logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Chapter 4
HALOS matatapos na nila ang Pili Haven Adventure ng maisipan nilang magpahinga sa kalagitnaan, nakaupo sila sa bridge sa may ilog habang nakalaylay ang mga binti nila, sumasabay ang lagaslas ng tubig sa paghampas ng mga dahon dahil sa hangin, walang naimik sa kanila at hinayaan na munang pakiramdaman ang kalikasan. Maghahapon na rin sa mga oras na ‘yon. May kunting hiya si Zedi kay Akaki ngunit pakiramdam niya hindi siya na judge sa pagkakataon na ‘yon, siguro dahil hindi sila magkakilala maliban sa kanilang mga pangalan.
Huminga ng malalim si Zedi para bang may nag-uudyok sa kanya na gawin ‘yon, “masama bang magalit ka sa kaibigan mo?” Out of nowhere na tanong niya kay Akaki.
Napasulyap ang binata sa gawi niya at hinintay ang sunod niyang sasabihin.
“Minsan iniisip mo bakit nangyari ‘yon? Tapos ma-guilty ka, hindi ko maintindihan, pwede mo kong i-judge hindi naman tayo magkakilala, I still can’t imagined na niloko ako ng kaibigan ko…” ang akala niya’y mauubos ng luha’y meron pa pala ngunit hinayaan na lamang niya saka siya nagpatuloy, “hindi ako magkwento para i-judge mo sila pero bakit kaya nila nagawa sa ‘kin ‘to, pinagkatiwalaan ko sila lalo na siya, para ko na siyang kapatid pero mas pinili pa niyang dayain at pakiramdam niya may kumpitinsya sa pagitan namin. Sa isang iglap, I felt useless pero para ring ang unfair kasi ni isa sa kanila wala man lang kumampi sa ‘kin.”
“Pakiramdam nila ako yung masama kaya minsan natanong ko yung sarili ko, worth bang magalit ako sa kanila o baka ako nga ang may kasalanan, sana pinagbigyan ko na lang siya sa gusto niya pero…” naalala ni Zedi na gusto rin niyang ipaglaban ‘yon, natawa ang dalaga at saka pinusan ang luha, “tama na siguro ang drama,” saka siya sumulyap kay Akaki na kanina pa nakikinig sa kanya at nakatingin, “sorry umiyak na naman ako, ang drama ko ano, hindi naman ako ganito rati eh.”
“Kaya ba nandito ka?” Tanong ni Akaki patungkol sa problema niya.
Tumango-tango naman ang dalaga bilang pagsang-ayon. Sinundan ng tingin ni Zedi si Akaki nang tumayo na ito at pinagpagan ang damit kaya sumunod na rin siya.
“Huwag na natin tapusin ang Adventure,” wika ni Akaki na siyang kinabigla ng dalaga.
“Bakit naman?” Nakakunot-noong tanong nito sa binata.
Ngumisi si Akaki at hinimas ang tyan niya, “nagugutom na kasi ako, kain tayo sa sentro balita ko masarap ang pares nila ro’n at saka kain tayo sa hepa street nila, kumakain ka ba ng mga yon?”
Napataas ang isang kilay ni Zedi at lumalabas na naman ang pagiging makulit ni Akaki, “anong tingin mo sa ‘kin rich kid? Huwag ako, Akaki.”
Bigla na lang tumawa ng mahina si Akaki at naglakad sila pabalik sa mga hut nang may maalala si Zedi.
“Ikaw, may problema ka rin ba?” Nahihiya niyang tanong sa binata ngunit nakatingin siya sa nilalakaran nila.
“Oo.”
Nagulat si Zedi sa pagiging straightforward ng binata at napa-oh.
“Ano naman problema mo?” Tanong muli ng dalaga.
“I just can’t remember…”
Napakunot-noo na naman si Zedi, “makakalimutin ka, yon ang problema mo?” Pag-uusisa nito.
“Parang ganu’n na nga,” sabay ngisi na naman ni Akaki.
“Problema ba ‘yon?”
“Oo, ano---ah basta marami ka ng nalalaman,” sabay tawa na naman ni Akaki pakiramdam ni Zedi hindi na naman nagseseryoso ang binata.
“Pero don’t invalidate your feelings kasi kaibigan mo sila, kasi iniisip mo phase lang ng tampuhan ninyo yung bagay na yon pero pag sobra kang nasaktan make a wall na hindi uli ‘yon mangyari, kung masyado ng toxic leave them hindi nakakaganda ng mental health ang mga ganyang tao, ‘wag mong hayaang diktahan nila ang emosyon mo para lang manalo sila…”
Habang naglalakad sila’y patuloy na pinapangaralan ni Akaki si Zedi na siyang kinamangha ng dalaga. Kahit hindi sila magsulyapan alam niyang seryoso ang binata sa sinabi lalo na sa tono nito, “hindi natin kailangan i-normalize na makipagkaibigan o lumapit uli sa kanila pagkatapos ng nangyari kasi iisip-isipin mo palagi yon kahit na magbabati na kayo lalo na kung malaking impact yon sa buhay mo kaya kung gusto mong i-let go ang sakit sa nangyari leave them saka muna balikan pag malakas ka na…hayyy, grabe ‘tong gutom ko kung ano-ano na sinasabi ko, halika na nga,” sabay hatak sa kamay ni Zedi ng binata.
Tumawa ng mahina si Zedi dahil sa pagiging isip bata na naman ni Akaki.
NANG makarating sila sa sentro ng Irosin, nagkalat ang mga nagtitinda ng mga merienda, tusok-tusok, sa malamig, mga panghimagas na kakanin at mga inihaw sa paligid. Nakasarado ang isang kalye para lang magsilbing hilera ng mga paninda, naghahalo ang mga amoy ng mga pagkain sa paligid. Para bang humugis puso ang mga mata ng dalawa ng makita nila ang sinasabing hepa street ng Irosin. Hindi nila alam kung ano ang uunahin nila ngunit nag-umpisa sila sa magaan sa tyan. Nagkalat din ang iba’t ibang turista sa paligid at mamimili lalo na ang mga bata.
“Kumakain ka ba nito?” Tanong ni Akaki sa kanya sa hilaw na isaw at Betamax.
“Oo naman at saka isabay mo na rin ito,” kumuha si Zedi ng squid ball at maliliit na kwek-kwek, “ano bang drinks ang gusto mo?”
“Halo-halo tayo ro’n,” sabay turo sa katabing nagtitinda ng sa malamig.
“Sige,” hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga labi.
Binili na muna nila ang gusto nila, pares, inihaw na paa ng manok, isaw, Betamax, kwek-kwek, turon, squid ball at special halo-halo bago sila pumesto sa pulang bilog na lamesa. May mga nakalaang lamesa’t upuan para sa mga kakain, pinili nila ang medyo malayo sa usok at inumpisahan na nilang lantakan ang mga pinamili nila.
“Grabe ang sarap ng sauce nila,” komento ni Akaki sa sukang may halong pipino habang sinasawsaw ang kwe-kwek niya.
Napahalhak si Zedi dahil parang nagmamadali ang binata, “oo, pero hinay lang mabilaukan ka.”
“College ka na ba?” Tanong bigla ni Akaki sa dalaga.
Tumango-tango si Zedi habang nginunguya ang squid ball niyang nakatusok sa stick, “oo naman, mag-third year na ako sa pasukan, AB literature ang kinukuha ko,” proud introducing her course.
Napa-wow naman si Akaki, “ano yan sulat-sulat lang?”
Nabigla si Zedi at sinamaan ng tingin si Akaki, “anong sulat-sulat lang, hindi ‘yon ganu’n, ikaw aber anong course mo?”
“Ehem~ehem!” Nagkukunwari pang nauubo ang binata, “third year na rin ako sa pasukan, Associate in Culinary Management.”
Ginaya ni Zedi ang reaksyon ng binata kanina, “ah, so luto-luto lang ‘yon, ang galing ah.”
Napangiwi si Akaki na ang bumilis bumalik ang biro sa kanya, “hindi naman ganu’n yon eh.”
“Ikaw, ang-umpisa,” sabay tawa ni Zedi.
Hindi maiwasang mapatitig si Akaki sa dalaga na para bang kinakabisado ang mukha nito lalo na ang munting halakhak nito, para bang isang lens ng camera nakatutok lang ang atensyon niya sa dalaga, unti-unti na rin siyang napangisi hanggang sa mahawa sa tawa ng dalaga.
“Pero alam mo, mahilig din ako sa arts---”
“Drawing-drawing lang yon,” birong muli ni Zedi.
Natawa lang lalo si Akaki dahil hindi siya tinitigilan ng dalaga, “hindi nga kasi yon ganu’n…oo nga pala, marunong ka bang lumangoy?” Tanong niya sa dalaga.
“Oo naman, bakit?”
“Punta tayo tropical, hot spring yon dito, gusto ko sana puntahan sabi nila maganda raw doon,” wika ng binata.
“Wala naman tayong dalang kahit na anong pampaligo,” nag-aalangang sagot ni Zedi ngunit nagdadalawang isip siya dahil wala naman yon sa listahan ng pupuntahan niya ngunit gusto niya ring masubukang bisitahin.
“Sige na, bili lang tayong damit dyan na pampaligo, mura lang yon at saka malapit lang yon dito,” pagpupumilit ng binata.
“Sige na sige na pero ubusin muna natin ‘tong mga ‘to,” agad na sumang-ayon si Zedi.
HALOS magdidilim na nang makarating sila sa Tropical spring resort, nagbayad sila ng tig-75 na entrance at nakapagpalit na rin sila ng pampaligo nilang short at simpleng plain shirt. May bridge patungo sa loob na gawa sa naglalakihang kawayan at punong-kahoy. Dalawa ang pool para sa adult at pang bata. May ilang pamilyang nagsasaya ro’n, grupo ng magbabarkada at ilang couple na parang nag-date ro’n.
“Halika na,” sabay hatak ni Akaki kay Zedi patungo sa pang bata, puros bato ang paligid, halaman at mga puno.
Namamangha si Zedi sa sobrang linis ng lugar lalo na ang tubig kahit pa may ilan nang naliligo ro’n, nilagay lang sa isang tabi nila ang mga bag nila sa malapit, unang lumublob si Akaki sa sobrang excitement nito. Pinagmasdan lang siya ng dalaga habang hindi nawawala ang ngiti nito hanggang sa lumutang ito sa tubig.
“Ang sarap ng tubig, halika na!”
Naupo sa batuhan si Zedi saka dahan-dahan nilublob ang mga paa niya hanggang binti, doon niya napagtantong nagsasabi nga ng totoo si Akaki, masarap nga ang tubig na mainit sa pool ng resort. Hindi niya namalayan na lumapit si Akaki kay Zedi nang hatakin ang kamay niya ng binata, napasigaw siya sa gulat hanggang sa tuluyan siyang bumagsak sa tubig. Pag-ahon niya narinig niya ang mga halakhak ni Akaki, pasalamat na lamang ang dalaga na hindi malalim ang pool.
“Siraulo ka!” Sigaw niya sa binata ngunit parang wala lang ito sa binata at tawa pa ito nang tawa, pinupunasan naman ni Zedi ang mukha niyang basa gamit ang kamay niya, pati siya’y natawa dahil sa naging reaksyon niya.
“Hindi naman malalim eh,” wika ng binata.
Ilang minuto pa silang naglaro, nagbasa sa pool, paminsan-minsa’y lumilipad sa kabila at walang pakialam kung pinapanood na sila ng ibang naroon, para silang mga batang nakawala sa mga istrikto nilang magulang hanggang sa mapagod at maisipang magpahinga. Madilim na at unti-unti nang nagsisiuwian ang ilang kasabayan nila sa hot spring. Nilatag nila ang mga tuyo nilang damit sa damuhan at nilatag para magamit nilang higaan. Nakatanaw sila sa kalangitan na isa-isang nagniningning ang mga bituin doon.
Napaatras at bahagyang nagulat si Zedi nang may gumalaw sa kanan niyang tenga agad niyang tinignan si Akaki na pinapasok pala nito ang isang headset bud sa tenga niya.
“Pakinggan mo lang pag ayaw mo ibalik mo na lang sa ‘kin,” wika ng binata.
Siya na ang nag-ayos sa tenga niya at muling humiga, nakaramdam ng kaginhawaan at paggaan sa paligid niya ng marinig niya ang nasa playlist ngayon ni Akaki, hindi maipaliwanag at mas lalo pang nagpapadagdag mahiwagang pangyayari sa mga oras na ‘yon. Ang malumanay na tugtog at animoy naghileng boses na para bang gusto na lamang niyang maiwan sa mga oras na ‘yon para hindi na siya bumalik pa sa mga inaalala niya.
“Ang ganda,” komento ni Akaki.
“Maganda nga,” pagsasang-ayon niya sa binata.
“Alam mo minsan pag nalulungkot ako o gusto kong makapag-isa madalas akong mag-star gazing tapos papatugtugin ko lang yung mga indie music ko sa playlist parang bang sila ang nagdadala sa ‘yo sa kalikasan para kumonekta ka,” kwento ng binata.
Hindi nagsalita si Zedi ngunit para sa kanya tama ang binata.
“Try mo minsan mag-download, I have list of indie music and artist, para sa ‘kin art talaga ang mga music nila walang tapon,” dagdag pa ng binata.
Ngumiti ang dalaga, “yep, gagawin ko.”
Saka lang na isipan nilang bumalik sa Pii Haven para magpahinga at halos natuyo na rin sila dahil sa malamig na hangin sa biyahe.
“Gusto mo ba mag-cut ng trip?” Alok ng binata kay Zedi habang nakahinto sila sa hut niya.
“Saan naman tayo pupunta?”
Akaki never fails to surprise para kay Zedi at iniisip kung ano na naman bang balak ng binata.
“Bulusan,” ngising sagot ng binata.
“Bulusan?” Napataas ang isang kilay do’n ng dalaga, “wala ka namang balak na masama sa ‘kin?”
Nabigla si Akaki sa tanong ng dalaga saka pinaningkitan si Zedi, “hindi ah, baka nga ikaw pa ang may gawin sa ‘king masama, bahala ka nga dyan, ‘wag ka nga sumama,” saka naglakad paalis si Akaki at sa kalagitnaan ng bigla muli itong humarap na may ngiti, “good night, Zedi!”
Napailing na lang ang dalaga saka pumasok sa hut niya, una niyang hinanap ang phone niya at nag-search ng mga kanyang sinabi ni Akaki sa kanya habang nasa biyahe sila pabalik.
“Buti na lang malakas ang signal ng data rito,” komento niya habang isa-isa niya pinapasok ang mga ito sa spotify playlist niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Leana Mactal

    so much fun with your time

    30/01/2025

      0
  • avatar
    Andrei Ochoa

    maayos nman siya basahin

    05/09/2024

      0
  • avatar
    guidodatujun

    salamat

    07/07/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด