Chapter 5 HINDI mawala ang excitement ni Zedi nang magising siya nong umaga sa hut niya, agad siyang nagligpit ng gamit niya at naligo pagbalik niya sa hut nakatayo pa rin ang tent ni Akaki. ‘Baka tulog pa,’ sa isip-isip niya saka siya bumalik sa hut para magbihis. Nang matapos na niya ang lahat agad na siyang lumabas at siniguradong wala siyang naiwan. Paglabas niya nakatayo pa rin ang tent at para bang hindi pa rin nagigising si Akaki kaya lumapit na si Zedi ro’n. Pagkalapit niya nakasara pa rin ang zipper ng tent. “Aki, gising ka na ba?” Mahina niyang panggigising sa binata at hindi niya sigurado kung magiging ba niya sa ganu’n ang binata, “Aki---jusko!” “Hey!” Nabigla si Zedi at napaharap sa direksyon ng boses nang may magsalita sa tabi niya. Mahigpit ang kamay niyang nakahawak sa maleta at nakahawak ang isang kamay sa dibdib niya. Namimilog ang mga mata niyang nakatitig sa bagong gising na si Akaki sa harapan niya, nagtataka kung paanong nasa labas ang binata at iniisip na baka kanina pa ito gising. Nagkatitigan sila ng binata, para siya nitong inuusisa ni Akaki. Umayos ng tayo ang dalaga, “buti naman at gising ka na pero mukhang hindi ka pa nakapag-ayos, bilisan mo na.” “Sino ka?” Tanong ng binatang nakakunot-noo at para bang kinikilala si Zedi. Bahagyang nagulat si Zedi ngunit natawa lamang siya nang maalala niyang palabiro ang binata, “sige na, mag-almusal na lang tayo sa sentro at bka mahuli tayo sa first trip papuntang Bulusan---” hindi natuloy ang sasabihin ng dalaga nang nagmadaling pumasok si Akaki sa tent niya. Bumaba siya para silipin ang binata at napansing may hinahanap ito sa bag. Unang dinampot ito ang DSLR cam nito at may hinahanap do’n saka napasulyap sa kanya ang binata na para bang may pagkamangha rito. Sunod naman na kinuha nito ang asul nitong notebook na parang journal sa leather na cover. May binabasa ito sa mga pahina and Akaki mouthed her name. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Akaki habang si Zedi nagtataka pa rin. Agad na binitawan ni Akaki na notebook niya nang may mapagtanto siya, para itong madadapa nang lumapit ito kay Zedi at agad na yinakap na para bang mawawala. Hindi maintindihan ni Zedi ang nangyayari sa binata. “O-okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ng dalaga. Bumitaw agad si Akaki saka sumilay ang ngisi sa labi niya, “okay lang, it’s a prank!” “Siraulo ka talaga! Dalian mo na, kailangan mo ba ng tulong?” “Si-sige ba,” agad na sagot ni Akaki, hindi lang pinapahalata ng binata ngunit may bumabagabag sa kanya. PAGKATAPOS nilang makapag-almusal sa sentro, dumiretso na sila sa paradahan ng jeep patungo sa Bulusan. May kalahating oras lang ang biniyahe nila dahil hindi naman masyado ang Bulusan sa Irosin. Along the road nang pumara sila sa tapat ng isang farm na may pangalan na Balay Buhay sa Uma: Bee Farm. “First spot!” Sigaw ni Akaki, may ilang bahay na katabi ngunit mas nangingibabaw ang bee farm at ang gate nitong may mga palamuting bee na gawa sa clay at bakal. Sa pagpasok nila may counter agad na sasalubong sa kanila at tatlong tagapagbantay do’n. Sa board sa pader sa likod nila nakasulat ang mga prize. Binati sila ng mga bantay na nakasuot ng polo shirt na puti habang may logo sa kaliwang dibdib nito na pangalan ng farm at bee na maliit. “Good for two,” agad na naglabas ng bayad si Akaki at saktong cash na binayad saka sila nilagyan ng bracelet na pula para sa kanilang entrance sa pamamasyal. “Enjoy po,” wika ng lalaki ro’n at pinaiwan muna nila ang mga bag kung saan nakalagaymga damit nila. “Salamat,” sabi ni Zedi nang makaalis sila sa counter napasulyap siya kay Akaki, “libre mo?” “Oo naman yes, mayaman ako ngayon,” pagmamayabang nito sa kanila, “picture kita ro’n.” Sabay turo ni Akaki sa pavement kung saan may statue ng bee at nakaukit doon ang pangalan ng farm habang nasa likod nila ang mga inaalagaang bee sa mga bao, hindi naman ito lumalapit sa kanila kaya hindi naman sila natatakot. Agad na nag-posing si Zedi ro’n ng ilang beses saka naman sila dumiretso sa mahabang arc way para tuluyang makapasok sa loob, palibot ng mga local plants at mga bulaklak. Palibot din ng mga local trees katulad ng mga niyog at mangga sa paligid ng bee farm. “Ako naman,” saka kinuha ni Zedi ang DSLR cam ni Akaki, “ikaw naman mag-posing,” excited na wika ng dalaga. “Sige-sige!” Todo pose naman si Akaki na akala mo nasa modelling studio siya kaya hindi mapigilang matawa ni Zedi lalo na’t ginaya nito ang ilang sikat na artista at modelo kung paano pumosing. Puros mga berde ang makikita sa paligid dahil sa mga halaman sa paligid at nakakadgadg pa sa sariwang hanging ang nakikita nila. Muli silang naglakad hanggang sa makarating sila sa mga modern style bahay kubo doon na pwedeng pagpahingahan ngunit may bayad ito, may ilang namamasyal din doon ngunit hindi gaano kaya tanging hangin lamang at ingay nila ang naririnig nila. Napadaan sila sa isang bridge na tatawiran, sinilip nila ang mga tilapyang lumalangoy sa tubig sa baba ng tulay, imbes na bakal na railings ang harang gawa sa makapal na kawayan ito, may mga paarkong bahay do’n na ang bubong ay gawa sa sangga ng punong-kahoy at vine plants. Nadaanan naman nila ang hilera ng mga plot, mga polyethylene bag kung saan nakatanim doon ang mga herbs at traditional medicinal plants at nakasulat sa gitna ang salitang Botika sa Uma, Batis sa Uma ang kanilang tinambayan nang makita nila ang maliit na batis doon na sariwa at napakalinaw ng tubig na umaagos sa taas, may maliliit na isdang lumalanggoy do’n. “Ang gand rito, magkano ka ang overnight? Mahal siguro,” wika ni Zedi habang nagpapahinga silang nakaupo sa kawayan. “Oo, mahal nga pero tama ka maganda nga rito, magkasing ganda sila ng Irosin, ang ganda talaga minsan pasyalan ang kalikasan, hindi nakakahinayang, may isang lugar pa ritong maganda, kung sa Irosin maiinit ang tubig sa Bulusan malalamig naman ang tubig,” paliwanag ni Akaki. “Saan naman?” Muli na naman na excite si Zedi. “Sa Masakrot, naku nakita ko yon sa KMJS sabi ko pupunta ako ro’n kaya halika na doon naman tayo sa kabila,” sagot ni Akaki habang nagkukuha pa ng litrato sa lugar. “Excited ka man, mamaya na dito muna tayo,” tumingala si Zedi at pinakiramdaman ang pinakinggan ang paghampas ng mga dahon dahil sa hangin. ILANG metro lang ang layo ng Masakrot sa Balay Buhay sa Uma kaya hindi na kailangan pa maghanap ng masasakyan patung ro’n, bumili lang sila ng pagkain, may ilang mga kotseng nakaparada ro’n sa entrance, may ilang mga nakatayong iba’t ibang flag sa entrance pa lamang, dumiretso sila sa gate para magbayad ng entrance fee, sa pagkakataon na ‘yon si Zedi naman ang nagbayad dahil na isip niyang nilibre ni Akaki kanina sa bee farm. Agad din naman silang pinapasok, hindi pa sila nakakarating sa batis ng Masakrot nararamdaman na nila ang lamig, mataas na ang sinag ng araw kaya gusto na nilang magtampisaw sa tubig, habang papalapit sila rinig nila ang mga batang nagsisigawan at pagtama nito sa tubig ng mga naliligo. Isang malaking batis sa gitna ng kakahuyan, puno ng mga nagtataasang puno na animoy nagsisilbing bubong kaya hindi naman gaanong mainit sa lugar, malinaw ang tubig sa malawak na batis kung saan nag-enjoy ang mga bata, para itong nagiging green o kaya’y asul sa tuwing natataman nang sinag ng araw. “Kain na muna tayo,” yaya ni Zedi. Animoy nag-picnic sila sa tabing batis dahil hindi na sila nag-arkila ng cottage, nagkamay sila at ginamit na plato ang plastic pinaglagyan ng binili nilang ulam at kanin. Nagbihis na sila ng pangpaligo pagkatapos ng tanghalian nila at nagtampisaw sa malamig na tubig. Ilang beses na parang batang nagtatalon si Akaki ro’n habang tawa naman nang tawa si Zedi at pinapanood lang ang binata. For the first time in her life saka lang siya nakatagpo ng ganu’ng tao na masyadong malikot at parang wala sa sarili kong masasaktan siya sa ginagawa niya para maging masaya na parang bata. Nang makaahon ang binata kumaway-kaway lang ito, kaya kumaway lamang siya pabalik dahil hindi mahina siya sa malamig, kabaliktaran ng Masakrot ang Tropical na hot spring. Muling bumalik ang binata sa paglangoy, patungo sa kanya at naupo sa tabi niya. “May sasabihin ako sa ‘yo,” wika ng binata habang basang-basa at bahagyang nanginginig sa lamig, “ang lamig ng tubig para akong naliligo sa tubig na may yelo,” komento nito saka bahagyang tumawa, “pero may sasabihin talaga ako.” “Ano ba ‘yon?” Simpleng bagay lang ngunit she sounded excited sa tuwing may sasabihin ang binata sa kanya. “Nangarap ako na lumayas at pumunta sa malayo. Yung gagala, mamasyala kung saan ko gusto,” kwento ni Akaki. “Nagawa mo na diba,” sambit ni Zedi. “Oo, pero parang hindi kasi tignan mo kasama kita---” agad na pinutol ni Zedi ang sasabihin ni Akaki at tinaasan ng kilay, aktong lalayo sana si Zedi nang hawakan siya sa kamay ni Akaki at hatakin pabalik. “Sinasabi mo kasing dapat wala ako rito, ikaw kaya ‘tong nangungulit na makisabay sa ganito ganyan, ako ba?” Umaktong nagagalit si Zedi pero wala naman ito sa dalaga. “Hindi ‘yon, actually its fun natatakot din ako kasi wala akong sense of direction, madali akong maligaw kahit marunong akong magbasa ng mapa pero masaya ako kasi andyan ka---” “Para magturo direksyon?” “Hindi ‘yon, we make friends in unexpected way, Zedi, masaya ako ro’n plus ikaw talaga tagaturo ng direksyon,” sabay biro ng binata. Pabiro namang tinutulak-tulak ng dalaga si Akaki para malaglag sa tubig ngunit nahawakan naman ni Akaki si Zedi sa kamay kaya hinila-hila rin ni Akaki si Zedi para sumabay sa kanya sa tubig kung sakaling malaglag siya sa tubig. HALOS kalahating araw silang nagtagal doon bago sila naisipang bumalik sa Irosin. “Kailangan na natin ng matutulugan,” suwestyon ni Zedi habang inaayos pa rin ang basang buhok niya nang makababa sila ng jeep. Napansin niyang hindi na umiimik ang binata kaya nilingon niya ito, “bakit? May problema ba?” Nag-aalala niyang tanong sa binata. Ngumiti ang binata ngunit malungkot ang ngiting binibigay sa kanya, “hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero…kasi.” “Sige na, sabihin mo na,” pagpupumilit ni Zedi. “Hindi ko na ma-continue, kailangan ko ng bumalik sa amin biglaan lang ang lahat,” sabi ni Akaki. Nalulungkot si Zedi ngunit hindi niya pinapahalata sa binata, “okay lang naman, I think this our last day na magkasama, baka importante yan kaya kailangan mo nang umuwi.” Hindi nagsalita ang binata at nanatiling nakatitig sila sa isa’t isa. Inabot ni Akaki ang kamay niya sa dalaga saka inayos ang hibla ng buhok nito saka sinabit sa tenga ng dalaga. Hinayaan lang ni Zedi si Akaki na gawin ‘yon. “Thank you,” saka ngumiti si Akaki sa dalaga. May kung anong bagay na gustong pigilan ng dalaga ang binata ngunit wala siyang karapatan. NAKAHANAP ng matutulugan si Zedi nang bumalik siya sa Pili Haven dahil doon lang ang pakiramdam niyang safe siya. Nakahiga na siya sa kama ngunit hindi pa rin mawala sa isip niya ang huli nilang pagkikita ni Akaki, hinatid pa niya ito sa sakayan ng bus at hindi na gaanong nag-usap. Hindi siya marunong sa mga ganu’ng bagay, sa pagpapaalam. Nang hindi pa rin niya magawang makatulog muli siyang bumangon at isa-isa kinuha ang mga gamit sa bag para ayusin na lamang ito. Nagdadalawang isip siya kung ipagpapatuloy pa ba niya ang pamamasyal sa Irosin o uuwi na lamang siya para paghandaan ang enrolment kahit na may ilang araw pa siya para ro’n, pagbuklat niya ng damit na nagamit na niya para tupiin may kung anong bagay ang nakasuksok doon ang nalaglag sa binti niya. Kinuha niya at doon lang napagtantong polaroid photo kung saan kuha ito D’ Green Thumb bahagya siyang nakapikit habang inaamoy ang sunflower na hawak at nakapaligid sa kanya ang mga sunflower pang iba. Nakasulat sa baba ‘para kang sunflower kapag nakikita kita gumaganda ang araw ko’ saka lang napangiti si Zedi at kahit pa paano’y naibsan ang lungkot sa paglisan ng binata. Naiisip niyang habang abala siguro siya’y inipit ng binata ang polaroid na ‘yon sa damit niya, bigla niyang naalala ang nakaka-miss na kakulitan ni Akaki, ‘sana magkita tayo uli sa susunod, Akaki,’ sa isip-isip ni Zedi habang nakatitig pa rin sa sulat kamay ni Akaki sa polaroid.
so much fun with your time
30/01/2025
0maayos nman siya basahin
05/09/2024
0salamat
07/07/2024
0ดูทั้งหมด