logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

The Killer's Revenge

The Killer's Revenge

Senorito_Joshanz


Chapter 1

It was a sunny morning, nasa university na ako, I'm Liam Ignacio at isa akong 4th year college student at ang kinuha kong course ay Civil Engineering since dati pa gusto ko nang maging engineer. Naalala ko pa nong sinabi ko sa kanila mama at papa dati.
Flashback:
"Anak anong gusto mong kukuning kurso pag nag college ka na?" tanong sa akin ni mama.
"Oo nga anak anong kukunin mo?" gatong naman ni papa.
"Ma, Pa gusto ko pong maging engineer kasi gusto ko kayong gawan ng bahay para hindi na tayo magtiis dito sa bahay natin kasi marami nang sira tsaka butas pa ang bubong natin. At tsaka gusto kong gawan ng libreng pabahay ang mga nasalanta ng bagyo at iba pang mga kalamidad" sabi ko sa kanilang dalawa at napangiti naman silang dalawa.
"Napakabait mo talaga anak. Huwag mong kakalimutan na nandito lang kami ni papa mo para suportahan ka. Tsaka mahal na mahal ka namin" sabi ni mama.
"Tama ang mama mo anak, mag-aaral kang mabuti ha? Huwag mong kakalimutan na andito lang kami para suportahan ka, mahal na mahal ka namin anak" sabi ni papa at niyakap nila akong dalawa.
End of Flashback
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa naalala ko. Konti nalang magiging engineer na ako. Kasalukuyan akong  naglalakad papuntang room dahil ilang minuto nalang magsisimula na ang first period. Ayokong ma late kasi im running for magna cum laude hindi nagtagal nakarating na ako sa room.
"Good morning, Liam" bati sa akin ng mga kaklase ko.
"Good morning din sa inyo" pabalik ko namang bati sa kanila. Umupo na ako sa upuan at nilabas ko 'yung notebook ko kasi balak kong mag study dahil ayon sa nasagap kong balita may quiz raw kami ngayon, nasa kalagitnaan ako ng aking pag-aaral nang biglang may nagsalita sa harapan.
"Good morning everyone" bati ni prof at napatingin naman ako sa harap.
"Good morning prof" bati naman ng mga kaklase ko sa kanya, maliban sa akin.
"So ready na ba kayo sa quiz natin?" tanong ni prof at may maririnig kang mga reaksyon na nagsasabing hindi pa sila ready.
"Ako prof ready na" sabi ko sa aking isipan mahirap na baka marinig ako ng mga kaklase ko.
"Biro lang class wala tayong quiz ngayon kasi may importante akong ia-anunsyo" natatawang saad ni prof. At parang nabunutan naman ng tinik ang mga kaklase ko.
"Ano pong ia-anunsyo niyo prof?" tanong ko sa kanya kasi atat na atat na akong malaman kung tungkol saan ang sasabihin niya.
"Since malapit na kayong umalis sa paaralang to, ilang araw nalang at ga-graduate na kayo napag-usapan namin ng ibang mga professors na dapat bigyan kayo ng pahinga at sumang-ayon naman si Dean. So bilang regalo pupunta kayo sa isang private resort na pag-aari ni Dean. Dalawang linggo kayo doon at sulitin ninyo ang mga araw na makakapagbakasyon kayo, kasi pagbalik niyo dito ga-graduate na kayo. Pasasalamat na rin namin 'yan sa inyo dahil mas pinili ninyong magporsige sa inyong pag-aaral kahit na may mga hamon o pagsubok na dumarating sa mga buhay ninyo. Kaya in behalf kay Dean at sa iba pang mga professors sa university na ito nagpapasalamat kami sa inyo mga 4th year college students" mahabang saad ni Sir at hindi namin maiwasang maging tahimik. Hindi pa kasi napo-proseso sa utak namin ang mga sinabi ni prof.
"Ohh ba't ang tahimik niyo?" natatawang saad niya at natawa nalang din kami.
"Yes"
"Ayos" maririnig mo sa loob ng room.
"Maraming salamat Prof" sabay naming saad ng mga kaklase ko at matamis naman na ngiti ang iginanti ni prof.
"Meron pa pala sa susunod na araw na kayo pupunta sa resort may oras pa kayo para mag-impake. Ahhm bukas puwedeng di na kayo pumasok. Mag-attendance nalang kayo sa link na isesend ko sa gc natin. That's all for today, Class Dismissed" sabi ni prof at pagkatapos lumabas na siya sa room.
"Liam" tawag sa akin ng kung sino. Nilibot ko naman ang aking paningin at nagulat ako dahil sa aking nakita. Pinapalibutan na ako ng mga kaklase ko.
"B-bakit?" kinakabahan kong saad sa kanila.
"Ba't di mo sinabi sa amin?" tanong ni Rey.
"Sinabi ang alin?" naguguluhan kong saad.
"Huwag ka ngang magmaang-maangan, Liam" sabi naman ni Maria.
"Alam ninyo sa totoo lang hindi ko kayo naiintindihan hahaha" natatawa kong saad sa kanila. Dahil sa sinabi ko natawa nalang din sila.
"Di mo sinabi sa amin na kaarawan mo pala ngayon. Tsaka buti nalang nagtanong kami sa mga magulang mo" sabi naman ni Rex at nagulat naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ayy pasensya na sa inyo nakalimutan kong kaarawan ko pala ngayon" kamot batok kong saad at nagsipag-tawanan naman sila.
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you" sabay-sabay nilang kanta at nagulat ako dahil lumapit sila mama at papa sa aking direksyon.
"Happy Birthday Liam" sabay nilang saad. At hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal.
"Blow mo na ang kandila pres at ng makakain na tayo hahaha" natatawa namang saad ng isa sa mga kaklase ko at natawa nalang din kami at hinipan ko na ang kandila.
Nag snap ng finger si papa at may nagsipasukang mga catering. Dahil sa malawak naman tong room namin hindi kami nagsisiksikan. Ang dami palang handa hindi ko inaasahan to.
"Ohh kumain na tayo" nakangiti kong saad sa kanila at dali-dali naman silang nagsikuhaan ng pagkain. Hayyst ang tatakaw talaga.
Katabi kong kumain sina mama at papa, nagpasalamat ako sa kanila sa sorpresang hinanda nila. Akala ko hindi nila maaalala ang kaarawan ko.
Alam kong kayo ay nagtataka kung bakit may pa catering sila. Sasabihin ko sa inyo ang dahilan. Kami kasi ang may-ari ng Ignacio's Company. Nanalo kasi si papa ng lotto dati kaya nakapagsimula kami ng negosyo hanggang sa lumaki ito at nagkaroon kami ng kompanya.
Natapos na ang selebrasyon at pinauwi na kami dahil wala naman kaming klase at binigyan naman kami ng oras para makapagpahinga. Bukas na ako mag i impake kasi balak kong matulog ngayon dahil hindi maayos ang naging tulog ko kagabi. Pagkarating namin sa bahay nagpaalam ako kina mama at papa na pupunta na ako sa kuwarto at tumango naman sila. Pagkarating ko doon ay agad akong bumagsak sa kama at nakatulog na dahil sa pagod.
"May mga mangyayaring hindi mo talaga aasahan Liam, may mga taong mamamatay sa oras na hindi niyo malutas ang misteryong nakapalibot sa resort na 'yun. Huwag kang mag-alala tutulungan kitang lutasin ang misteryo. Alam ko naman na kaya mo pero mag-iingat ka. Maraming taong gagawin lahat para lang makapaghiganti" sabi ng babae sa aking panaginip at dahil doon bigla akong nagising at naghabol ng hininga.
"Anong ibig sabihin ng panaginip na yun? Posible kayang may mga mangyayari sa aming masama sa oras na pumunta kami sa resort? Pero kahit na ganon handa akong lumaban. Alam kong hindi normal ang magiging takbo nang buhay namin sa resort ni Dean kaya maghahanda ako" sabi ko sa aking sarili.
Tiningnan ko ang oras at alas otso na pala ng gabi kaya bumangon na ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako at nagpunta sa sala. Nadatnan ko doon sina mama at papa na masinsinang nag-uusap.
"Good evening po ma, pa" bati ko sa kanila at nagulat naman sila.
"Good evening din anak, k-kanina ka pa ba dyan?" kinakabahang saad ni papa at napayuko naman si mama.
"Ahhm kakarating ko lang po, di niyo kasi ako ginising ehh" saad ko sa kanila at para naman silang nabunutan ng tinik.
"Ano po yung pinag-uusapan ninyo kanina?" tanong ko sa kanila.
"T-tungkol sa--"
"Tungkol sa pag-alis mo papuntang bakasyon anak" pagsabat ni papa.
"Ano pong tungkol dun pa, ma?" naguguluhan kong tanong sa kanila.
"Huwag ka na lang kayang sumama anak, mami-miss ka namin ng papa mo" maluha-luhang saad ni mama.
"Ma kailangan ko pong sumama kasi kailangan ko din 'yung bakasyon na yon. Tsaka dalawang linggo naman yun ehh. Oo, ma mahihiwalay muna ako sa inyo pero pagbalik ko magkakasama na ulit tayong tatlo. Diba pa?"
"Tama, ang anak mo mahal kaya payagan mo na sigurado naman akong di siya mapapahamak dun kasi mataas ang seguridad ng resort na 'yun" sabi ni papa kay mama.
"Ahhm Oo, papayagan ko na pero Liam ipangako mo na mag-iingat ka doon ok? Kung may mangyari mang masama tumawag ka lang sa amin at agad kaming magpapapunta ng rescue dun. Maliwanag ba Liam?"
"Si mama naman ohh ginagawa akong bata hahaha. Malaki na po ako ma, pero susundin ko po kayo" natatawa kong sabi sa kanya at lumapit ako sa kanila at agad ko silang niyakap.
Ang suwerte ko talaga sa dalawang to dahil sila ang naging mga magulang ko. Di ko sila ipapagpapalit dahil mahal na mahal ko silang dalawa.
"Kumain na nga tayo, tagal mong magising Liam tulog mantika ka talaga hahaha" natatawang saad ni papa at sinamaan ko naman ito ng tingin. Pumunta na kaming tatlo sa dining at umupo na kami tapos nagsimula na kaming kumain. Tanging plato't kutsara lang ang ingay na naririnig sa hapag. Wala kang maririnig sa salita sa bawat isa. Nauna akong natapos at hinintay ko silang dalawang matapos.
Natapos na silang kumain at tumayo na kami at nagpunta na kami sa sala.
"Manang Cecil" tawag ko kay manang.
"Bakit po Sir?" sabi naman nito pagkalapit niya sa akin.
"Kumain na po kayo" nakangiti kong saad sa kanya.
"Hala hindi na po Sir, sa bahay nalang ako kakain" nahihiya nitong saad.
"Manang naman dito na po kasi kayo kumain ehh, pakitawag nalang din 'yung iba" malungkot kong saad. Tiningnan ko sila mama at papa, natawa naman sila sa inasal ko.
"Hahaha sige na manang kumain na po kayo tsaka tawagin niyo na din po yung iba" natatawang saad ni papa at tumango naman si manang.
To be Continued....

หนังสือแสดงความคิดเห็น (78)

  • avatar
    Johnmark Delacruz

    jhh

    1d

      0
  • avatar
    Poy Poy Actub

    pabilisin nyopo hehehe

    11d

      1
  • avatar
    Vanessa Valencia

    Very excellent

    25d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด