logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

05

Chapter Five.
I guess time really flies so fast. Kung kailan mo gustong pabagalin ang takbo nito, animo'y nagiging kidlat ito sa sobrang bilis at parang traffic naman sa edsa ang bagal kung gusto mong pabilisin.
Hindi ko namalayan na ilang buwan na rin pala ako rito sa Baguio. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang magsimula ang pasukan.
“Ano te, kaya pa?” 
Napairap ako sa kaklase kong si Hope.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng bintana. Halatang halata ang eyebags ko. Paano ba naman kasi, tatlong oras lang ata ang tulog ko!
I binged watch a series last night, nirecommend iyon sa akin ni Jaimee. Gusto ko sanang ipagpabukas na lang ang mga natitirang episodes since naumpisahan ko naman na ito kahapon, pero kasi every scene ay exciting! I told myself again and again, na isang episode na lang, not until I realized that I'd already finished the series.
“Tigilan mo 'ko Hope, ah, wala pa akong almusal.” 
Tinawanan niya lang ako. “At least, hindi na-late.” 
Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ko ang lamig ng hangin. I woke up late today, kaya naman hindi na ako masyadong nakapag-ayos. Kung ano na lang ang makuha ko sa closet ay iyon na lang ang isinuot ko.
Isa sa mga dahilan kung bakit maaga na akong gumigising sa tuwing umaga ay dahil takot akong malate! The university is very strict about sa mga ganitong bagay, which I think is good. Kung tutuusin ay isa lang 'yon sa mga values namin bilang estudyante, kaya I don't know why hirap na hirap silang sundin iyon at bakit may ilang mga nagulat nung sinabi ito ng school officials nung nag-orientation kami.
“Meron akong biscuit dito, baka gusto mo?” Hope offers me a biscuit. 
Napangiti ako. I took a piece of her Oreo biscuit. “Thanks.”
Her brows furrowed. “Anong thanks? Ilibre mo ako ng kape 'no!” 
“Ganiyan ba talaga? Kapag tumutulong may kapalit?” Napairap ako.
When I turned my gaze to her, she was laughing.

It was already 11 pm, and it was raining quite heavily. We were casually drinking our hot coffee in the cafeteria inside our school. 
“Tingin mo papasok sa atin si Sir Kent?” 
Kumunot ang noo ko. “Andiyaan na si Prof. Magbanua, Nakita ko siyang umiikot sa building 02 kanina at mukhang wala ng sakit, masigla eh.” Sagot ko.
Umangat ang sulok ng labi niya at saka tamad na sumandal sa kahoy na upuan. 
Sir Kent became our sub-teacher for almost one week when our professor in PE wasn't able to attend our class since he was sick. Akala ko nung una ay kaklase ko siya, pero hindi pala. Hindi mo talaga aakalaing guro siya sa unibersidad na ito. His face looks younger than his age.
Prente akong nakaupo matapos kumain ng inorder kong tapsilog. Sa harapan ko ay nakaupo si Hope na kumakain din ng adobong inorder niya. 
I was scrolling through my instagram feed when a notification popped up on my screen. 
@kenjirawr: we, di ako sinama
Natawa naman ako. It was Jiro who replied to my story. Nagpost kasi ako ng picture sa story ko ng lugar kung nasaan kami ni Hope ngayon. I immediately typed a reply and sent it to him.
Since our class schedules aren't the same, we barely see each other on campus. Siguro kapag may mga events lang rin kami magiging sabay sa pagpasok. 
My attention was drawn to the group of guys who just entered the cafeteria. I looked at my phone, and it was already 12 pm, paniguradong marami na rin ang mga estudyanteng pupunta rito dahil lunch time na. The good thing is, maagang natapos ang klase namin kaya't maaga rin kaming nakapaglunch. 
“Ano sali kayo ng tryouts?” 
They occupied the table behind us. My seat was facing them, habang si Hope naman ay nakatalikod sa kanila. The cafeteria was slowly getting filled up by students from different departments.
Napatingin ako kay Hope na may kung anong hinahanap sa bag niya. Maya-maya ay tumayo ito para pumunta sa counter. Ano naman kaya ang oorderin niya?
“Sali na tayo, try lang natin.” 
“I'll join, but only if you guys join too.” The guy in the hoodie chuckles.
“Involved din ba kayong mga MMA students dito?” Tanong ng isa.
“Probably, yes. Kaya asahan niyo ng maraming pipitik ng pictures sa inyo sa game.” Natatawang sagot nito.
I know it's a bad thing to do, overhearing someone's conversation, but I can't help it. especially that they're talking about something that I'm interested in. I'm not saying that I am interested in playing basketball, but the fact that photography is involved, parang gusto ko na lang makiupo sa table nila para mas marinig ko pa ng klaro ang usapan.
Ngayong buwan gaganapin ang sports festival sa school namin at paniguradong magiging busy kami these upcoming weeks. A lot of students will be joining this event, for sure. Wala naman akong balak na sumali ni isa sa mga tournaments dahil alam kong hindi ako nag-eexcel pagdating sa sports. Kaya't halos lumundag na ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ng lalaki. At least I will not feel bored during this upcoming sports festival.
From: Hope 
Manifesting walang pasok bukas pls 🤞
To: Hope
Whyket?
To: Hope 
Chance mo na 'to para makakita ng mga pogi.
To: Hope 
Ayaw mo ba?
Natawa naman ako sa reply ko sa chat niya. Alam ko namang ito ang pinakahihintay niya sa lahat. Ang magkaroon ng ganitong event para makahanap siya ng mga gwapo sa iba't-ibang department. Maharot!
From: Hope 
 Gusto malamang.
From: Hope 
Eh may pera ba kong makukuha diyan kapag nanood lang ako ng laro ng mga 'yan ha ???
From: Hope
Trabaho muna bago landi. 💋
Naalala kong rumaraket pala siya tuwing mayroon siyang vacant time sa school. Working student kasi si Hope. Hindi ko lang alam kung saan siya mismo nagtatrabaho pero ang sabi niya sa isang karinderya lang daw malapit sa school.
That night I was contemplating if I am going to bring my camera tomorrow. Naisip ko kasi na magandang idocument yung mga bagay na for sure ay magiging memorable sa akin. Pero paano naman kaya magiging memorable ang araw ko bukas kung puro basketball players lang ang makikita ko roon? 
Kung noong nakaraan ay excited pa ako para sa sports fest, ngayon ewan ko na lang. Hindi naman sapat sa akin na puro mukha lang ng mga players at ng mga kaklase ko ang pupuno sa camera ko. Parang mas gusto ko na lang tuloy gugulin ang buong linggo ko para makapaglibot dito at makapunta sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. 
Bwisit. Kung hindi lang para sa attendance ay hindi na talaga ako papasok bukas. Bakit ba kasi required na manood pa kami?
Tamad akong bumangon at naghanda sa pagpasok. Sabay kaming papasok ni Jiro ngayon kaya't maaga-aga akong nagising. Alam ko kasi sa sarili kong mabagal akong kumilos. Ayoko naman siyang paghintayin pa lalo na't isa siya sa mga players ng basketball team sa department nila. 
I ended up not bringing my camera. Wala namang mangyayaring maganda at kakaiba sa araw ko ngayon. Sigurado akong kukulitin lang ako ng mga kaklase ko para picturan sila. 
Nang makarating kami sa school ay dumiretso na agad kami sa gymnasium. Nagkaroon pa ng saglit na orientation patungkol sa mga mangyayari ngayong week bago magkaroon ng saglit na break.
Tulad ng ibang estudyante ay lumabas din kami ng gymnasium para bumili ng pagkain. Nagpaiwan naman si Jiro kasama ang teammates niya sa loob dahil inaasikaso na nila ang magaganap na basketball game mamaya. Sa pagkakaalam ko ay ngayon lang din nila malalaman kung sino ang department na makakalaban nila.
“Kailangan pa talaga bumili ng shirt?” Inis na tanong ni Hope. “Sana kasi sinabi na lang nila na magsuot ng color ng shirt based sa department natin.” 
Binasa ko ang aking labi bago magsalita. “Ako na bibili sa’tin, huwag ka na magreklamo, okay?”
Her whole face lit up. “Sure!” Kung kanina ay halos malukot na noo niya sa inis ngayon ay wala nang mapaglagyan ang ngiti nito.
Hindi talaga siya dapat papasok ngayon, mabuti na lang at napilit ko. Sayang rin ang attendance ‘no. 
Matapos naming pumila ay nakabili na rin kami ng t-shirt. Mexican Blue ang kulay ng t-shirt since ito ang kulay ng department namin. Ang nagsilbing design sa likod ay ang logo ng aming department habang ang harapan naman ay plain lang.
Hindi ko talaga gets kung bakit sa likod nila nilagay ang logo? Nagmamadali ba sila nung ginawa 'to at nagkaroon ng error? Mabuti na lang talaga at maganda ang tela, hindi na sayang ang 200 pesos ko.
Nakapasok na kami sa gymnasium nang mapansin ko na lahat na pala sila ay nakasuot na ng kaniya-kaniyang t-shirt na binili namin mula sa mga booth na nasa labas. Lahat ng students every department ay magkakasama. Ang ganda naming tignan, organized.
Nang tignan ko si Hope ay nakasuot na rin siya ng t-shirt. 
My forehead creased. “Hoy, kailan mo pa naisuot ‘yan?” 
She bit the straw on her drink before speaking. “Kanina lang, habang nagbabayad ka sa booth.”
I rolled my eyes. Hindi ko man lang namalayan na umalis pala siya kanina. At talagang iniwan niya akong mag-isa? Ang galing.
“Hindi mo man lang talaga ako hinintay ah?” 
“Eh may kausap ka pa kasi te, tapos sikip na sikip na ko sa damit 'ko... kaya ‘yun.” She pouted. “Magpalit ka na dun, go! Habang hindi pa nagsisimula ang laro.”
I gritted my teeth and smiled to her forcedly. “Okay po ma'am, masusunod.”
Tumayo na lang ako at naglakad palabas ng gymnasium. Nahiya pa nga ako dahil nakailang sabi na ako ng 'excuse me' sa mga taong nahaharangan ko ang view. Hindi na rin ako nagpasama kay Hope dahil nakakahiya namang istorbohin ang pagkain ni madam. At saka para na rin may mauupuan pa ako pagbalik. Feel na feel pa ni gaga ang t-shirt, nasa likod naman ang design! Akala mo tuloy baliktad ang pagkakasuot eh.
Pabulong-bulong pa ako habang naglalakad sa napakatahimik na hallway ng SHS Department. Tabi kasi ng gymnasium ang building ng Senior High. Hindi ko pa naman kabisado ang pasikot-sikot dito. Ayoko na rin kasing lumayo pa dahil I'm sure that anytime soon, the game will going start. 
Hindi naman laro ang habol ko doon, kun'di ang attendance. Baka mamaya ay dumating na ang prof namin at mag roll call na ng mga pangalan namin. 
Napatigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa second floor ng building. Dumaan na ako rito kanina pero hindi ko napansin na nandito pala ang restroom.
I sighed in relief.  
It was a CR only for the girls. Napangiwi ako nang buksan ang pintuan. The floor, filled with dirty footsteps, welcomed me. 
Napamura ako sa isipan. Grabe naman, bakit ganito kadumi rito? Wala bang janitor na pumupunta rito para maglinis?
Inilapag ko ang tote bag ko sa sink. Without any hesitations ay kinuha ko ang mop na nasa likuran ng pinto pati na ang tabo. Mabuti at mayroong lumalabas na tubig mula sa gripo kaya't iyon ang ginamit ko para punuin ang maliit na balde na nasa gilid ko. I started mopping the floor dahil hindi ko matiis ang nakita. After a few minutes ay napapunas na lang ako ng panyo sa aking noo.
“All done.” Bulong ko sa sarili. 
I bit my lower lip when I remember the reason why I came here. Hindi para maglinis, kun'di para magpalit ng damit! 
There were five cubicles inside. Sa dulong cubicle ako pumasok since locked naman ang mga nauna. Siguro barado o 'di kaya'y hindi na nila pinapagamit pa. 
Kinuha ko ang mexican blue t-shirt mula sa tote bag ko. Medium ang kinuha kong size kahit na alam kong Small lang ako. Para naman magamit ko pa siya next time, kahit na labag sa loob ko ang pagbili dahil sa design nitong nasa likuran nakalagay. Ipinatong ko ito sa taas ng pader na siyang humaharang sa pagitan ng cubicle sa kabila at kung nasaan ako ngayon.
I changed my skirt into skinny jeans. Mas makakagalaw kasi ako ng maayos rito. Saglit akong napatigil nang may marinig akong kumalabog. Napapikit ako ng mariin nang maalalang hindi ko pala naibalik ng maayos ang mop. Siguro ito ang gumawa ng ingay nang matumba ito sa sahig.
I started humming a song while changing. Suot ko kasi sa kabilang tenga ko ang earpods ko habang nagpapalit ng damit.
Ang bango naman nitong damit na ito, parang may instant perfume na tuloy agad ako. Agad din akong napatigil sa ginagawa nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kabilang cubicle.
Wait, what? I thought I was the only one in here?
Napakunot-noo ako. Sinikop ko ang aking buhok tsaka ito itinali.
“Nasaan na 'yon?”
I started to get more curious dahil sa boses na narinig ko. I expected it to be sweet and cute, but that's not what I've heard. It was deep and husky. I was petrified to move and open the door, but I couldn't help but peek in.
What the fuck? What is a man doing in this place?
He was half-naked. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya habang napapayuko pa sa baba na animo'y may hinahanap. 
I was about to close the door quietly, pero nag-ingay ito gawa ng makalawang na lock ng pinto. It was too late for me to fully shut the door when his eyes finally met mine. 
Pota.
Napahinga ako ng malalim. I have no choice but to go outside. Dahan-dahan pa ang paglabas ko sa cubicle. 
Shet. Bakit ba ako kinakabahan? I shouldn't feel nervous, right? Siya kaya itong pumasok sa cr ng mga babae! Tama, hindi dapat ako kabahan. I let out a long sigh.
I pressed my lips together. “Uh, sorry, but... I think you've entered the wrong bathroom.” 
I saw how his forehead creased. His eyes squinted when his gaze went down to my shirt.
Hindi naman nakaligtas ang tingin niyang iyon sa akin. Napatakip tuloy ako sa dibdib ko. 
“Ha?” Nagtatakang tanong nito.
“Ang sabi ko nagkamali—”
“Ikaw ata yung nagkamali,” he said, cutting me off. 
I raised a brow. “Ako?” There's a hint of sarcasm in my tone. “You shouldn't be here in the first place. You're the one who entered the girls' bathroom, tapos ako pa ang mali?” Inis kong tanong.
Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. He licked his lower lip in frustration.
“Sigurado ka?” 
“Oo,” I confidently said. 
I heard him chuckle. “Sigurado raw..”
“May sinasabi ka?” Mataray kong tanong.
Napalingon siya sa akin habang hawak-hawak ang towel niyang nakasampay sa magkabilang balikat. My eyes went down to his body.
Shet. Hottie.
His build was well-formed. Those dark brown eyes, well-pointed nose, and soft lips. That's what I meant when I say tall, dark, and handsome. Actually, there's still more to mention about his features pero tangina? What am I doing? I shouldn't be captivated by his looks! 
“P-pwede ba lumabas ka na lang? Tsaka bakit ba wala kang damit? Hindi ka ba nilalamig?” Sunod-sunod kong tanong.
I was trying to avoid my gaze. Nadidistract ako sa katawan niyang nakabalandra sa akin. Leche.
Mula sa salamin ay nakita ko ang pagtawa niya. 
“Paano ako magdadamit, e... suot mo?” 
I frozed. Para akong nabato sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi niya. I'm sure my ears were red as tomatoes now! Wait. Teka lang. Panong—Ano raw? Napamura ako sa aking isipan nang mag-process sa utak ko ang sinabi niya.
Napatingin ako sa reflection ko mula sa salamin.
'BS HRM' Racal, Aldrin Keit.
That was the text that was printed all over the shirt that I am wearing.
Nakapamewang siya habang nakataas ang dalawang kilay niya. His lips were pursed. 
“Gago?” Wala sa sarili kong sabi.
I can feel how my cheeks heated. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa.
“Ikaw rin 'tong nagkamali nang pinasukan na CR. Yes it was for girls, but that's before. Iniba na ngayon. Hindi mo ba nabasa yung sign sa labas?” Dugtong pa niya.
I don't know what to say. Hindi ko na kasi inabala pang tignan ang signage na nasa labas kanina dahil sa pagmamadali kong magpalit na ng damit. Nagsisisi tuloy ako at bakit hindi ko iyon ginawa?! 
Paano kung iniisip niya na gumagawa lang ako excuses? Pero ang totoo ay nandito ako para silipan siya at panoorin ang bawat kilos niya habang nagpapalit ng damit? Napapikit ako ng mariin sa naisip.
Paano ako makakaalis sa nakakahiyang sitwasyon na ito? Tumakbo na lang kaya ako? Ano ba itong ginawa kong katangahan?! Faith Desirae naman!
“Sorry talaga, hindi ko alam paano napunta sa akin tong damit na 'to! Promise!” Itinaas ko pa ang kanang kamay ko sa kaniya.
He rubbed his forehead. “Nagkapalit ata tayo?”
Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang mexican blue t-shirt. Napatingin ulit ako sa suot ko. Halos magkasing kulay lang sila. 
“Ito oh, okay lang ba kung magpalit ka ng damit? Nilalamig na rin kasi ako.” He gave me a half-smile as he brushed his dark brown hair using his fingers.
Mabilis kong kinuha ang damit ko mula sa kaniya. Pagpasok ko ng cubicle ay gusto ko na sampalin ang sarili ko dahil sa kahihiyan. Inamoy ko pa ang damit niyang nasuot ko na ng ilang minuto. Baka mamaya ay mabaho na ito, napawisan pa naman ako kanina. Tangina, nakakahiya!
Habang nasa loob ako ng cubicle ay nag-iisip na ako ng mga bagay na dapat kong sabihin sa kaniya. Pero there's this part of me na gustong marinig ang sorry niya. Feeling ko kasi hindi ko naman kasalanan. Bago lang ako rito, ‘no. 
Ay si ate, sabihin lang kung ayaw mag-sorry hindi yung nagdadahilan pa e. 
Paglabas ko ng cubicle ay wala na ang lalaki. Mukhang narinig nito ang mga tanong sa isipan ko kaya't nagsalita siya.
“Done?” Tanong nito.
I gulped. “Ah oo, yung damit mo pala..” Tumingkayad ako ng kaunti para iabot sa kaniya ang damit. Ang mataas na pinto lang ng cubicle ang humaharang sa pagitan namin.
Kung susundin ko ang utak ko ay tatakbo na ako papaalis, pero dahil may kung anong nagsasabi sa akin na hintayin siya ay iyon ang ginawa ko. Ayoko namang tumakbo na lang at maging walang hiya, baka mamaya ay magkasalubong pa kami sa campus lalo na't malapit lang ang building ng HRM sa MMA. 
Naiimagine ko pa lang ang mangyayari ay gusto ko na lang magkulong sa room namin para lang hindi magkasalubong ang landas namin.
“Sorry ulit, akala ko talaga damit ko. Hindi ko rin alam na CR pala ‘to ng mga lalaki, kaya pala nung pagpasok ko ang dumi tapos puro putik pa, nilinis ko tuloy kasi nama—”
“Ikaw ang naglinis nito?” Tanong niya habang napapatingin pa sa mapuputing tiles ng sahig, hindi makapaniwala.
Nahihiya akong tumango. “Hindi ko matiis ang dumi e,”
I heard him chuckles. “Bago ka lang ba rito?”
Pumunta siya sa gilid ko. Parehas kaming nakatalikod mula sa salamin. Nakatukod ang magkabila niyang kamay sa lababo ng banyo.
I slightly nodded. “Fresh men, MMA student.” 
From my peripheral vision I saw how he turn his gaze on me. Matagal. Tapos maya-maya ay umiwas ng tingin. 
“Name mo?”
Napatingin ako sa kaniya dahil doon. 
“Faith Desirae,” Sagot ko.
Tumango lang siya. 
“Ikaw... Aldrin, tama?” 
Napataas ang kilay niya. Bago pa siya makapagtanong ay nagsalita na ako.
“Nakita ko kanina sa t-shirt.”
His lips formed into 'o' at saka marahang tumango.
“Nagkita na ba tayo?” Bakas ang kyuryosidad sa tono ng boses niya.
Nakikipaglandian ba siya sa akin? Kung oo, bakit sa lahat ng lugar ay dito pa talaga? Sa CR? 
“Ha? Hindi pa ah! First time ko nga makita ‘yang mukha mo eh, baka iba yun! At saka wala naman akong kamukha. Baka nagkamali ka lang.”
Narinig ko na naman ang mahina niyang pagtawa.
“Hindi kayo nirequire na manood?” Tanong niya.
Maya-maya ay nakarinig kami ng hiyawan at paniguradong mula iyon sa gymnasium. My eyes widened in shock. 
“Yung attendance ko!” Taranta kong sambit.
Nagmamadali kong isinukbit sa balikat ko ang tote bag at lumabas ng banyo. Naramdaman kong sinundan niya rin ako papalabas. 
“By the way,” 
Napalingon ako sa direksyon niya. Nagmamadali na ako pero nagawa ko pang huminto at hintayin ang sasabihin ni Aldrin. 
“Yung tshirt ko, bagay sa'yo.” He smiled. 
•••

หนังสือแสดงความคิดเห็น (13)

  • avatar
    Lyjud Bugat

    why give thr money

    13d

      0
  • avatar
    Jayson Patenia

    hi po pwede ba mag withdraw

    01/07

      0
  • avatar
    MATUGASJENESHEL

    nice story

    26/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด