logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

Xanthe/Winter
Katatapos lang ng shoot ko para sa isang commercial nang lumapit sa akin ang manager ko at sinabing kanina pa may tumatawag sa cellphone ko.
Kinuha ko 'yon at nakita ang pangalan ni Jett, ang police na kaibigan ng kakambal ko.
"Ano naman kaya ang kailangan nito." Sinagot ko 'yon. "Hello?"
"Si Sola, nakipagkita ba s'ya sa'yo?" tanong nito agad at ramdam ko ang tensyon sa boses nito.
"Si Sola? Bakit naman magtatanong ka pa ng ganiyan? Alam mo na naman ang sagot," taas kilay kong tanong kahit hindi naman nito nakikita.
"Sige, salamat na lang."
Ibinigay ko sa manager ko ang cellphone nang putulin nito ang tawag.
Hindi ko kasundo ang kambal kong iyon, galit ako sa kaniya dahil sa pinili niyang trabaho. Delikado ang trabaho niya at natatakot ako para sa kaniya at natatakot din ako para sa sarili ko, baka may magalit sa kaniya at ako ang pagdiskitahan o kaya ay ako ang pagkamalan. Hindi niya 'yon iniisip, na pareho kaming nasa panganib kaya galit ako sa kaniya.
Pero hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa sinabi ni Jett.
Tumayo ako at kinuha ang cellphone kay Manager Kim.
"At saan ka pupunta?" habol niya sa akin.
"Sa police station."
"Ano? Nababaliw ka na ba?"
"Importante ito."
Nakasunod lang naman s'ya sa akin. "Hindi p'wede. Maraming mga fans na nag-aabang sa labas, delikado. At nasisiraan ka na ba ng bait at pupunta ka sa police station? Gusto mong masira ang image ko dahil sa kakalat na chismis na pumunta ka sa station?!"
Hinarap ko s'ya. "Kailangan kong makita ang kambal ko, okay?"
"Makinig ka nga!"
"H'wag kang sumigaw, magdi-disguise ako."
"Napaka tigas ng ulo."
Ngumuso ako. "H'wag mo na akong pagalitan. Payagan mo na ako, kailangan kong malaman kung bakit tinatanong ni Jett kung nagkita kami ng kambal ko, okay?"
"Importante ba 'yan?" paninigurado pa nito. "Pwede namang ako na lang ang gumawa niyan para sa'yo. Ibigay mo lang sa'kin ang cellphone mo at ako na ang tatawag."
"Hindi nga p'wede. Importante nga ito." Naglakad na ulit ako at ngayon ay patakbo na.
"Hoy, Winter. Ano ba?! Bumalik ka dito! Delikado sa labas!"
Hindi ako nakinig imbis ay pumasok ako sa dressing room at nagpalit ng damit, at pinagmukhang manang ang sarili. Lumabas na ako pagkatapos at nakita ko ang nakataas ang kilay na si Manager Kim.
"Sa tingin mo ba'y uubra 'yan? Kahit nakatalikod ka, makikilala ka pa rin na ikaw si Winter."
"Tara na?" aya ko.
"Napakatigas talaga ng ulo."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, naglakad na ako palabas.
Marami nga ang nag-aabang na fans pero nakapuslit pa rin ako dahil sa suot ko. Dali-dali akong lumapit sa van at pumasok.
"Hooo.." malakas akong bumuga ng hangin at inayos ang tabon ko sa mukha. Maya-maya lang din ay kasunod ko na si Manager Kim.
"Nababaliw ka na talaga."
"Sa police station tayo," ani ko sa driver ko.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'to? At bakit sa police station pa? Tawagan mo na lang kaya ulit?"
"Mas maganda kung makakausap ko s'ya ng personal."
"Siguraduhin mo lang na hindi ko makikita bukas iyang mukha mo sa social media."
"H'wag kang mag-alala Manager Kim, mga fans nga eh, nalulusutan ko."
Umiling na lang ito kaya naman nanahimik na rin ako.
Nang makarating kami sa police station ay agad kong hinanap si Jett.
"Anong nangyari kay Sola?"
"Hindi ko s'ya matawagan. Pumunta ako sa apartment niya, naroon ang camera niya pero wala s'ya doon. Hindi s'ya umaalis ng hindi iyon dala."
"Kailan pa s'ya nawawala?"
"Akala ko ba ay wala kang pakialam sa kaniya?"
Umirap ako. "Kahit na matigas ang ulo niya, kapatid ko pa rin s'ya, kaya natural lang na mag-alala ako."
"Sa tingin ko ay kagabi lang s'ya nawala. Siguradong dahil iyon kay Danika, natagpuan namin s'ya kagabi sa abandonadong building na pinangyarihan ng krimen na iniimbistigahan ni Sola."
"OMG, ano?! Ang ibig mong sabihin ay pinatay si Danika?" Natutop ko ang bibig ko. Matalik na kaibigan ni Sola si Danika, isa itong reporter kaya naman... "Sinasabi ko na nga ba, bakit ba ganiyang trabaho ang pinasukan niyo?" mangiyak-ngiyak kong tanong.
"Huwag kang mag-alala, mahahanap ko s'ya."
"Sasama ako," sabi ko.
"Ano? Baliw ka ba?"
"Kambal ko s'ya."
"Hindi pwede ang sinasabi mo, kambal mo nga s'ya pero wala iyong magagawa, ilalagay mo lang ang sarili mo sa panganib."
"Kung gano'n pala ay anong gagawin ko? Maghihintay na lang hanggang sa makita ko ang katawan niyang walang buhay?!"
Tiningnan niya ako sa mga mata. "Hindi gano'n kahinang tao si Sola at alam mo 'yan."
Oo nga pala, matatag ang kambal kong iyon, hambog din ang isang 'yon kaya dapat hindi ako gaanong mag-alala.
Suminghot ako at pinunasan ang luha. "S-Sige, sabihin mo lang baka may maitulong ako."
"Umuwi ka na, hindi ligtas na narito ka sa ganitong lugar. H'wag kang mag-alala, babalitaan kita kaagad."
Tumango naman ako at tumayo na.
Nasaan ka na ba kasi Sola? Kailangan mo ba talagang gawin ang trabaho na 'yan at ilagay mo sa panganib ang sarili mo?
Hayyyssttt... bakit kailangan niyang sundan ang yapak ng mga magulang namin kung gano'ng iyon ang dahilan kung bakit ang mga ito napahamak at namatay?
*-*-*-*-*-*
Solana
Humihingal akong kumilos at hinarap si Dark at puno ng pagkadisguto ko s'yang tiningnan. "Tapos ka na? Masaya ka na?"
"Huwag kang umasta na parang hindi mo nagustuhan ang nangyari."
"Nagpapatawa ka ba?"
"Kayang-kaya mo akong itulak at labanan pero hindi mo ginawa," ngisi nito. "Magaling, iyan nga ang gusto ko sa'yo. Mayabang ka pero hindi mo magawang protektahan ang pagkababae mo."
Nang-iinsulto ba ang isang 'to?
Kumilos ako at mabilis s'yang sinuntok sa bibig dahilan para agad magdugo ang labi nito.
Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata ngunit nakuha pa nitong ngumisi at inayos ang tindig. "Kung hindi ka lang magiging kapaki-pakinabang, kagabi pa lang ay wala ka ng buhay."
"At sa tingin mo ay mapapakinabangan mo ako sa mga binabalak mo?" matapang kong tanong at nakipagsukatan ng tingin.
"Dalawang beses ka ng naging kapaki-pakinabang."
"Isa kang hayop, Dark."
"Gano'n na nga." Nakatingin ito sa labi ko at nang magsimula itong maglakad papalapit ay humakbang ako paurong.
"At sisiguraduhin kong mas magiging kapaki-pakinabang ka pa."
Napasandal ako sa dingding nang halos magkadikit na naman ang mga katawan namin.
Marahas niyang hinawakan ang baba ko at pinatingala sa kaniya.
"Maganda ka, matapang at malakas, lahat ng katangiang gusto ko ay nasa'yo na."
Naasiwa ako sa sinabi niya lalo pa ng mariin niya akong halikan. Isang masakit na halik na habang tumatagal ay nagiging maluwag at malumanay.
Ipinuwesto ko ang kamay ko para itulak s'ya pero agad niya iyong hinuli at mahigpit na hinawakan.
'Puta.'
Hindi ko rin maigalaw ang mga binti ko dahil ipit niya iyon gamit ang mga binti niya.
Kinagat niya ang ibabang labi ko dahilan para mapanganga ako dahil sa sakit kaya agad niyang nahalukay ang loob ng bibig ko.
Ikinilos ko ang ulo ko pero sinusundan niya iyon.
'Bwisit.'
"H'wag ka ng tumanggi, nararamdaman kong gusto mo rin ito. Babae ka rin at alam na alam ko 'yon."
Hindi ako sumagot at napapikit na lang ng mariin nang bumaba ang labi niya sa leeg ko, nagtagal iyon doon at nasisiguro kong nag-iwan iyon ng marka. At pagkatapos ay binitawan niya ako.
"Bibigyan kita ng pagkakataon na makaalis, ngunit kapag nalaman kong bumalik ka sa lugar na ito para makialam ay hinding-hindi ka na muling makakalabas pa."
"Pagsisisihan mo kung papaalisin mo ako dito."
"Isang pagkakamali mo lang na makialam, hindi lang ikaw ang mapapahamak."
Natigilan ako pero hindi ko pinahalata ang takot. "Tinatakot mo ba ako?"
"Hindi, sinasabi ko lang ang maaaring mangyari." Mataman niya akong tiningnan bago talikuran. "Bukas ang pinto para sa'yo. Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko."
Pinanood ko s'yang naglakad palabas at pinag-aralan ang sinabi niya.
'Anong binabalak mo?'

หนังสือแสดงความคิดเห็น (8)

  • avatar
    DumaPrincess Marry Joy

    argh bitin naman autor huhu😭

    21/06

      0
  • avatar
    Kg Cabotaje

    okay

    29/10

      0
  • avatar
    DampAk

    keep going making any story☺

    09/07/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด