logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3

TRUST
Hinihingal akong huminto sa pagtakbo at mabilis na nilingon ang pinanggalingan ko. Iyong lalaking ‘yon! Kahit na nakalayo na ‘ko sa kanila ay nag-iinit pa rin ang ulo ko. Huwag ko lang siyang makasalubong sa daan at baka masuntok ko ulit siya.
Tinignan ko ang siko kong namamanhid at nanlumo na lamang noong makitang nagdurugo iyon. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng aking uniform bago humugot ng hininga.
Akmang hahanapin ko na sana si Luna noong may makabunggo akong babae, may hawak itong kape kaya naman nabuhos ito sa uniform niya noong nagkabungguan kami.
“What the fuck?!” mura nito at galit na tumingin sa akin.
Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa uniform niyang namantsahan na ng kape. Mabilis na nanlaki ang aking mga mata noong bigla niya akong hinila at ang masaklap pa roon ay ang braso kong nagdurugo ang hinablot niya.
“A-Aray!” daing ko noong ibaon nito ang kuko sa balat ko.
“Hindi mo ba tinitignan ang dinaraanan mo?! Are you stupid?!” galit niyang sigaw sa tainga ko at halos mabingi ako roon.
“I’m sorry okay? Hindi kita nakita!” may halong inis kong sabi habang pilit na tinatanggal ang kanyang kamay.
“Inamin mo rin na tanga ka!” sigaw niya kaya mabilis na tumaas lahat ng dugo ko.
Mariin kong hinablot ang aking brasong mahigpit niyang hinahawakan.
“Pwede mo bang linisan ‘yang tainga mo? Masyado kasing marumi,” sarkastiko kong sabi.
Nagulat siya sa paglaban ko ngunit mabilis itong ngumisi sa akin bago dahan-dahang iniangat ang kamay sa ere. Gulat akong napatingin sa pasong nakalagay sa isang sulok noong bigla itong umangat sa ere nang mag-isa. Anong ginagawa niya?! Is she using her power on me?! Ang mga kasamahan niya ay bigla akong hinawakan kaya naman wala na akong kawala sa kanila.
Pinilit kong kumuwala sa pagkakahawak nila ngunit masyado silang marami. Gumalaw ang kamay ng babae kasabay rin ng paggalaw ng pasong patuloy pa ring nakaangat sa ere. Tila may paa ang pasong ito noong pumantay ito sa ulunan ko. Mabilis akong nanigas sa aking kinatatayuan kasabay ng panginginig ng aking tuhod habang nakatingala sa pasong tumigil sa paggalaw sa tapat ng ulunan ko! Pinilit kong kumuwala ngunit bigo pa rin ako sa huli.
“Don‘t ever try to hit me,” madiin niyang sabi.
Bago pa man ako makapagsalita ay biglang lumitaw ang likuran ni Luna sa harapan ko at buong pwersang itinulak ang babae. Kisap mata ako nitong hinila bago pa man mabasag ang pasong nasa ulunan ko. Sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko na lamang silang nagbibigayan ng matitinik na mga salita sa harapan ko. H-How did she do that?
“Stop using your power against her, Natalie!” malakas na sigaw ni Luna sa kanya.
“Bakit? Dahil ba duwag siya at hindi niya kailanman niya ako matatapatan?” proud na tanong ng babae bago sumulyap sa akin.
Mabilis na kumuyom ang kamao ko at ang pangingingit ng ngipin ko dahil sa sinabi niya, hindi ako duwag sadyang hindi lang siya patas! Kung may kapangyarihan lang ako unang-una kong gagamitin ito sa kanya! Grrr! Akala ko katapusan ko na!
“Dikit ka lang sa invulnerability student kaya ka nagtatapang-tapangan r’yan!” hirit ni Luna.
“Well I should thank you,” nakangisi niyang sabi.
Bumaling muli ito sa akin at agad ako nitong sinamaan ng tingin.
“Try to hit me again, malalagot ka na SA KANYA,” aniya.
“Let’s go girls,” aya niya sa kanyang mga alipores.
Dumaan sila sa gilid namin at sinadya pa ako nitong banggain. Hahabulin pa sana sila ni Luna ngunit pinigilan ko na ito.
“Ang panget mo, Natalie!” bigla nitong sigaw kaya mabilis ko itong sinuway.
Inayos nito ang nagulong uniform at nag-aalalang tumingin sa akin.
“Are you okay, Brielle? Did they hurt you? Naku! Masasampal ko na ‘yang Natalie na ‘yan! Sumusobra na siya!” saad niya kaya mabilis akong umiling.
“I-I’m fine, Luna. Thank you. Ang tapang mo kanina,” nakangiti kong sabi.
Ngumiti ito sa akin bago hawakan ang dalawa kong kamay. I never thought she will save me. But she did.
“Ano ka ba! Ako lang ‘to, Brielle,” nakangiti niyang sabi.
Yinaya ako nitong magpunta sa cafeteria upang kumain kaya sumama ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.
“Sino pala ang babaeng iyon?” tanong ko.
I’m curious about that bitch girl.
“Ah... Si Natalie? Siya si Natalie. Isang telekinesis,” sagot niya.
Napatango-tango ako habang inaalala ang babaeng nakaharap namin kanina nang biglang sumagi sa aking alaala ang hindi makapaniwalang ginawa ni Luna. Bumaling ako ng tingin sa kanya at nagdalawang isip pa kung tatanungin ko ba sa kanya ang tungkol doon.
“L-Luna,” tawag pansin ko dito.
Tumigil ito sa paglalakad at nakangiting bumaling ng tingin sa akin.
“Yes Brielle?”
“P-Paano mo nagawa iyon?” kunot noo kong tanong.
Kumunot ang kanyang noo dahil hindi nito naintindihan ang sinabi ko.
“‘Yung biglang paglitaw mo kanina? Paano mo nagawa ‘yun?” tanong ko.
Saglit itong natigilan bago unti-unting kumurba ang gilid ng kanyang labi.
“That’s my power, teleportation,” sagot niya.
Mabilis akong napanganga dahil sa sinabi niya. Teleportation?! Teleportation is really exist?! What the fudge?
Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan at nanatiling gulat na gulat. Bumalik lamang ako sa wisyo noong pumalakpak sa harapan ko si Luna. Nakarating kami sa cafeteria at mabilis kaming naghanap ng bakanteng upuan. Kaunti lamang ang mga estudyanteng naroon kaya naman malaya kaming nakapili kung saan kami pupwesto.
“Ngayon ka lang ba nakarinig ng ganitong kapangyarihan? Brielle, napakaraming naririto ang katulad kong teleportation ang kapangyarihan,” natatawa niyang sabi noong nakaupo kami.
Naputol ang pag-uusap namin noong dumating ang isang lalaking sa tingin ko ay isang waiter. Habang sinasabi ni Luna ang order naming dalawa ay nagkaroon ako ng pagkakataong igala ang aking mga mata sa paligid. Malawak ang cafeteria at ang disensyo nito ay makaluma. Noong nakaalis na ang waiter ay nakangiting humarap si Luna sa akin.
“Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang kapangyarihan mo,” nagtatampo ang tono niyang sabi.
I gulped and avoid my eyes at her.
“C-Can you tell me the different types of powers?” I asked.
Mabilis na kumunot ang noo niya.
“Pero lahat tayo ay alam iyan, Brielle,” nagtataka niya pa ring tanong.
Yumuko ako at doon pinaglaruan ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa.
“Wala akong kapangyarihan,” mahina kong sabi.
“W-What?” hindi makapaniwalang tanong ni Luna kaya napilitan akong mag-angat ng tingin sa kanya.
“It’s true, Luna. Wala akong kapangyarihan, pinilit lamang ako ng mga headmistress na mag-aral dito,” saad ko.
“Pero hindi basta-basta manghihila ang mga headmistress ng kung sino-sino na nanggaling sa mundo ng mga ordinaryong tao upang mag-aral dito, mahigpit na ipinagbabawal iyon, Brielle,” saad niya.
“Pero ‘yun ang totoo!” pamimilit ko kasabay ng pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
“I’m just ordinary girl, Luna. I. Have. No. Powers,” I slowly said, nagbabakasakaling maintindihan niya.
She shook her head and went to my side. She hold my hands tightly and smile at me.
“The headmistresses will never violate the policy of the academy. They enrolled you here because they feel something strange about you, and I also feel, you have the same power as we do. Trust me.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (67)

  • avatar
    DeguzmanAdrian

    thank you so much

    03/08

      0
  • avatar
    Aljun Estelloro

    THISIS GOOD

    28/07

      0
  • avatar
    Marc Adrienne D Galvan

    Ang Ganda nang story na ginawa nila dahil dito my natutunan ako sa bohay ko

    11/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด