logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 3 She Was Like An Idiot

NIXON'S POV
***
"Shut down all the gaming operations today. Don't allow another user to play UNDERTAKING. The whole Illusion must stop."
"Paano natin ipapaliwanag ang pagtigil ng buong operations ng Illusion sa mga customers? At sa media? It was so sudden Nixon. The media will surely intervene."
"Basta, wala nang ibang maglalaro ng UNDERTAKING. Let me handle the people and the media, Lora. Check the virus that infiltrated the system and then troubleshoot everything on the testing section. Look for other possible solutions for this situation."
Matapos ng mga sinabi ko kay Lora, kaagad kong isinuot ang coat ko at ang maskara na nagtatago sa mukha ko sa loob ng tatlong taon bilang game master. Simula nang makilala ng mundo si Nixon Cerafico, wala nang nakakita ng mukha ko mula noong labingwalong taong gulang ako bukod kay Lora na aking secretary. I chose to hide my face so that I could be the game master without using the identity of Nixon. The mask also hid the diagonal scar across the bridge of my nose.
I was never proud of this scar because it always reminded me how cruel my life was before I was recognized as the eighteen-year-old genius who pinoneered virtual reality gaming industry in the country.
At panghahawakan ko ulit ito, UNDERTAKING would make it. Hindi virus ang sisira sa tatlong taon na pinaghirapan ko.
Time to face the world, I guess?
"Mag-ingat ka, Nixon."
"Ayusin mo 'yung system, Lora." Nakangisi akong lumabas ng opisina ko para bisitahin ang kahariang binuo ko.
Pagkababa ko sa gaming level kung saan nangyayari ang lahat ng kasiyahan ng mga taong naglalaro sa mga games na ino-offer ng Illusion, kaagad ako sinalubong ng mga kakaibang tingin. Ano pa nga bang ini-expect mong reactions ng mga tao kung makakakita sila ng isang taong nakamaskara na parang ewan?
"Ang game master!"
Natigilan ako sa aking narinig. Kaagad kong nilingon ang tumawag sa akin no'n. Isang bata na puno ng paghanga ang mga mata ang sumalubong sa akin.
Napangisi ako.
"Kilala mo ako?"
"Ikaw ang game master, 'di ba? Nakita kita sa Triangle. Nandoon ka sa last level nung game."
"So, natapos mo na ang Triangle?"
"Opo! Gusto kong sunod na laruin ang UNDERTAKING 'pag nag-eighteen na ako."
Nagkibit balikat ako sa sinabi ng batang 'yon at tsaka siya iniwan.
Speaking of UNDERTAKING.
Kaagad akong tumungo sa information desk para i-open ang mga speakers at ilahad ang napakaimportanteng anunsyo na dala ko.
"Sir!" Kaagad na yumuko sa akin ang employee ko na nasa information desk.
"I need to announce something."
"Ano po 'yon? Isulat niyo na lang po para mabasa ko—"
"No. I need to announce it personally."
I heaved a deep sigh. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa microphone habang tinitingnan ang maraming tao na tumatangkilik sa aking kumpanya.
"To all of our beloved customers, this is your game master. I'm sorry for the inconvenience but the Illusion has to shut down all the gaming operations for today. There's a sudden and unexpected system glitch that we have to address. On the other hand, all of your membership cards will have additional points to compensate for the inconvenience and all of you will receive an upgrade for the current weapons or levels you have in your game. I hope these compensations will be enough for your understanding. Thank you."
Sari-saring reaksyon ang ipinakita ng mga customers pero wala akong pake. Kailangan matigil ang lahat ng operations.
Matapos ang announcement na iyon, kaagad akong dumiretso sa station ng UNDERTAKING.
"Sir, the UNDERTAKING can not be stop. Malalagay po sa alanganin—"
"Hindi ititigil ang UNDERTAKING. But cut off the online broadcast. Nasaan ang player, by the way? At ano ang current status niya sa laro?"
Kaagad iniabot sa akin ng operation manager ng laro ang tablet kung saan mapapanood ko ang mga nangyayari sa player sa loob ng game. Dahil cut off ang online broadcast ng game, hindi ko magagamit ang malaking screen para panuorin ang mga ginagawa ng gamer.
Napakunot ang noo ko sa nakita ko sa tablet.
"Babae si Marievic Andres?"
"Yes, Sir."
Napataas ang kilay ko sa aking nalaman. Ang gamer na palaging pinipilit akong gumawa kaagad ng mga updates para sa UNDERTAKING dahil mabilis niyang natatapos ang laro ay isang babae? What a revelation.
"Status?"
"Ms. Andres is currently repeating the level 32 for the third time now. Sa tuwing makakaharap niya ang mga traps ng Sinister sa 'Chancy Dome', nagkakaroon ng intervention. Biglang nawawala 'yung Sinister at nami-misplace ang mga traps na nagiging dahilan para ma-game over siya. Hindi rin dapat nakakapag-teleport ang Sinister sa buong game. Nandoon lang dapat ito sa loob ng salamin. At tsaka hindi naman dapat siya ang villain. Intervention lang ang role niya sa level na 'yon, Sir." Napabuntong hininga ang operation manager. "Technically, everything was not working properly in level 32. The exact reason why the gamer can't complete it."
Pinanuod ko ang nangyayari kay Ms. Andres. Hindi ko alam pero dapat kabahan ako dahil kung paulit-ulit lang ang nangyayari sa kaniya sa loob ng game, hindi niya matatapos ang level. Ibig sabihin, hindi sya magigising at makakalabas sa game.
