logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6

“Mr. Castro, Ms. De Mesa, go to the Guidance Office now,” mariing utos ni Ma’am.

Una akong tumayo at sumunod naman siya. Sa daan, wala kaming imikan. Napakabagal ng takbo ng oras. Gusto ko nang umuwi at magkulong na lang sa kwarto.

‘Masama ba akong tao? Bakit parang pinaparusahan ako ng langit ngayon?’

Mayamaya pa’y dumating na rin si Ma’am Zantua sa likod at una itong pumasok ng opisina. Sinabihan niya kami na maghintay saglit sa labas.

Ito ang kauna-unahang beses na maga-guidance ako at lintek lang dahil graduating student pa naman ako. Baka mamaya ay maiwan ako sa fourth year! Makulit lang ako at maingay pero hindi ako pasaway.

‘Hindi maaari! Pipilayin ako ni papa, for sure, kapag nangyari iyon!'

Panay ang kutkot ko sa daliri ko sa sobrang nerbyos samantalang si Rain naman ay kanina pa ako tila pinapatay sa isip niya dahil sa talim ng mga titig niya. Mayamaya pa'y biglang bumukas ang pinto ng Guidance Office at pinapasok kami ng isang babaeng nasa edad trenta na yata at nakasuot ng black slacks at light blue long sleeves.

“I will leave now. Babalikan ko pa ang klase ninyo. Let this be a lesson for both of you,” malumanay na sabi ni Ma’am bago niya tuluyang nilisan ang office.

Samantala, pinaupo naman kami ni Rain sa magkabilang silya sa harap ng desk ng Guidance Counsellor.

“Hmm. I think pareho kayong baguhan sa opisina na ito. I know you, Ms. De Mesa, pero hindi ako pamilyar sa kasama mo. You are?” aniya na bumaling kay Rain na noo'y nakatitig sa isang painting ng malawak na karagatan sa wall ng office ni Ms. Amor, ang Guidance Counselor ng school.

“Rain Castro,” tipid nitong tugon na hindi man lang tumitingin sa mata ng kausap nito.

“Oh, you're the transferee. Ms. Alvi's nephew. Alright, ang sabi lang sa akin ni Mrs. Zantua ay nag-ingay kayo sa klase kanina while she's talking in front. Is that true?” malumanay ang kaniyang pagkakatanong kaya't hindi ako kinabahan man lang.

“Yes, miss, pero—” natigilan ako. Nakaisip na ako ng pangganti kay Rain sa pananakot niya sa akin.

‘Alright, revenge time, Jas! Go!’

Bahagyang kumunot ang noo ni Miss Amor. “Pero?”

“Kasalanan po kasi ni Rain! Nadamay lang po ako! Siya po kasi, nakikiupo lang naman ako sa tabi niya dahil na-late ako ng pasok. Napatagal po kasi ang pagre-review ko sa may covered court tapos kung anu-ano na ang sinabi!” dire-diretso kong bulyaw. Hinihingal-hingal pa ako pagkatapos dahil kabado ako sa pagsisinungaling ko.

Biglang napatayo naman si Rain at muli na naman akong binigyan ng death glare niya. “Liar!” sigaw nito na akala mo kami lang ang tao sa loob ng opisina ngayon.

“Ako? Ikaw naman talaga ang may kasalanan! Dahil sa iyo, first time kong na-guidance!” singhal ko naman sa mukha niya. Bakit nga ba sa mga ganitong pagkakataon ay lumalakas ang loob ko? Pero kapag may nakakasalubong akong aso ay naiiyak ako sa takot.

“Stop it! Both of you!” Hindi na nakatiis si Ms. Amor dahil sa sigawan namin at ipinagitna ang katawan niya. Inilahad niya rin ang mga kamay niya para paglayuin at patigilin kami ni Rain sa pagsasagutan.

Nagkatinginan muna ulit kami nang matalim bago kami pare-parehong umayos ng upo. Napayuko na lang din ako at ikinuyom ang mga kamay ko. Tumikhim muna si Ms. Amor bago muling nagsalita. “Hindi ko alam kung sino talaga ang may kasalanan . . . as you are both accusing each other. Clearly, may isang nagsisinungaling sa inyo. To settle this, pareho ko na lang kayo bibigyan ng punishment to learn your lesson. You will both be assigned to the library for one week after school. Dahil sa maingay kayo ay ilalagay ko kayo sa tahimik na lugar.”

Halos bumagsak ang balikat ko sa parusang ipinataw sa amin. Samantalang patuloy akong tinatapunan ni Rain ng death glare niya. Paglabas namin ng guidance office ay kinorner niya ako sa may pader ng corridor. This time ay parang nag-aapoy na ang mata niya sa galit.

“Final warning,” maikli pero nakakapangilabot nitong wika. Naiwan akong sapu-sapo ang dibdib ko dahil sa labis na takot.

‘Jas, you’re dead! You messed with a killer.’

5:00 pm (Class Dismissal)
“Besh, may loose powder ka? Pahingi naman, phulease!” May pag-puppy-eye look pa na sabi ni Aemie. Manghihingi lang ng pulbos.

“Naku ka talaga, Aemie, dapat yata pulbos ang hingiin mong regalo sa mga nanliligaw sa’yo!” sita ni Belle na nagsusuklay.

“Ah, hello? I have pressed powder!” iwinagayway niya pa sa harap ni Belle ang compact mirror niya.

“Eh, ba't nanghihingi ka pa ng loose powder?” tanong ni Belle na nakapameywang.

“Ah, that's because loose powder offers great lightweight coverage and works well for those prone to oily skin like me. Ayoko magmukhang prituhan ng egg ang face mo, ‘no?” maarteng sagot naman ni Aemie sabay flip pa ng hair.

“Did you know na according sa isang registered pharmacist from Odesha . . . using loose powder have the following side effects. Itching, scars, change in color of skins, rashes, and redness of your skin due to incompatibility or due to allergy. Some people are allergic to certain kinds of foods, medicines, et cetera,” Mahabang paliwanag naman ni Belle na sinapian na naman ni Grolier at Webster.

“Ew! Ayoko magka-rashes ang face ko! Get that evil thing away from me!”

Pareho na lang kaming natawa ni Belle sa kaartehan nitong si Aemie. Kahit kailan talaga. Pero sa loob-loob ko ay mabuti na rin siguro itong wala silang alam sa pinagdaanan ko sa kamay ni Rain at baka pati kasi sila ay madamay.

Hindi ko rin pala sinabi sa kanila ang about sa punishment namin ni Rain dahil baka pumunta sila at asarin lang ako nang asarin doon. Sinabi ko na lang kanina na pinagsusulat lang kami ng letter of explanation para hindi na sila mag-usisa pa. Kapag nagkataon kasi ay baka madagdagan lang ang parusa ko at ma-extend ang pag-stay ko sa library. Hay.

Halos mag-a-alas singko y medya na kaya nagpaalam na ako. “Ah, beshies, mauna na kayo ulit, ha? May kailangan pa pala akong daanan sa library,” sambit ko habang nagliligpit ng mga gamit ko.

Tumigil naman bigla si Belle sa pagsusuklay at iniharap ako sa kaniya. “At ano naman gagawin mo sa library? Eh, wala naman tayong assignment?” nagdududang tanong niya. Bihira lang kasi kami pumunta ng library sa loob ng isang taon kaya’t nagtaka sila.

Napalunok ako sa pagkataranta dahil sa biglang pagtatanong nitong si Belle. Malakas pa naman siyang makaramdam.

'Naku, Jas! Isip ng palusot, quick!’

Naalala ko bigla iyong activity na binanggit kanina ni Ma'am Zantua. “Ah! Ano . . . para sa activity ni Ma'am Zantua. Tama, iyon nga!” excited kong paliwanag.

Belle just gave me a questioning look while Aemie just nodded her head.

“Mmkay! See you na lang bukas, besh!” ani Aemie.

Bineso muna nila akong dalawa saka lumabas na ng restroom samantalang naiwan ako na nag-iisip kung anong mangyayari mamaya sa amin ni Rain.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (30)

  • avatar
    Ehem Embroid Overruns

    good story

    23/06/2023

      0
  • avatar
    Athanasius

    Kudos to the author for creating this amazing story!💚💚

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Migothecat

    highly recommended 💜 keep it up miss author

    14/04/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด