Chapter 3 “SINUSUNDAN mo ba ako?” Iritadong tanong ni Zedi kay Akaki nang makababa sila sa tapat ng entrada sa Casa Luna. Umatras naman ang binata at umaktong natatakot sa dalaga habang nakayakap sa sarili. “Teka, ano bang sinasabi mo?” Takang-taka at nanlalaki ang mga mata ni Akaki’ng nakatitig kay Zedi. “Kanina ka pa sumusunod sa ‘kin, hindi naman tayo magkakilala kaya pwede ba---ano ‘yan?” Natigilan si Zedi nang iharap ni Akaki ang itinerary list na nakasulat sa pirasong papel. Pinaningkitan niya ang mga nakasulat na lugar at halos iisang lugar lang ang pupuntahan nilang dalawa. Binaba ng binata ang papel at humarap sa kanya. “Kaya rito rin ako pupunta at saka isa pa para makamura tayo, ayaw mo ba nu’n?” Tanong ng binata. “Ayoko kasi kaya ko naman mag-isa,” sagot ni Zedi at tumalikod para iwan si Akaki nang magsalita pa ito na nagpahinto sa kanya. “Wala ka bang kaibigan?” Tanong ni Akaki. Bahagya siyang nagulat sa tanong ng binata sa kanya ngunit hindi na lamang niya pinansin ito at naglakad na nang diretso patungo sa loob. May hindi gaanong kahabaang floral arc na puno ng mga yellow bell na nagsisilbing bubong bago tuluyang makarating sa puting gusali patungo sa Casa Luna. Nangingibabaw ang kulay puti at brown sa two storey ancestral building na renovate lang para mapaganda. Sa gilid nito’y puno ng mga herbs na pananim at mga local ornamental plants habang nasa gitna ng hardin ang puting bike na display do’n. Hugis arc ang pintong brown sa Casa Luna, agad na siyang sinalubong ng makalumang disenyo na may touch of modern style ang lugar, ang bar counter na puno ng mga local food katulad ng tabliya at pili nuts. Sa gitna nito ang spiral stair case patungo sa ikalawang palapag. “Good morning, ma’am,” bati ng babaeng nagbabantay do’n na nakasuot pa ng statement tees na ‘I love Irosin.’ Ngitian niya ito pabalik at muli naman bumalik sa pag-aayos ang babae sa counter. “Wow,” bulalas niya nang makita niya ang mga naglalakihang abstract, portrait at landscape painting na nakasabit sa mga pader lalo na sa kisame, iniisip niya kung paano iyon naikabit ngunit namamangha siya ng lubos sa mga ito. Napatitig siya sa mala-starry night ng nasa gitna na mas pumukaw sa kanyang atensyon ngunit mas itim ang background nito. “Ang ganda ano,” wika ng boses sa kanyang tabi na siyang kinawala ng ngiti niya lalo na’t naririnig na naman niya ang sunod-sunod na click ng camera nito. Huminga siya ng malalim at umakyat na sa taas ng Casa Luna, do’n mas lalo pa niyang nakita ang mga lumang kagamitan sa lamesa at upuan. “Good morning po,” bati ng binatang nagbabantay sa maliit na counter. Nagustuhan niyang tumambay muna sandali dahil sa ganda ng arts lalo na sa sahig na hindi lang basta renovate ang buong lugar. Lumapit siya sa counter, nag-order ng club house at ng honey lemon tea. Pumesto siya sa bintana kung saan tanaw ang hardin sa baba, ang bulo-bundukin sa Irosin at ang aktibong bulkan ng Bulusan. Napapikit si Zedi at sinariwa ang masarap na hangin na para bang nagsasabing magpahinga na muna siya sandali kasama ang kalikasan. Napadilat si Zedi nang muli na naman niyang narinig ang tunog ng camera sa kabilang table, alam niyang ang binata ito dahil sila lamang ang costumer sa mga oras na ‘yon. Napasulyap siya sa lamesa niya nang may kamay na naglagay ng papel na maliit do’n gamit ang blue ball pen dahil sa tinta nitong asul, “sorry na,” bulong niya nang mabasa niya ang nakasulat at saka may nakaukit pang smiley face. Napansin niyang may nakatitig sa kanya kaya hindi na lamang niya ito pinansin o nilingun pabalik. Nang dumating ang pagkain niya agad niya itong inubos para makalabas na siya at makapunta sa susunod na lugar pagkatapos sa Casa Luna. Pagkatapos niya ng pagkain, ilang minuto pa siyang nagtagal do’n at kumuha ng mga litrato bago siya lumabas. Iba ang daan palabas sa Casa Luna, medyo pababa itong hagdan ngunit walang steps, napangiwi siya ng mapansing mahihirapan siya nito lalo na’y may dala siyang maleta. “Little help?” Napalingon siya sa direksyon ng boses at nakita niyang katabi na pala niya ang binata habang nakangiti sa kanya. Hindi niya alam kung paano siya tatanggi lalo na’t alam niya sa sariling mahihirapan din naman siya. ‘Ngayon lang naman,’ bulong ni Zedi sa kanyang isipan. “Pwede,” halos pabulong niyang wika. “Anong sabi mo?” Saka lumapit pa ng husto ang binata sa kanya kaya lalong nahiya si Zedi. “Sabi ko kung pwede,” nagkukunwari siyang naiinis. Ngumiti uli ang binata na siyang kinainis naman ni Zedi, “pwede,” at mabilis na kinuha ni Akaki ang maleta niya, “nag-iingat ka,” saka ito nauna kaya agad siyang sumunod. Humawak siya sa railings para hindi siya madala pababa ngunit nagawang bumalanse ng binata kahit pa hindi ito nakahawak katulad niya at may bitbit pang maleta. Malapit na sila sa baba nang mawalan siya ng balanse at mapabitaw sa hawakan. Dire-diretso siya hanggang sa tumama siya sa likod ni Akaki, mabuti na lang at hindi sila natumba dahil medyo malakas ang binata kesa sa kanya. “Whoa!” Sigaw ni Akaki nang tumama siya sa likod nito, agad na humarap ang binata sa kanya, “okay ka lang?” Para pa itong natatawa hanggang sa makababa sila. “Sorry,” sa hiya’y agad niyang hinila ang maleta niya mula sa binata. Dahil siya nagmadali siyang naglakad at agad namang humabol si Akaki sa kanya. “Teka, sa Pili Haven ba ang punta mo?” Tanong nito nang hilahin ang hawakan din ng maleta niya para pigilan siya. Sa una’y ayaw sagutin ng dalaga ngunit mapilit ang binata. “Sige, sabay uli tayo, mukhang doon ang punta mo para tipid sa pamasahe,” sabay ngiti ni Akaki. “Okay, sabay na tayo pero pagdating do’n tama na, we’re not even friends gusto kong makapag-isa kaya hayaan mo ko ro’n at ‘wag mo kong pansinin pag nakita mo ko roon ah, gets mo?” Pinakalma niya ang sarili niya para sa ngayon lang kay Akaki. “Pero pwede ko bang malamang ang pangalan mo?” Ngiting tanong ni Akaki na hindi pa rin binibitawan ang maleta niya. Napansin niyang hindi siya titigilan nito, “sige, si Zedi na lang, okay na ba?” “Cool tayo, Zedi, ako na nito,” saka inagaw ni Akaki ang maleta sa kanya at naunang naglakad sa kanya. WALA pang sampung minuto nang makarating sila sa Pili Haven ng sabay, tinulungan ni Akaki na ibaba ang maleta ni Zedi kaya nagpasalamat naman ang dalaga, “ang usapan natin,” sabi ng dalaga sa binata at saka lang napagtanto ni Akaki na kailangan nilang maghiwalay ngunit parang ayaw pa niya ngunit wala siyang magagawa. Tumango-tango siya, “yep, usapan ay usapan,” si Akaki na mismo ang lumayao at hinayaan ang dalaga. Nauna siyang pumasok at mga ilang minuto nang hindi na mapansin ni Zedi si Akaki siya naman ang sumunod na pumasok. Nagbayad ang dalaga sa entrance sa may counter nang may ialok sa kanya ang babaeng nagbabantay na nakasuot ng polo shirt na white at may maigsing buhok, “baka gusto po ninyong sumama sa project Adventure to Pili Haven?” “Tungkol po saan ‘yon?” Walang balak gawin si Zedi kundi ang magpahinga lang sa mala-Maldives nitong mga nipa hut at kumain at lasapin ang eco-friendly park sa Pili Haven ngunit nagkunwari siyang interesado para hindi mapahiya ang babae. “Wala pong bayad ito, may trill ka lang pong susundan, steps at madaling challenge. Isusulat mo lang po rito…” saka nilabas ng babaeng tagapagbantay ang simpleng maliit na notebook at ball pen, “ang mga na experience mo sa trill and gusto rin namin malaman kung anong pakiramdam na matapos ang mga steps sa ganu’n mas lalo ninyong ma-enjoy ang pag-stay ninyo sa Pili Haven na hindi ninyo malilimutan.” Pili ang panghuling lugar ang pupuntahan ni Zedi sa araw na ‘yon kaya gusto rin niyang masulit dahil malawak ang buong Pili Haven para pasyalan at kakaunti lang ang taong naroon ngayong araw. Tumango siya at ngumiti si Zedi, “sige.” “Salamat po, ito po ang susi ng hut ninyo at instruction para sa Pili Haven Adventure ninyo,” saka inabot sa kanya ang mga kailangan niya. Pagkapasok pa lang niya sa loob, bumungad na sa kanya ang sariwang hangin, ang mga pili trees, ang mga recycle paso para sa mga pananim, ang mga tuyong dahon na ginawang pakpak para sa picture taking, ang mga baong binuo para maging upuan, halos lahat ng makikita sa Pili Haven ay walang halong kemikal na makakamatay sa kalikasan. Maririnig din ang malakas na lagaslas ng tubig sa di kalayuan dahil may talon sa malapit. Hinanap muna niya ang hut at iniwan ang mga maleta ro’n bago siya muling lumabas. Paglabas niya nakita niya si Akaki na nagtatayo ng tent na may ilang metro lang ang layo sa kanya, lalapitan niya sana ang binata ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at pinagmasdan si Akaki sa malayo habang binubuo ng binata mag-isa ang tent niyang kulay asul, isa lang ang napansin ni Zedi sa binata, na mahilig ito sa kulay asul. Napangiti si Zedi ng hindi niya napapansin nang makitang nahihirapan si Akaki sa tent niya ngunit ilang beses na pilit na tinatayo. Hinayaan na lamang muna niya ang binata at naglakad palayo. Step 1: Pumunta sa board of memories na makikita lang sa tapat counter ng Pili Haven, enjoy. Yon ang unang step, hindi na muna niya binuklat ang sunod na pahina at agad na nakarating do’n nang mahanap niya. Iba’t ibang kulay na mga papel na binuo para makagawa ng makapal at matibay na board. Lumapit si Zedi ro’n para maaninag ng malapitan ang mga nakadikit na papel do’n at ang sa gitna nakasulat ang katagang ‘Kailangan mo huling kinausap ang kalikasan para magsumbong ng mga problema mo?’ Maliliit na papel na may mga nakasulat na sagot sa tanong na ‘yon. Biglang nakaramdam ng lungkot ang dalaga at sumagi na naman sa kanyang alaala ang nangyari sa kanilang magkakaibigan. Step 2: Sagutan ang tanong na nakasulat sa munting board at ipaalam sa kalikasan ang dinadala mo ngayon sa pirasong papel. Pumunta si Zedi sa pinakahuling pahina ng notebook at simpleng sinulat ang nararamdaman niya ngayon. Step 3: Bago mo idikit maghanap ka taong pwede mong pagsumbungan at parehas ninyong pag-usapan at i-connect ang sarili sa kalikasan. Napakunot-noo siya sa sunod na step, hindi niya alam kung ganu’n ba kadali ang magsabi ng problema sa hindi mo naman kakilala dahil gusto niyang subukan agad siyang naghanap ngunit pagharap niya’y naroon si Akaki na may hawak ding notebook katulad niya at mukhang parehas niya’y sumubok din sa Pili Haven Adventure. Ngumiti ang binatang si Akaki, lumapit ito sa board at naupo sa baba nito. Hindi alam ni Zedi kung anong iakto niya kay Akaki o kailangan ba niyang magdahilan na hindi naman niya kailangan ng kasama o kaya’y sabihan na ‘wag siyang kulitin. “Hindi mo naman kailangan magsalita, kung gusto mo rito lang tayo sandali saka tayo magpatuloy sa susunod, hindi naman nila malalaman kung sumunod ba tayo,” wika ng binata, “marami tayong pinagdadaanan sa buhay natin, para ma-let go natin yung mga iyon kailangan natin alalahanin, no preaching, no advice, just be there and evaluate everything. Tanungin mo ang sarili mo paano ako nakaalpas sa problemang ‘yon?” Hindi nakaimik si Zedi, may kung anong bagay ang bumara sa kanyang lalamunan, nanunuyo, may kung anong bagay ang gusto niyang pigilan ngunit huli na ang lahat at hindi na niya napigilan pa nang tumulo ang mga luha niya. Ayaw na ayaw niyang umiiyak sa publiko o magpakitang mahina sa lahat pero hindi pa rin siya makalimutan ang nangyari sa kanilang magkakaibigan. May kamay na humawak sa kanyang kamay, hinayaan na lamang niya si Akaki na yakapin siya nito, wala naman siyang nararamdaman na kahit na ano o pambabastos para pang gumagaan ang loob niya sa binata. Hindi nagsalita ang binata, patuloy pa rin ang pagpatak ng luha niya, taas-baba ang kanyang balikat na parang batang hindi mapigilan ang luha dahil inagawan siya ng kendi ng kanyang kaaway nagsusumbong sa kanyang kapatid. Kosang kumilos ang mga kamay niya at yumakap sa binata.
so much fun with your time
30/01/2025
0maayos nman siya basahin
05/09/2024
0salamat
07/07/2024
0ดูทั้งหมด