Pero natatawa ako. Natatawa ako sa mga kabaliwang sinasabi niya dahil sa mga hindi maipaliwanag na nangyayari sa loob ng laro.
"Putapete naman oh! Ano bang nangyayari sa larong to?! Bakit walang kwenta yung Sinister?! Ano 'to? Lokohan?!"
Napataas ang kilay ko sa sinabi ng gamer na 'to. Para sa isang babae, napakadumi naman ng bibig niya.
"G*go yung game master! Ang b*bo ng update mo ngayon! Alam kong naririnig mo 'ko! Lintik ka! Ayusin mo 'tong level na 'to! Daming butas! Wala naman atang makakalagpas sa level na 'to eh!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babaeng 'to. Ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yon sa game master! Player lang siya! Buti na lang 'di ito naka-live broadcast kung hindi, maririnig ng mga tao ang mga pang-iinsulto niya sa akin. Ang kapal ng mukha!
"Sir. 'Wag po kayong ma-offend kay Ms. Andres. Gano'n lang po talaga siya magsalita."
Napatingin ako sa operation manager dahil sa sinabi niya.
"Sa pagkakasabi mo, parang kilala mo talaga ang gamer na 'to."
"Ahh... Sir. Girlfriend ko po kasi sya."
Napataas ang kilay ko sa sinabi ng employee ko. Ano 'to? Naglalandian sila dito sa business ko. Kaya ba laging 'andito ang babaeng 'to dahil boyfriend niya pala ang operation manager ng larong 'to.
"Don't tell me you are giving her a discount kaya afford niya ang paglalaro ng UNDERTAKING."
"Hindi po, Sir! Against the rule po iyon!"
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. 'Buti naman.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa boyfriend ng Marievic na 'to.
Mabuti na rin na employee pala ng kompanya ko ang boyfriend niya. At least, mas madali ang magiging pagpapaliwanag ko sa mga nangyayari.
"Ako po si James Lopez. Bakit, Sir?"
"James Lopez huh? Okay. Lets go to the room where her body is lying."
Dumiretso kami sa simulation room kung saan nakahiga ang player ng UNDERTAKING para matulog. The game was utilizing the gamer's brain's subconscious by connecting some sensors. These sensors would stimulate the subconscious to create a temporal continuity where the game would take place like a dream. By this manner, the gamer would play the game as if he was really in it. That process was called 'immersion', the logic of virtual reality gaming.
"Sir, ayokong mangielam pero ano pong nangyayari? Bakit biglaan 'yung pagsasara ng Illusion? May nangyayari po ba?" tanong ni James Lopez habang tinutungo namin ang simulation room.
"Things went wrong. We have to cut the operations to prevent the further damages."
"Paki-explain, Sir. Nag-aalala na ako para sa girlfriend ko. She's still unconscious there."
"Dapat ka talaga mag-alala dahil ang UNDERTAKING ang may problema," walang pag-aatubili kong sinabi sa kaniya. I gave him a sideway glance before I shrugged my shoulders.
"May problema sa UNDERTAKING?" James Lopez matched my pace in walking. "Sir, mawalang galang na, pero pinagloloko mo ba ako?"
"I have no time for joking around. Sumunod ka sa 'kin, James Lopez. Pagkatapos nating tingnan ang katawan ni Ms. Andres sa simulation, didiretso tayo sa testing team at doon maipapaliwanag sa 'yo kung ano'ng nangyayari."
Gano'n nga ginawa namin.
In the simulation room, some of my employees were there to check her vitals. A doctor was on standby to monitor her health and some additional apparatus were attached in her body to make sure things were monitored properly.
Nang masigurong maayos pa naman ang brain condition ni Ms. Andres, sunod kong tiningnan ang current algorithm ng level 32 na napasok ng virus. Una ko nang pinalabas ng simulation room si James Lopez.
My team told me that virus infiltrated the while loop of the iterative process of the level 32's algorithm, corresponding to the Sinister's role in the level. Fragmented din ang codes para sa settings ng level 32 dahil sa failure of execution ng while loop ng Sinister which explained why the traps were misplaced in the levels.
"We are our best in the technical team to remove the virus, Sir."
Tumango ako bago huminga nang malalim. Bago tuluyang lumabas ng simulation room, tiningnan kong muli ang babaeng nakahiga ngayon, natutulog, at abalang nilalaro ang UNDERTAKING sa panaginip niya.
My jaw clenched as my brain ran all the possible scenarios that would happen if I failed to save this woman.
"Why do you have to be so persistent?" I asked her before shaking my head.
I really need to troubleshoot this and save this Marievic Andres, who was pretty but looked like an idiot. No offense but that was my first impression of her.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    m******2@gmail.com

    wow it's so nice💓 highly recommended

    05/04/2022

      1
  • avatar
    Andrea Hulip

    I HIGHLY RECOMMEND THIS STORY!! NAPAIYAK AKO HUHUHU

    04/02

      0
  • avatar
    Catherine Menor

    Super ganda! I really love sci-fi and this is so satisfying to read. Hindi ko talaga tinigilan hanggang matapos. Kudos writer! More please

    11/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด