logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 Undertaking is my Crazy Self

Nixon's POV
"Dapat gumana ito Ms. De Villa kung hindi katapusan na nating lahat 'to."
"No Sir. Katapusan mo ito kapag hindi 'to gumana. So, you must do everything in your will to make it happen."
I heaved a deep sigh before I finally closed my eyes. Naramdaman ko ang pampatulog na itinurok sa braso ko. Kaagad kong naramdaman ang epekto nito. My consciousness is starting to doze off.
Sana gumana nga 'to. I don't want to experience a downfall.
***
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa'kin. Masakit ang ulo ko, hinihingal din ako at pakiramdam ko hindi ako makahinga.
Nasa loob na ba ako ng UNDERTAKING?
Inikot ko ang tingin ko sa paligid ko, isang mahabang passageway na parang walang dulo. I know this place.
The Corridor.
Kahit hindi pa okay ang pakiramdam ko, at mukhang nag-aadjust pa ang utak ko sa mga nangyayari, kailangan ko nang kumilos. Pinilit kong tumayo at maglakad para mahanap ang babaeng pakay ko rito.
Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Dapat 'andito na rin siya dahil bago ako tuluyang makatulog, alam kong nare-start na ang game progress niya.
Nagsimula na akong maglakad. Pamilyar na pamilyar sa akin ang Corridor. Passageway ito na masikip, at sobrang maliwanag. One way lang 'to, at ito ang pinili kong setting para sa level 1 dahil ang tanging daan lang na pwedeng gawin ng player ay umabante at hindi na puwedeng bumalik. Kada hakbang paabante ay nadagdagan ang life power ng player pero isang hakbang pabalik, 50% ang maaaring mawala sa life power.
Napangisi ako sa naisip kong logic sa likod ng Corridor. That's exactly how life is. Since I was a child, I believe that to gain something, you have to keep going.
Mahaba ang daan ng Corridor. Boring I know. Pero gano'n naman kasi lagi kapag nagsisimula.
"Sino ka?"
Natigilan ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. So, the ever famous gamer of UNDERTAKING, Ms. Marievic Andres.
"Nice to finally meet you, Ms. Andres."
"Kilala mo ako?"
Obvious ba na kilala kita? Nasabi ko nga pangalan mo eh. Pero hindi ko sinabi 'yan. Wala akong balak magpaliwanag sa mga mahihina ang utak na tulad niya.
"I'm Nixon Cerafico."
"Hindi ko naman tinanong ang pangalan mo? Ang layo ng sagot mo boy!"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. What the heck? Bobo na nga, pilosopo pa.
"You didn't ask for my name but I think you ought to know it."
"'Wag mo nga akong ini-english. Tinatamad akong kausapin ang mga taong pabibo."
Napakapalengkera ng bibig! Hindi ako makapaniwalang may nauto 'tong lalaki. Mga babaeng tulad niya 'yong mga tumatandang dalaga eh.
"Anyways, I'm Nixon Cerafico." pag-uulit ko sa pangalan ko.
"Oh? Ano naman?" nakataas pa ang kilay niya. Jeez. Ang panget, hindi bagay sa kan'ya.
"Im Nixon Cerafico. Doesn't my name ring any?"
"Sabing 'wag akong ini-english. At tsaka, wala namang tunog akong narinig no'ng sinabi mo 'yong pangalan mo." at nagkibit balikat pa siya.
What a clueless individual! I pity her.
"Hindi mo ako kilala?"
"Hindi. Dapat ba kilala kita?"
Mababaliw ang lahat ng makakausap ng babaeng ito. Paano kaya talaga siya nagka-boyfriend?
Naiiling nalang ako bago nagsimula na ulit maglakad. Bakit ko ba kailangang tulungan ang babaeng 'to? Bwiset.
"Hoy! Hintayin mo 'ko! Aba! Matapos mo akong kausapin, gano'n nalang 'yon?" at humabol nga siya sa akin.
"Bilisan mo. Kailangan nating matapos ang larong ito sa lalong madaling panahon." at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.
"Teka. Teka. Teka." at hinila niya ang braso ko na kaagad ko namang binawi. Anong karapatan ng babaeng itong hawakan ako? Ayoko sa mga bobo.
"'Wag mo na ulit akong hahawakan, naiintindihan mo?"
"Ang arte. Anong mangyayari kung hahawakan ulit kita?" nanghahamong tanong niya.
"Ewan ko sa'yo. Bilisan mo. Kailangang matapos ang larong 'to." at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
"Sandali nga! Pa'no matatapos ang larong 'to kung mabagal mag-update 'yong game master?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Anong sabi niya? Mabagal mag-update?! Baliw ba siya! Huminga ako ng malalim bago ko muling nilingon ang babaeng 'to na namumuro na sa akin kakainsulto.
"Mabagal mag-update? Tingin mo gano'n kadali mag-update ng game? Sa tingin mo mabagal pa rin ung pag-a-update ng once a month? Ako ba binubwiset mong babae ka?"
Nanlaki ang mata niya 'tapos ay halata ang kalituhan sa mukha niya.
"'Wag mong sasabihing mabagal mag-update ang game master. Unang-una hindi gano'n kadali maggenerate ng mga codes kada update. Pangalawa, 'yong concept pa lang, pinag----"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang tumawa ang baliw na babaeng ito.
"HAHAHAHA. Bakit ka galit? Ikaw ba 'yong game master?"
Natahimik ako sa tanong niya.
"Hindi."
"Oh hindi naman pala. Bakit wagas ka makadefend sa game master? Totoo naman 'yong sinabi ko. At tsaka, bobo ata 'yong game master na iyon eh. Nasa level 32 na ako 'tapos nandito na naman ako sa Corridor? Ano 'to, gaguhan?"
Bwiset talaga 'tong palengkerang babaeng ito. Hindi na ako natutuwa sa mga naririnig ko sa bibig niya. And I don't have enough temper to tolerate an organism like her.
Kaya naman.
" ARAY! Ano 'yon?! Bakit mo kinurot 'yong ilong ko!" at hinimas-himas niya pa ang ilong niya.
"Ang tangos pala ng ilong mo." then I shrugged my shoulder and continued walking.
"M-matangos 'yong ilong ko?"
Hindi ko na pinansin ang tanong niya tungkol sa ilong niya. Tss. Matangos naman talaga ang ilong niya pero kinurot ko 'yon dahil mabait ako at ayokong manapak ng babae.
"Hindi ang game master ang may kasalanan kung bakit nagrestart ang progress mo. Nagkaproblema sa game dahil sa isang virus na nagcommand sa game system na ilabas ang level 32 kahit na prototype version pa lang. Kailangang alisin iyon dahil 'di pa maayos iyon. At dahil nando'n ka, kailangan kang ilagay sa ibang level para maalis ang level 32." at hinarap ko siya.
"Bakit hindi na lang ako ginising?'
"Rule of the game ang kailangang tapusin ang isang level bago magising 'di ba? Hindi mo tapos ang level 32, pa'no ka magigising?"
"Eh 'di kapag natapos ko 'tong level 1, magigising na ako?"
Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Level 32 ang kailangang matapos tsaka ka lang magigising. Tsaka ka lang makakaalis sa game."
"Ano?! 31 levels? Kailan tayo matatapos niyan? After a year?"
"Kailangan matapos less than 72 hours."
"Baliw ka na. Impo---"
"Posible 'yon. Kaya nga ako nandito." at nginisian ko siya na ikinataas ng kilay niya.
"Ano naman kung nandito ka? Ako ang pinakasikat at pinakamagaling na player ng UNDERTAKING. Im Marievic Andres! The ruler of UNDERTAKING."
Matalak na. Pilosopo pa. Mayabang pa.
"Tsk. Mas alam ko ang larong 'to. 'Wag kang magmagaling babae."
"Hindi ako nagmamagaling! Totoo ang sinasabi ko. 'Yong mga adventures ko sa UNDERTAKING ang most viewed sa mga online broadcasts sa Illusion. Ako----"
Hindi na naituloy ng mayabang na organismo na 'to ang mga sinasabi niya nang makaharap na namin ang mga bantay ng Corridor, Beshanti and Leikisha, ang mag-asawang ogre na binase ko sa mga magulang ko.
Napangisi ako sa naalala ko.
Puro talaga mga kabaliwan ko ang laman ng UNDERTAKING.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    m******2@gmail.com

    wow it's so nice💓 highly recommended

    05/04/2022

      1
  • avatar
    Andrea Hulip

    I HIGHLY RECOMMEND THIS STORY!! NAPAIYAK AKO HUHUHU

    04/02

      0
  • avatar
    Catherine Menor

    Super ganda! I really love sci-fi and this is so satisfying to read. Hindi ko talaga tinigilan hanggang matapos. Kudos writer! More please

    11/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด