Chapter 1 “I CAN’T IMAGINE na magagawa mo ‘to, Ms. Villalobos, you’re running for EIC at ikaw ang inaasahan kong papalit sa senior mo, bakit mo nagawa ‘to? Bakit mo nagawang mangopya ng gawa ng iba at para bang proud ka pang ipasa sa ‘kin ‘to, hindi ka ba nahihiya?” Saka binato ni binibining Hidalgo ang papel na pinasa ni Lezedi kanina lang bago siya bumalik sa klase. “Nakausap ko na si Ms. Cristobal tungkol rito, papalampasin niya ang nangyari, pero kailangan mong humingi ng tawad sa kanya sa pagkopya ng artikulo para rito.” Hindi makapaniwala si Zedi na mangyayari ‘to sa kanya, nanatili siyang nakatayo sa harapan ng guro na may pagitan ng mahogany study table sa kanilang dalawa sa loob ng opisina nito, hindi niya maramdaman ang sarili lalo na ang lamig sa loob ng silid, nanliliit siya at kahit din siya’y hindi makapaniwala sa kanyang nalaman. ‘Imposibleng mangyari ‘to,’ bulong niya sa kanyang isipan. “Can you explain yourself, Ms. Villalobos?” Muling tanong ng matandang guro sa kanya. Nawala ang dating amor nito sa kanya na sa tuwing nakikita siya’y ngumingiti at para bang anak ang turing sa kanya, ngayon para bang isa siyang estudyanteng pinatawag sa principal’s office dahil sa kasalanang nagawa niya at hindi alam kung paano depinsahan ang sarili. Binuka niya ang bibig ngunit hindi niya man lang magawang maglabas ng hinaing. Huminga ng malalim ang matandang babae at inayos ang bilog nitong suot na salamin, “you’re disqualified for this kung hindi mo ‘to ipapaliwanag sa ‘kin ng maayos,” para bang mauubusan ng pasensya sa kanya ang guro. Gustong maiyak ni Zedi ngunit kinontrol niya ang emosyon niya, “lumaban po ako ng patas, ma’am, hindi ako nangopya, bakit hindi ninyo imbestigahan ng maayos? Ako po ang orihinal na may gawa nito, imposible pong kopya ko ang gawa ng iba, sa lahat ng tao ikaw po ang nakakaalam kung paano ako magtrabaho lalo na sa loob ng publication sa school,” nilakasan niya ang loob para maipagtanggol ang sarili kahit pa nanginginig ang boses niya, pinagpapawisan ng malamig at sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya sa mga oras na ‘yon. “Hindi na kailangan pa ng imbestigasyon tungkol rito…” umayos ng upo ang matandang guro, “kaya kong palampasin ang nangyari, mas maganda na walang makakaalam sa nangyari sa publication at nangyari. Kung sakaling mangyari man ‘yon at malaman ng lahat, baka alisin kita sa publication.” “Po?” Pabulong na tanong ni Zedi. “Sige na, Ms. Villalobos, bumalik ka na sa klase mo at ‘wag ka na munang sumabay sa meeting mamaya,” utos ng guro at isa-isa lininis ang mga papel sa harapan na nakapatong sa lamesa. Hindi makapaniwala si Zedi, kahit gusto man niyang ipilit wala siyang magagawa, nahuli siya ng pasa para sa requirements sa susunod na EIC dahil ilang beses pa niyang inayos ‘yon, pero hindi siya maaring magkamali, iisa lang ang nakakaalam na ‘yon ang artikulo niyang ipapasa, si Chara, ang kanyang matalik na kaibigan sa unibersidad, ngunit hindi siya makapaniwala na mangyayari ‘to sa kanila---sa kanya. Parehas silang running for EIC at nangako sila sa isa’t isa na kahit na anong mangyari o ano man ang magiging resulta magiging magkaibigan pa rin sila. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng opisina ni binibining Hidalgo, saktong paglabas niya nang makita niya si Chara, bahagyang nagulat ang kaibigan ng makita siya lalo na ang ekspresyon ng mukha niya, lalagpasan sana siya ng kaibigan niya nang harangan niya ito. “Kailangan nating mag-usap, Chara,” wika niya sa kaibigan. Ngumiti ng may pag-aalanganin ang kaibigang babae sa kanya, “teka lang, Zedi, pinapatawag ako ni ma’am---” “Para puriin ka sa gawa na hindi mo naman ginawa,” pagpuputol niya sa kaibigan. Nagkatitigan sila at namilog ng dahan-dahan ang mga mata ni Chara. Hindi makaimik sa kinatatayuan nito, pinagpapawisan ang noo at nakatali ang maigsing buhok nito. Mas matangkad sa kanya si Chara kaya kailangan pa niyang tumingala ng kaunti sa dalaga. “Huwag na tayong maglokohan, Chara, kaibigan kita, higit pa ro’n ang turing ko sa ‘yo, bakit mo nagawa sa ‘kin ‘to? Nangako tayo---” Umiling-iling si Chara kay Zedi, “hi-hindi kita maintindihan, anong ibig mong sabihin?” “Alam mong ikaw lang ang nakabasa ng gawa ko na ipapasa ko para sa pagka-EIC, ikaw ang nakakaalam ng lahat ng detalye no’n, ba-bakit namin ganu’n?” Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Zedi sa halo-halong emosyong nararamdaman niya, “alam kong gusto mo ring maging EIC, pero bakit kailangan mong gawin sa ‘kin ‘to?” Walang emosyong nakatitig si Chara kay Zedi, “hindi kita maintindihan, bakit hindi muna lang aminin na sa pagkakataon na ‘to na ako ang magaling at ikaw ang talunan? Aalis na ako, Zedi, pasalamat ka at pinalampas pa ‘to ni ma’am, kung hindi baka pinatalsik ka pa sa unibersidad sa kahihiyang ginawa mo kahit pa mag-end na ang semester.” Saka tumalikod si Chara kay Zedi at pumasok sa opisina ni binibining Hidalgo. Naiwang nakatayo si Zedi sa gitna ng tahimik na sa pasilyo ngunit sa likod nito ang sobrang pagkagulat sa buong pangyayari at panghihina. Hindi na niya basta maibabalik ang lahat, hindi niya makukuha ang matagal na niyang inaasam para maging EIC sa unibersidad kung saan nang galing ang mga magulang niya. Ang tagal niyang binuhos ang oras at sarili sa publication nilang Warriors, ang dami niyang gustong gawin ngunit hindi na lahat ‘yon matutupad. Bilang galing sa angkan ng magagaling na manunulat at bilang isang second year literature student, nakakahiya para sa kanya na malaman ang lahat ang balitang ‘to. Sa tingin niya kahit na anong paliwanag ang gawin niya walang maniniwala sa kanya. Alam niya sa sarili niyang hindi siya nakagawa ng mali, ngunit ang masakit para sa kanya na malamang ang tatraydor ay ang matalik na kaibigan, gusto lang naman niyang umamin si Chara sa kanya, ngunit nagsinungaling pa rin ito sa kanya na isang mabigat din para sa kanya na paniwalaan. AYAW MAN NIYANG pumasok sa araw na ‘yon ngunit kailangan, ilang linggo na lang at magtatapos na ang second semester sa unibersidad nila. Lahat ay excited na matapos ang mga requirements at mga exams, pero si Zedi hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang nangyari sa publication nila. Gusto man niyang kalimutan at katulad ng sinabi ni binibining Hidalgo walang nakaalam sa nangyari, para bang normal na araw lang ito sa lahat at kahit din sa mga magulang niya’y hindi masabi ang totoo. Hanggang kalian kaya niya itatago ito? Pagkatapak pa lamang ni Zedi sa gusali ng departaminto nila, sumalubong na sa kanya ang mga estudyanteng nakasuot ng kulay puti na may pares na gray sa kanilang uniporme. Puting blouse, gray skirt sa babae, habang may may gray necktie na may logo ng West University at gray slacks sa lalaki at polo. Napansin niyang nagtatakbuhan ang mga kamag-aral niya sa harap ng pinaka-bulletin board ng department nila, agad siyang nagmadali sa paglalakad at sumunod sa mga ‘to. Katulad ng iba’y nakipagsiksikan siya para makita kung ano man ang balitang pinagkakaguluhan nila. Ngunit natigilan si Zedi ng makita niya ang litrato ng bagong EIC ng Warriors, si Chara. Ngiting-ngiti ito sa litrato na para bang walang nangyaring problema habang inaayos ang resulta. Naikuyom ni Zedi ang mga kamay sa magkabilang gilid niya para kontrolin ang inis nang maalala na naman niya ang lahat. Naramdaman na lang niyang may umakbay sa kanya at mas lalong umiingay ang paligid. Napalingon siya kung sino ito, nakita niya ang isa pa niyang kasamahan sa Warriors at kaibigan na si Esme. “Hoy, gusto ko sanang sabihin sa ‘yo ‘yan kagabi, kaso offline ka at mukhang patay ang phone mo,” saka bumitaw sa kanya ang maputlang kaibigan at hindi man lang napansin ang hindi niya maipintang mukha. “Kagabi pa namin nalaman yung---okay ka lang ba, Zedi?” Agad na tanong ni Esme at pagbabago ng tono nito na animoy nag-aalala sa kanya. Umiling siya, “wala.” “May problema ba? Sorry ah, alam ko gusto mo rin maging EIC pero sana maging masaya tayo para sa kaibigan natin,” sabay ngiti ni Esme sa kanya. Hindi man lang niya ito ngitian pabalik at nanatili ang emosyon ng mukha niya. “May klase na ako, kita tayo mamaya, libre tayo ni Chara, alam kong hindi ka makakahindi sa best friend mo at vacant ka na diba, bye,” saka masayang umalis si Esme at nagmamadaling tumakas sa kumpulan. *** Wala na siyang nagawa nang hatakin na siya ni Esme sa pupuntahan nila kung saan makikita niyang muli si Chara, pagdating nila ro’n kumpleto na ang grupo nila sa loob ng mamihan na madalas nilang puntahan sa likod ng unibersidad nila na madalas ding tambayan ng ilang estudyante na nag-aaral sa kalapit nilang unibersidad. Naging tahimik si Chara at Zedi nang muli na naman silang magkaharap ngunit ni isa sa kanila ay walang gustong mag-umpisa para kumustahin ang bawat isa. Nanatiling maingay si Esme at nakikipagbiruan sa ilan pang kaibigan nila. “Ako na mag-order,” suwestyon ni Belinda na mas nakakatanda sa grupo at tinuturing na ate sa kanilang lima. “Yung katulad pa rin ng dati sa ‘kin,” singit ni Micaela na halos hindi na makita ang mata sa tuwing ngingiti ito. “Padagdag uli ng sabaw kamo,” wika uli ni Esme. Tumayo na si Belinda para sabihin ang order nila sa counter nang mapansin ni Esme ang awkward na nararamdaman niya sa dalawang kaibigan. “Okay lang ba kayo?” Biglang tanong ni Esme na siyang nagpahinto rin kay Micaela, saka lang din napansin nito na hindi nagpapansinan ang dalawa. “Wala ako dapat dito,” wika ni Zedi, ni isa sa mga kaibigan niya lalo na si Chara’y ayaw niyang makita. Napakunot-noo si Esme, “bakit naman?” “Dahil ba ‘to sa pagka-promote ko sa publication bilang EIC?” Lahat sila’y napasulyap kay Chara nang magsalita ito lalo na si Zedi. “Hindi ka ba para sa ‘kin, gusto mo bang lahat ng tao pinupuri ka? Akala ko ba kaibigan mo ko, kapatid ang turing ko sa ‘yo, pero bakit parang kalaban ang tingin mo sa ‘kin?” Naluluhang tanong ni Chara na mas lalong kinagulat nilang tatlo. “Teka lang, nasa public tayo,” mahinang saway ni Micaela, “pwede naman natin ‘tong pag-usapan ng maayos, hindi sa ganitong paraan, magkakaibigan tayo rito.” “Bawiin mo ang sinabi mo, Chara, bakit mo sa kanila sabihin ang totoo na dinaya mo ang lahat kaya ka nasa posisyon na yan?” Hindi na kontrol pa ni Zedi ang emosyon niya, nakuha na niya ang atensyon ng ilan, agad naman lumapit si Belinda sa lamesa nila. “Ano?” Gulat na bulalas ni Esme at hindi naman makaimik si Micaela habang namimilog ang maliliit niyang matang nakatitig kay Zedi. “Anong problema ninyo? Kung ano man yan pag-usapan natin sa labas---” “Hindi, hindi ako mananahimik hangga’t hindi lumalabas ang katotohanan---” “Tumigil ka nga, Lezedi,” saway ni Belinda, “naiingit ka ba kay Chara at siya ang napili kaya ka gumagawa ng isyu?” Hindi makapaniwala si Zedi na pagbibintangan siya ng ganu’n ni Belinda, isa-isa niyang tinignan ang mga kaibigan at halos husgahan na ang pagkatao niya kung makatitig ang mga ito sa kanya. “Bakit hindi ninyo tanungin si Chara? Kahit na kailan hindi ako nainggit sa mga achievements ninyo, lalo na kung kay Chara ‘yon, pero sana lumaban siya ng patas at hindi niya ‘yon dinaya,” si Zedi naman ngayon ang lumuluha, “gusto ko lang lumabas ang katotohanan…” huminga siya ng malalim, “iyon lang naman, sorry, kung nasira ko ang maliit na celebration ninyo sa bagong EIC,” saka niya padabog na kinuha ang bag niya at nagmadaling lumabas ng tent sa mamihan na hindi man lang lumilingon sa ilang naroon. Nanghihina siya at nanginginig kaya naglakad siya para huminto sa gilid sa mismong likod ng truck. Taas-baba ang balikat niya dahil sa pagpipigil ng mga luha niya pero patuloy pa rin ito sa pagtulo saka niya naibagsak ang bag niya sa paanan. Mas lalo lang bumigat ang nararamdaman niya dahil hindi niya inaasahang magiging ganito ang lahat. Bahagya siyang natigilan nang may kamay na lumahad sa harapan niya habang may hawak ng asul na panyo, hindi niya nilingon kung sino ito, hinayaan lamang niya at hindi inabot ang panyo dahil sa hiya. Hindi nagsalita kung sino man ‘yon hanggang sa maingat na pinatong ang panyo sa kanan niyang balikat at do’n niya naramdamang lumayo ito sa kanya. Nanginginig siyang inabot ang panyo mula sa balikat at ginamit itong pamunas sa luha niyang patuloy pa rin sa pagpatak.
so much fun with your time
30/01/2025
0maayos nman siya basahin
05/09/2024
0salamat
07/07/2024
0ดูทั้งหมด