logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER SIX

Chapter Six: The Visit
"Your father has an offer from AAF."
Pinisil ni Mommy ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. I could sense her uneasiness. Parang nagdadalawang-isip siya na buksan ang usapin tungkol dito. I squeezed her hand too para maiparating na nakikinig ako.
Bumuntong hininga si Mommy. "Pero di niya pa tinatanggap. Gusto niya munang sabihin ko sa'yo dahil kung tatanggapin niya ang offer, there's a chance na mananatili siya rito. But...he's willing to compromise, kung ayaw mo..." Mom weakly smiled at me.
I swallowed the lump in my throat. Maganda sa pakiramdam na bawat desisyon ng pamilya ay hinihingi ang opinyon ko. That's how they trust and love me...na madalas gagawa talaga sila ng paraan para yong kagustuhan ko ang mangyari. Pero napagtanto ko na, napakaselfish non. Spoiled ako masyado, hindi ko man iniisip dati kung gusto ba talaga nila ang gusto ko. Just like what happened ten years ago. Nagdemand akong umalis kami agad-agad pagkauwi ko ng bahay galing sa baybayin. They asked me pero iyak lang at pagwawala ang sinasagot ko. Sa gabi ring iyon ay umalis nga kaming lahat pasiyudad. Pero isang buwan lang si Nanay Carol at bumalik siya sa Beachwood pagkatapos para may magbantay sa bahay.
Those times, ang problema ko lang ang iniisip ko. Di ko man lang natanong ang mga magulang ko kung ayos lang ba sa kanila na sa siyudad na kami permanenteng tumira. I'm aware that Mom really love Beachwood, it's our hometown. Dad already established a name in engineering department. Tanyag na ang pangalan niya, marami ang kumukuha sa kaniya. Pero isang utos ko lang na umalis ay iniwan nila lahat.
I was hesitant at first month, kasi importante kay Daddy ang trabaho, tatlong project ang hina-handle niya sa mga oras na 'yon. Pero sabi niya kaya naman daw. That his job could be done virtually too, or with the help of technology and internet. Pero may mga kliyente siyang demanding. They want his personal supervision sa mga building na pinapagawa. Kaya pabalik-balik siya sa Beachwood tapos uuwi sa siyudad. It's stressing him, and I know pinoproblema rin ni Mommy ang kalusugan naman ni Daddy.
Dad is very dedicated to his job, he could sacrifice sleep and food to finished his works. Sa paglipas ng taon, naririnig ko na sila ni Mommy na nag-aaway sa tuwing akala nila ay tulog na ako. They tune down their voice but I could still hear them arguing. Masakit isipin at tanggapin na ako ang dahilan kaya nagkakaproblema ang mga magulang ko.
One time, I talked to my Mom to convince Dad to stay at Beachwood. Mas convenient at mas less stress kung andun siya since ang mga kliyente niya ay pawang mga taga-roon. Pero pinag-awayan nila ito. Dad doesn't want to leave us. He doesn't mind if he'll be stressed forever basta kasama niya kami. It's sweet, but it's not practical. From that day, I always cried up to my sleep because it's my fault but I can't go back to Beachwood.
Dahil sa katigasan ng ulo ni Daddy, nagsimula na siyang magkasakit. Noong una nakakaya naman sa over-the-counter na mga gamot. Pero grabe na pala ang iniinda ni Daddy na hindi niya pinapakita samin ni Mommy.
One morning, nagising ako na tahimik ang buong bahay. Walang ingay ng radyo na palaging pinapatugtog ni Mommy sa umaga, wala si Daddy sa usual na upuan niya. Nobody's home, except me. There are a lot of possibilities kung saan sila, but my gut feel and my rapid heartbeat that time is telling me that something was wrong. I tried dialing their phone number, pero nahanap ko ang parehong cellphone nila sa kanilang kwarto. I even dialled Nanay Carol na nasa Beachwood, to asked about my parents' whereabouts pero di niya alam.
I was about to go out and find them nang dumating si Mommy na namumugto ang mga mata. She told me what happened. Dad had a heart attacked. Madaling araw at tulog na kaming lahat but Mom was awoken by Dad's tight gripped on her hand. Kaya sinugod agad ni Mommy si Dad, without waking me up. They don't want me worry. And I felt so bad. Lahat ay kasalanan ko, ako ang ugat ng lahat. Thankfully, nakarecover si Daddy. But I couldn't risk another attack if his routine continues. Kaya kahit may takot pa ako. Naglakas loob akong humiling sa kanila. Nagsinungaling ako na gustong-gusto ko ng umuwi ng Beachwood. Pero hindi sila pumayag. They want me to finished my studies first, to take the board exam and then, maybe we could go back to Beachwood. Sa lahat ng bagay, kapakanan ko pa rin ang iniisip nila.
I smiled to my Mom and give her a reassuring nod. "Ang dami niyo na pong sinakripisyo para sa'kin. My opinion shouldn't be a hindrance, Mom."
Aalma pa ata si Mommy nang magpatuloy ako. "Nong hiniling ko na bumalik po tayo rito, hindi bakasyon po ang gusto ko..." I swallowed and pushed away the what ifs, "I want us to stay here for good. Please...do what you want Mom. Tell Daddy too, that he should do what his heart wants." Pinisil kong muli ang kamay ni Mommy, nanunubig ang mata niya. "I'm okay, Mom. I'm alright. Don't worry about me." I assured her.
Mom suddenly embraced me.
Napapikit ako habang yumayakap pabalik. I felt so good. Parang sa unang beses, may nagawa akong tama.
~✧~
I flipped the page of the book I'm reading when someone knocked on my door. Agad akong lumapit at binuksan ang pintuan at nabungaran si Nay Carol.
"Po?" I asked.
"May bisita ka, hija. Nasa sala na, hinihintay ka."
My breathing hitched. Humigpit ang hawak ko sa pinto.
"S-Sino po?" Kinakabahan kong sambit.
It's impossible, it can't be him, right? There's just no freaking way it'll be him!
"Naku, dali na para makilala mo!" Excited na saad ni Nay Carol.
Wala akong magawa at nagpahila dahil masiyadong sabik ang tagapangalaga sa bisita.
I keep my cool and thought of happy things while descending the stairs.
Likod pa lang ng lalaking nakatalikod sa pwesto namin ay napabuga na agad ako ng hangin. That's a relief, it is not him. But who could it be?
Diretso akong pinaupo ni Nanay sa sofang harap ng inuupuan ng lalaki. My attention is on my book na dala-dala ko pa pala. But I could already feel the stares of the man in front of me.
Itinabi ko ang libro sa tabi ko at tumikhim muna bago inangat ang mata sa lalaki.
I stiffened.
"Sa kusina lang ako, maiwan ko na kayo..." Ani Nay Carol.
Humigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay na nasa may kandungan ko.
Ano'ng ginagawa niya dito? Ano'ng kailangan niya sa'kin?
"Good evening." Pormal na panimula nito. Nag-iwas ito ng tingin, di ata nakayanan ang galit kong mga mata. Umigting ang panga nito saka diretsong tumingin muli sa'kin.
Ang kapal ng mukha na magpakita pa sa'kin. Grabe, a monster never really feel any shame at all.
"I apologized if I disturb you in any way. Dapat ay bukas pa sana ako pupunta, but..." He licked his lip and looked at the white paper bag beside him. "my son found your slippers at the beach." Inilipat nito ang paper bag sa mesang pinagigitnaan namin.
Kumunot ang noo ko sa narinig. At nang mapagtanto na naiwan ko nga pala ang tsinelas ko. And what he said made my assumptions real, that redhead boy is really his son.
Di ko sana pag-uukulan ng pansin ang paper bag at balak na paalisin si James kasama ng paper bag niya pero kumakatok ang mukha ng bata sa konsiyensya ko.
Inabot ko ang paper bag at sinilip ito. Napataas ako ng kilay. "Bakit isa lang 'to?"
I glanced at James and saw his smirk pero agad na nawala nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya. He remained a straight face.
What's going on in his head? May masamang plano na naman ba ito?
"The other pair may have slipped when I placed them in the paper bag. I didn't noticed..."
Nagdududa ako sa multo ng ngisi sa mga labi niya. Like he's thinking something funny. I hate how he could be happy while facing the survivor of his evilness.
"Di ka na sana nag-abala. Madami akong tsinelas." Madiing saad ko.
Balak ko nga sanang idagdag kung san niya nakuha ang kakapalan ng mukha niya. Pero nasa kusina lang si Nanay, baka marinig pa.
Seeing him. I realized that I didn't fear him like how I fear the sea. Kung iisipin, dapat sa kaniya ako matrauma dahil siya ang dahilan ng lahat. Mas madali sana kung natrauma ako sa pagmumukha ni James para maging bayolente ako't masampal o masipa ko siya. My emotions will be extreme everytime I'll face him. Mas maganda sana kung ganon.
Pero sinwerte ang halimaw. Sa dagat ako natrauma. But I still hate him. I blame him for every bad things that happened to me. Kung di nangyari ang pagkalunod ko, hindi sana ako aalis sa Beachwood, di ko sana makilala ang pinakahalimaw sa lahat.
Napahawak ito sa batok saka tumawa ng marahan. "Zion insisted. Nag-aalala siya na baka wala dawng tsinelas ang may-ari. I couldn't say no to my son, Angelie."
His son is Zion. Based from what he said, mabait na bata ang anak niya. Which I'm sure minana ng bata kay Ginger.
"How did he know it's mine?" Tanong ko.
"I saw you earlier."
Napatigil ako sa paghinga at kumalma rin nang mapagtantong, wala akong pakialam na nakita niya ako.
Yon ba ang dahilan kaya umalis sila kanina? He saw me.
"Send my gratitude to your son. May iba ka pa bang kailangan? I'm tired. I want to rest." Walang emosyon kong banggit.
Sana naman tamaan siya ng hiya. I am already indirectly shooing him.
Natigilan ito saka kumurap at umupo ng tuwid. "Uh...actually,"
I crossed my arms on my chest and raised a brow at him.
Tumayo ito. "Wala na...I should get going then,"
"Finally!" Masaya kong hiyaw. Nakatitig lang ito sa'kin, pero kinuha ko na ang libro ko at tumayo. "Get lost here." I whispered when I went passed him.
I hope that's the last time I'll be seeing him.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (3)

  • avatar
    Karl TZ Echo

    kapayapaan

    18/02

      0
  • avatar
    Francis Baria

    nice

    21/08/2023

      0
  • avatar

    🥰🥰

    11/09/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด