logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 7

Winter
Pinuntahan ko si Jett sa police station para makibalita tungkol sa kakambal ko. Hindi na ako makatiis na maghintay na lamang sa tawag niya kaya pagkatapos na pagkatapos ng shooting ay umalis ako, tumakas ako sa manager ko.
"Winter," bungad sa'kin ni Jett. "Anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa ba ang gagawin ko dito? Ano na? Nagpakita na ba sa'yo si Sola?"
"H'wag kang mag-alala, ayos lang s'ya."
"Nagkausap na kayo? Kung gano'n ay grabe na s'ya. Hindi manlang niya nakuhang tawagan ako at magpakita sa'kin?" inis kong sabi. Nag-aalala ako tapos s'ya ay hindi nag-aalala na baka nag-aalala na ako sa kaniya. Kainis!
"Sino ang kasama mo? Driver mo lang?"
Umirap ako dahil sa inis. "Tumakas lang ako dahil hindi mo naman ako tinatawagan. Nag-aalala ako ng sobra at hindi manlang niya ako nagawang tawagan o kaya ay puntahan sa condo ko. Hindi mo rin ako binalitaan na nagkita na pala kayo. Nakakainis kayo, alam niyo ba 'yon? Hayysst..."
"Pauwi na rin ako, ihahatid ko na kayo."
Napatingin ako kay Jett. "Sabihin mo nga sa'kin, nasa isang delikadong kaso ba si Sola?"
"Delikado ang lahat ng kasong kinaharap niya."
"Sagutin mo na lang ang tanong ko." Umirap pa ako.
"Umuwi ka na. Ihahatid ko na kayo. Iyon ang bilin ni Sola kaya makinig ka na lang."
"Tsk." Tumayo ako at padabog na naglakad. "Kapag umuwi kang may bangas, dadagdagan ko pa 'yong lahat, baka kulang pa. Kainis!"
Pumasok na ako sa van at agad sinabing umalis na. Hindi na ako lumingon pa kung nariyan si Jett at sinusundan kami. Mas lalo lang kong nag-aalala dahil sa sinabi niya. Hayysttt... Bakit ba naman kasi kailangan ko pang mag-alala ng ganito? Bakit kasi kailangan na namang mangyari 'to? Solana naman kasi!
"Ahh!" Muntikan na akong masubsob sa upuang nasa harap ko nang biglang mag-preno ang driver ko.
"Anong nangyari?"
"Ayos lang ba kayo, Miss Winter?"
Mas lalo pa yatang nadagdagan ang inis ko. "Ano bang nangyari?" Tumingin ako sa unahan at nakita ko ang kotseng nakaharang sa daraanan namin.
"Saan kayo pupunta, Miss Winter?"
Hindi ko pinansin si Mason, lumabas ako ng van at pumunta sa unahan. Nakita ko ang isang lalaking bumaba rin.
"Ano ba?" bulalas ko pero agad akong napatitig sa mukha niya. Teka, s'ya si Reed Sullivan, iyong pinakamayamang businessman sa bansa. "B-Bakit ba bigla ka na lang lumiko?" Biglang nawala ang inis ko. Nakatingin lang naman s'ya sa'kin na mukhang nagtataka.
"B-Bakit? M-May nasabi ba akong masama? Bakit ganiyan ka makatingin?"
Tumingin s'ya sa van pagkatapos ay tumingin ulit sa'kin. "Sana ay h'wag na ulit tayong magkita pa."
Nagsalubong ang kilay ko. Ano bang pinagsasasabi nito.
"Teka, saan ka pupunta?" pigil ko sa kaniya nang makitang papasok na sana ulit s'ya sa loob ng kotse. "Hindi ka manlang magso-sorry?"
"Sorry," malamig pa sa malamig na sabi niya at tuluyan na ngang pumasok sa loob. Literal akong napanganga.
"Anong klaseng tao ba 'yon? Ang wirdo niya ah." Kumilos na rin ako at bumalik na rin sa van.
"Ayos lang ba talaga kayo, Miss Winter."
"Oo, ayos lang ako."
Bakit parang ang Reed pa na 'yon ang galit? Samantalang s'ya itong biglang lumiko. At anong sabi niya? Nagkita na ba kami noon? Wala naman akong natatandaan na nagkita o nagkausap na nga kami. Pero...
-- 'Sana ay h'wag na ulit tayong magkita pa.'
Teka, nagbabanta ba s'ya?
Si Sola.
"Teka, si Sola ba ang tinutukoy niya?"
Hayssttt, ano na naman ba 'to? Lalo akong nag-aalala at mas naiinis pa.
Pagdating sa condo ay agad kong hinagilap ang cellphone ko. Sasabihin ko ito kay Jett pero...
Muli kong binaba ang cellphone. Hindi dapat ako basta-basta kumikilos at nagsasalita. Hindi ko alam ang nangyayari kaya baka makasama kung magsasalita ako. Baka mapahamak si Sola....
Hayyyssttt!
*-*-*-*-*
Solana
Nakasandal ako sa pinto at pinakikinggan ang pag-uusap ni Tyler at ng isa pang lalaki sa labas. Narinig kong may tumatakbo kanina kaya naman agad akong kumilos para pakinggan ang pag-uusap nila.
"Masamang balita, pinasabog ang lugar kung saan nagaganap ang transaksyon sa mga Wyatt."
Napangisi ako at saka tumayo. "Tsk tsk tsk."
Maya-maya'y bumukas ang pinto.
"Ano?" walang kwenta kong tanong kay Tyler.
"Lumabas ka."
"At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"H'wag ka ng dumada, sumunod ka na lang."
"Tsk." Nakapamulsa akong lumabas at sumunod kay Tyler. Sige, sasakyan ko ang pinaplano niyo. Iyon naman talaga ang plano ko. At sa mga oras pa lang na ito ay mukhang marami na akong malalaman sa mga malalaking isdang 'to.
"Magtatrabaho ba tayo?" tanong ko. Hindi naman ito sumagot, mukhang naiinis na sa mga pinagsasasabi ko. "Anong ganap ko?"
"Manahimik ka."
"Tsk."
Nakita kong sumakay si Dark sa kotse nito, wala itong kasamang sinuman sa sasakyan. Kasunod nitong umalis ay van na sinasakyan ko ngayon kasama si Tyler at iba pang mga tauhan.
Lumiko ang sinasakyan ni Dark samantalang ang sinasakyan namin ay diretso lang. Anong ginagawa niya?
Sumandal na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. At sa palagay ko ay sa pier ang punta namin. At tama nga ako.
"Baba," utos na naman ni Tyler.
"Huwag mo akong utusan, may sarili akong desisyon sa buhay. Tsk." Bumaba ako at tumingin sa umuusok na gawi ng lumang pier.
Nakita kong pumasok ang mga tauhan kaya naman naglakad din ako kasunod nila. May nagkalat na mga walang buhay sa kung saan-saan. Tsk tsk tsk. Sayang ang buhay kung igugugol lamang sa mga walang kwentang katulad nito.
Patingin-tingin ako sa gilid nang may mamataan akong pigura ng taong nagkukubli sa malaking puno at ang baril nitong nakatutok sa kung saan. Sinundan ko kung saan iyon nakatutok at nakita kong kay Tyler.
"Bwisit."
Pumulot ako ng baril na hindi naabot ng pagsabog at mabilis iyong inasinta at ipinutok sa pigura. Kita ko ang pagbagsak nito. Hindi pa naman s'ya patay, sa balikat ko lang s'ya pinatamaan.
Napalingon sa akin ang mga tauhan ni Dark pati na rin si Tyler, nginisihan ko lang ang mga ito at inihipan ang umuusok pang dulo ng baril.
May tumakbo palapit sa pigurang binaril ko at pagbalik ng mga ito ay bitbit na nito ang lalaki.
"Dalhin niyo 'yan," utos ni Tyler.
"Ito ba ang magiging trabaho ko?" bulong ko. "Walang kwenta." Isinama ba nila ako para makita ko ang katarantaduhang ginagawa nila? Ano ba talaga ang binabalak mo Dark? Sa sobrang talino mo, hindi ko na mahulaan ang nasa isip mo. Tsk tsk tsk.
Bukod sa lalaking nakita ko ay wala ng iba pang buhay ang natira.
Naglakad-lakad ako at tumingin-tingin sa paligid nang may lumapit sa akin at sabihing bumalik na sa sasakyan.
Wala ng nagkalat na mga bangkay nang makalabas ako. Mukhang nalinis na nila. Ibang klase.
Pasakay na sana ako sa sasakyan nang may mapansin akong bagay sa ibaba ng paa ko. Pinulot ko iyon.
Isang itim na bracelet na mayroong simbolo.
"Si Dante, nakita niyo?"
Napatingin ako kay Tyler nang tanungin nito ang isang tauhan.
"Si Wesley ang gumanap sa transaksyon. Nailigpit na namin ang bangkay niya." May iniabot itong bracelet kay Tyler. Napatingin din ako sa mga kamay nila at kita ko ang itim na bracelet na kanilang suot ngunit napansin kong iba ang simbolong nakalagay sa bracelet ng ibang tauhan. Katulad ng hawak ko ang bracelet ni Tyler.
Natawa ako at itinago ang walang sirang bracelet sa bulsa ng leather jacket ko.
'Dark, Dark, Dark.'-- paulit-ulit na banggit ko sa isip ko. Mukhang may naiintindihan na ako sa ginagawa mo, pero h'wag kang magpaka-kampante, hindi ko pa rin palalampasin ang ginawa mo sa kaibigan ko. Sabay-sabay ko kayong ipapasok sa kulungan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (8)

  • avatar
    DumaPrincess Marry Joy

    argh bitin naman autor huhu😭

    21/06

      0
  • avatar
    Kg Cabotaje

    okay

    29/10

      0
  • avatar
    DampAk

    keep going making any story☺

    09/07/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด