logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Chapter 7
HALOS mag-one week na hindi nagpapakita o nagpaparamdam si Zedi sa mga kaibigan niya pagkatapos nong mangyari yon. Hangga’t makakakaya niya pinipilit niyang hindi sumama kila Lennon, kung ano-ano nang dahilan ang nasabi niya para lang hindi makasama sa grupo lalo na kung alam niyang na andyan si Akaki. Gusto man niyang makipagkaibigan kay Akaki katulad noong nasa Irosin sila sa ngayon nagbago na ang gusto niyang mangyari at mukhang hindi talaga siya naalala nito.
Nagmamadali siyang naglalakad sa hallway habang nakakasalubong ang ilang estudyante nang may humatak sa braso niya, gulat na gulat siya at napasulyap sa direksyon nang humila sa kanya sa gilid. Namimilog ang mga mata niyang nakatitig kay David kaya saka lang siya nakahinga ng maluwag.
“Akala ko kung sino,” wika ni Zedi.
“Hindi ka na sumasama sa amin, hinahanap ka na ni Rina kasi hindi ka rin sumasagot sa mga chat niya sa ‘yo, may problema ba?” Seryosong tanong ng nakakatanda sa grupo nila.
Nahihiya siyang sumagot at nakatitig lang si Zedi sa lanyard ID ni David. Hindi niya alam kung anong dahilan ang sasabihin niya sa pagkakataon na ito dahil biglaan ang lahat.
“Iniisip mo pa rin ba yung nangyari nong nakaraan?” Muling tanong ni David.
Tumingala si Zedi lalo na’t matangkad ito at tumango bilang sagot habang mahigpit na hawak-hawak ang mga libro at notebook niya.
Tinapik-tapik ni David ang balikat niya para pakalmahin, “ganu’n lang si Aki, habang tumatagal maiintindihan mo rin siya, masyado lang siyang nag-aalala si Rina pero kung tatagal magiging close mo rin si Aki, pag may ginawa siya sa ‘yo ako mismo magsasaway sa kanya, okay ba?”
Hindi pa rin nagsasalita si Aki, kaya lumapit si David at inakbayan siya saka ngumiti, “kaya halika na, manlilibre si Lennon ng chicken wings kaya sumama ka na, nag-lunch ka na ba? Huwag mong sabihing hindi, kanina na andoon kami sa canteen hindi ka pa kumakain.”
Nabigla si Zedi, “na andoon kayo? Pero---”
“Kasi alam naming hindi mo kami papansin at iiwas ka na naman, alam mo bang gustong mag-sorry ni Aki sa ‘yo kaso mukhang galit ka raw sa kanya.”
Mas lalong nagulat si Zedi, “hindi ah, ako nga ang dapat mag-sorry kaya nga nahihiya akong lumapit kasi tama siya, ang tagal ko nang nakakasama sa inyo pero hindi ko pa gaanong alam yung mga bagay tungkol sa inyo.”
“Naku, hindi iyon,” saka ginulo ni David ang buhok niya saka kumalas sa pagkakahawak sa kanya at kinuha ang libro at notebook niyang hawak, “halika na, baka umiyak na si Lennon sa gutom."
Natawa na lamang si Zedi habang naglalakad silang dalawa.
“Kumusta ba linggo mo? Na-miss ka namin alam mo ba yon.”
“Okay lang, busy lang talaga kaya marami ring inaasikaso…”
NANG makarating sila sa unli-chicken wings na kainan sa labas ng unibersidad nila agad na kumaway si Lennon sa pinakadulong table sa loob, biglang dinapuan ng kaba si Zedi nang makita niya si Aki sa isang side habang nakikipag-usap kay Rina, nang susulyap ito sa kanila agad siyang umiwas, parang gusto niyang muling lumabas at matago ngunit hindi naman niya magawa dahil hatak-hatak siya ni David hanggang sa makapasok sila at makarating doon sa puwesto ng mga kaibigan saka lang siya binitawan ng binata.
Tumayo si Lennon at hinatak siya sa tabi nito kaya saka lang niya napansin ang puwesto nila na katapat niya si Aki na tahimik lang din sa puwesto nito, tumabi naman si David kay Xavier. Ngayon lang uli nakita ni Zedi ng malapitan si Aki at napansin niyang okay na rin si Rina simula nitong huli nilang pagkikita.
“Na-miss kita, Zedi,” nagiging clingy na naman si Lennon sa kanya.
“Mag-classmate kayo hindi ba kayo nagkikita?” Biglang tanong ni Aki.
“Umiiwas si Zedi, dahil iyon sa ‘yo,” nagkukunwaring na iinis si Lennon.
“Hoy,” saway bigla ni Zedi si Lennon.
Hindi na lang kumibo si Aki sa puwesto niya.
“Kain na tayo, guys!” Anunsyo ni Kalix sa kanila kaya nag-umpisa na sila.
“Kain kang marami,” wika ni Lennon, “kain lang, guys, pakabusog kayo,” muling lumingon si Lennon kay Zedi, “ano bang favorite mong flavor?”
“Yung soy garlic masarap,” masayang sagot ni Zedi.
Kumuha si Lennon ng isa pang wings para lagyan sa plato ni Zedi ngunit mabilis na kumilos si Aki at siya mismo ang naglakad plato ni Zedi ng dalawang soy garlic wings. Natigilan si Zedi at napalingon kay Aki na bumalik sa pagkain na para bang wala lang. Hindi napansin ng mga kasama niya ngunit gulat na gulat pa rin si Zedi sa ginawa ni Aki ngunit nagkunwari na lang din siya na wala lang ito at simpleng napangiti habang kumakain.
Sa kalagitnaan ng pagkain nila may grupo ng mga babae ang pumasok sa resto kung saan sila kumakain, hindi maiwasan ni Zedi na hindi mapalingon doon at ilang kumakain doon, nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang mga ito, agad siyang bumalik sa kinakain nang makita ang mga dati niyang kaibigan, sa isang iglap nawalan siya ng gana, malapit lang sa lamesa nila pumesto ang grupo nila Chara.
Agad napansin ni Aki ang pagbabago ng mood niya ngunit hindi na lamang siya tinanong. Agad na binitawan ni Zedi ang half-eaten wings niya saka nagkunwaring okay lang, “busog na ako, hugas lang ako ng kamay sa CR,” paalam niya sa mga kasama ngunit sa pagtayo niya nang makita niyang nakasulyap ang dating grupong kinabibilangan niya sa kanya.
Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib niya.
Nagkunwari siyang hindi niya kilala ang grupo hanggang sa nilagpasan niya ang lamesa kung saan ang grupo ni Chara, halos takbuhin niya ang banyo nang makapasok siya agad siyang napaharap sa salamin, isa-isa sumagi sa kanyang alaala ang nangyari kung bakit siya lumapit, kung bakit parang gusto na niyang huminto sa pagsusulat niya at kung bakit nawalan siya ng tiwala sa mga nakapaligid sa kanya kung hindi dahil kay…Akaki.
Iniwaksi niya ito sa kanyang isipan at naghugas na siya ng kamay. Pinakalma na muna niya ang sarili habang nagpapatuyo ng kamay, napasulyap siya sa pinto ng banyo nang may pumasok, hindi niya inaasahan na si Chara ito, mas lalong hindi siya nakakilos sa puwesto niya, tumingin lang ito sa kanya saka naghugas sa lababo, hindi niya alam kung kukumustahin niya ba ito o lalabas na lamang siya.
Dahan-dahan kumilos ang paa niya para umalis na para bang may sariling mga buhay ngunit natigilan siya sa nang magsalita si Chara.
“Kumusta na pala sa number notorious na nandaya sa pagiging EIC?”
Naikuyom niya ang palad niya sa tanong na iyon, muli niyang naalala na ilang beses niyang pinagtanggol ang sarili ngunit walang naniwala sa kanya, humarap siya sa kay Chara na walang emosyon ngunit para itong mapagmataas. Gusto niyang saktan si Chara kung hindi lang niya magpigil.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita, “tayong dalawa nakakaalam ang totoo, pati sila nabilog mo ang ulo, ako ang ginawa mong masama sa mata nila---”
“Bakit ka umalis sa grupo at lumipat ng unibersidad kung wala kang kinatatakutan, Lezedi? Akala ko ba matapang ka, bakit hindi mo pinanidigan?”
“Paano ko paninindigan ang totoo? Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko kung ikaw mismo na kaibigan ko dinaya ako? Hindi ko alam na may malaking kang inggit sa ‘kin samantalang tinuring kitang kaibigan, kapatid, hindi ko akalain na gagawin mo sa ‘kin iyon? Kinakalimutan ko na ang lahat---”
“Wala kang utang na loob sa grupo, ako ang nagpakilala sa ‘yo sa grupo kung hindi dahil sa ‘kin wala kang kaibigan doon, pasalamat ka na sinasamahan pa kita kahit boring mong kaibigan, ang boring mong kasama.”
Hindi makapaniwala si Zedi sa mga narinig niya, “ano?” Habang nakakunot-noo siya, hindi siya makapaniwala na ang pinagkakatiwalaan niya noon ay hindi pala kaibigan ang turing sa kanya, “kaya pala nagawa mong kumpetinsyahin dahil hindi kaibigan ang tingin mo sa ‘kin? Niloko mo ko, Chara, hindi ko makakalimutan ang ginawa mo, pati sarili mo niloloko mo, hindi man nila alam ang totoo pero alam mo sa sarili mo kung sino ang nandaya sa atin dahil sa kanilang lahat sa ‘yo ko lang pinagkatiwala ang piece ko, dahil kaibigan kita…ngunit noon yon, kung may sama kayo ng loob sa ‘kin wala na akong pakialam doon at alam kung kinalimutan na ninyo ako.”
Muli na naman naramdaman ni Zedi ang pamilyar na sakit na matagal na niyang nakalimutan ngunit muli itong nagbalik dahil sa pagkikita nila, paglabas niya ng banyo bigla na lang tumulo ang luha niyang pinipigilan sa loob, nagmadali siyang lumabas ng resto na hindi lumilingon sa puwesto nila Lennon, tumayo siya sa gilid ng kainan malapit sa ilalim ng malaking puno, tahimik siyang iniyak ang nararamdaman niya, pinipigilan humikbi dahil ayaw niyang magpakitang ganu’n siya at baka kung anong itanong sa kanya. Hindi pa rin alam ng bago niyang grupo ang nangyari noon na kinalimutan na niya, hindi na niya gustong bumalik sa nakaraan. Na isip niyang baka mag-alala na naman sila Lennon at baka isipin na nag-iinarte lang siya kaya minabuti niyang magtagal na muna roon habang pinapahupa ang emosyon.
Naramdaman na lamang niyang may nagpatong ng kung anong bagay niyang magaan sa kanan niyang balikat, agad niyang kinuha ito na isang asul na panyo nang lingunin niya kung sino ito nabigla siya nang makitang si Aki ito.
Dahil sa gulat nagmadali siyang nagpunas ng luha gamit ang panyo at agad na inayos ang sarili. Ilang beses na huminga ng malalim bago napakalma ang sarili, “ah anong ginagawa mo rito?” Nag-aalala niyang tanong.
‘Nakita kaya niya?’ Iyon ang unang natanong ni Zedi sa sarili niya.
“Ayusin mo muna ang sarili mo bago ka pumasok sa loob, ayos lang kung matagal,” malumanay na wika ng binata ngunit naroon pa rin ang attitude nitong parang mayabang, pero alam ni Zedi sa sarili niya naroon pa rin ang nakilala niyang Akaki noon sa Irosin.
“Salamat.”
“Hindi mo naman kailangan i-please ang mga tao sa paligid mo, kung alam mong wala kang ginawang mali huwag mong hayaan na manipulahin nila ang emosyon mo para maging dahilan na sisisihin mo at magpapalugmok ka sa kalungkutan…pero don’t let them invalidate your feelings kasi kaibigan mo sila, kasi iniisip mo phase lang ng tampuhan ninyo yung bagay na yon pero pag sobra kang nasaktan make a wall na hindi uli ‘yon mangyari, kung masyado nang toxic leave them hindi nakakaganda ng mental health ang mga ganyang tao, ‘wag mong hayaang diktahan nila ang emosyon mo para lang manalo sila…it’s normal na umiwas sa mga taong toxic, kaibigan mo man yan o kapamilya.”
Natigilan si Zedi nang maalala niyang ganu’n din ang sinabi ni Akaki sa kanya sa Irosin noon nang magkwento siya tungkol sa dati niyang mga kaibigan kaya napatitig na lamang siya sa binata.
Luming si Akaki sa kanya, “nakikinig ka ba?” Saka napataas ang isang kilay nito.
Tumango-tango si Zedi, “oo, salamat uli.”
“Gusto ko lang mag-sorry sa pagiging magagalitin ko, nag-aalala lang ako kay Rina, ayos lang kung magalit ka sa ‘kin may karapatan ka naman, total kaibigan ka talaga nila, Rina said na hindi maganda sa grupo na hindi ko ka close kahit isa sa inyo, kaya gusto kong mag-sorry, pwede mo naman akong mapatawad kung ayos ka na.”
Umiling si Zedi, “naiintindihan ko naman, nahihiya lang ako lumapit uli kasi baka makagawa uli ako ng mali.”
“Takot ka ba sa ‘kin?” Biglang tanong ni Akaki sa kanya.
‘Nong dati hindi pero ngayon ang laki na nang pinagbago mo,’ iyon ang gustong sabihin ni Zedi ngunit pinigilan ang sarili lalo na’t hindi nga siya nakikilala ng binata.
“You look intimating lang naman ng kaunti,” nag-aalangan na sagot ni Zedi.
Huminga ng malalim si Akaki at saka humarap ng maayos dalaga, dahan-dahan ngumiti si Akaki kay Zedi na talagang kinagulat ng dalaga napahawak ng mahigpit si Zedi sa panyong binigay sa kanya, nararadaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya, bigla niyang naalala ang dating Akaki noon.
“Intimidating pa rin ba ako sa ‘yo?” Pabirong tanong ng binata na hindi pa rin nawawala ang genuine smile nito.
Hindi maiwasan mapangiti ni Zedi pabalik at saka umiling, “hindi na, salamat, Akaki.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Leana Mactal

    so much fun with your time

    30/01/2025

      0
  • avatar
    Andrei Ochoa

    maayos nman siya basahin

    05/09/2024

      0
  • avatar
    guidodatujun

    salamat

    07/07/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด