logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Chapter 2
EVERYTHING has changed para kay Zedi.
Hindi pa rin siya makapaniwala na mangyayari sa kanila ito, ni isa sa mga kaibigan niya’y walang kumampi o pinakinggan ang kanyang side, mas kinampihan at naawa pa sila kay Chara kesa sa kanya na nadaya. Gusto man niyang ipagtanggol ang sarili at ipaglaban ang tama huli na ang lahat kung sarado na ang utak nang mga kaibigan niya. Pinagpapasalamat na lamang ni Zedi na hindi na muna niya makikita ang mga kaibigan lalo na ang matalik na kaibigan si Chara at hindi na rin sila kinontak ng mga ito pagkatapos ng semester.
Simula nang mag-semestral break, isang linggo na siyang nasa bahay nila, walang gana sa lahat ng bagay lalo na ang lumabas ng bahay, wala siyang nagawa kundi ang sabihin sa mga magulang niya ang nangyari at kung bakit siya nagkaganu’n nang mapansin siyang nagbabago araw-araw. Hindi naman siya pinilit at hinayaan na muna. Gusto rin naman niyang maging masaya kahit pa paano ngunit tinatamad siya sa lahat ng bagay.
Nakahiga siya sa kama niya at napasulyap sa kama nang may kumatok mula sa labas. Kahit ang kurtina sa bintana niya’y hindi mabuksan para magkaroon ng liwanag sa loob ng silid niya, nakasuot pa rin siya ng pantulog niya kahit na nakapag-almusal na siya kanina.
“Zedi, andyan tita ninang mo hanap ka, kaya lumabas ka na dyan para kausapin mo,” wika ng boses babae mula sa labas at alam niyang ina niya ito.
Huminga siya ng malalim at pinatay ang malungkot na tugtugin sa playlist ng phone niya. Bumangon na siya at lumabas ng silid. Pagkababa niya sa unang palapag naroon sa sala ang tita ninang niyang talo pa ang mga millennial kung pumorma at ang cool pa rin nito kumilos katulad pa rin ng dati. Ngumiti ito at tumayo nang makita siya saka yinakap ng mahigpit nang makalapit sa kanya.
Nakasuot ito ng Bangkok inspired dress na floral na abot hanggang tuhod ang haba, medyo wavy ang buhok nitong blonde at may beret na kulay black habang may itim na gloves sa magkabilang kamay nito. Panganay na kapatid ng ina niya na mas malapit sa kanya dahil sa limang kapatid ng kanyang ina ang tita Crista niya ang pinakamalapit sa lahat nilang magpipinsan.
“Naku! What happened to you, inaanak?” Nang bitawan siya nito’y hinawakan siya sa kamay at hinila patungo sa sofa, “parang namamayat na si inaanak, anong ginagawa mo sa anak mo?” Para bang kinagagalitan nito ang ina niya na nakangisi lang sa tapat nila dahil alam nilang nagbibiro lang ito sa kanila.
“Mas magandang si Zedi na lang ang magkwento sa ‘yo at may aayusin lang ako sandali sa kusina,” paalam nito sa kanila at dumiretso na sa kusina.
Humarap naman siya sa direksyon ng tita ninang niyang si Crista na may nag-aalalang titig sa kanya, “kiniwento na sa ‘kin ng mama ang nangyari, gusto mo bang awayin natin sila?” Pabiro na naman nito habang inaayos ang ilang hibla ng buhok niya, “masyado ka kasing mabait kaya na take for granted ka ng mga tao sa paligid mo, tandaan mo, Lezedi, hindi lahat ng mga nakikilala at malapit sa ‘yo o kahit kaibigan mo pa yan na matalik eh kailangan mong pagkatiwalaan. Magtira ka ng para sa ‘yo para hindi ka nasasaktan, less expectation less hurt.”
“Opo,” tumango-tango na lamang siya.
“Naku, alam mo ba may idea ako at pumayag ang mga magulang mo rito kasi pinilit ko sila. You need to unwind, find yourself and introduce to the nature,” masayang suwestyon nito.
Napakunot-noo siya at hindi gaanong maintindihan ang sinasabi ng kanyang tita ninang, “ano pong ibig sabihin ninyo?”
“Diba you always make kwento na gusto mong bumiyahe mag-isa, gusto mong makapunta sa Irosin ng solo, bakit hindi mo gawin ito?”
Hindi agad nakasagot si Zedi at nakita niyang may kinukuha si tita ninang niya sa itim nitong pouch. Nilabas nito ang papel, sa pagharap nito sa kanya kinuha ang kamay niya at nilagay do’n ang papel. Agad niyang binasa ang nakasulat do’n, accommodation sa ilang sprint resort Irosin at itinerary kung saan siya pwedeng maglibot sa loob ng limang araw. May nakaipit pang cash sa papel.
Nanlalaki ang mga mata niyang napasulyap sa kanyang tita Crista na natutuwa sa naging reaksyon niya.
“Yes!” Mas excited pa ito kesa sa kanya, “pumayag ang mga magulang mo dyan ano, para sa ‘yo and ilan lang ang oras na gugugulin mo papunta sa ro’n from Castilla to Irosin diba. At least pagbalik mo sa school mo nakalimutan mo na yung nangyari sa last semester mo and may bago kang experiences, what do you think?”
“Totoo ba ‘to?” Hindi pa rin makapaniwala si Zedi.
“Oo naman yes, inaanak,” mas lalong nadagdagan ang excitement kay Crista nang makitang may sumilay na ngiti kahit pa paano sa mukha ni Zedi.
“Naku, gusto ko ‘to salamat,” napayakap siya kay Crista kaya yumakap din ito pabalik kay Zedi. Nakaramdam din ng isa pang yumakap kay Zedi, ang kanyang ina, “salamat po.”
NASA ayos na ang lahat sa pag-alis ni Zedi papuntang Irosin, hindi naman siya magbibitbit ng marami, mga ilang damit at essentials na pangangailangan lalo na ang pang hygiene niya. Isang canvas bag na itim at maliit na maletang kulay asul ang kanyang dala. Simpleng pang biyaheng bistida at sapatos na puti ang kanyang suot.
Hindi man gusto ang ideya ng mga magulang niya lalo na ang papa niya sa una pero kailangan nilang gawin ito para sa anak. Para matutunan din nito paunti-unti ang mag-isa. Hindi pumasok ang ama niya sa trabaho para lang maihatid siya nito kasama ang mama niya sa bus station. Maingay sa paligid, samu’t saring mga nagtitinda ng tubig o kaya’y maaring mabaon na pagkain sa biyahe. Mga ilang aligagang pasaherong naghahanap ng bus number at ilang kargador na nagkakarga ng mga bagahe sa mga bus.
“Kompleto na ba, wala ka na bang naiwanan?” Paulit-ulit na tanong ng ina niya sa kanya.
“Its fine, kompleto na ang lahat, aakyat na ako sa bus,” paalam niya sa mga ‘to.
“Mag-iingat ka,” sabi naman ng kanyang ama.
“Yes, pa, salamat uli sa inyo,” ngiti niyang wika.
“Sige na,” lumapit ang ama niya sa kanya saka siya binigyan ng halik sa noo at yinakap, ganu’n din ang ina niya bago niya iwan ang mga ito para umakyat sa bus, agad din niyang nahanap ang seat number niya sa ikalawang upuan sa side ng bus driver at natuwa siya nang malamang window seat siya.
Naupo siya ro’n, halos kompleto na ang pasahero maliban sa katabi niya.
Umakyat ang konduktor ng air con bus, “kompleto na ba?” Tanong nito sa kanila.
“Wait, teka lang!” May sumigaw na binata at hingal na hingal na nakatayo sa tabi ng konduktor na lalaki, nakahawak ang isang kamay nito sa bewang habang ang isa naman ay nakahawak sa dibdib. Pinagpapawisan siya ngunit hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa labi. Asul ang plain shirt na suot nito, denim pants at black shoes. Halos katangkad nito ang konduktor, kulutan ang itim nitong buhok, singkit ang mga mata, para siyang model sa tindig niya kahit pa simple lang ang suot niya, namumula ang mga labi niya, makapal ang kilay, matangos ang ilong, may ilang pikas sa mukha at medyo pangahan ng kaunti.
May nakasabit na DSLR cam sa leeg niya, at nakasukbit na bag na itim sa likod.
“Andito na po ako,” wika niya sa konduktor na para bang matagal na silang magkakilala.
‘Ang yabang naman nito, ang akala mo ang gwapo niyang tignan,’ bulong ni Zedi sa kanyang isipan.
Ngunit hindi naman siya pinansin ito at hinayaan siyang pumasok sa loob para hanapin ang puwesto niya, humarap ito sa puwestong upuan ni Zedi at kumaway sa kanya. Doon lang napagtanto ni Zedi na yung upuan niyang bakante ang kulang na pasahero para sa binata. Hindi na lamang niya pinansin ang binata at sumilip na lamang sa labas ng bintana saka sinuot ang headset sa magkabilang tenga. Hinayaan niyang antukin sa tugtog habang nasa biyahe.
***
Nagising si Zedi na may kung anong mabigat sa kanyang balikat, do’n lang niya napagtantong nakapatong ang ulo ng binatang katabi niya sa sa kanyang balikat. Nakapikit din at mukhang nakatulog din sa biyahe, kung kakilala niya ito hahayaan niyang matulog ito sa balikat niya ngunit hindi kaya agad niyang tinulak ito palayo sa kanya buti’t hindi pa rin ito nagising at nagpupunas ng bibig na para bang may tumulong laway kaya napangiwi si Zedi.
Muli tinanaw ng dalaga ang bintana at saktong nakaukit sa batong dinaan nila ang katagang WELCOME TO IROSIN.
‘Malapit na!’ Sigaw niya sa kanyang isipan, lalo siyang na excite sa una niyang pupuntahan na along the road lang kaya madaling makita.
Ilang minuto ang dumaan nang pumara siya sa mismong tapat ng D’ Green Thumb, ngunit hindi niya inaasahan na magiging ang binatang nasa tabi niya at walang sabing unang bumaba na siyang pinagtaka niya. Agad na siyang kumilos bago pa man mapagalitan ng driver sa bus, pagbaba niya agad niyang natanaw ang nagtataasang at namumukadkad na mga sunflower na tanim sa mini farm, may iba’t ibang halaman, bulaklak at ilang crops naroon. Maraming tao ang labas-masok sa farm, sa una sa Facebook lang nakikita ang farm ngunit kaharap na niya ito.
Kumuha siya ng ilang litrato gamit ang kanyang phone nang may magsalita sa tabi niya kaya napalingon siya sa direksyon ng binatang nakasabayan niya sa bus.
“Papasok ka rin?” Ngiting tanong nito sa kanya.
Hindi niya ito sinagot dahil hindi naman siya mahilig makipag-usap sa mga hindi kilala saka siya dumiretso pumasok sa loob nang makapaghulog siya ng donation para sa pagpapaganda pa ng farm. Pagkapasok pa lang bubungad na ang ilang maliliit na sunflower na abot lang hanggang tuhod niya, agad niyang kinuhaan ng iba’t ibang angulo ang mga ‘yon, may mga maliliit na bonsai na binebenta, mga vine plants, mga prutas, may ilang maliit na nipa hut para pagpahingahan. Mga munting palaruan para sa mga bata. May mga nakasabit na maliliit na mineral water para gawing hugis bulaklak na kinulayan para maging banderitas o palamuti pa sa farm.
Maraming tao ro’n na nagpapa-picture rin kahit saang sulok ng farm, lumapit siya sa mga kumpulan mga mas mataas pa sa kanyang mga sunflower, hindi niya alam kung paano kuhaan ang sarili kasama ang mga bulaklak nang may sumigaw sa unahan niya.
“Cheese!” Pagharap niya sa direksyon ng sumigaw, tumunog ang pag-click ng camera na siyang kinagulat niya.
Saka lang siya natauhan na ang binata pala ito at mabilis na nagbago ang mukha niya. Napikon siya sa ginawa ng binata kaya nawala ang ngisi nito sa kanya. Lumayo siya na hindi ito makita.
Lumayo na siya’t lahat ngunit hindi pa rin siya tinantanan ng binata, narinig na lamang niya ang boses nito sa kanyang katabi.
“Para kang sunflower kapag nakikita kita gumaganda ang araw ko,” wika ng binata.
Napangiwi ako at humarap sa direksyon niya, “anong sabi mo?”
“Sabi nu’n,” sabay nguso niya sa tabi niya na isa pa lang sa isang dilaw na plywood.
Iniwanan na lamang siya muli ng dalaga at hindi na lamang pinansin.
Ilang minuto pang nagtagal do’n si Zedi saka niya napag-isipang lumabas sa farm. Paglabas niya naglakad siya patungo sa pila ng mga tricycle.
“Sain po kayo?” (Saan po kayo?) Tanong ng manong mag-tricycle driver sa kanya na medyo may katandaan na.
“Sa Casa Luna po---” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may sumabat sa tabi niya.
“Pwede makisabay, doon din kasi ang punta ko para makamura tayo,” ang binatang kanina pa sunod nang sunod sa kanya.
“Magkasama po ba kayo?” Tanong ng manong driver sa kanilang dalawa.
“Hindi po!”
“Yes, sir.”
Sabay na sagot nilang dalawa kay nagkatitigan sila, nakangisi lang ang binata habang pinaniningkitan ni Zedi ang binata.
“Pwede bang ‘wag ka ng sumama at gusto kong makapag-isa, sirang-sira na ang araw ko, hindi naman tayo magkakilala,” inis na wika ni Zedi.
“Ako si Akaki, ikaw ba wash your name?” Biro ng binata na lalong kinainis ni Zedi.
“Tigilan mo ko,” banta ng dalaga saka sumakay sa loob ng tricycle at naupo naman sa labas si Akaki na siyang kinagulat ng dalaga.
‘Sinusubukan talaga ako nito! Bwisit siya!’ Sigaw ni Zedi sa isipan niya.
“Let’s go to Casa Luna, manong!” Sigaw ng masayang si Akaki at hindi pinansin ang pagbubugnot ni Zedi sa loob.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Leana Mactal

    so much fun with your time

    30/01/2025

      0
  • avatar
    Andrei Ochoa

    maayos nman siya basahin

    05/09/2024

      0
  • avatar
    guidodatujun

    salamat

    07/07/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด