap na ako sa kalagayan ko.
Wala akong maalalang kahit ano, patuloy rin akong pinapahirapan ng bangungot na paulit ulit kong nararanasan sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Might as well end everything. I am so tired of nothing, i am so tired of this nightmare that keep on playing in my mind. Gusto ko na lang mamatay 'tutal wala na akong silbi dahil wala akong maalala.
Sa huling pagkakataon ay muli kong tinitigan ang dalawang lalaking nandito sa loob. Dahil rin sa kanila kaya ko magagawa ito.
Sobrang natatakot ako sa kanila... Natatakot ako sa mga lalaki sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Pumikit ako at sinugatan na ang aking palapulsuhan, dahilan upang mandilim ang paningin ko at bumagsak sa sahig na puno ng bubog.
Bago ko ipikit ang aking mga mata ay sana pagmulat ko kasama ko na ang batang babae.
Feeling ko kilala ko siya. Sana pagmulat ko ay payapa na ang mundo ko at hindi na matatakot sa kung ano man ang bumabagabag sa kalooban ko...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (5)

  • avatar
    Cyrus Kim Daliva

    wow

    04/07

      0
  • avatar
    Rexie Benjamin

    Nakakakilabot at kwento at naaawa ako sa babae na gusto pang mabuhay, ang tiyuhin nya ay sobrang sama at nagawa nya iyon sa sarili niyang pamangkin, nakakakilabot ang kwento na parang nangyayari sa totoong buhay

    02/01

      0
  • avatar
    Elijah Monterde

    this is so nice

    07/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด