logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 You Should Not Be Left Alone

Nixon's POV
***
Kaagad na humarang ang ginawa kong mga bantay sa dulo ng Corridor. They are the two ogres that were both based on my parents.
"No one's allowed to pass unless our riddles were surpassed," sabi ni Beshanti.
Napangisi ako sa sinabi niya. Ganiyang-ganiyan ang tatay ko. Hindi ko makukuha ang mga bagay na gusto ko hangga't hindi ko nagagawa ang mga palaisipan at pagsubok na lagi niyang binibigay sa 'kin.
"Haaayyy! Bakit ba nandito na naman ako sa mga englisherang halimaw na 'to!"
Napatingin ako sa babaeng bobo na kasama na mahilig magmagaling.
"Hoy! Nakadaan na ako rito 'di ba? Padaanin niyo na lang ulit ako kahit hindi na 'tong kasama ko!" sabi niya at dumila pa sa 'kin.
Parang bata eh.
"Our riddle is the key. Answer this young lady," nakangiting sabi naman ni Leikisha. Parehong-pareho siya ng ngiting meron ang nanay ko.
Palagi siyang nakangiti pero ang totoo malupit siyang nilalang. She tried to deceive people with that smile.
Naiiling ako sa mga nakikita ko sa dalawang ogre na 'to. Ayoko nang alalahanin ang mga magulang ko pero mukhang hindi ko sila makakalimutan dahil sa UNDERTAKING.
"Oo na! Sabihin na 'yang riddle na iyan! Hindi niyo naman sinasabi 'yong sagot eh."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Marievic. Anong 'di sinasabi ang sagot?
"Repeating word. Lets forget the sword," pagsisimula ni Beshanti. "Win the game. Or begin again and again," pagtutuloy naman ni Leikisha. "What's the key?" sabay nilang tanong matapos no'n ay nag-iba na ang aura at facial expression nila.
Pa'no ba naman, kapag hindi nasagot ang riddle, bigla nalang nilang ilalabas ang espada nila 'tapos ay pupugutan ng ulo ang gamer na nasa harap nila. Then game over.
Gaya ng madalas na ginagawa ng mga magulang ko, 'pag nagkamali ako. Sila pa ang unang magpapamukha sa akin no'n.
Akmang sasagutin ko na ang sinabing riddle ng mga ogres nang unahan ako ng babaeng 'to.
"Again?"
Kaagad na tumabi sa pagkakaharang sila Beshanti at Leikisha sa gate na magiging daan upang makatawid sa sunod na level. Habang ako ay hindi makapaniwala dahil nasagot ng babaeng 'to ang riddle na iyon?
"Ayaaann! Ang galing talaga! Tara na Nixon Cerafico!" at hinatak niya na ako.
Pagkatawid namin sa gate, kaagad itong sumara at nasa iba na kaming lugar, ang Level 2, the Rabbit Warren.
"Hindi ko talaga mainti----"
________________________________________________
Hindi ko na narinig ang mga sunod na sinasabi ng babaeng 'yon nang bigla na lang lumiwanag ang buong paligid pagkatapos no'n ay dumilim.
"Nixon!"
Kaagad na dumilat ang mga mata ko matapos kong marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Kakaiba na naman ang paligid. Mga apparatus, mga high tech na bagay, si Lora, si James the boyfriend, ang mga tauhan ko. Iyon ang mga sumalubong sa 'kin.
Napapikit muli ako nang makaramdam ako ng sakit sa ulo.
Nasa virtual room na ulit ako. Nakalabas na ulit ako sa game.
"3 minutes, Nixon."
Muli kong idinilat ang mata ko sa sinabi ni Lora.
"3 minutes?" nagtatakang tanong ko.
"Tatlong minuto para matapos ang Level 1. Masiyadong matagal 'yon para sa pinakamadaling level," nakataas ang kilay na sabi ni Lora.
"Its not my fault. Its that Andres' fault. Masiyado siyang madaldal."
"Sinisi mo pa ang girlfriend ko."
Hindi ko pinansin ang komento ni boyfriend na sumabat nalang bigla. Hindi naman siya kasali sa usapan.
"Whatever. Papatulugin ulit kita, get it? Magigising ka ulit, once na matapos ang Level 6. Iyon ang goal mo na iseset ko this time."
Pinikit ko nalang muli ang mga mata ko at hinintay na lamunin muli ng antok ang ulirat ko.
________________________________________________
Muling nagising ang ulirat ko. This time, a rabbit greeted my view. 'Yong rabbit na 'yon ay nakatingin sa akin na parang isa akong kakaibang nilalang. Which is true. All my life, I am different.
Inabot ko ang gem stone na nakasabit sa leeg ng rabbit, at automatic na umilaw iyon.
'100 points was added to the power points of Player 2: Nixon'
Napangisi ako sa narinig kong 'yon. Matapos no'n ay nawala na 'yong rabbit.
Huminga ako ng malalim at tsaka ako bumangon mula sa pagkakahiga. Nilibot ko ang tingin ko at nandito pa rin ako sa simula ng Rabbit Warren. Nasaan naman kaya ang babaeng 'yon?
Jeez.
"Hoy babae!"
Nagsimula na akong maglakad. Lumiko ako sa kanan ng maze. Yes. Rabbit Warren is a fucking maze. Kahit ako mahihilo rito. But I know better. Hindi ako puwedeng gano'ng malayo sa starting point dahil nando'n din naman ang easy exit.
"MARIEVIC ANDRES!"
Nasaan na ba ang babaeng iyon? Bwiset. Pampatagal talaga kahit kailan eh.
Akmang liliko ako sa kaliwa nang may marinig ako.
"Bakit ba ang cute cute niyong mga rabbit kayo? Hindi ko talaga makaya na kunin 'yang mga gem stones. Naiiyak ako."
Napataas ang kilay ko sa nakikita ko. Ang nagmamagaling na babae na nakaungkot sa harap ng kuneho at kinakausap ito na para namang sasagot sa kan'ya.
"Kung hindi mo kukunin 'yang gem stones, walang mangyayari sa'yo. At tsaka, those rabbits aren't real for fuck sake."
Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya na parang nakakita ng multo.
"Hoy! Nixon Cerafico! Aba at bumalik ka!" kaagad siyang lumapit sa akin.
"Kailangang matapos ang 31 levels, malamang babalik pa ako." And then I shrugged my shoulders as if things aren't big deal.
"Pero kahit na, hindi ka naman pala trapped dito tulad ko. Bakit bumalik ka pa?"
"Kasi nga, masiyado kang bobo para iwan ka rito mag-isa. Tara na." at nagsimula na ulit ako maglakad pabalik sa starting point ng Rabbit Warren.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    m******2@gmail.com

    wow it's so nice💓 highly recommended

    05/04/2022

      1
  • avatar
    Andrea Hulip

    I HIGHLY RECOMMEND THIS STORY!! NAPAIYAK AKO HUHUHU

    04/02

      0
  • avatar
    Catherine Menor

    Super ganda! I really love sci-fi and this is so satisfying to read. Hindi ko talaga tinigilan hanggang matapos. Kudos writer! More please

    11/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด